You are on page 1of 16

PAGSISIYAM PARA SA MGA KALULUWA SA PURGATORYO

PAMBUNGAD NA PANALANGIN (lumuhod po ang lahat)

Sa ngalan ng Ama…

O Amang walang hanggan, iniaalay ko sa iyo ang Kamalahal-mahalang Dugo ng


Iyong anak na si Hesus, sa pakikiisa sa lahat ng mga Misa na iniaalay sa araw na
ito, para sa lahat ng mga kaluluwa sa Purgatoryo at para sa lahat ng mga
makasalanan sa lahat ng dako, sa mga kasalanan ng Simbahan sa buong daigdig,
yaong nasa aming tahanan at yaong nasa aking mag-anak. Amen.

Mapagmahal na Hesus, buong kapakumbabaang hinihingi ko sa iyo na ialay mo sa


iyong Amang walang hanggan ang Iyong kamahal-mahalang Dugo na dumaloy
mula sa banal na sugat ng Iyong Kapita-pitagang katawan, sampu ng iyong
pagdurusa at kamatayan para sa mga kaluluwa sa Purgatoryo.

O namimighating Birheng Maria, iharap mo sa Amang makalangit, kasama ng


malungkot na pagpapakasakit ng iyong Anak, ang iyong sariling pighati, luha at ng
lahat ng hapis na iyong ipinagdusa kaisa Niya, upang madulutan ng kaginhawahan
ang mga kaluluwang nagdurusa sa nag-aalab na paghihirap sa purgatoryo, upang
sa pagkakahango mula sa masakit na bilangguan, maramtan sila ng kaluwalhatian
sa langit at dooy awitin ang hapurihan ng Diyos magpasawalang hanggan. Amen

UNANG ARAW:

PAGBASA MULA SA BANAL NA BIBLIYA(uupo ang lahat)

“Sapagkat kung hindi siya sumasampalataya sa muling pagkabuhay ng mga


nabuwal ay magiging isang bagay na kalabisan at walang kabuluhan ang
pagdalangin sa mga yumao. Bukod dito ay kanyang pinahahalagahan ang
napakagandang gantimpalang nakalaan sa mga namamatay sa kabanalan…”
2Makabeo 12:4-45

PAGNINILAY:
Kasalanan ang balakid sa pag-unlad ng mga lalaki at babae. Ang tunay na pag-
unlad ay ang makapanhik ang tao sa Diyos. Kasalanan lamang ang magiging
sagabal dito. Ang bisyo at krimen ay nagwawaksi sa tao na tila mga hayop
samanatalang sila ay dapat na umangat patungo sa mga anghel.

Ang mamatay sa kasalanang mortal ay nangangahulugan ng walang hanggang


kabiguan, ang impyerno. Inilulugmok nito ang tao, na ang nakatalagang kapalaran
ay dumanas ng kaluwalhatiang walang hanggan, sa kawalang hanggan ng kawalan
at paggsurusa.

Ang kamatayan sa kasalanang benyal o kasalanang may nauukol na kaparusahan


habang ito ay nasa kaluluwa pa, ay nangangahulugan na natamo na kagitna ng
pag-unlad patungo sa langit. Ang mga kawawang kaluluwa-kawawa sa kanilang
pagnanasa na maabot na ang Diyos at ang kabagot-bagot na pagkabalam ng
kanilang pakikiisa sa Diyos-ay kailangang magtagal pa sa bahay-kulungang ito. Ito
ang Purgatoryo, isang lugar na tigib ng hapis at kainip-inip na paghihintay.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Mahabanging Ama, sa pakikiisa sa mga Banal sa kalangitan, ipinamamanhik


naming kaawaan mo ang mga kaluluwa sa Purgatoryo. Isaalang-alang mo ang
walang maliw Mong pag-ibig para sa kanila at kaawaan Mo sila alang-alang sa
walang katapusang biyaya ng Iyong mga minamahal na anak. Kalugdan Mo pong
palayain sila mula sa sakit at pighati upang kanilang matamasa ang walang
hanggang kapayapaan at kagalakan.

