You are on page 1of 9

I.

Layunin

Inaasahanag Bunga:
1. Makikilala ang tekstong peruweysib
2. Matutukoy ang kinakausap at naglalahad sa teksto
3. Makakagawa ng halimbawa ng tekstong persweysib

II. Paksang Aralin:


a. Tekstong Persweysib
b. Mga kagamitan
 Pisara, yeso, TV, laptop, printed materials
III. Pamamaraan:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN
a. Pagbati sa lahat “Magandang Umaga”
Magandang araw rin po Ginoo!
b. Pagsasaayos ng silid
c. Pagtsetsek ng liban
d. Pagpapapulot ng kalat

B. BALIK ARAL

Ano nga ba ang tinalakay natin noong nakaraan?


Estudyante : Tekstong Naratibo po

Ano nga ba ang Tekstong Naratibo?


Estudyante : Ang tekstong naratibo po ay
pagkukuwento ng pangyayari sa isang tao.

Magbigay naman kayo ng halimbawa ng teksong


naratibo

Estudyante: Maikling kwento, nobela at alamat

Mahuhusay kayo.

C. Paglalahad

1. PAGGANYAK

Ngayon naman ay dadako na tayo sa ating bagong


paksang tatalakayin. Handa na ba lahat?

Handa na po kami

Mayroon ba kayong natatandaang mga linya ng


patalastas na tumatak sa inyong isipan at humikayat sa
inyong bumili ng produkto?
Kung meron ay ano ano ang mga ito?

Meron po sir
Jollibee, Langhap – Sarap
Chooks to go! Masarap kahit walang sauce
Wala paring tatalo sa alaska

Masasabi niyo bang naging epektibo ang ginamit


nilang panghihikayat kaya tumatak ito sa iyong isipan
at humikayat na bumili?

Opo sir naging epektibo po ito

D. PAGTATALAKAY

Pagtalakay sa Paksa ( Tekstong persweysib )

Pamprosesong tanong:

Anong naiisip nyo kapag narinig niyo ang tekstong


persweysib?

Ayon po sa aking pagkakaalam ay tungkol po siya


sa panghihikayat.
Mahusay. Ngayon naman ay dadako na tayo sa ating
talakayan kung ano nga ba talaga ang tekstong
persweysib

•PROPAGANDADEVICES

ANG PANGHIHIKAYAT SA TAONG BUMILI NG ISANG


PRODUKTO O IBOTO ANG ISANG KANDIDATO AY ISANG
BAGAY NA DAPAT AY MASUSING PINAG IISIPAN. KUNG
MAPAPANSIN , ANG MGA PATALASTAS SA TELEBISYON , SA
MGA DIYARYO, AT MAGASIN AY KINAKAILANGANG
MAKAKAPUKAW NG ATENSYON UPANG MAPANSIN . ANG
MGA EKSPERTO AY SA LIKOD NG PROPAGANDANG ITO AY
MAY MGA GINAGAMIT NA PROPAGANDA DIVICE. ATING
ALAMIN KUNG ANU- ANO ITO:

Sino ang nais bumasa?


Estudyante: Ako po sir

( Ang bata ay nag babasa )

Ano ang naunawaan niyo sa kanyang binasa?

Sinasabi po doon na lahat ng mga patalastas sa


telebisyon ay ginagamitan ng Propaganda Device.

Mahusay. Ngayon naman tatalakayin naman natin


kung ano ng aba ang sinasabi nilang Propaganda
device.
Pakibasa ang nasa presentasyon

NAME CALLING

ITO ANG PAGBIBIGAY NG HINDI MAGANDANG TAGURI


SA ISANG PRODUKTO O KATUNGGALING POLITIKO ( Ang mga mag aaral ay nag babasa )
UPANG HINDI TANGKILIKIN . KARANIWANG
GINAGAMIT ITO SA MUNDO NG POLITIKA.
HALIMBAWA: ANG PEKENG SABON, BAGITONG
KANDIDATO, TRAPO
( TRADITIONAL POLITICIAN)
Sinasabi dito na sa Name Calling ay nagsasabi ang
isang tao ng masama tungkol sa isang tao, bagay, o
ideya para maipakita na mas maganda ang
sinusuportahan niya.
Maliwanag ba?
Estudyante: opo sir

GLITTERING GENERALITIES ( Binabasa ng mga mag aaral )

ITO AY ANG MAGAGANDA AT NAKAKASILAW NA


PAHAYAG UKOL SA ISANG PRODUKTONG TUMUTUGON
SA MGA PANINIWALA AT PAGPAPAHALAGA NG
MAMBABASA.

