You are on page 1of 17

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

MAGSAYSAY NATIONAL HIGH SCHOOL


ARALING PANLIPUNAN 8
8 – AMETHYST
Inihanda ni: Halicia Llanel L. Ocampo

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, inaasahan na ang 100% ng mga mag aaral ay inaasahang makatamo ng 80% na
antas ng kasanayan sa mga sumusunod:
1. Natutukoy ang pagbabago sa kaalaman ng tao sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko
2. Naipapahayag ang epekto ng pagbabago sa larangan ng agaham, astronomiya, pamahalaan at
kultura sa panahong ito
3. Napahahalagahan ang mga dakilang naiambag ng mga siyentista, pilosopo at mga “naliwanagan”
na nagpabuti sa buhay ng tao hanggang sa kasalukuyan
PAKSA
II. NILALAMAN Panahon ng Rebolusyong Siyentipiko
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Araling Panlipunan 8 – Ikatlong Markahan
Learning Resource. Panahon ng Transpormasyon: Panahon ng
Rebolusyong Siyentipiko
B. Iba pang kagamitang Panturo Chalk, Pictures, Tarpapel, Chart, Speaker, Pop –
up Book, Rocketship
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Paunang Gawain
Klas, bago tayo magsimula sa ating talakayan ay
magkakaroon muna tayo ng isang panalangin.
Iyuko natin ang ating mga ulo at tayo’y
manalangin. Panginoon, maraming salamat po sa
lahat ng biyaya at kaligtasan para sa araw na ito.
Amen!
Magandang araw, klas!
Magandang araw rin po, Maam!
Bago tayo magsimula, mangyaring malaman ko kung
mayroong liban sa ating klase ngayong araw, para sa
pangkat sa aking kanan, mayroon bang liban sa araw
na ito? (sasagot ang pangkat)
Wala po, Maam

Salamat, dumako naman tayo sa pangkat sa aking


kaliwa, mayroon bang liban sa araw na ito? (sasagot ang pangkat)
Wala po, Maam
Klas, ipapaalala ko lamang na tayo ay may mga
panuntunan na dapat nating tandaan at sundin. Ito ay
ang 4Ms: a. Makinig nang mabuti sa talakayan.
b. Mangyaring magtaas ng kamay kung nais
sumagot o may kailangan.
c. Manatili sa itinalagang silya.
d. Manatiling suot ang face mask sa loob ng
silid - aralan
Malinaw ba ito, klas?
(lahat ng mag aaral)
Opo, Maam
A. Balik- Aral
Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin, balikan
muna natin ang ating paksang tinalakay noong
nakalipas na lingo. Tungkol saan nga ba ang ating
nakaraang paksa? Mam, ang ating paksang tinalakay ay tungkol po
sa suliranin at isyu sa paggawa.
Mahusay! Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang
gawain at ito ay ang Naaalala Mo Pa Ba?

Panuto: Klas, ako ay magpapakita ng dalawang


larawan. Sa bawat larawan na aking ipapakita, magtaas
lamang ng kamay kung sino ang makakaalala ng
ipinapahiwatig nito mula sa ating nakaraang aralin.

Malinaw ba ang panuto, klas? (lahat ng mag aaral)


Opo, Maam!
Magsimula na tayo!
Ito ang ating unang larawan:

(magtaas ng kamay ang mag aaral)


Ito po ay ang watawat ng Portugal na
nagpasimula sa pagsakop upang makarating sa
mayamang lugar na sinabi ni Marco Polo
Mahusay! Ang bansang Portugal ay isa lamang sa mga
bansang Europa na nagpasimula sa panahon ng
Koloniyalismo.
Magaling at inyo pa itong natatandaan!
Para naman sa ating susunod na larawan:

Para sa ikalawang larawan, ano naman kaya ang


ipinapahiwatig nito at ano ang kinalaman sa ating
nakaraang aralin? (magtaas ng kamay ang mag aaral)
Watawat po ng Spain, Maam.
Sa pangunguna po ni Ferdinand Magellan,
nagsimula po ang kanilang Kolonyalismo
patungong Pilipinas.
Magaling! Sila ay ilan din sa mga kilalang bansa na
nagpasimula ng kolonyalismo.

