You are on page 1of 11

Markahan: Ikatlo Ikaanim na Linggo: Pebrero 21-24, 2022

I. PANIMULA

Kumusta ka aking mag-aaral?

Nawa’y ikaw ay patuloy na inspirado sa iyong pag-aaral dahil muli na naman nating tuklasin at
alamin ang panibagong paksa sa ating Correspondence Learning Modality - Electronic Version.
Inaasahan ko na may naikintal na aral sa iyong isipan sa mga nakaraang linggo na maaari mong
magamit sa hinaharap. Gayunpaman, huwag mo pa ring kalimutang bigyan ng atensyon ang iyong
pisikal at mental na kalusugan dahil ito ang isa sa mga susi upang pagtagumpayan ang mga mga hamon
sa buhay.

Gabay sa Pagkatuto
PETSA PAKSA AKTIBIDAD/GAWAIN
• Rebolusyong Siyentipiko Suriin ang mga salik na nagbigay daan sa
pagkakaroon ng Rebolusyong Siyentipiko.
Tuklasin ang iba’t ibang mga tao sa likod ng
Pebrero 21-24, 2022 pag-unlad ng Rebolusyong Siyentipiko at
alamin ang kanilang mga kontribusyong
naka-apekto sa kasalukuyang estado ng
ating lipunan.
Gawin at ipasa ang aktibidad

Sa linggong ito, ang mga sumusunod ang magsisilbi mong gabay sa iba’t ibang aralin at gawain
na kinakailangan mong kompletuhin. Maging mapasensya at basahin ng masinsinan ang aralin bago
tumungo sa iyong aktibidad. Pagpalain ka nawa ng Diyos!

Pamantayang Pangnilalaman • Rebolusyong Siyentipiko


Pamantayan sa Pagkatuto • Nalalaman ang mga salik na nagbigay daan sa
paglulunsad ng Rebolusyong Siyentipiko;
• Nasisiyasat at nasusuri ang mga iba’t ibang tao sa likod
ng pag-unlad ng akademikong pang-agham at ang
kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng mga kaalaman;
at
• Nakapagbabahagi ng mga saloobin at kaalaman sa
epekto ng mga nadiskubreng kaalaman sa panahon ng
Rebolusyong Siyentipiko sa kasalukuyang lipunan.
Gawain • Performance Task
Mahahalagang Tanong • Bakit mahalaga ang siyentipikong pamamaraan sa pag-
aaral o pananaliksik?
• Ano ang pagkaka-iba ng teorya ni Ptolemy o Copernicus
hingil sa ating uniberso?

RALING PANLIPUNAN - Grade 8 Science Curriculum P a g e 1 | 10


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
• Paano nagising ang iyong kamalayan sa pag-usbong ng
Rebolusyong Siyentipiko?
Pagpapahalaga Ang pagpapaunlad ng ating sarili at kaalaman ay isang
indikasyon na patuloy nating binabago ang ating kapalaran
tungo sa isang makabuluhang paglalakbay sa buhay.
Sanggunian Books:
Celada, Abbey Rose A. & Ramos, Dexter John V., (2018),
Paglinang sa Kasaysayan 8: Kasaysayan ng Daigdig, Diwa
Learning Inc.

R. A. G. Abejo, M. D. dL. Jose, J. S. Reguindin, J. A. Ong, A. A.


T. Mallari, V. C. Villan, PhD, M. J. Z. Arisgado, D. J. G. Rosario
(2018). Kasaysayan ng Daigdig 8, Vibal Group Inc

Online:
Cohn, P. Retrieved February 4, 2022 from
https://www.biography.com/news/marco-polo-facts-
netflix-series
Andrews, Evan. Retrieved February 4, 2022 from
https://www.history.com/news/was-magellan-the-first-
person-to-circumnavigate-the-globe