Dito naman ay ginagamitan nila ng mga


mabubulaklak na salita o pahayag upang
tangkilikin ang kanilang produkto
Estudyante : ako po sir
Sino makakapagbigay ng halimbawa?

Sige nga . Estudyante: Ang halimbawa po na naisip ko dyan ay


yung palatastas po na Tide kumbaga po sinasabi dun
na lahat ay kaya nilang paputiin pero nung
sinubukan ko naman po ay hindi po lahat kaya.

Ayan salamat mahusay ang iyong pagkakaobserba.

TRANSFER
( Binabasa ng mga mag aaral )
ANG PAGGAMIT NG ISANG SIKAT NA PERSONALIDAD
UPANG MAILIPAT SA ISANG PRODUKTO O TAO ANG
KASIKATAN .

Dito naman ay gumagamit ng sikat na tao upang


mas maipakilala ang kanilang produkto. Estudyante: opo sir
Maliwanag po
May tanong? Estudyante : Wala po

TESTIMONIAL

KAPAG ANG ISANG SIKAT NA PERSONALIDAD AY


TUWIRANG NAG ENDORSO NG ISANG TAO O
PRODUKTO .

Ang halimbawa ng Testimonial ay ang patalastas na


toothpaste na nagsasabi na rekomendado ito ng
mga dentista.
Estudyante: opo sir
Maliwanag ?

PLAIN FOLKS
( Binabasa ng mga mag aaral )
KARANIWAN ITONG GINAGAMIT SA KAMPANYA O
KOMERSYAL KUNG SAAN ANG MGA KILALA O
TANYAG NA TAO AY PINALALABAS NA ORDINARYONG
TAONG NANGHIHIKAYAT SA BOTO, PRODUKTO ,
SERBISYO.

Sa PLAIN FOLKS naman ay ang halimbawa dito


ay isang kandidato na nag susuot ng ordinaryong
damit para maipakita na galing din ito sa hirap

Nung nakaraang eleksyon ba may nakita ba kayong Opo meron po madami, hindi lang po kandito pati
ganitong kandidato. narin po yung mga artista na kasama nila.

Ayan tama lahat sila pinapakita nila yun upang


maipakita sa kanilang mga taga suporta na sila ay
galing sa hirap.

CARD STACKING ( Nag babasa ang mga mag aaral )

IPINAKIKITA NITO ANG LAHAT NG MAGAGANDANG


KATANGIAN NG PRODUKTO NGUNIT HINDI
BINABANGGIT ANG ANG HINDI MAGANDANG
KATANGIAN.

Lahat ba kayo napanuod na ang patalastas ng Opo sir


Lucky Me?

Lucky me kasi ang isa sa magandang halimbawa ng


CARD STACKING sapagkat dito sa patalastas na
ito ay pinapakita na magkakasama kumakain ang
pamilya ngunit hindi nila sinabi na maaring
magkasakit kapag madalas kumain ng kanilang
produkto.

Kung naunawaan niyo sige nga mag bigay kayo ng


halimbawa nito? Yun pong patalastas ng Cobra na pinapakita po nila
na nakakalakas po ito sa pagtatrabaho ngunit di nila
sinabi na may kalakip itong sakit kapag sobra na sa
pag inom.

Magaling at tama ang iyong halimbawa.


( Nag babasa ang mga mag aaral )
BANDWAGON
PANGHIHIKAYAT KUNG SAAN HINIHIMOK ANG LAHAT
NA GAMITIN ANG ISANG PRODUKTO O SUMALI SA
ISANG PANGKAT DAHIL ANG LAHAT AY SUMALI NA .