Bilang huling katanungan, ano ang inyong naging


reyalisasyon sa ating nakaraang talakayan? (magtaas ng kamay ang mag aaral)
Maam, marami pong nagbago simula nung
nagkaroon ng kolonyalismo.
Mas naging makapangyarihan po yung mga
bansang Europeo po, Maam.
Nagkaroon po ng dalawang paraan ang
mananakop gaya po ng digmaan at relihiyon.
Dahil po sa Kolonyalismo, nagkaroon po ng
malaking palitan ng kultura.
Magagaling, klas! Tunay nga na inyong naunawaan at
naisabuhay ang ating huling talakayan.
Malinaw ba klas ang ating nakaraang talakayan?
Opo, Maam!

Mga sagot:
1. Portugal
2. Spain
B. Pagganyak
Ngayon naman klas, upang malaman niyo kung ano
ang paksang tatalakayin natin para sa araw na ito,
magkakaroon tayo ng isang laro!

Ako ay may ibibigay sa inyong isang rocket, sa daloy


ng awiting, Little Einstein ipapasa ninyo sa inyong
katabi ang rocket, at kapag nahinto, sagutin lamang
ang isang katanungan na nakasama sa rocket.

Malinaw ba ang ating gawain, klas? (lahat ng mag aaral)


Opo, Maam

Tanong: Organisadong pagbabago sa lipunan,


napakalaking, matindi, bigla at sa pangkalahatan
ay hindi nalalampasan sa mga marahas na
salungatan para sa pagbabago ng isang
pampulitika, gobyerno o pang-ekonomiyang
sistema. Ano ito?

Himagsikan po, Maam?

(magtaas ng kamay ang mag aaral)


Rebolusyon po, Maam!

Tanong: Tumutukoy sa isang indibidwal na


gumagamit ng siyentipikong paraan o scientific
method?

Maam, siyentipiko po?

(magtaas ng kamay ang mag aaral)


Maam! Rebolusyong Siyentipiko po?
(ibibigay ang rocket at papatugtugin ang kanta)

(https://www.youtube.com/watch?v=_-dP-Qz4eX4)
Para sa unang katanungan:

Bukod sa salitang ito, ano pa ang maaaring tumukoy


dito? Nagsisimula sa letrang R.

Mahusay! Bigyan natin siya ng Boogsh Clap!


(ituturo ang boom clap)
Ipagpatuloy natin!

Para sa ikalawang katanungan:

Tumpak! Ngayon naman, batay sa mga nabanggit na


salita ng inyong mga kamag aral, sino ang
makapagsasabi sakin ng ating paksa ngayong araw?

Magaling! Ang ating paksa sa araw na ito ay


pagpapatuloy ng aralin tungkol sa Panahon ng
Transpormasyon, ang Panahon ng Rebolusyong
Siyentipiko.
C. Paglinang sa Aralin
Ito ang libro ng Rebolusyong Siyentipiko, ang
kaniyang mga sikat na siyentipiko at kanilang ambag
sa lipunan. Handa na ba kayong tuklasin ito? (lahat ng mag aaral)
Opo, Maam!
Bago tayo magpatuloy sa ating pagtuklas sa araw na
ito, maaari niyo bang basahin muna ang ating mga
layunin Layunin
Sa katapusan ng aralin, inaasahan na ang 100%
ng mga mag aaral ay inaasahang makatamo ng
80% na antas ng kasanayan sa mga sumusunod:
1. Natutukoy ang pagbabago sa kaalaman
ng tao sa panahon ng Rebolusyong
SIyentipiko
2. Naipapahayag ang epekto ng pagbabago
sa larangan ng agaham, astronomiya,
pamahalaan at kultura sa panahong ito
3. Napahahalagahan ang mga dakilang
naiambag ng mga siyentista, pilosopo at
mga “naliwanagan” na nagpabuti sa
buhay ng tao hanggang sa kasalukuyan

Sa ating unang pahina ng libro, ating unang makikita


ang larawang ito, ano kaya ang ipinapakita dito?