II. NILALAMAN SA PAGKATUTO

Ang pag-iisip ng mga tao ay hindi makukuntento sa iisang sagot o obserbasyon lamang dahil
naghahanap pa tayo ng ebidensya upang mapatibay natin ang mga kaalaman na ating napupulot. Lagi
tayong kinikiliti at inuudyok ng ating imahinasyon na tumuklas ng mga bagong kaalaman upang
mapaunlad ang ating buhay. Hindi na bago ang ganitong pangyayari sa buhay ng mga tao dahil kitang
kita sa yugto ng ating kasaysayan na unti-unting nagbabago ang takbo ng buhay ng bawat tao dahil
sa mga iba’t ibang elemento na nakaaapekto. Ang mga bagong tuklas at kontribusyon ay maaaring
makatulong o makapaglala ng sitwasyon base sa kagamitan nito. Kung kaya’t napag-aaralan ang
ganitong serye ng ating kasaysayan upang matutunan natin ang kahihinatnan ng bawat pangyayari at
magiging gabay natin ito upang magkaroon ng magandang buhay sa kasalukuyan at mapatibay natin
ang ating hinaharap.

Dahil sa paglawak ng kaalamang Renaissance, naging tulay ito sa maraming kilusang


pagbabago sa intelektwal na kaalaman ng mga tao. Ang Rebolusyong Siyentipiko ay isa sa mga
produkto at salik ng Renaissance na nag-umpisang kwestiyunin ang mga aral at obserbasyon ng ating
mga ninuno sa panahong Klasikal at Medieval. Maraming mga kaalaman na naging basehan sa pag-
unawa ng ating kalikasan at uniberso ngunit sa pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipiko mas lalo pang
pinatunayan ang mga tamang kaalaman upang mapabuti ang kabuhay noon at kasalukuyan. Ihanda
ang iyong sarili aking mag-aaral dahil tutuklasin at aalamin natin ang mga iba’t ibang kontribusyon,
eksperimento, obserbasyon, at ideya ang inihandog sa ating ng mga tao sa panahon ng Rebolusyong
Siyentipiko.

RALING PANLIPUNAN - Grade 8 Science Curriculum P a g e 2 | 10


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
REBOLUSYONG SIYENTIPIKO (Scientific Revolution)

Ano ang Rebolusyong Siyentipiko?


• Ito ang serye ng pangyayari noong 16th hanggang 17th na siglo na nagbigay daan sa
malawakang pagbabago sa kaalaman na nagbunsod sa pag-unlad ng agham o siyensa tulad
ng mathematic, biology, chemistry, physics, astronomy, at medicine. Sa panahon ito,
naglunsad ang mga tao ng kanilang pangangatwiran upang maitama ang ibang kaalaman
noong Klasikal at Medieval na panahon. Naging-daan ito upang maunawaan natin ang galaw
ng ating kalikasan, mundo, at univiberso.

Anu-anong mga salik ang nagbunsod sa pagkakaroon ng Rebolusyong Siyentipiko?


1. Renaissance. Dahil sa mga humanista na nakapokus sa paghahasa ng kanilang kakayahan at
nakapokus sa rasyonal na pag-iisip tulad ng klasikal na kaalaman ng Greece at Rome, naging-
daan ito upang mas malinang pa ng tao ang kanyang pag-unawa sa kanyang kapaligiran.
2. Panahon ng Pagtuklas at Paggalugad. Maraming nga klasikal na Greek na geographer at
cartographer (gumagawa ng mapa) ang nagbigay ng kanilang obserbasyon sa ating paligid at
gumuhit ng mapa. Gayunpaman, dahil sa paggalugad tulad ng paglalayag ni Christopher
Columbus na natuklasan ang kontinete ng America ay naging salungat ito sa mga mapang
ginawa ng mga Klasikal na Greek. Kung kaya’t isa ito sa dahilan ng paglulunsad ng Rebolusyong
Siyentipiko na maitama ang kinalakihang kaalaman o ideya.

GEOCENTRIC VS. HELIOCENTRIC


Ano ang geocentric at heliocentric?
• Ang konsepto ng geocentric ay tumutukoy na ang "mundo o Earth" ang siyang pinakasentro
ng kalawakan, kung saan ang mga bituin, araw, at ang mga planeta ay umiinog dito.
• Ang konsepto ng heliocentric ay tumutukoy sa astronomikal na modelo kung saan ang mundo
o Earth at planeta ay umiikot sa paligid ng Sun, bilang sentro ng Solar System.

Sinu-sino ba ang naniniwala sa teorya ng geocentric?