Mapagmahal na manunubos, Kristo Hesus, Ikaw ang Hari ng mga Hari sa lupaing
maluwalhati. Isinasamo namin na sa iyong awa, dinggin ang aming mga
panalangin at palayain ang mga kaluluwa mula sa Purgatoryo. Akayin mo sila mula
sa bilagguan ng kadiliman patungo sa liwanag ay kalayaan ng mga anak ng Diyos
sa iyong maluwalhating kaharian. Tubusin mo sila sa pamamagitan ng iyong
Kamahal-mahalang Dugo at iligtas Mo sila sa walang hanggang kamatayan.

Espiritu Santo, Panginoon ng kaliwanangan, pagningasin mo sa amin ang apoy ng


pag-ibig upang maialay namin ang aming mga panalangin at kusang
pagpapakasakit para sa mga nagdurusang mga kaluluwa sa Purgatoryo. Nais
naming ialay ang mga biyaya ng debosyong ito para salahat ng kasapi ng
Simbahang Naghihirap, Lalot higit para sa mga pumanaw naming mga mahal sa
buhay. Dinggin mo ang aming panalangin upang makaisa namin sila sa kaharian
ng iyong kaluwalhatian, Ama, Anak at Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Amen.

LITANYA NG MGA BANAL NA KALULUWA

Makapangyarihang Diyos, Ama ng kabutihan at pag-ibig. Kaawaan mo ang mga


abang kaluluwang nagdurusa at pagkalooban sila ng iyong saklolo.

Ang Tugon: PANGINOON, KAAWAAN MO SILA

Sa aming mga magulang at ninuno…


Sa aming mga kapatid at kamag-anakan…
Sa aming mga taga tangkilik sa mga bagay na espiritwal at materyal
Sa mga dati naming kaibigan at taga sunod
Sa lahat ng dapat naming ipagdasal alang-alang sa pag-ibig o tungkulin
Sa lahat ng nagdusa at nasaktan namin
Sa lahat ng lumapastangan sa amin
Sa lahat ng mga pinakamamahal mo
Sa lahat ng mga napipintong palalayain
Sa lahat ng mga masidhing naghahangad na makapiling ka
Sa lahat ng nakalaang lumasap ng pinaka matinding pagdurusa
Sa lahat ng napapalayo pa ang paglaya
Sa lahat ng mga hindi naaalala
Sa lahat ng lalong karapat-dapat tulungan alang-alang sa kanilang paglilingkod sa
simbahan…
Sa mga dating mayaman na ngayon ay lumalasap ng kadustaan
Sa mga dating makapangyarihan na ngayon ay hamak na mga lingkod
Sa mga dating bulag na ngayon ay nakakakita sa kanilang kapalaluan
Sa mga dating tamad, na nag-aksaya ng kanilang panahon
Sa mga dating maralita na hindi naghangad ng makalangit na kayamanan
Sa mga dating nanlamig na hindi nag- ukol ng sapat na panahon sa panalangin
Sa mga dating batugan na nagpabaya sa paggawa ng kabutihan
Sa mga maliliit ang pananampalataya na nakaligtaan ang malimit na pagtanggap
sa mga Sakramento
Sa mga mapaggawa ng kasalanan, na utang ang kanilang kaligtasan sa himala ng
biyaya…
Sa mga magulang na nagpabaya sa kanilang mga anak
Sa mga may kapangyarihang hindi kumalinga sa kaligtasan ng mga ipinagkatiwala
sa kanila…
Sa mga kaluluwang walang naghangad kungdi kayamanan at kaaliwan
Sa mga makamundo na hindi ginamit ang kanilang kayamanan at kakayahan sa
paglilingkod sa Diyos
Sa mga nakasaksi sa kamatayan ng iba na di man lamang naisip ang sarili nillang
pagpanaw…
Sa mga hindi naglaan para sa kanilang mahabang paglalakbay sa kabilang buhay
Sa mga nagdurusa ng mabibigat na kaparusahan dahil sa malalaki nilang
pananagutan sa lupa…
Sa mga Papa, pinuno, hari at prinsipe
Sa mga Obispo at kanilang tagapayo
Sa mga guro at mga patnubay
Sa mga yumaong pari ng aming Diyosesis
Sa mga pari at relihiyoso ng buong simbahan
Sa mga tagapagtanggol ng Pananampalataya
Sa mga kawani na namatay sa labanan
Sa mga nailibing sa karagatan
Sa mga biglaang namatay
Sa mga namatay nang hindi nakatanggap ng huling sakramento
Sa mga mamamatay sa araw na ito
Sa aking sariling kaluluwa kapag panahon na ng pagharap sa iyong hukuman