(magtataas ng kamay ang mag aaral)


Bibliya po Maam
Magaling, pero:
#FACTCHECK MUNA: Alam niyo ba na ang bibliya
ang pangunahing pinagbatayan ng mga Europeo ng
kaalaman tungkol sa daigdig.

Pagdating ng panahon ng 1500s, nagsimulang


maglatag ng pundasyon para sa disiplina ng agham.

(ililipat ang pahina)


(magtataas ng kamay ang mag aaral)
Simbolo po ng Agham o Siyensiya

Ano naman kaya ang ipinapahiwatig nito:

Tama! Dahil ang serye ng mga kaganapan na (magtataas ng kamay ang mag aaral)
humantong sa pagsilang ng modernong agham ay Dahil bago lamang po sa mga tao ang agham,
tinatawag na Rebolusyong Siyentipiko. Maam

Bakit ito tinawag na "rebolusyon" ng pagsilang ng


agham?

Mahusay! Dahil ito ay isang radikal na bagong ideya


para sa mga tao. Bago pa ang panahong ito, naging
patunabay ng mga tao ang bibliya subalit nang
umusbong ang rebolusyong siyentipiko, nagpahalaga
sila sa obserbasyon.

Narito ang ilan sa mga pangunahing ideya ng agham


ay naipahayag na bago pa ang Rebolusyong
Siyentipiko.

(ililipat ang pahina)

(magtataas ng kamay ang mag aaral)


Kalangitan po Maam
Larangan po ng Astronomiya

1. Ang daigdig ang sentro ng sansinukob.


Ano kaya ang ipinapakita sa larawan? 2. Hindi gumagalaw ang daigdig
3. Ang mga heavenly body ay bilog at
napalilibutan ng liwanag.
Tama! Maraming naging pagbabago sa kaalaman ng 4. Gumagalaw ang mga planeta at iba pang
mga taga-Europa pagdating sa aspekto ng
Astronomiya. heavenly body paikot sa daigdig sa
Pakibasa nga ang mga paniniwalang ito: magkakatulad na bilis.
(magtatawag ng mag aaral) 5. Umiikot ang mga heavenly body paikot
sa daigdig sa isang perpektong bilog.
6. Sa labas ng kalawakan matatagpuan ang
kalangitan na tirahan ng Diyos at ng mga
kaluluwang nagkamit ng kaligtasan.

Salamat, at dito na nagsimula ang mga paniniwala nina


Nicolas Copernicus, Johannes Kepler at Galileo
Galilei. Kilala niyo ba sila, klas?

(ililipat ang pahina)

Siya ay si Copernicus, ang siyentistang nagpakilala ng


Heliocentric. Isang Polish astronomer at
mathematician na kumontra sa geocentric nina
Aristotle at Ptolemy. Ano kaya ang ibig sabihin ng

(magtataas ng kamay ang mag aaral)


Nasa gitna po ang araw Maam
Nakapalibot po ang mga planeta sa araw

helio centric?
(lilipat ang pahina) (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Ano ang napapansin ninyo sa modelong ito? Dahil po sakanya, mas nauunawaan po natin
kung ano po ang posisyon ng mundo natin
Maam, binigyan niya po ng pagpapaliwanag
yung bagay na hindi natin madaling makita at
Mahuhusay na obserbasyon, ito ang modelong maunawaan
ipinakilala ni Copernicus na naging mahalagang
kontribusyon sa paniniwala ngayon, bakit kaya?

Magaling klas! Ngayon naman, dumako tayo sa


susunod na siyentista.
(lilipat ang pahina)

(lahat ng mag aaral)


Opo, Maam!

Siiya ay si Johannes Kepler, kilala niyo ba siya?

Siya ay isang German astronomer at mathematician, at


ipinakilala ang three laws of planetary motion. Ayon
sa kaniya, patambilog ang orbit na iniikutan ng mga
heavenly body sa araw. Magkakaiba rin umano ang
bilis ng pag-ikot ng mga ito-mas mabilis habang
papalapit sa araw at mas mabagal naman habang
papalayo.