• Ang Griyegong sina Ptolemy, Aristotle at iba pang pilosopo.
Ang ideyang geocentric ay pinasimulan ni Ptolemy na ang
mundo natin ang sentro ng ating kalawakan.

Makikita sa kaliwa ang


modelong pinaniniwala ng
geocentric.

http://www.hellenicaworld.com/Gree
ce/Science/en/PtolemyAstronomy.ht
PTOLEMY
ml

https://people.highline.edu/iglozman/classes
/astronotes/history.htm

RALING PANLIPUNAN - Grade 8 Science Curriculum P a g e 3 | 10


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
Sino ang nasa likod ng ideyang heliocentric?
• Si Nicolaus Copernicus ang nagpasimula ng ideya na ang sentro
ng ating solar system ay ang
sun. Dahil sa takot na patayin
siya ng Simbahan sa kanyang
nadiskubre hindi agad
inilimbag ang kanyang librong
na may pamagat na On the
Revolutions of the Heavenly
Bodies. Noong 1543, huling
taon ng kanyang buhay doon
niya natanggap at nailimbag
ang kanyang kaalaman.
https://people.highline.edu/iglozma
n/classes/astronotes/history.htm https://sites.google.com/site/aeuropeanrevol
NICOLAUS COPERNICUS ution/the-scientific-revolution/astrology

• Ang libro ni Copernicus ay siyang nagbigay inspirado sa iba pang mga scientist tulad ni Galileo
Galilie, Tycho Brahe, at Johannes Kepler.

JOHANNES AT KEPLER TYCHO BRAHE


• Ang dalawang scientist na ito ay magkatuwang na
inobserbahan ang galaw ng mga planeta sa
kalawakan. Si Tyco Brahe ay kanyang naobserbahan
ang tamang posisyon ng mahigit 1,000 na bituin. Sa
kanyang pagkamatay, ipinagpatuloy ni Johannes
Kepler ang gawa ni Brahe. Natuklasan ni Kepler na
ang paggalaw o orbit ng planeta ay eleptikal
kontaryo doon sa ideyang pabilog o sirkular.
https://www.pinterest.es/pin/417075
615472270241/
GALILEO GALILEI
• Siya ay isang Italyanong scientist na nagpatotoo sa mga idea ni
Copernicus.
• Pinag-aralan niya ang bituin at kalangitan sa pamamagitan ng
pagbuo niya ng sarili niyang telescope. Nakagawa siya ng libro
na may pamagat na Starry Messenger. Ayon sa kanyang
obserbasyon, nakita niya na Jupiter na mayroong apat na
buwan (moon) at at ang ating sun ay mayroong mga dark
spots. Kanya ring naobserbahan na ang pisikal na katangian ng
buwan ng Earth ay magaspang at hindi pantay ang ibabaw.
Dahil sa kanyang obserbasyon, pinabulaan niya ang
deskripsyon ni Aristotle noon na ang buwan at bituin ay
https://www.kunst-fuer-
alle.de/english/fine- mayroong perpektong anyo.
art/artist/image/justus-
RALING PANLIPUNAN - Grade 8 Science Curriculum P a g e 4 | 10
sustermans/8600/1/7780
This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
1/portrait-of-galileo-
galilei-(1564-
KARAGDAGANG KAALAMAN:
Naging mainit na usapin at talakayan sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko ang
geocentric at heliocentric dahil sa pagkakaiba at salungat na nilalaman ng bawat konsepto.
Naniniwala kasi ang Simbahan at Protestantismo sa teorya na geocentric kung kaya’t ang mga
taong tumataliwas sa teoryang iyong ay magdudulot ng kapahamakan sa kanilang buhay.
Pinaparusahan ng Simbahan ang sino mang tao ang nais kumalaban sa konseptong geocentric.

Ano nga ba ang nangyari kay Galileo matapos ang kanyang mga obserbasyon?
• Pinagsabihan ng Simbahan si Galileo na itigil at huwag ng depensahan ang ideya ni
Copernicus ngunit patuloy pa rin si Galileo sa kanyang obserbasyon. Nakapaglimbag muli
siya ng libro, Dialogue Concerning the Two Chief World Systems. Nailathala sa librong ito ang
ideya ng geocentric at heliocentric ngunit mas pinatotohanan niya ang teorya ni Copernicus
kung kaya’t pinatawag siya ng Simbahang Katoliko upang bawiin ang kanyang sinabi. Dahil sa
takot na siya ay parusahan at pahirapan, siya ay lumuhod sa harap ng mga cardinal at binasa
ang kanyang pangungumpisal na mali ang ideya ni Copernicus.