NAMUMUNO: Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa yumaong


ating mahal

LAHAT: Sila nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan

NAMUMUNO: Humimlay nawas sila sa kapayapaan

LAHAT: Amen.

Sa ngalan ng Ama…
IKAWALANG ARAW

PAMBUANGAD NA PANALANGIN

PAGBASA MULA SA BANAL NA BIBLIYA(uupo ang lahat)

“Nasaan O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan o kamatayan, ang iyong


tibo? Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay ang
Batas. Ngunit salamat sa Diyos na nagbigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan
ng Panginoon nating si Hesukristo.” 1Coronto 15:55-57

PAGNINILAY:

Wala nang hihigit pa sa paghihirap ng isang kinapal kaysa ang paghihintay na tigib
ang sakit. Lahat ng kaluluwa sa Purgatoryo ay nakatityak na makararating sa langit
balang araw.

Alam nila na kahang-hanga ang langit at kanai-nais ang Diyos. Subalit hindi nila
masundan ang marahas na pagnanasa na nagtutulak sa kanila patungo sa kanilang
kaligayahn. Magugutom sila sa Panginoon at ipagkakait pa rin sa kanila ang pag-
aari sa Kanya.

Ang impyerno ay kadiliman at walang pag-sang lumbay. Sa purgatoryo, may pag-


asa at katiyakan, pag-ibig at pananabik-at mahabang panahon ng
paghihintay...paghihintay...paghihintay…

May pagdurusa din sa purgatoryo, pagdurusa dulot ng paghuhugas sa apoy sa


lahat ng bahid ng kasalanan at paglilinis sa apuyan sa mga kaluluwa bago
pumasok sa presensya sa kabanal-banalang Diyos. Subalit ang tunay na sakit sa
purgatoryo ay ang marubdob na pagmimithi sa Panginoon, na halos abot-kamay,
at ang masidhing pananabik na makauwi sa langit, na abot- tanaw na ay hindi pa
rin makamtan.

Walang kaluluwang may bahid-dungis ng kasalanan na makakapasok sa


kalangitan. Kaya’t sa purgatoryo ay hinuhugasan ang dungis, kung saan ang mga
kaluluwa na nakatalaga sa kuluwalhatian ay inihahanda sa pagdurusa at
nakababagot na pagka antala ng pinakamimithing pakikiisa sa Diyos.
PANALANGIN SA ARAW-ARAW

LITANYA NG MGA BANAL NA KALULUWA

NAMUMUNO: Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa yumaong


ating mahal

LAHAT: Sila nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan

NAMUMUNO: Humimlay nawas sila sa kapayapaan

LAHAT: Amen.

