You are on page 1of 11

PANALANGIN SA KALULUWA NG YUMAO

Ang tanda ng Santa Krus, ipag-adya mo kami Panginoon sa mga kaaway

namin.
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo, at Tao namang totoo, gumawa at

sumakop sa akin, pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang
pagkakasala ko sa iyo. Na ikaw nga po ang Diyos ko, Panginoon ko, at Ama
ko, na iniibig ko nang higit sa lahat. Nagtitika naman akong magkumpisal ng
dilang kasalanan ko at umaasa kong patatawarin mo rin alang-alang sa iyong
mahal na pasyon at pagkamatay mo sa krus ng dahil sa akin at sa lahat ng tao.
Amen.

Ikaw naman po Birheng Maria, Ina kong mahal, kami ay ipanalangin mo at

ipag-amo-amo sa mahal na anak mo, yayamang dati kang mapag-ampon sa
aming mga Kristiyano.
Tugon: Siya Nawa.

Buksan mo Panginoon naming Diyos ang mga labi’t dila namin; papag-
ningasin mo ang aming puso at pawiin ang naka-gugulong panimdim.
Liwanagin mo ang aming bait na gunam-gunaming taimtim sa loob ang pinag-
daanan mong hirap at pagkamatay sa krus kalangkap ang kapait-paitang sakit
na dinamdam ng giliw mong Inang kasantu-santuhan at kami’y marapat
dinggin ng ‘di matingkala mong kamahalang ikaw na naghahari at nabubuhay
na kasama ng Espiritu Santo magpasa walang katapusan.
Tugon: Siya Nawa.
UNANG DEKADA
Maawaing Hesus ko, lingapin ng mahabagin mong mata ang kaluluwa ni Acuzena
na namatay na binyagan, na ipinaghirap mo’t ikinamatay sa krus.
Tugon: Siya Nawa.

1. Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugong ipinawis mo sa halamanang iyong

pinalanginan sa Amang Diyos,
* Tugon: Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni Acuzena
2. Hesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng iyong mukhang kagalang-
galang, *
3. Hesus ko, alang-alang sa mahigit na limang libong hampas na tiniis mo, *
4. Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na ipinutong sa ulo mong kasantu-
santuhan, *
5. Hesus ko, alang-alang sa paglakad mo sa lansangang kapait paitan mong
pinapasan ang mahal na Santa Krus, *
6. Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan mong mukhang napuno ng dugong
nalimbag sa Birang ni Veronica, *
7. Hesus ko, alang-alang sa Tonika mong mahal natitigmak ng dugo na dali-daling
hinubad sa iyo ng mga tampalasan, *
8. Hesus ko, alang-alang sa katawan mong ipinako sa Krus, *
9. Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan mong paa’t kamay na pinakuan ng
matitigas at matutulis na pako, *
10. Hesus ko, alang-alang sa tagiliran mong mahal na pinaglagusan ng sibat at
binukalan ng dugo at tubig, *

Namumuno: Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Acuzena

Sagot: Bigyan siya ng ilaw at liwanag na walang katapusan.
Namumuno: Mapanatag siya sa kapayapaan.
Sagot: Siya nawa.
IKALAWANG DEKADA