Bakit ganoon na lamang ang pagprotekta ng Simbahan sa teoryang geocentric?


• Naniniwala ang simbahan at protestantismo sa ideyang geocentric dahil parte ito sa
kanilang katuruan na nilagay ng Panginoon ang mundo natin sa gitna kung kaya’t ito ay
espesyal para sa mga tao. Kung malalaman ng tao na mali pala ang pinapanigang paniniwala
ng Simbahan at Protestantismo, maaaring mag-aklas at kwestyunin ng mga tao ang iba nilang
katuruan kung kaya’t kinokondena nila ang mga ideyang taliwas sa kanilang katuruan.

Ano ang epekto ng kaalamang hatid ninan Copernicus, Galilei, Kepler, at Brahe?
a) Naging basehan ng iba pang dalubhasa sa siyensa ang kanilang ideya tulad ni Isaac Newton.

ISAACE NEWTON
• Siya ay tinaguriang “Ama ng Modernong Pisika (Physics)”
• Itinatag niya ang Royal Societ of London na pinakaunang
pambansang samahan ng mga scientist sa mundo.
• Base sa pagsusuri niya sa mga pag-aaral ninan Galilei,
Copernicus, at Kepler naipaliwanag niya ang batas ng gravity
at intertia. Ang kanyang mga ideya ay nakalathala sa kanyang
libro na Mathematical Principles of Natural Philosophy o mas
kilala sa tawag na Principia.
https://www.theguardian.com/
books/2020/jun/02/isaac-
b) Napasimulan nila ang bagong pamamaraan sa pananaliksik. Ito ay tinatawag na scientific
newton-plague-cure-toad-
method. Ang scientific method ay isang lohikal na paraan ng pananaliksik at pagkalap ng mga
vomit
datos at impormasyon. Ito ay nagsisimula sa tanong o problema batay sa iyong obserbasyon.
Pagkatapos ay gumawa ng hypothesis. Gamit ang eksperimento ay susubukan ang hypothesis
upang makakalap ng datos. Susunod ay ang suriin at bigyang kahulugan ang mga datos at
impormasyon. Ang huli ay ang paggawa ng conclusion kung tama o pabulaanan ang
hypothesis.

RALING PANLIPUNAN - Grade 8 Science Curriculum P a g e 5 | 10


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
https://www.e- https://www.onthisday.com/
education.psu.edu/earth520/node/1 people/rene-descartes
FRANCIS
779 BACON RENE DESCARTES
• Ambag niya ang tinatawag na inductive • Binigyang diin niya na ang pagdududa at
reasoning na isang pangangatwiran na pagtatanong ay pangunahing paraan upang
gumagamit ng eksperimentasyon, makatuklas ng bagong kaalaman.
obserbasyon, at pagpapatunay sa teorya. • Kilalang sa kataga na, “I think therefore I am”

AMBAG NG IBA PANG SIYENTIPIKO


Mabilis at maraming pagbabagong idinulot ng Rebolusyong Siyentipiko sa kalikasan at sangkatauhan.
Sa ibaba makikita ang iba pang mga taong may malaking ambag sa iba’t ibang larangan ng agham.

Larangan ng Biology

http://2day.sweetsearch.co https://en.wikipedia.org/wiki
m/anton-van-leeuwenhoek- /Carl_Linnaeus
ANTONIE VAN LEEUWENHOEK
the-father-of-microbiology/ CAROLUS LINNAEUS
• Siya ay isang Dutch na nag-aral ng mga • Siya ay isang Botanist na Swedish na
bacteria sa plaque ng kanyang ngipin gamit nagpasimula ng modernong Taxonomy o
ang microscope. ang pagpapangalan at pag-uuri ng mga
• Tinagurian siyang Ama ng halaman at hayop batay sa kanilang
Mikrobiyolohiya (Microbiology). katangian.