Sa ngalan ng Ama…

IKATLONG ARAW

PAMBUNGAD NA PANALANGIN (lumuhod po ang lahat)

PAGBASA MULA SA BANAL NA BIBLIYA (UMUPO ANG LAHAT)

Kung si Kristo ay sumasainyo, kahit patay ang katawan dahil sa kasalanan, ang
espiritu naman ay buhay dahil sa kabanalan. Kung ang Espiritu niyang muling
bumuhay kay Hesus ang nananahan sa inyo, ang bumuhay na mag-uli kay Kristong
Hesus ang nananahan sa inyo, ang bumuhay na mag-uli kay Kristo Hesus ang siya
ring bubuhay sa inyong mga katawang namamatay sa pamamagitan din ng
Espiritu Santo na nananahan sa inyo.” Romano 8:8-11

PAGNINILAY

Ang buhay sa lupa ay panahon ng pagtatamasa ng merito. Kung sa pamamagitan


ng mga pagpapakasakit tatamasa tayo ng mayamang biyaya ni Kristo at ng mga
Banal. Mahugasan ang bahid ng napatawad ang kasalanan, at mapawi ang
kaparusahan sa mga kasalanang benyal, ito ay atin ding matatamo sa
pamamagitan ng pagtitika at pagkakawang-gawa.
Sa Sandaling ang kaluluwa ay pumasok na sa purgatoryo, ang panahon para
umani ng merito para sa kaluluwang iyon ay tapos na.

Kung tayo ay nakaranas ng pagdurusa sa lupa, maaari nating ialay ang ating
pagdurusa sa Diyos. Sa pamamagitan nito ay madaragdagan ang ating kaligayahan
sa kinabukasan at maiiwasan ang sakit ng Purgatoryo.

Kapag ang isang kaluluwa ay nagdurusa sa purgatoryo, dahan-dahan at buong


hirap niyang binubura ang mga pagkakautang ng kasalanan subali’t wala na siyang
matatamong karagdagang biyaya para sa langit. Walang mga biyaya sa Purgatoryo
o panibagong paggamit ng mga merito ni Kristo, ng kanyang Ina o ng mga Banal.

Subali’t salamat sa aking pakikiisa sa Mistikal na katawan ni Kristo, salamat sa


komunyon ng mga banal, makakaani tayo ng biyaya para sa mga kaluluwang
nagdurusa. Ang mga biyayang ito ay ating maiaalay para sa kanilang panahon ng
paghihintay. Mababawasan natin ang kanilang paghihirap at mapapadali ang
kanilang pagpasok sa langit sa tulong ng anumang kabutihan na iaalay natin para
sa kanila dito sa lupa.

PANALANNGIN SA ARAW ARAW

LIYANYA SA MGA BANAL NA KALULUWA

NAMUMUNO: Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa yumaong


ating mahal

LAHAT: Sila nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan

NAMUMUNO: Humimlay nawas sila sa kapayapaan

LAHAT: Amen.

Sa ngalan ng Ama…

IKA-APAT NA ARAW
PAMBUNGAD NA PANALANGIN (lumuhod po ang lahat)

PAGBASA MULA SA BANAL NA BIBLIYA ( Umupo ang lahat)

Subalit kung tayo ay namatay na kasama ni Kristo, sumasampalatayo tayong


bumubuhay kasama ni Kristo, sapagkat alam natin na si Kristo na muling nabuhay
ay hindi na mamamatay, wala nang kapangyarihan sa Kanya ang kamatayan. Ang
kanayang kamatayan na pagkamatay dahil sa kasalanan ay minsan lamang alang-
alang sa lahat at ang Kanyang buhay naman ay buhay alang-alang sa Diyos.
Gayundin naman ipalagay ninyo na kayo ay patay na sa kasalanan, ngunit
nabubuhay sa Diyos kay Kristo Hesus.” Romano 6:8-11

PAGNINILAY:

Napakabilis mapukaw sa isipan ng isang tao ang ala-ala ng kanilang mahal na


yumao. Ang ala-ala ay tulad ng mga luhang pumatak sa isang kabaong, sandaling
sumingaw, kaybilis natuyo.

Sa mabilis na pagdaan ng mga araw madaling nakalimot ang mga buhay. Ang kapit
ng mga dating samahan at pagtatatag ng mga bagong kaibigan ay dahilan upang
matabunan at masiksik sa maalikabok na sulok ng ala-ala ang mga kaibigang
ngayon ay nakatago na sa bilangguan ng Diyos. Subalit ang mga bilanggong ito ay
hindi nakakalimot sa atin.