Ang halimbawa naman nito ay ang pagsasabi mo sa


isang tao na lahat na ng tao ay gumagamit ng
inyong produkto ngunit siya nalang ang hindi
Ang naisip ko po na halimbawa sa BANDWAGON
Kayo may mabibigay ba kayong halimbawa
ay LAZADA po kasi sinabi nila na kahit anong
hanap mo nasa lazada yan.

Ayun tama ngunit meron din naman na wala dun Opo sir
pero sinabi parin nila yun upang manghikayat.
Maliwanag ba ??

Ngayon naman aalamin natin kung ano ng aba ang


tekstong persweysib at kung ano ang layunin nito.

TEKSTONG PERSWEYSIB

LAYUNIN NG ISANG TEKSTONG PERSWEYSIB ANG ( Binabasa ng mga mag aaral )


MANGHIKAYAT O MANGUMBINSI SA BABASA SA
TEKSTO. ISINUSULAT ANG TEKSTONG PERSWEYSIB
UPANG MABAGO ANG TAKBO NG ISIP NG
MAMBABASA AT MAKUMBINSI NA ANG PUNTO NG
MANUNULAT , AT HINDI SA IBA ANG SIYANG TAMA..
HINIHIKAYAT DIN NITO ANG MAMBABASANG
TANGGAPIN ANG POSISIYONG PINANINIWALAAN O
INEENDORSO NG TEKSTO.

Kanina nakita naman natin na lahat ng


Propaganda ay tungkol sa kung pano mahihikayat
ang mga tao at kung pano nila makukumbinsi sa
paraang alam nila at yan ang Tekstong Persweysib
na tungkol sa panghihikayat ng mga tao.
Opo sir
Maliwanag ba sa inyo ang tekstong persweysib?

At ang huli ay tatalakayin ng ang tatlong


pangunahing element ng panghihikayat na galing
kay Aristotle

Ethos – Paggamit ng kredibilidad o imahe para


makapanghikayat.

Ang halimbawa dito ay kapag ikaw ay


nanghihikayat kailangan ay alam mo kung ano
yung mga sinasabi mo o naranasan mo na yung
mga sinsabi mo sa taong hinihikayat mo upang ito
ay maniwala sa iyo.

Pathos – Paggamit ng emosyon ng mambabasa


Ito naman ay tungkol sa emosyon ang ginagamit
upang mas madala ang mga mangbabasa sa
kanilang binabasa at sabi ni Aristotle na ang mga
mangbabasa ay mas madaling madala ng kanilang
emosyon.

Logos – Paggamit ng lohika at impormasyon

Dito naman ay mas nakatuon ang manunulat sa


mga datos upang mas paniwalaan ng mga Opo sir nauunawaan po namin
mangbabasa ang kanilang sinulat.

Naunawaan ba ang pagkakaiba iba nung tatlo?

Dito na nag tatapos ang ating talakayan sa


Tekstong Persweysib.
Wala po sir
May tanong ba kayo o gustong linawin

E. PAGLALAPAT

( SA AKTIBITI NA GAGAWIN NG MGA MAG


AARAL IISIP SILA NG ILANG PATALASTAS
NA GUMAGAMIT NG PROPAGANDA DEVICES
AT PIPILI NG ILANG MAG AARAL UPANG
MAGPRESENTA NG KANILANG NAGAWA)
OPO SIR NAUNAWAAN PO NAMIN
NAUNAWAAN BA ANG GAGAWING AKTIBITI

F. PAGLALAHAT

(UPANG MALAMAN KUNG NAUNAWAAN BA


NG MGA MAG AARAL ANG PAKSANG
TINALAKAY AY MAG TATANONG NG GURO
ANG MGA MAG AARAL NG ILANG
KATANUNGAN TUNGKOL SA TINALAKAY)

TAKDANG ARALIN.

PIPILI SILA SA MGA PROPAGANDA DEVICES


AT GAGAWAN NILA NG SARILI NILANG
PATALASTAS

(PARA SA INYONG TAKDANG ARALIN)

GOODBYEE SIR
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG
PAALAM MGA BATA.

You might also like