RALING PANLIPUNAN - Grade 8 Science Curriculum P a g e 6 | 10


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
Larangan ng Pananaliksik

https://en.wikipedia.org/wiki https://en.wikipedia.org/wiki
/Evangelista_Torricelli /Anders_Celsius
EVANGELISTA TORRICELLI ANDERS CELSIUS
• Siya ay Italyanong pisiko na kinilala sa pag- • Siya ay astronomong Swedish na nag-
iimbento ng barometer na sumusukat ng imbento ng isang eskalang
pressure sa atmospera at mahulaan ang pantemperatura na ginagamit sa mga
panahon. termometro.

Larangan ng Chemistry

https://en.wikipedia.org/wiki https://www.butterflyfields.c
/Louis_Pasteur om/antoine-lavoisier-
LOUIS PASTEUR contributions-in-science/LAVOISIER
ANTOINE-LAURANT
• Siya ay isang French na nakatuklas ng • Siya ay isang French na nakatuklas at
paraan ng pagpatay ng mga nagpangalan sa mga elementong oxygen,
mikroorganismo sa paghahanda ng ilang hydrogen, at sulfur. Pinag-aralan din niya
pagkain at inumin sa pamamamgitan ng ang kaugynayan ng oxygen sa
pagpapainit dito o pasteurization. Siya ang kombustiyon.
nagpauna sa idea na ang mga • Tinagurian siyang Ama ng Modernong
mikroorganismo ang dahilan ng Chemistry.
pagkakaroon ng sakit at gumawa siya ng
bakuna laban sa rabies at anthrax.

RALING PANLIPUNAN - Grade 8 Science Curriculum P a g e 7 | 10


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
Larangan ng Medisina

https://www.butterflyfields.c https://todayinsci.com/H/Ha
om/antoine-lavoisier- rvey_William/HarveyWilliam-
ANDREAS VESALIUS
contributions-in-science/ WILLIAM HARVEY
Quotations.htm

• Siya ay manggagamot na Belgian na • Siya ay manggagamot na Ingles na nag-


naglarawan sa anatomiya ng katawan ng aaral sa sikulasyon ng dugo mula sa puso
tao at gumawa ng isang aklat na may patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan
pamagat na On the Fabric of the Human ng tao.
Body. Dito, detelyadong iginuhit at
inilarawan niya ang buto, muscles, at
organs ng tao.

Larangan ng Physics

https://www.britannica.com https://en.wikipedia.org/wiki
/biography/Alessandro-Volta /Ben_Franklin_effect
ALESSANDRO VOLTA BENJAMIN FRANKLIN
• Siya ay pisiko Italyano na nag-imbento ng • Siya ay Amerikanong nakatuklas sa
elektrikong baterya na nakagawa ng tuloy- elektrisidad. Gamit ang saranggola,
tuloy na kuryente at siyang nakatuklas sa nagsagawa siya ng eksperimento na
methane. nagpapatunay na ang kidlat ay nagtataglay
ng elektrisidad.

RALING PANLIPUNAN - Grade 8 Science Curriculum P a g e 8 | 10


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
ATING KILALANIN!
GALING NG PINOY!

https://ptama.net/filipino-sibling-invent-lamp-
• Siya si Aisa Mijeno that-is-generated-by-only-water-and-salt-and-
na isang scientist, engineer at may-ari
ng kompanyang SALt (Salt
can-last-for-up-to-8-hours/
Alternative Lighting) na nag-imbento ng isang lampara na gumagamit lamang ng asin at tubig
(nagtatagla ito hanggang 8 oras).
• Kinilala ng dating Presidente ng USA na si Barack Obama ang naimbento ni Mijeno noong
nagkaroon ng pagpupulong ang APEC (Asia Pacific Economic Cooperation) na idinaos sa
Manila, Philippines.
• Naging malaki ang kontribusyon ni Mijeno lalong lalo na sa mga liblib lugar na hirap at hindi
naaabutan ng kuryente.
• Naging adbokasiya niya ang preserbasyon ng ating kalikasan kung kaya’t hangga’t maari ay
maiwasan ang paggamit ng mga kemikal at gas.

BALITAAN ON THE GO!