Sa mabagal at masakit na pagdaraan ng mga araw, may panahon silang maka ala-
ala. Napakasidhi ng kanilang pagkagutom sa Diyos kayat walang puwang sa
kanilang puso ang bagong kasamahan. Higit silang nagiging maramdamin, tulad ng
kung may sakit tayo ay nagiging maramdamin, sa ala-ala, sa kapabayaan, sa pag-
asa sa kaligtasan, sa kaalaman na ang taong malakas na nagsitangis noon ng
kanilang pagmamahal ay daglian nang nakalimot.

Nakakintal ng buong pasasalamat sa kanilang puso ang mga taong hindi


nagpabaya sa kanila. Buong kalungkutan din na inaala-ala nila yaong dagliang
nakalimot na. Ipinagdarasal nila sa Diyos, na nagmamahal sa kanila kahit sa
kanilang bilangguan, ang mga maalalahaninn at mapaglingap. Iniluluhog nila na
ang mga nagtulak kanilang palayo sa mga malapit at mga buhay ay mag iiwan sa
kanilang bahay-kulungan ng isang pag-alaala, isang panalangin, isang
pagkakawanggawa bilang pagtubos.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

LITANYA NG MGA BANAL NA KALULUWA

NAMUMUNO: Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa yumaong


ating mahal

LAHAT: Sila nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan

NAMUMUNO: Humimlay nawas sila sa kapayapaan

LAHAT: Amen.

Sa ngalan ng Ama…

IKALIMANG ARAW

PAMBUNGAD NA PANALANGIN (lumuhod po ang lahat)

PAGBASA MULA SA BANAL NA BIBLIYA (Umupo ang lahat)

“Alalahanin mo na si Hesukristo, na muling nabuhay, ay buhat sa lahi ni David,


ayon sa aking Ebanghelyo…Kaya dapat sampalatayanan ang pananalitang ito;
Kung namatay tayong kasama Niya ay mabubuhay din tayong kasama Niya. Kung
tayo ay magtitiis, maghahari tayo na kasama Niya. Kung itatwa natin Siya, itatatwa
rin Niya tayo. Kung hindi tayo tapat, mananatili Siyang matapat, palibhasa ay hindi
Niya maaaring itatwa ang Kanyang sarili.” 2Timoteo 2L8,11-13

PAGNINILAY

Ang mga nasa Purgatoryo ay kaibigan ng Diyos, Ang mga kaluluwang ito ay ligtas
na. Ang kanilang mga korona ay naghihintay sa kanila, ang kanilang mga trono ay
nakahanda na, ang kanilang mansyon ay ayus na.
Napaka lalim ng pagmamahal sa kanila ng Diyos, gaya ng pagmamahal Niya sa
Kanyang matatapat na mga anak na ipinaglaban ang mabuting pakikibaka.

Ang kanilang mga panalangin para sa iba ay tuwirang dumarating sa kanyang


luklukan. Hindi na nila maipagdarasal ang kanilang sarili, ang panahong ng
kanilang biayaya ay tapos na. Sila ay nakapagdarasal, at sila ay nagdarasl, para sa
kanilang mga minamahal sa lupa. Ang mapagmahal na Ina sa Purgatoryo ay
namamagitan para sa kanyang mga anak. Ang mapamintuhong Ama ngayon ay
higit na mapamintuho. Ang mga kaibigan na hindi nalimutan ang kahalagahan ng
kanilang pagkakaibigan. Ang mga kamag-anak na ito ay nakatali sa atin ng higit na
malapit kaysa dugo.

Halos lahat ng mga Banal na Kaluluwa ay ipinagdarasal ang mga naghahandog sa


kanila ng pakinabang. Ang sandali nating pag-alala sa kanila ay nagwawagi tayo ng
malaking bilang ng pakinabang mula sa kanila. Nagdarasal tayo ng hindi nag-iisip;
ang kanilang pagdarasal ay ang matimtim na dasal ng mga kaluluwang palapit
nang palapit na sa Diyos. Humihingi tayo ng kaligtasan, idinudulog nila sa Diyos na
gantimpalaan tayo ng sanlibong pagpapala.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

LITANYA NG MGA BANAL NA KALULUWA

NAMUMUNO: Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa yumaong


ating mahal

LAHAT: Sila nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan

NAMUMUNO: Humimlay nawas sila sa kapayapaan

LAHAT: Amen.

