You are on page 1of 3

PANALANGIN PARA SA MGA BATANG NAMATAY (EDAD 0-7)

(3-Araw na NOBENA sa mga Angheles)

V. Buksan mo nawa Panginoon ko ang mga labi ko.


R. At ang bibig ko’y matutong magpuri sa iyo.

V. Diyos ko ako’y iyong alalayan.


R. At bigla mo akong Panginoong tulungan.

V. Gloria Patri, et Filio et Spiritu Santo.


R. Sicut erat in principio, et nune, et simper et in saecula saeculorum Amen.

PAGSISISI

Oh lubhang kaibig-ibig na Diyos tatlo sa pagka Personas at isa sa pagka Diyos Ama, Anak at Espiritu
Santo, na sinasampalatayanan ko pinananaligan ko, at iniibig ko ng buong puso, katawan, kaluluwa at
buong pangdamdam o buong sangkap ng katawan, at mga ipinangyayari ng kaluluwa ko sapagkat ikaw
nga ang Ama kong walang hanggang kagalingan, at dapat ibiging lalo sa lahat ng bagay.

Nagsisisi ako kasantusantusang Trinidad, nagsisisi ako lubhang maawaing Trinidad ng pagkakasala ko sa
iyo sapagkat ikaw nga lamang ang Diyos ko nagtitika naman ako at nangangako, na kalian pa ma’y din a
muli-muling magkakasala sa iyo, at mamatay na muna ako abgo magkasala, umaasa naman ako sa iyong
dakilang kagalingan at walang hanggan mong kaawaan na ako’y patatawarin sa lahat kong kasalanan, at
pagkalooban mo ako ng grasyang ipapanatili ko sa isang tunay na pagsinta, at mataimtim na debosyon sa
iyo kaibig-ibig kong Trinidad. Siya Nawa.

HIMNO

Maningas na araw ay maparam kaya at ikaw Trinidad ilaw ng aming diwa. Sa dibdib namin mangyaring
itala banal na pag-ibig lubos na dakila.
Sa umaga kami’y nagpupuri gayong sa tanghali’y nagdarasal, sa Iyo po’y aming sinasabi isama kami sa
kalangitan.
Sa Ama’t Anak at sa iyong kabanalan Espiritu Santong aming kabuhayan. Ngayo’t sa tuwina’y aming
iniaalay mga pagpupuring walang katapusan. Siya Nawa.

Dasalin ang isang AMA NAMIN at GLORIA PATRI at saka isunod ito :

Namumuno: SANTO, SANTO, SANTO,


Poong Diyos ng mga hukbo, lumalaganap sa Langit at Lupa ang Kaluwalhatian Mo.

Lahat : Luwalhati sa Ama, Luwalhati sa Anak, Luwalhati sa Espiritu Santo.

(ito’y uuliting makadawangput pito (27) at simulan ang bawat siyam na mga araw, ay magdarasal muna
ng isang Ama Namin at Gloria Patri, at sa katapusan ng lahat, ay ang susunod:)

1
ANTIPONA

Ikaw Diyos Amang walang pinagmulan, Ikaw Anak na bugtong, Ikaw Espiritu Santong mapang-aliw, Santa
at di mangyayaring magkahiwalay na Trinidad, sa kaibuturan ng aming mga puso, ay ipinagbabansag ka
namin, pinupuri ka namin maiya-alay sa iyo ang kaluwalhatian mong walang hanggan. Siya Nawa.

V. Ipagbunyi natin ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo.


R. Purihin natin siya, at ipagdangal magpasawalang hanggan.

PANALANGIN

Panginoon namin Diyos, na iisa at tatlo sa pagka Personas, pagkalooban mo kaming walang humpay ng
iyong mahal na grasya, ng iyong pagsinta, ng ipakikinabang namin sa iyo rin, magmula ngayon, at
magparating man saan, ay ibigin ka namin, at ipagdangal: Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo,
na iisa sa pagka Diyos, magpasawalang hanggan. Siya Nawa.

KATUWAAN O DALIT SA SANTISIMA TRINIDAD


(uuliting makalimang(5) beses)

V. Sa isang Diyos at trino Arkangheles, Kerubines,


R. Angeles at Serapines wika’y, Santo, Santo, Santo.

V. Sa pagka Diyos mong ganap buo, sa tatlong personas, sigaw nami’y ipatawad kasamaan namin at
hirap, sa masaganang awa mo, sa awit hiwagang ito,
R. Angeles at Serapines wika’y, Santo, Santo, Santo.

V. Galing mong di maulatan Trinong kataas-taasan, bukal kang binabalunganbuhay nami’t


kagalingan, Ang mataas ngang awa mo aliw sa aming totoo,
R. Angeles at Serapines wika’y, Santo, Santo, Santo.

V. Itong Trisahiyong sinulat ng marinig ni Isayas, sa Langit sinawalat anghelikas, herakias; Ng ang
siglang yao’y dito, awitin na panibago,
R. Angeles at Serapines wika’y, Santo, Santo, Santo.

V. Itong Trisahiyong mahal tinig ng sangkalangitan, sa isang impierno ay laban iglesia’y siyang
nagdiwang, ang puri idinarangal ko sa pagsampalatayang totoo,
R. Angeles at Serapines wika’y, Santo, Santo, Santo.

V. Sa biglang kamatayan, deboto’y nasangalang, dilang tanda’y, nadirikitan nitong Trisahiyong


mahal: Sa palad itong saklolo dito sa marayang mundo,
R. Angeles at Serapines wika’y, Santo, Santo, Santo.
2
V. Ito’y bahagharing hadlang sa dagat, lupa, apo’y man, sa hangi’y napapatanghal tangkang tayo’y
isanggalang; Sa tangi nitong saklolo, kabalagha’t enkanto,
R. Angeles at Serapines wika’y, Santo, Santo, Santo.

V. Baluting kataas-taasan ng sa Diyos na kahatulan, na sa impiernong kasamaan nagagahis ng


binyagan; kaya’t ang mga dimonyong lilo sa takot nagsisitakbo.
R. Angeles at Serapines wika’y, Santo, Santo, Santo.

V. Sa awa mo nananalig na sa koro niyang langit at diyan ko inaawit itong Himnong tuwa’t tamis kaya
ang panganib sa mundo sukuban ng iyong manto
R. Angeles at Serapines wika’y, Santo, Santo, Santo.

V. Angheles, kerubines Sa isang Diyos at Trino


R. Angeles at Serapines wika’y, Santo, Santo, Santo.

(uuliting makalimang(5) beses saka isunod ang:)

ANTIPONA

Purihin nawa ang Santa at di matingkalang Trinidad, na lumalang at namahala ng lahat ng bagay, ngayon,
at magpasawalang hanggan. Siya Nawa.

V. Ipagbunyi natin ang Ama, ang Anak, at Espiritu Santo.


R. Purihin natin Siya at ipagdangal magpakailan man.

PANALANGIN

Makapangyayari at walang hanggang Diyos, na minarapat mong ipahayag sa iyong mga alipin sa
pagbabansag ng tunay na pananampalataya, ang kaluwalhatian ng iyong walang hanggang Trinidad at ng
Sambahin naman, ang isang pagkaDiyos sa di malirip mong kamahalan, isinasamo namin sa Iyo
Panginoon ko, na alang-alang sa katibayan nito ring pananampalataya, ay maadya kami, at maligtas sa
lahat ng kasakunaan at mga panganib. Alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin. Siya Nawa.

....Magdasal ng Ama Namin….Aba Ginoong Maria…at Gloria Patri….

Gena;)
VDP

You might also like