You are on page 1of 28

Mga Panuntunan sa “Online Meeting”

• Magdamit at mag-ayos nang angkop at naaayon sa klase.


• Tiyaking maayos ang kinalalagyan o puwesto. (Tanggalin ang mga bagay na
maaaring makaabala sa pagdalo sa klase (online class) tulad ng tumpok ng damit
at nagkalat na mga gamit. Iwasan ding pumwesto sa mga lugar na madalas
daanan ng mga tao o kasama sa bahay.)
• Iwasang makipag-usap sa mga kasama sa bahay na maaaring makaabala sa iyo
habang nagkaklase.
• Tiyaking ikaw ay nakatapat sa ilaw o liwanag at malinaw na nakikita sa “video
feed”. Dapat laging nakabukas ang “video.”
• Gumamit ng “headphones” na mayroong mikropono upang maayos
at malinaw mong marinig ang sinumang nagsasalita gayundin,
upang ikaw ay marinig nang malinaw at maayos. I-MUTE ANG
MIKROPONO. Buksan lamang ito kung kinakailangan.
• Lumayo sa bentilador (electric fan) na maaaring maging sanhi ng
ingay o di kaaya-ayang tunog na makaaabala sa klase.
• Kung may tanong o gustong sabihin, maaaring i-type ang pangalan
sa chatbox o gamitin ang “nod reactions upang mabigyang-pansin
ng guro.
Karunungan ng Buhay
(Karunungang-Bayan)
ARALIN 1.1
Tukuyin kung ano ang nais ipahiwatig ng
larawan na nasa ibaba.
Panuto:

Basahin ang tala sa Alam Mo Ba? na makikita sa


pahina 8 at 9 hinggil sa kahalagahan ng pag-aaral ng
panitikang Pilipino ayon kay Jose Villa Panganiban.
Mga katanungan:

• Bakit kailangang pag-aralan at pahalagahan ng mga


kabataan ang mga karunungang-bayan tulad ng salawikain,
sawikain/kawikaan, at kasabihan bilang akdang
pampanitikan sa kasalukuyang panahon?
• Paano makatutulong ang mga karunungang-bayan sa buhay
lalo na sa mga kabataan?
“Karunungang-bayan sa atin
ay pamana, pahalagahan at
ingatan sa puso tuwina”
• Buksan ang aklat na Pluma 8 sa pahina 17
hanggang 19 at basahin ang Alamin Natin
hinggil sa karunungang-bayan.
Panuto:

Buksan ang aklat at basahin nang may


damdamin ang tulang “Karunungan ng
Buhay”sa mga pahina 11 at 12.
• Ano ang karunungan na buhay na
nabanggit sa tula?
• Bakit ito tinawag na karunungan ng
buhay?
PAGSASANAY
Bigyang-pakahulugan ang mga
sumusunod:
• Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
• Kung may tiyaga, may nilaga.
• Masakit ang katotohanan
• Ang lahat ng gubat ay may ahas
• Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan
Gawain:

• Basahin at sagutan ang mga gawain mula sa


Sagutin Natin B at C na makikita sa pahina
14-15.
• Paano makatutulong ang mga
karunungang-bayan sa buhay lalo na sa
mga kabataan?
TAKDANG-ARALIN:

Magsaliksik ng 5 halimbawa ng kasabihan at ilahad ang iyong


sariling pagkakaunawa mula sa iyong mga naibigay na
halimbawa. Ilagay ito sa Google Docs o MS Word at ipasa sa
google classroom.
PS. Sa classworks niyo ipasa ang iyong takdang- aralin.
Paalala:

Ugaliing magbasa ng mga update sa inyong


stream.
Salamat!
PAGHAHAMBING
ARALIN 1.2
Bakit mahalagang pag-aralan ng
kabataan sa kasalukuyan ang mga
karunungang-bayan?
Basahin ang Kasanayang Pangwika na
makikita sa pahina 21 tungkol sa tulang
pinamagatang “Noon at Ngayon”.
• Ano ang paghahambing? Kailan karaniwang
ginagamit o nagsasagawa ng paghahambing?
• Buksan ang inyong aklat sa pahina 22.
Paghahambing

• Ang paghahambing ay paglalarawan ng kaibahan at


pagkakatulad ng dalawa o higit pang mga bagay. Ito rin ay
puwedeng magamit sa paglalarawan ng antas o katangian ng
tao, hayop, ideya o pangyayari.
Uri ng Paghahambing

1. PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD
Ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay antas na katangian ng
isang bagay o anuman.

Mga halimbawa:
Magkasing-haba ang buhok nina Ana at Elena.
Magkasing-tangkad kami ni Miguel.
PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD

Ginagamit ito kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas ng


isang bagay o anuman.
Mga halimbawa:
Mas mahaba ang buhok ko kaysa kay Pilar.
Mas matangkad ka sa kuya ko.

You might also like