(lilipat ang pahina)


(magtataas ng kamay ang mag aaral)
Si Galileo po Maam!

Sino ang nakakakilala sa kaniya?

Mahusay, siya ang tinaguriang dakilang siyentista, si


Galileo Galilei. Isang Italian astronomer,
mathematician at physicist, siya ay nag imbento ng
isang gamit, ano kaya ito?

(lilipat ang pahina)

(magtataas ng kamay ang mag aaral)


Maam, teleskopyo po!

Anong kagamitan ang napapansin ninyo? (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Maam, kami po ni Papa kapag December,
Magaling! nagpupunta po kaming dagat tas nag-star gazing
po kami, pinapagamit niya po sakin telescope
niya.
(magtataas ng kamay ang mag aaral)
Maam, may bumisita po sa school namin nung
Elementary na nagpapa-experience po sa galaxy,
pumapasok po kami sa isang malaking bilog na
sarado, tas nandun po yung malawak na
kalangitan, pinapagamit po nila kami ng
telescope, para po kaming mga scientist Maam.
Sa pagkakaalam ko, ito ay ang Planetarium. Ito siya
klas.

(magtataas ng kamay ang mag aaral)


Mahuhusay klas! Nagpapatunay ito, na hanggang sa • gumagalaw ang daigdig paikot sa araw;
kasalukuyan ay nagagamit natin ito. • hindi isang perpektong bilog ang buwan.
Mayroon itong mga bundok ay lambak; at
Pero para kay Galileo, dahil sa teleskopyo, nalaman • hindi lahat ng heavenly body ay
niya ang mga sumusunod. Pakibasa nga klas. gumagalaw paikot sa araw, katulad ng mga
(magtatawag ng mag aaral) buwan ng Jupiter.

(magtataas ng kamay ang mag aaral)


Ano po iyon Maam?

Nagpatuloy si Galileo sa pagpintas sa katuruan ng


Kristiyanismo, at noong 1633, pinatawag siya ni Papa
Urban VIII upang harapin ang Inquisition.
(magtataas ng kamay ang mag aaral)
Ang teleskopyo, ay ang kanyang naging
Isa muling, #FACTCHECK! Alam niyo ba na ito ay instrumento, upang maglathala ng mga ideya
ang paglilitis ng kamatayan sa anumang paninira sa tungkol sa kanyang namasid sa kalangitan na
katuruan ng Simbahan. maging ang ating natural na mata ay hindi
nakikita.
Ano ang naging kahalagahan ng ambag niyang ito?

Mahusay klas!
(lilipat ang pahina)

(magtataas ng kamay ang mag aaral)


Siya po si Aristotle!

Sino naman ang nakakakilala sa kaniya?


(magtataas ng kamay ang mag aaral)
Naging mahalaga po sa aspekto ng pagtuklas ng
Magaling klas! Ang paggamit ng pagmamasid at bagong kaalaman ang konsepto ng obserbasyon.
lohika, tulad ng nababasa mo lamang o naririnig ay Sa ating panahon sa kasalukuyan, patuloy nating
mahalaga sa pagkakaroon ng kaalamang pang-agham, ginagamit ang metodolohiyang pag oobserba at
ito ang naging pamana ni Aristotle, ano kaya ang pagtatala, magkaiba ang pamamaraan ngunit
naging kahalagahan nito sa kasalukuyan? nasunod parin ang konseptong ito ni Aristotle.

Magagaling na pang unawa klas! Ngayon naman ay


dumako tayo sa isa pang tanyag na indibidwal sa
Panahon ng Rebolusyong Siyentipiko. Alamin natin sa
libro.
(lilipat ang pahina)

(lahat ng mag aaral)


Opo, Maam!