Sa ngalan ng Ama…

IKA-ANIM NA ARAW

PAMBUNGAD NA PANALANGIN (lumuhod po ang lahat)


PAGBASA MULA SA BANAL NA BIBLIYA (UMUPO ANG LAHAT)

“si Kristo man ay namatay nang minsan lamang alang alang sa lahat dahil sa mga
kasalanan, ang banal dahil sa kasalanan, upang dalhin tayo sa Diyos; pinatay ayon
sa laman, ngunit binuhay ayon sa espiritu. Ang binyag na kawangis nito ang siyang
nagliligtas sa inyo ngayon, n hindi nag-aalis ng dumi ng katawan kungdi
nagtatamo sa Diyos ng isang mabuting budhi sa bisa ng Muling pagkabuhay ni
Hesukristo na pagkatungo sa langit ay nasa kanan ng Diyos at ipina ilalim sa kanya
ang mga anghel, mga potestad at mga birtud..” 1Pedro 3:18,21-22

PAGNINILAY

Ang pagkagutom ng kaluluwa sa Diyos ay higit pa sa kagutuman ng katawan sa


pagkain. Sa sangkalupaan, tayo ay nababahala sa kalayawan ng buhay na
nakapaligid sa atin. Sa Purgatoryo, walang kaabalahan. Ang kanilang mga mata ay
nakatuon lamang sa nakapinid na pintuan ng Langit. Ang mga Banal na Kaluluwa
ay naghahangad sa Diyos, nananabik sa Diyos, nauuhaw at nagugutom sa Diyos.

Ang hatol ng kanilang kaparusahan ay laging nasa kanilang pandinig. ”Kaya’t


matagal kayong mananatiling malayo Sa inyong kagalakan, hanggang itong mga
kasalanan, mga maling gawain, dungis at mantsa ay napagdusahan na.”

Natitimbang sa kanilang pumupugnaw na pagkagutom sa Diyos ay ang katiyakan


na hindi sila makakapasok sa Kanyang Presensya na may kaunting bahid. Higit
nilang ninanais na maging higit na matindi ang apoy upang maging higit na mabilis
ang paglilinis.

Isipin natin ang kanilang pasasalamat sa bawat panalangin o mabuting gawain na


ating gagampanan upang tulungan silang mahugasan ang kanilang mga kasalanan
at mapadali ang kanilang pagtungo sa Diyos. Isipin ang nag-uumapaw na galak na
pagtanggap nila sa anumang gawain natin na magpapaikli at puputol sa kanilang
pagtigil sa Purgatoryo, at mapapabilis ang kanilang pagpasok sa kalangitan.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

LITANYA NG MGA BANAL NA KALULUWA


NAMUMUNO: Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa yumaong
ating mahal

LAHAT: Sila nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan

NAMUMUNO: Humimlay nawas sila sa kapayapaan

LAHAT: Amen.

Sa ngalan ng Ama…

IKA PITONG ARAW

PAMBUNGAD NA PANALANGIN (lumuhod po ang lahat)

PAGBASA MULA SA BANAL NA BIBLIYA (Umupo ang lahat)

“Walang sino man sa atin ang nabuhay sa sarili, at walang namamatay alang-alang
sa sarili. Kung nabubuhay tayo, sa Panginoonn tayo nabubuhay; kung tayo ay
namamatay, sa Panginoonn tayo namamatay. Kaya’t mabuhay man tayo o
mamatay, tayo’s sa Panginoon. Sapagkat dahil dito ay namatay si Kristo at
nabuhay na mag-uli upang siya ay maging Panginoon ng mga patay at mga
buhay.” Romano 14:7-9

PAGNINILAY

Ano ang pagkain sa nagugutom, ano ang inumin ng tigang na lalamunan, ano ang
liwanag sa taong matagal nang bulag, ano ang bagong kalusugan sa taong lumpo,
ano ang kalayaan sa bilanggo; lahat ng ito at higit pa ay ang kaligtasan sa
Purgatoryo ng isang banal na Kaluluwa.

