You are on page 1of 5

I.

Inaasahanag Bunga:
1. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin
2. Naibabahagi ang katangian at kalakasan ng iba’t ibang temang tatalakayin
3. Matututo ang mga mag aaral sa temang tatalakayin

II. Paksang Aralin:


a. Mga Tayutay
b. Mga kagamitan
 Pisara, yeso, TV, laptop,
III. Pamamaraan:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN
a. Pagbati sa lahat “Magandang Umaga”
Magandang araw rin po Ginoo!
b. Pagsasaayos ng silid
c. Pagtsetsek ng liban
d. Pagpapapulot ng kalat

Gabay na Tanong:
1. Sinong sa inyo ang nakakaalam kung ano
ang Tayutay? Estudyante : Naririnig lang po sir

2. Ano una niyong maiisip kapag narinig niyo


ang salitang Tayutay?
Estudyante : Matalinhagang Salita po sir
3. Sige magbigay nga kayo ng halimbawa ng
Tayutay?
Estudyante : Kaya kong sungktin ang bituin makuha
ka lang

Mahusay ang iyong pagkakasabi!

B. PAGGANYAK

Ngayon nga ang tatalakayin natin ang Tayutay


Ano ang alam niyong uri ng tayutay? Estudyante: Ako po sir

Sige ikaw Estudyante: Simile , metaphore


Okay tama at kung sa tagalog naman ito ay
Pagtutulad at pag wawangis

Ngayon naman ay dadako na tayo sa ating


talakayan.

C. PAGTATALAKAY

Pagtalakay sa Paksa (Tayutay)

Ang patalinghagang pagpapahayag ay sinasadyang


paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita
upang maging kaakit-akit, maharaya at mabisa ang
pagpapahayag. Ito ay nakapagdaragdag ng kagandahan
ng isang katha, pasalita man o maging pasulat

Pagtalakay ng Paksa ( Mga uri ng Tayutay )

(PAGTUTULAD)

Naghahambing ng dalawang magkaibang tao,bagay at


pangyayari, ang pagpapahayag na ito ay ginagamitan
ng mga pariralang katulad ng, tulad ng, kapara ng, para
ng,kagaya ng ,gaya ng.

Ngayon mag bigay nga kayo ng halimbawa ng Estudyante: Ako po sir


pagtutulad
Estudyante: Mabait siya tulad ng kanyang iba
Sige ikaw

Tama isa yung uri ng pagtutulad kasi ginamit niya


ang pariralang tulad ng.

(PAGWAWANGIS)

Naghahambing din ito tulad pagtutulad ngunit


tiyakang naghahambing at hindi gumagamit ng mga
pariralang katulad ng, tulad ng, kapara ng para ng,
kagaya ng at gaya ng,

Kung mapapansin niyo ano naman ang pinagkaiba ng


pagtutulad at pagwawangis? Estudyante : Sa Pagtutulad po ay nagamit ng
pariralang tulad ng, katulad ng pero sa Pagwawangis
po ay hindi na po ito ginagamit

Tama at ito naman ang halimbawa ng Pagwawangis


*Ikaw ay tinik sa lalamunan ni Piccolo*
Hindi na siya gumamit ng mga pariralang nabanggit at
ito ay tiyak nang paghahalimbing naunawaan ba
Estudyante: Opo sir

(PAGMAMALABIS) (HYPERBOLE )

Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na


kalagayan ng tao, bagay at pangyayari.

Ang halimbawa naman nito ay


* Pumutok ang kanyang ulo sa dami ng problema * Estudyante: Kumbaga po sir ay pinapalala niya yung
mga pangyayari nagiging OA yung reaksyon

Tama ganun nga ang nangyayari labis na reaksyon,


naunawaan ba?? Estudyante : opo sir

(PAGBIBIGAY KATAUHAN)(personification)
Itoy pagsasalin ng talion at katangian ng mga tao sa
mga karaniwang bagay.

* Sumasayaw ang mga alon sa karagatan *

Ano ang napansin niyo sa halimbawa


Estudyante: Ako po sir
Sige ikaw
Estudyante : Yun pong kayang gawin ng tao ay
sinalin po sa karaniwang bagay

Tama, dito kasi sa Pagbibigay Katauhan ay kagaya nga


nung sinabi niya ay yung katangian ng tao ay isasalin
dun sa mga karaniwang bagay.

( PAGBIBIGAY – ARAL) (parable Fable, allegory)


Sumasaklaw ito sa tatlong uri ng salaysay gaya ng
mga sumusunod: parabula, pabula at alegorya

Ang parabula ay buhat sabanal na kasulatan,


nagpapahayag ito ng katotohanan o kaya ay may
layuning magbigay aral
Ang halimbawa nito ay ang alibughang anak.

Ang pabula ay katulad ng layunin ng parabula na


magbigay aral. Ang kaibahan nito sa parabula ay hayup
ang ang gumaganap na binibigyan ng katangian ng tao

Ang alegorya ay isang matalinghagang pagpapahayag


na naglalahad ng mga totoong pangyayari. Ang bawat
isa sa mga pangyayaring binabanggit ay may
kahulugang ipinahihiwatig
(PAGPAPALIT – SAKLAW)(Synecdoche)
Naisasagawa ang pagpapahayag dito sa pamamagitan
ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at
maaari anamng isang tao ang kumakatawan sa isang
pangkat.

*Apat na maliliit na paa ang tumatakbong sumalubong


sa ama *

Kung isasalin natin sa literal ano sa palagay niyo ang Estudyante: Dalawang bata po ang sumalubong sa
gustong ipahiwatig ng halimbawa natin kanyang ama

Ayan tama very good, naunawaan ba ang pagpapalit Estudyante : Opo sir
saklaw?

( PAGPAPALIT – TAWAG) (Metonymy)


Nagpapalit katawagan o pangalan sa bagay na
tinutukoy ng uring ito ng pagpapahayag

*Tatlong baso ang nainum ni Rico dahil sa matinding


uhaw *

(PATULOY LANG SA PAGTUTURO AT


PAGPALIWANAG ANG GURO SA IBA PANG
URI NG TAYUTAY )
Estudyante: Opo sir
NAUNAWAAN NIYO BA ANG IBAT IBANG URI
NG TAYUTAY

D. PAGLALAPAT ( TAHIMIK NA NAG IISIP AT NAG GAGAWA


NG AKTIBITI ANG MGA MAG AARAL)
( SA AKTIBITI NA GAGAWIN NG MGA MAG
AARAL AY PIPILI SILA SA MGA URI NG
TAYUTAY AT GAGAWA SILA NG 5
HALIMBAWA AYON SA KANILANG
PAGKAKAUNAWA SA PAKSA)

E. PAGLALAHAT
(UPANG MALAMAN KUNG NAUNAWAAN BA
NG MGA MAG AARAL ANG PAKSANG
TINALAKAY AY MAG TATANONG NG GURO
ANG MGA MAG AARAL NG ILANG
KATANUNGAN TUNGKOL SA TINALAKAY)

TAKDANG ARALIN.

(PARA SA INYONG TAKDANG ARALIN)

SUMULAT NG TULANG MAY MAY LIMANG


SAKNONG AT GUMAMIT NG TAYUTAY SA
TULANG GAGAWIN.
GOODBYE SIR
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG
PAALAM MGA BATA.

You might also like