(magtataas ng kamay ang mag aaral)


Siya ay si Ptolemy. Kilala niyo ba siya klas? Ano po yung nasa mapa Maam?
Mahusay! Dahil siya ay nag aral ng kalangitan at
bumuo ng teorya base sa kanyang mga obserbasyon,
bukod dito mayroon pa siyang mahalagang ambag, ang
mapa. (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Maam, ang mapa ay napakalaking tulong lalo’t
Magandang katanungan, ang mapa ay nagpapakita ng higit sa mga manlalayag, historyador,
kaniyang obserbasyon sa tunay na mundo. Ano ba ang geographer, manlalakbay, maging mga
kahalagahan ng mapa sa kasalukuyang panahon? indibidwal na tao na siyang tumitingin sa mapa
upang mabigyang ideya kung saan sila patungo.

Magaling klas! Mayroon pang isang mahalagang


pagtuklas noong panahong ito, dito nagsimulang
tumuklas ang mga tao ng bagong kaalaman, sabay
sabay nating alamin gamit ang libro ng kaalaman!

Handa na ba kayo klas?

(magtataas ng kamay ang mag aaral)


Maam, isa po siyang paikot na proseso
Nagpapakita po ng scientific method po Maam

Sino ang mayroong ideya patungkol sa ipinahihiwatig


ng larawan?

Mahusay! Isang mahalagang pag-unlad sa pag tuklas (magtataas ng kamay ang mag aaral)
ng tao ng bagong kaalaman ang paggamit ng scientific Pagtukoy sa Suliranin – Paggawa ng
metho. Ang Scientific Method at ang sistematikong Hyphothesis – Pagsusuri ng Hyphothesis –
pagtitipon ng mga datos at pagsusuri ng ideya gamit Pagsusuri ng Datos – Pagbuo ng Konklusyon
ang sumusunod na hakbang: Pakibasa nga klas.
(magtatawag ng mag aaral)

Sina Aristotle, Ptolemy, at iba pang mga iskolar at


mahuhusay na Griyego ay rationalista, mga taong
tumitingin sa mundo sa isang makatotohan o
makatuwiran at lohikal na paraan. Sa panahon ng
Renaissance, pinag-aralan ng mga Europeo ang mga
gawa ng mga Greek rationalist. Bilang isang resulta, (lahat ng mag aaral)
sinimulan nilang tingnan ang mundo sa isang Opo, Maam
makatuwiran na paraan. Nagsimula silang mag-isip
tulad ng mga siyentista.

Nauunawaan ba ang ating aralin klas?

Laging tatandaan klas, ang rebolusyong pang-agham


ay naglatag ng mga pundasyon para sa Age of
Enlightenment, na nakasentro sa pangangatwiran (lahat ng mag aaral)
bilang pangunahing mapagkukunan ng awtoridad at Opo, Maam
pagiging lehitimo, at binigyang diin ang kahalagahan
ng pamamaraang pang-agham.

Tunay bang nauunawaan klas?


D. Paglalapat
Upang mas tiyak na inyong natutuhan ang ating aralin
ay magkakaroon tayo ng isang gawain.
Pakibasa nga ang ating gawain, klas Replekasyon mo, Ipahayag mo!
Panuto: Pumili ng isa sa mga Siyentista na
nabanggit na siyang nagpabago at nagpasimula
ng Rebolusyong Siyentipiko. Gawin siyang
inspirasyon sa pagbuo ng konsepto o imbensyon
na iyong ninanais.
Klas, pakibasa ang ating gabay na tanong sa pagbuo ng
inyong repleksyon.
Gabay na tanong:
1. Sino ang Siyentistang napili mo?
2. Kung ikaw ay mabibigyan ng
pagkakataon na bumuo ng bagong
konsepto o bagay, ano ito? Bakit?
Para naman sa ating rubrik para sa gawaing ito,
pakibasa nga klas.
Pamantayan sa Paggawa
5 pts 3 pts 2 pts
Nilala Nakapagbi May Hindi
man gay ng kakulanga naging
x2 kompleton n sa malinaw
g ibinigay ang
kasagutan. na nilalaman
kasagutan. ng
kasagutan.
Maka Ang Ang Ang
bago ginawang ginawang ginawang
X3 imbensyon imbensyon imbensyon
ay bago at ay ay hango
may nanggalin sa gawain
katuturan. g sa iba. ng iba at
hindi
binago
May katanungan ba klas patungkol sa ating gawain at KABUUANG PUNTOS 25
rubrik?
(lahat ng mag aaral)
Klas, maaari na kayong magsimula sa pagsusulat. Wala po, Maam
(Bibigyan ng sampung minuto ang mga mag-aaral
upang magsulat.)