At kung ang pagkain, kalusugan at kalayaan ay dumating nang biglaan at hindi


inaasahan, ang puso ng tao ay lumulukso at bumibilis ang pagtibok, at ang
kaluluwa ay nararanasan ang masidhing nag-uumapaw na kagalakan.
Gayun din sa bawat dalangin na sambitin natin para sa mga kaluluwa sa
Purgatoryo na humihingi ng awa. Ang ating panalangin ay pagkain at tubig, ilaw at
kalusugan; ito ay isang pagpapaliban at pagkakalas, kalayaan at pagbabalik. Ito
ang kumakalag sa pagkakagapos, at nagpapaili ng kabagot-bagot na paghihintay,
ang katapusan ng pagkabilanggo, ang biglaang maluwalhating pag-aangat at
mabilis na paglipad pataas tungo sa gitna ng kanilang kagalakan, ang Diyos.

Para sa atin, ang panalangin na iyon ay hindi masyadong makabuluhan, isang


karaniwang pagkakawang gawa. Pagdarasal, paglilimos, pag-aayuno, isang
mabuting gawain..lahat ay nalilibong sa limot ng katagalan. Sa mga kaluluwa, ang
mga gawaing ito ay hindi masusukat ang kahalahagan, utang na walang hanggang
babayaran sa atin hanggang sa walang pasimula.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

LITANYA NG MGA BANAL NA KALULUWA

NAMUMUNO: Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa yumaong


ating mahal

LAHAT: Sila nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan

NAMUMUNO: Humimlay nawas sila sa kapayapaan

LAHAT: Amen.

Sa ngalan ng Ama…

IKA-WALONG ARAW

PAMBUNGAD NA PANALANGIN (lumuhod po ang lahat)

PAGNASA MULA SA BANAL NA BIBLIYA (Umupo ang lahat)

…”makikta nila ang Kanyang Mukha at tataglayin Ang kanyang Pangalan sa


kanilang noo. At hindi na magkakaroon doon ng gabi, hindi mangangailangan ng
liwanag ng ilawan o ng araw, sapagkat ang Panginoong Diyos ang siyang
tatanglaw sa kanila at maghahari sila magpakailanman at magpasawalng
hanggan.” Pahayag 22:4-5

PAGNINILAY

At darating ang maligayang araw ng pagpapalaya. Para sa mga kaibigan sa lupa na


nakalimot at sa mga hindi nakatanggap ng di pangkaraniwang paghatol ng Diyos
ng kalayaan ay natatamo lamang pagkaraan ng maraming mahaba ay mapait nam
mga siglo. Kaya ang kanilang paglaya ay dumarating ng higit na maaga higit sa
kanilang inaasahan. Ngayon nila naalaala ang mga kabigang nagbuhos ng mga
panalangin para sa kanila, mga panalanging tinaggap ng Diyos bilang kabayaran ng
isang sangkap o buo nilang pagkakautang.

Huli man o maaga ang kalayaan ay nakakamtan, ang paghuhusga ay natatapos,


ang malagim na pintuan ng Purgatoryo ay nabubuksan. Sa unahan ay ang mga
mapuputi at kumikislap na haligi ng lunsod nang walang simula. Tulad ng bugso ng
liwanag, ang napalayang kaluluwa ay mabilis na lumilipad patungo sa Diyos. Ang
mabagsik na hangin ay hindi kayang pantayan ang bilasik ng paglipad ng kaluluwa
mula sa bilangguan patungo sa kaligayahan na inilaan sa kanya ng Diyos.