PHILIPPINES ENDS 2021 WITH P11.7-TRILLION DEBT

By: RALF RIVAS


FEB 1, 2022 3:20 PM PHT

MANILA, Philippines – The Philippines ended


2021 with debt amounting to P11.7 trillion, latest
data from the Bureau of the Treasury (BTr)
showed. The latest figure is almost P2 trillion or
19.7% more than the P9.8 trillion recorded by the
end of 2020. The debt-to-gross domestic product (GDP) ratio stood at 60.5%, higher than the 54.6%
in 2020. The BTr said this is “still within the accepted sustainable threshold as the economy continues
to recover from the effects of the pandemic.” Debt sourced domestically amounted to P8.17 trillion,
22% higher than the end-2020 level, but it is in line with the government’s borrowing program.

RALING PANLIPUNAN - Grade 8 Science Curriculum P a g e 9 | 10


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
Meanwhile, external debt grew 14.8% to P3.56 trillion. The Philippines has tested a debt-to-GDP ratio
beyond 60%, as revenues fell amid the expensive demands of the pandemic. Experts earlier noted
that the swelling of financial obligations will be among the first issues the next president will face.

President Rodrigo Duterte’s economic managers project that the ratio will only fall below 60% by
2025, halfway through the next president’s term. Finance Secretary Carlos Dominguez III earlier said
the Philippine economy will need to grow at least 6% per year to bring down the debt level to around
40% of GDP. – Rappler.com

Sanggunian: https://www.rappler.com/business/philippine-government-debt-december-2021/

PAGNILAYAN:
Paano nagising ang iyong kamalayan sa pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipiko?

Sa pagbubukas ng mga panibagong kaalaman na hatid ng Rebolusyong Siyentipiko, hindi na


bago sa atin ang maging mausisa at gamitin ang scientific method sa kasalukuyan upang maunawaan
at masuri natin ng mabuti ang ating mga eksperimento at obserbasyon. Naging bukas tayo sa mga
panibagong kaalaman na naghatid ng kamalayan sa ating mundong ginagalawan. Ang klase ng ating
pagrarason ay naka-apekto rin dahil kinakailangang ang lahat ng argumento ay may matibay na
ebidensya at hindi ito gawa ng imahinasyon o haka-haka lamang. Ang ganitong pagbabago sa
kaalaman at pakikipagdiskurso ay nakatulong upang mahasa natin ang ating pag-iisip at maiwaksi
ang maling kinagawian. Malaki ang ginampanan ng Rebolusyong Siyentipiko sa pag-unlad ng ating
buhay lalo na sa pang-akademikong o agham na pananaliksik. Kung kaya’t aking kamag-aral, maging
bukas tayo sa mga bagong kaisipan at ang siyensiya ay isa sa mga susi upang maunawaan natin ang
ating mundo at universe.

PAGLALAHAT:
Ang Rebolusyong Siyentipiko ay panahon ng pagkakaroon ng malawakang pagbabago sa
kinasanayang kaalamang hatid ng ating ninuno. Sa panahon ito, nahasa at nasuri ng mabuti ang
mga kaalaman tungo sa pag-unawa sa ating kapaligiran, mundo, at univiberso. Hindi naging madali
sa para sa iba na nagpakadalubhasa sa agham na ibagi ang kanilang kaalalam dahil sa banta ng
Simbahan. Gayunpaman, unti-unti naman nitong nabuksan ang kaisipan ng ibang tao at nagamit ang
mga ideya tungo sa pag-unlad. Marami ang nagkaroon ng interes sa iba’t ibang larangan ng aham
tulad ng biology, chemistry, research, physics, astronomy, at medisina. Ang ganitong panahon o
yugto sa ating kasaysayan ay isa lamang ebidensya ng impluwensya ng kilusang intelekwal na
hatid ng Renaissance.

Binabati kita aking mag-aaral dahil nagawa mong maunawaan ang ating paksa ngayong
linggo. Kung gayon, ihanda ang iyong sarili sa isang makabuluhang gawain. Gawin ito ng bukas sa
isip upang mahasa pa ang iyong kakayahan at pag-iisip. Pagpalain ka nawa ng Diyos!

RALING PANLIPUNAN - Grade 8 Science Curriculum P a g e 10 | 10


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
RALING PANLIPUNAN - Grade 8 Science Curriculum P a g e 11 | 10
This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.

You might also like