IKATLONG DEKADA

IKA-APAT NA DEKADA

IKALIMANG DEKADA

Katamis-tamisan kong Hesus, na sa pagtubos mo sa sangkatauhan ay inibig
mong ikaw ay ipanganak. Nang may ika-walong araw ay nabuhos ang unang
patak ng mahal mong dugo sa pagsunod sa utos ni Moises. Inari kang hamak
ng mga lilo; ipinagkanulo ka ni Hudas sa mga hudyo ng isang halik sa mukha.
Iginapos at dinala sa kamatayan na parang isang maamong Kordero.
Ipinaghatid-hatiran ka sa apat na hukuman; kay Anas, kay Kaypas, kay Pilato
at kay Herodes. Pinaratangan ka’t pinatotohanan ng mga bulaang saksi.
Tinampal, pinagmurahanan, hinampas nang walang bilang, pinutungan ka ng
tinik, at pinalo ng kawayan. Inaglahi kang tinakpan sa mukha ng isang
panyong pula. Hinalay kang hinubdan sa harap ng sambayanan. Ipinako ka at
saka biglang ibinaon ang Krus na pinagpakuan sa Iyo. Pinainom ka ng suka at
apdong mapait. Inulos ng sibat ang tagiliran mong mahal na pinaglagusan ng
sibat at binukalan ng dugo at tubig.
Hanguin mo na po Panginoon naming Diyos ang kaluluwa ni Acuzena sa
kinarorounan niyang hirap pakundangan sa kapait-paitang sakit na dinalita mo
sa pagsinta sa kaniya. At siya naman ay hanguin mo sa dusang walang
hanggan sa impiyierno, alang-alang at pakundangan sa karapatan ng iyong
Mahal na Pasyon at pagkamatay mo sa Krus nang marapat siyang pumasok sa
maluwalhating bayan na pinaglagyan mo sa mapalad na magnanakaw na
ipinakong isinama sa iyo, Poong Diyos, na nabubuhay at naghaharing kasama
ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Tugon: Siya Nawa.

Litanya: Diyos Espiritu Santo, *

Namumuno: Panginoong Mahal, Santisima Trinidad na Tatlong
Sagot: Tulungan mo kami. Persona at Iisang Diyos, *
N: Hesukristong Anak ng Diyos,
S: Magdalang-habag ka sa kanya. N: Santa Maria,
N: Panginoong walang hanggan, * S: Ipanalangin mo siya.
* S: Maawa ka sa kanya. N: Santang Ina ng Diyos, *
N: Kristo pakinggan mo kami, * Santang Birhen puno ng mga
Diyos Ama sa langit, * Birhenes, *
Diyos Anak na tumobos sa Ina ni Kristo, *
sangkatauhan, * Ina ng Grasya ng Diyos, *
Inang walang bakas kasalanan, * Torre ni David, *
Inang walang malay sa kahalayan, * Toreng garing, *
Inang ‘di malapitan ng masama, * Bahay na ginto, *
Inang ‘di mapaghamakan, * Kaban ng tipan, *
Inang walang pagmamaliw, * Pinto ng langit, *
Inang kataka-taka, * Talang maliwanag, *
Ina ng may gawa sa lahat, * Mapag-pagaling sa mga maysakit, *
Inang mapag-adya, * Sakdalan ng mga taong makasalanan,
Inang nakawawala ng kasalanan, * *
Birheng kadunong-dunungan, * Mapang-aliw sa mga
Birheng kagalang-galang, * nagdadalamhati, *
Birheng dapat ipagbantog, * Mapag-ampon sa mga kristiyano, *
Birheng dapat ipagbunyi, * Reyna ng mga anghel, *
Birheng kapaham-pahaman, * Reyna ng mga patriyarka, *
Birheng makapangyayari, * Reyna ng mga propeta, *
Birheng maawain, *Birheng tapat na Reyna ng mga apostol, *
loob sa Diyos, * Reyna ng mga martir, *
Salamin ng katuwiran, * Reyna ng mga kompesor, *
Luklukan ng karunungan, * Reyna ng mga Birhenes, *Reyna ng
Mula ng tuwa namin, * lahat ng mga santo, *
Sisidlan ng kabanalan, * Reynang ipinaglihi na ‘di nagmana
Sisidlan ng bunyi at bantog, * ng salang orihinal, *
Sisidlan ng mahal na panininta sa Reynang ini-akyat sa langit, *
Diyos, * Reyna ng kasantu-santuhang
Rosang bulaklak na walang kahulilip, Rosaryo, *
* Reyna ng kapayapaan, *