Doon, sa presensya ng Diyos, ay ang sandal ng tagumpay, ang pagtanggap ng


Tatlong Persona, ang pagpasok sa mansyon ng kalangitan, ang pagluklok sa isa
pang Banal. Sa sandaling iyon ay makakamtan ang kaluluwa na walang simula na
kaligayah at walang kapantay na kaluwalhatian na walang kapintasan, na hindi
madurungisan ng pag aalang alang o pandaraya. Sa sandaling ito ay inaari na ng
Diyos ang mga kaluluwa sa hangganang walang simula.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

LITANYA NG MGA BANAL NA KALULUWA

NAMUMUNO: Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa yumaong


ating mahal

LAHAT: Sila nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan

NAMUMUNO: Humimlay nawas sila sa kapayapaan


LAHAT: Amen.

Sa ngalan ng Ama…

IKA-SIYAM NA ARAW

PAMBUNGAD NA PANALANGIN (lumuhod po ang lahat)

PAGBASA MULA SA BANAL NA BIBLIYA (Umupo ang lahat)

“Lahat ng ipinaghkakatiwala sa akin ng Ama ay lalapit sa akin at sino mang


lumapit sa akin ay hindi ko itataboy. Sapagkat nanaog ako mula sa langit, hindi
upang gawin ang kalooban ko, kung di ang kalooban ng nagsugo sa akin. Ito ang
kalooban na nagsugo sa akin, na huwag ko iwala ang kahit alin sa tanang
ipinagkatiwala sa akin kung di bagkus buhayin kong muli sa huling araw. Ito ang
kalooban ng aking Ama na ang lahat ng makikita sa Anak at ang sumasampalataya
sa Kanya ay magkakamit ng buhay na walang hanggan ay bububnayin ko siyang
muli sa huling araw.” Juan 6:37-40

PAGNINILAY

Sa kabila ng kanilang kagalakan, ang mga kaluluwa sa langit ay hindi nakakalimot.


Bagkus lalao silang nagigin buhay sa alala dahil sa kanilang kagalakan. Sa kaluluwa
na nasa kaluwalhatian, sa lahat ng sandali ay naka kintal sa kaniyang alaala ang
mapagpalang kaibigan sa lupa na tumulong sa kanya na marating ang Diyos at ang
kaluwalhatian.

Ngayong siya ay isa nang banal sa Langit, ginagamit niya ang kanyang lakas bilang
tagapamagitan. Nananalangin siya sa Diyos ma maging maawain at mapagbigay sa
mga taong sa kanya ay naging maawain at mapagbigay. Kay Kristo at kay Maria ay
isa isa niyang binabanggit sa pangalan ang mga tumulong sa kaniya sa panahon ng
siya ay hindi makatulong sa kanilang sarili. Kinausap niya ang Tatlong Persona
tungkol sa kanyang mga kaibigan.

Siya ay naging malakas na tagapaghandog, masigasig na nakikuiusap sa Diyos na


magbigay ng awa at maghandog ng biyaya sa mga taong nakakaalala sa kanya sa
Purgatoryo. Ang panalangin niya ay mataimtin at masidhi sa bagong kagalakan na
ang kanilang paglalakbay sa landas ng buhay ay maging ligtas, ang kanilang
itatagal sa Purgatoryo ay maging maikli, ang kanilang pagpasok sa langit ay
maging mabilis at tagumpay. Nagdarasal siya na balang araw sila rin ay
makakaranas ng tuwirang paningin ng Diyos at makikita ang Diyos sa walang
hanggan ng walang simula. Ito ang kaniyang walang pagdaramot na kagustuhan
na makabahagi tayo sa napakalaking kaluwahatian na hinihiling nating ipadala sa
atin.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

LITANYA NG MGA BANAL NA KALULUWA

NAMUMUNO: Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa yumaong


ating mahal

LAHAT: Sila nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan

NAMUMUNO: Humimlay nawas sila sa kapayapaan

LAHAT: Amen.

Sa ngalan ng Ama…

You might also like