You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Kitcharao Central Elementary School

DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO

School Kitcharao Central Elementary School Grade Level 1


Teacher Mrs. Fiona Mae Y. Reyna Learning Area FILIPINO
Date and time: May 15, 2023, 10:00-11:30 AM Quarter 4

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng talakayin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Natutukoy ang mga salitang magkatugma o magkatunog;
B. Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma;
C. Naisusulat ang salitang magkatugma o magkatunog.
II. PAKSA
A. Nilalaman: Natutukoy ang mga salitang magkatugma o magkatunog.

B. Mga sanggunian:

C. Mga materyales sa pag-aaral: Mga larawan, mga activity sheet, pisara at tarpapel
III. MGA PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Mga Aktibidad
1. Drill
1.1 Panalangin
Bago tayo magsimula tumayo
ang lahat para sa ating
panalangin. Sa ngalan ng Ama,
ng Anak, at ng Espiritu Santo,
Amen. (Nagdadasal ang lahat.)

1.2 Pagbati Magandang umaga mga bata! Lahat: Magandang


umaga po teacher Tal.

Kumusta kayo?
Lahat: Mabuti naman po.
Magsiupo ang lahat.
Lahat: Salamat po
teacher Tal.
.
1.3 Pagtetsek ng lumiban sa klase at Maaari bang tignan ninyo ang
Pagsasaayos ng mga tuntunin sa inyong mga katabi at itukoy kung
silid-aralan sino ang absent ngayong araw?

(Nagsasabi ng mga
pangalan ng mga kaklaseng
lumiban sa klase)
Okay, maraming salamat.

Paalala lamang mga bata na kapag


si teacher Tal ay nagsasalita,
makinig at itikom ang mga bibig
naiintindihan ba mga bata?

Lahat: Opo teacher.


1.4 Pampasigla Ngayon, tumayo ang lahat para sa
ating ehersisyo. Sabayan ninyo
ako sa pagkanta at pag indak.
(Sumabay ang mga bata sa
(Video ng Tayoý mag-ehersisyo) pagsayaw at pagkanta)

Masigla na ba ang lahat?


Lahat: Opo!

Mabuti! Ngayon ay dadako na tayo


para sa ating aralin.

Handa na ba ang lahat na matuto?


Aba! Syempre
po,handang-handa na po
kami
Mabuti! Magsiupo na ang lahat.
(Nagsiupuan ang mga mag-
aaral)
1.5 Pagbabalik Tanaw Bago tayo magpatuloy na
magsimula sa panibagong yugto
ng ating pag-aaral, ating balikan at
sariwain ang ating ala

(Isinulat ang gawain sa pisara)


Piliin sa loob ng panaklong
ang letra na maaring
idagdag sa mga salita
upang makabuo ng
panibagong salita.

1. _ama ( h, l, t )
2. _aso ( b, k, n )
3. _awa ( s, w, l )
4. _ata ( g, t, d )
5. _usa ( p, m, b )

Unang bilang, anong letra ang


maaring idagdag sa salitang ama
upang makabuo ng panibagong
salita? Dylan: T! para po maging
tama.

Magaling! Ikaw ay tama!

Anong letra naman sa John Paul: B po! Para


pangalawang bilang? maging baso ang aso!

Mahusay John Paul!


Chenia: S teacher!
Sa pangatlong bilang naman. Magiging sawa na po ang
awa.

Napaka galing! Tama ka Chenia.

Ivan: Teacher ako po!


Sa pang apat na bilang?
Ivan: Pwedi pong G para
Okay sige, Ivan. maging gata pwedi rin po
ang letrang D para maging
data.

Ka hanga-hanga! Magaling Ivan.

Dumako tayo sa panghuling


numero. Renz: Teacher ako po!

Renz: Letrang P po para


Okay Renz. maging pusa!

Magaling! Pwedi ba natin e dagdag


ang letrang M? Renz: Hindi po. Wala
naman pong salitang musa.

Magaling. Talagang naisaulo na


ninyo ating diskusyon kahapon.

2. Pagganyak
2.1 Pag-aalis Balakid
Meron ako ditong mga larawan at
nais kong tukuyin ninyo ang
pagkakilanlan ng mga larawang ito.

(Ipinaskil ang mga larawan sa


pisara)

Ano ito?
Magaling!

Ano naman ito?


Whitney: Araw teacher!
Mahusay!

Ano naman ang tawag dito?


Cian: Bahay po!

Magaling!

Eh ito. Ano to?

Venus: Halo-halo po
Magaling! Hindi ba tinidor ito? teacher Kai!

Tama.

Charlyn: Kutsara yan


Ano naman ito? teacher!

Charlyn: Hindi po. Iba po


Magaling! Mga matang? ang kutsara sa tinidor.

Mahusay!

Ngayon, meron tayong kwentong Airich: Mga mata teacher!


babasahin at kalakip dito ang mga
larawang ating tinukoy kanina.
Airich: Bilog po.

Gamitin natin ang mga salitang


angkop sa mga larawan.
(Binasa ng mga bata ang
kwento.)
3. Pagtatanghal ng bagong
Talakayan
Ano ang napansin ninyo sa ating
kwento? Jenard: May mga larawang
kasali sa mga salita
teacher.

Tama! Ano pa?