N: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

S: Patawarin mo po siya, Panginoon namin.
N: Kordero ng Diyos na pumapawi sa kasalanan ng sangkatauhan,
S: Paka-pakinggan mo po siya, Panginoon namin.
N: Kordero ng Diyos na pumapawi sa kasalanan ng santinakpang langit,
S: Kaawaan mo po siya, Panginoon namin.
Sa ilalim ng iyong pagtangkilik kumakanlong kami sa Santang Ina ng Diyos. Sa
tuwi-tuwinang kami’y dumadalangin, magdalita ka po at iyong dinggin lalo na
at si Acuzena ay napapa-nganyaya, iyong ipag-adya o maluwalhati’t mapalad na
Birheng walang pagmamaliw.

N: Ipanalangin mo po siya Santang Ina ng Diyos,

S: Nang siya ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong
aming Panginoon.

N: Panginoon naming Diyos, kalingain mo’t dinggin ang aming dalangin,

S: Dumating nawa sa iyong tainga ang aming pagdaing.

Aming ipinagtatagubilin sa iyo, Panginoon naming Diyos ang kaluluwa ni

Acuzena. Sapagka’t siya ay namatay na dito sa ibabaw ng lupa ay ipatawad mo
na sana ang mga nagawa niyang kasalanan at marapat nawa siyang mabuhay sa
iyo magpasawalang hanggang.
Tugon: Siya Nawa.

Aba! Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhayan at katamisan.
Ay Aba! Pinanaligan ka namin, ikaw nga po ang tinatawag naming,pinapanaw
na taong anak in Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntong hininga namin ng aming
pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay Aba pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain at saka kung matapos
yaring pagpanaw namin ay maipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain at maalam at matamis na Birhen.

N: Ipanalangin mo po siya o Santang Ina ng Diyos,

S: Nang siya ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong
aming Panginoon.
N: Ama Namin, Sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasama po
siya sa kaharian Mo, sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.
L: Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw; at patawarin Mo
kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa
amin; at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng
masama. Amen!
N: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay
sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at ipinagpala naman ang
iyong anak na si Hesus
L: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo siyang makasalanan ngayong
siya’y namatay na. Amen.

N: Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Acuzena.

S: Bigyan siya ng ilaw at liwanag na walang katapusan.
N: Mapanatag siya sa kapayapaan.
S: Siya nawa.

(Tatlong Beses Uulitin ang AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA at

SUMALANGIT NAWA)

O Diyos na naghabilin sa amin, sa mga bakas ng paghihirap mo at sa mapalad

na sabanas na ibinalot sa kabanal-banalan mong katawan nang maibaba ka ni
Hosep sa Krus, ipagkaloob mo sa amin, maawaing Panginoon, alang-alang sa
pagkamatay mo at sa pinagbaunan sa iyo na ang kaluluwa ni Acuzena ay
dalhin mo sa iyong kaluwalhatian at pagkabuhay na maguli sa tinatahanan at
pinaghaharian ng Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo, Diyos na
magparating man magpasa walang hanggan.
Tugon: Siya Nawa.

(Magkrus ng tatlong beses) Santong Diyos, Santong Makapangyarihan,

Santong walang kamatayan. Maawa ka sa kaniya. (3 Ulit)
Alavado Sagrado Corazon de Jesus, Alavado Sagrado Corazon de Maria, Alavado
Sagrado Corazon de Jose, Alavado Sagrado Corazon de Joaquin, Alavado
Sagrado Corazon de Ana Vendito, Alavado Cia, Santisimo Sacrameto del altar,
del Olimpia, Imaculada Concepcion del Virgen Maria, Madre de Dios, Senora
Nuestra concevida, coemansa, certificado original, impremer estandarte deciser
natural por siempre mas. Amen Jesus.

N: Ave Maria Purisima (3 ulit)

S: Sin pecado consevida (3 ulit)
N: Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Acuzena.
S: Bigyan siya ng ilaw at liwanag na walang katapusan.
N: Mapanatag siya sa kapayapaan.
S: Siya nawa.

+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen

You might also like