You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

FLORANTE AT LAURA(SAKNONG 11-25)

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ng 75%
tagumpay ang mga sumusunod:

a. natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang ginamit sa mga saknong;


b. natutukoy ang pagiging makadyos sa kabila ng masamang pangyayari
c. gintong aral ng florante at laura saknong 11-25

PAKSANG ARALIN

Paksa: Florante at Laura (Saknong 11-25)


Sanggunian: Florante at Laura Pluma 8

Kagamitan: Laptop, (PPT Presentation), Video (Youtube)

II. PAMAMARAAN NG PAGTUTURO

MGA GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

 PAGBATI

Isang maganda at mapagpalang araw mga bata !

Magandang Araw din po Ma’am

 PANALANGIN

(Pipili ang guro ng isang mag-aaral upang


manguna sa panalangin.)

(Panalangin)

Maraming salamat sa inyo , bago kayo maupo ay


maaari bang pakipulot ng mga basura at paki-ayos
ng linya ng inyong mga upuan .

 PAGBATI

Magandang umaga sa inyong lahat.

Bago tayo magsimula pakiayos muna ng mga


upuan at pakidampot ng mga basurang nasa ilalim.

 PAGTATALA NG LIBAN

Magtatanong sa monitor kung sino at ilan liban


sa klase .

Kinalulugod ko po sabihin sa inyo na walang


lumiban ngayong araw.

B. BALIK ARAL

Bago natin simulan ang ating panibagong aralin


ay dumako muna tayo sa ating pag babalik-aral .

Mga bata natatandaan ba ninyo kung ano ang


ating tinalakay noong nakaraang aralin?

(Mag-aaral )

Ma’am ang nakaraan tinalakay po namin ay saknong


1-10 Puno ng salita.

Tama ang iyong kasagutan!

Ano nga ba ang natatandaan niyo sa saknong 1-


10

(Mag-aaral )
Ang natatandaan ko po ay ang sampong saknong na
aming inaral.

Sige nga kung natatandaan niyo patungkol saan ang


saknong 1-10 na inyong pinag-aralan?

(Mag-aaral)

Ang saknong 1-10 po ay patungkol sa paglalarawan ng


kagubatan na may kadiliman at malalaking puno tulad
ng higera at sipres.

Tama ang saknong 1-10 ay patungkol sa kagubatan


at dagdag pa dito ay may mababahong amoy dahil
sa mga bulaklak at ang kagubatan daw na ito ay
malapit sa abernong reyno na na pinamumunuan ni
plutong masungit at sa ilog kositong.

Magaling bigyan siya ng tatlong palakpak.

C. PAGGANYAK

May mga malalim na salitang tagalog ang bibigyan


kahulugan ng mga mag-aaral.

 Balaan – bigyan ng paunang paalala


 Agam-agam – alinlangan
 Balakyot- taksil
 Panimdim- sama ng loob o pagdaramdam,
hinanakit
 Alibugha-mapaglustay, pabaya
D. PAGTATALAKAY

Pagtatalakay sa saknong 11-25 ng Florante at laura.

E.. PAGLALAHAT

1. Anong gagawin niyo kung ang inyong maging


kapalaran sa paglipas ng taon ay naging masama
paano niyo maisasaayos ito?
2 Bakit ipapangahas ng konde adolfo ang kasamaan
ng albanyang reyno?
.
F. PAGLALAPAT

1. Magsulat ng karanasan niyo patungkol sa


pagtataksil.
2. Ano ang gintong aral ang napulot niyo sa ating
tinalakay na saknong 11-25

G.. TAKDANG ARALIN


Isulat sa papel ang iba pang malalim na salita ang
ginamit sa saknong 11-25 at bigyan ng kahulugan
ito.

MARAMING SALAMAT SA INYONG


PAKIKINIG. PAALAM!

You might also like