Bella: Hindi makokompleto
ang ideya pag wala ang
mga larawan teacher.

Magaling!

Ang ating kwento ay mayroong


mga larawang napaloob sa ating
mga salita o teksto na may
ugnayan sa bawat larawang
nakalagay.

Tignan natin. (Itinuro ang mga (Tumingin ang mga bata sa


larawan sa kwento.) mga larawan.)

Gumamit tayo ng mga larawan na


nakaugnay sa teksto ng ating
kwento.Tama? Lahat: Opo.

Bakit kaya? Haseo: Para lubos nating


maintindihan ang kwentong
binasa teacher.
Kahanga-hanga! Magaling Haseo.

At iyan ang ating bagong aralin


ngayong umaga, ang ugnayan ng
teksto at larawan.

Bago ang anumang bagay, sa


ating talakayan ngayong umaga
ating tutukuyin ang ugnayan ng
teksto at larawan, alamin ang
kahalagahan ng ugnayan ng teksto
at larawan at masulat ang naayong
teksto sa larawang ipapakita.

Nagkakaintindihan ba tayo mga


bata? Lahat: Opo teacher!

4. Pagmomodelo (talakayan)

Ano sa tingin ninyo ang teksto? Junella: Mga salita teacher.


B. Ginabayang pagsasanay

Ngayon ay e gugrupo ko kayo sa


anim at pagtulungan ninyong
sagutan ang aking hinandang
gawain base sa ating diskusyon at
mga halimbawa.
Panuto: Lugnay ang mga
parirala sa wastong larawan
at teksto.
Unang grupo:
1. Unang grupo:
1. Maraming puno
2.
2. Dalawang unggoy
3. 3. Batang lalaki

Pangalawang grupo:
Pangalawang grupo: 1.
1. Isang saging
2.
2. Mga ibon
3. Masaya 3.

Pangatlong grupo:
Pangatlong grupo:
1.
1. Pusang itim
2. 2. Batang babae
3. Isang baboy
3.
Pang-apat na grupo:
Pang-apat na grupo: 1.
1. Manggang dilaw
2.
2. Upuan
3. Malungkot 3.

Panglimang grupo:
Panglimang grupo:
1.
1. Matabang aso
2. 2. Tumatakbo
3. Dalawang isda
3.
Pang-anim na grupo:
Pang-anim na grupo: 1.
1. Malungkot
2.
2. Mga dahon
3. Dagat 3.

(Ang mga mag aaral ay


abala sa paggawa ng
aktibidad sa patnubay ng
guro.)
Tapos naba ang lahat?
Lahat: Opo.
Nais kong e presenta ninyo ang
inyong mga gawa dito sa harapan.
(Iprenisenta ang mga gawa
sa harapan.)

Magaling mga bata! Palakpakan


natin ang ating mga sarili.
(Nagpalakpakan ang lahat.)

C. Malayang pagsasanay

Nakita kong kayo ay napakagaling


sa ating group activity kaya ngayon
magbibigay ako ng gawain sa inyo
isa-isa.

Handa na ba kayo?
Lahat: Opo teacher Kai.

Tayahin:

(Nagbibigay ng tag iisang kopya sa


mga mag aaral.)

Isulat ang pangalan sa itaas at


maaari na kayong magsimula.
(Sumasagot sa gawain.)

Tapos na ba sa pagsagot ang


lahat? Lahat: Opo teacher!

Ipasa sa harapan ang mga papel.


(Ipinasa sa harapan ang
mga papel.)
D. Abstraksyon at Pangkalahatan
Ano nga ulit ang teksto mga bata?
Lahat: Ang teksto ay
anumang bagay o salita na
maaring basahin.

Magaling!

Bakit kaya mahalagang malaman


ang ugnayan o koneksyon ng
teksto sa mga larawan?
Lahat: Dahil mas
maiintindihan natin ang mga
bagay na ating nakikita at
nababasa.

Napakahusay!

Mahalagang malaman ang


ugnayan ng teksto sa larawan na
kaugnay nito o sumisimbolo para (Nakikinig sa diskusyon)
rito. Mas mauunawaan mo ang
mga bagay na iyong nakikita at
nababasa sa pamamagitan ng
wastong kaalaman patungkol sa
ugnayan ng teksto at larawan.

Naintindihan ba ang ating aralin


ngayong umaga mga bata?
Lahat: Opo teacher!

IV. EBALWASYON
Para masigurong naisaulo ninyo
ang ating talakayin, magkakaroon
kayo ulit ng gawain.

Kung tapos na kayo, maari niyo


nang e sumiti ang inyong mga
papel.
V. TAKDANG ARALIN
Isulat ito sa inyong kwaderno.
Panuto: Iguhit o ilarawan
ang mga bagay na
tinutukoy.
1. Batang masaya
2. Malaking kahoy
3. Mga dahon
4. Maliit na upuan
5. Pulang bola

Maraming salamat sa inyong


kooperasyon at pakikinig, Paalam
mga bata!
Lahat: Paalam na po
teacher Kai.

Prepared by:
KAIROS MAE M. MONTIL
Student Teacher

Checked by:
FIONA MAE Y. REYNA
Master Teacher – I

Noted by:
JOSEPHINE P. LUMANGCAS
School Principal – II

You might also like