You are on page 1of 14

TEKSTONG

PERSWEYSIB
MAY PAGKAKATAONG KAILANGAN NATING MANGHIKAYAT NG IBA, KAYA
PAGBUO NG TEKSTONG PERSWEYSIB AY MAHALAGA”
• PROPAGANDA DEVICES
ANG PANGHIHIKAYAT SA TAONG BUMILI NG ISANG PRODUKTO O IBOTO ANG
ISANG KANDIDATO AY ISANG BAGAY NA DAPAT AY MASUSING PINAG IISIPAN.
KUNG MAPAPANSIN , ANG MGA PATALASTAS SA TELEBISYON , SA MGA DIYARYO,
AT MAGASIN AY KINAKAILANGANG MAKAKAPUKAW NG ATENSYON UPANG
UPANG MAPANSIN . ANG MGA EKSPERTO AY SA LIKOD NG PROPAGANDANG ITO
AY MAY MGA GINAGAMIT NA PROPAGANDA DIVICE. ATING ALAMIN KUNG ANU-
ANO ITO:
NAME CALLING

ITO ANG PAGBIBIGAY NG HINDI MAGANDANG TAGURI SA ISANG PRODUKTO O


KATUNGGALING POLITIKO UPANG HINDI TANGKILIKIN . KARANIWANG
GINAGAMIT ITO SA MUNDO NG POLITIKA.
GLITTERING GENERALITIES

ITO AY ANG MAGAGANDA AT NAKAKASILAW NA PAHAYAG UKOL SA ISANG


PRODUKTONG TUMUTUGON SA MGA PANINIWALA AT PAGPAPAHALAGA NG
MAMBABASA/MANONOOD.
TRANSFER
ANG PAGGAMIT NG ISANG SIKAT NA PERSONALIDAD UPANG MAILIPAT SA
ISANG PRODUKTO O TAO ANG KASIKATAN .
TESTIMONIAL

KAPAG ANG ISANG SIKAT NA PERSONALIDAD AY TUWIRANG NAG ENDORSO


NG ISANG TAO O PRODUKTO .
PLAIN FOLKS

KARANIWAN ITONG GINAGAMIT SA KAMPANYA O KOMERSYAL KUNG SAAN


ANG MGA KILALA O TANYAG NA TAO AY PINALALABAS NA ORDINARYONG
TAONG NANGHIHIKAYAT SA BOTO, PRODUKTO , SERBISYO.
CARD STACKING

IPINAKIKITA NITO ANG LAHAT NG MAGAGANDANG KATANGIAN NG


PRODUKTO NGUNIT HINDI BINABANGGIT ANG HINDI MAGANDANG
KATANGIAN.
BANDWAGON

PANGHIHIKAYAT KUNG SAAN HINIHIMOK ANG LAHAT NA GAMITIN ANG ISANG


PRODUKTO O SUMALI SA ISANG PANGKAT DAHIL ANGB LAHAT AY SUMALI NA .
HALIMBAWA: BUONG BAYAN AY NAGPESO PADALA NA.
TEKSTONG PERSWEYSIB

LAYUNIN NG ISANG TEKSTONG PERSWEYSIB ANG MANGHIKAYAT O


MANGUMBINSI SA BABASA SA TEKSTO. ISINUSULAT ANG TEKSTONG PERSWEYSIB
UPANG MABAGO ANG TAKBO NG ISIP NG MAMBABASA AT MAKUMBINSI NA
ANG PUNTO NG MANUNULAT , AT HINDI SA IBA ANG SIYANG TAMA. HINIHIKAYAT
DIN NITO ANG MAMBABASANG TANGGAPIN ANG POSISIYONG
PINANINIWALAAN O INEENDORSO NG TEKSTO.
ANG TEKSTONG PERSUWEYSIB AY MAY SUBHETIBONG TONO SAPAGKAT
MALAYANG IPINAHAHAYAG NG MANUNULAT ANG KANYANG PANINIWALA AT
PAGKILING SA TUNGKOL SA ISANG ISYUNG MAY ILANG PANIG. TAGLAY NITO ANG
PERSONAL NA OPINYON AT PANINIWALA NG MAY AKDA.
ANG GANITONG URI NG TEKSTO AY GINAGAMIT SA MGA ISKRIP PARA SA
PATALASTAS , PROPAGANDA PARA SA ELEKSYON , AT PAGREREKRUT PARA SA
ISANG SAMAHAN O NETWORKING .
INILALARAWAN NG GRIYEGONG PILOSOPO NA SI ARISTOTLE ANG TATLONG
PARAAN NG PANGHIHIKAYAT O PANGUNGUMBINSI . ITO AY ANG MGA
SUMUSUNOD:
1. ETHOS – ITO AY TUMUTUKOY SA KREDIBILIDAD NG ISANG MANUNULAT .
DAPAT MAKUMBINSI NG ISANG MANUNULAT ANG MAMBABASA NA SIYA AY
MAY MALAWAK NA KAALAMAN AT KARANASAN TUNGKOL SA KANYANG
ISINUSULAT . KUNG HINDI AY BAKA HINDI SILA MAKAHIKAYAT NA MANIWALA
RITO.
2. PATHOS – TUMUTUKOY ITO SA GAMIT NG EMOSYON O DAMDAMIN UPANG
MAHIKAYAT ANG MAMBABASA . AYON KAY ARISTOTLE , KARAMIHAN SA
MAMBABASA AY MADALING MADALA NG KANILANG EMOSYON . ANG
PAGGAMIT NG PAGPAPAHALAGA AT PANINIWALA NG MAMBABASA AY ISANG
EPEKTIBONG PARAAN UPANG MAKUMBINSI SILA.
LOGOS – ITO AY TUMUTUKOY SA GAMIT NG LOHIKA UPANG MAKUMBINSI ANG
MAMBABASA. KAILANGANG MAPATUNAYAN NG MANUNULAT SA MGA
MAMBABASA NA BATAY SA MGA IMPORMASYON AT DATOS NA KANYANG
ILALATAG ANG KANYANG PANANAW O PUNTO NA SIYANG DAPAT
PANIWALAAN. GAYUN MAN , ISA SA MADALAS NA PAGKAKAMALI NG MGA
MANUNULAT ANG PAGGAMIT NG AD HOMINEM FALLACY, KUNG SAAN ANG
MANUNULAT AY SUMASALUNGAT SA PERSONALIDAD NG KATUNGGALI AT
HINDI SA PINANINIWALAAN NITO.

You might also like