You are on page 1of 8

Anong nakikita nyo sa larawan?

Masaya ba o malungkot ang


hitsura ng larawan?
SAKNONG 1-10
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.

Malalaking kahoy — ang inihahandog,


pawang dalamhati, kahapisa't lungkot;
huni pa ng ibon ay nakakalunos
sa lalong matimpi't nagsasayang loob.

Ta n a n g m g a b a g i n g n a n a m i m i l i p i t
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
may bulo ang bunga't nagbibigay-sakit
sa kanino pa mang sumagi't malapit.
A n g m g a b u l a k l a k n g n a t a y o n g k a h o y,
pinakapamuting nag-ungos sa dahon;
pawang kulay luksa at nakikiayon
s a n a k a l i l i y o n g m a s a n g s a n g n a a m o y.

Karamiha'y Sipres at Higerang kutad


na ang lihim niyon ay nakakasindak;
ito'y walang bunga't daho'y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.

Ang mga hayop pang dito'y gumagala,


karamiha'y S'yerpe't Basilisko'y madla
Hayena't Tigreng ganid na nagsisila
ng buhay ng tao't daiging kapuwa
Ito'y gubat manding sa pinto'y malapit
ng Avernong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasasakupang lupa'y dinidilig
ng Ilog Kositong kamandag ang tubig.

Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,


may punong Higerang daho'y kulay-
pupas;
dito nagagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamang palad.

Baguntaong basal na ang anyo'y tindig,


k a h i t n a t a t a l i — k a m a y, p a a ' t l i i g ,
kundi si Narsiso'y tunay na Adonis,
mukha'y sumisilang sa gitna ng sakit.
Makinis ang balat at anaki burok,
pilikmata't kilay — mistulang
balantok;
bagong sapong ginto ang kulay ng
buhok,
sangkap ng katawa'y pawang
magkaayos.
Gawain:

Ipaliwanag sa inyong sariling salita ang


bawat saknong (1-10).
Gumamit ng 1 hanggang 2 pangungusap sa
pagpapaliwanag ng bawat saknong.
THANK YOU

You might also like