Klas, kung tapos na ay ipasa na ang inyong mga papel.


E. Pagpapahalaga
Ngayon klas, gusto kong malaman gaano ninyo
napapahalagahan ang mga bagay, teorya at imbensyon
na ipinakilala noong Panahon ng Rebolusyong
Siyentipiko.

Sino ang maaaring magbigay ng kaniyang napiling


natatanging imbensyon? at Paano mo ito ipapakilala sa
susunod na henerasyon? (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Magbibigay ng mga kasagutan ang karamihan sa
mga mag aaral
Mahuhusay, bigyan natin sila ng Aling Dionisia Clap.
(ituro ang clap)
(Bibigyan ng puntos ang mga mag aaral)

Klas, naging mahusay ang inyong pagpapakita ng


kahalagahan sa mga naging ambag ng mga natatanging
tao na nagpabago ng ating paniniwala sa mundo at
higit sa lahat, sa buhay.

Mayroon ba kayong mahihinuha mula rito klas? (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Marami pong mga bagong ideya ang umusbong
at naiambag ng rebolusyong pang-agham. Ang
ilan sa mga ito ay pagsisimula sa kanilang
disiplina.

Ang rebolusyong pang-agham ay naglatag ng


mga pundasyon para sa Age of Enlightenment.

Nakatutuwa lamang pong isipin na lahat ng


kanilang mga ideya at imbensyon, ay hanggang
ngayon ay ating nagagamit at naipasa ang
Mahuhusay klas! Tunay nga na inyong nauunawaan kaalaman hanggang sa aming henerasyon.
ang ating naging talakayan. Tama ba klas?

(lahat ng mag aaral)


Opo, Maam!
F. Paglalahat
Sa pagkakataong ito ay magsasagawa tayo ng isang
pangkatang gawain muli.
Pakibasa nga ang ating panuto, klas PUNO-in ang Puno!
Panuto: Ang bawat grupo ay bubuo ng isang tree
organizer na magpapakita ng pagsanga sanga ng
pag unlad ng agham, sining at politikang
Europeo noong panahon ng Siyentipikong
Narito naman ang ating Pamantayan sa paggawa. Rebolusyon.

Pamantayan sa Paggawa
5 pts 3 pts 2 pts
Kalina Naipakita Nagkaroo Nagkaroo
wan ang mas n ng n ng
ng malalim kaunting kaguluhan
Ideya na pag - kaguluhan sa
x3 unawa sa sa pagpapakit
paksa at pagpapakit a ng ideya
inilahad a ng ideya at ito ay
ito ng at ito ay hindi
malinaw, hindi naaayon sa
tiyak at naaayon sa paksa.
tama. paksa.
Kahus Gumamit Bahagyan Hindi
ayan ng kritikal g nagkaroon
sa na nagkaroon ng tamang
Pagpa pagpapaha ng kritikal pagpapakit
pahay yag ng na a ng
ag ng wasto at pagpapaha paksa.
Detaly naipakita yag ng
e x2 ng maayos wasto at
ang bawat naipakita
paksa. ng maayos
ang bawat
paksa.
Kayo ba klas ay mayroong katanungan patungkol sa KABUUANG PUNTOS 25
ating gawain? (lahat ng mag aaral)
Wala po, Maam
Maaari na kayong magsimula sa inyong gawain, klas
(Bibigyan ng limang minuto ang mga mag-aaral para
sa gawain)

Klas, kayo ba ay may katanungan pa?


(lahat ng mag aaral)
Mahusay! Ngunit ngayon ay magkakaroon tayo ng Wala po, Maam
isang pagtataya.

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang naging pagbabago noong panahon ng Rebolusyong Siyentipiko sa
pamamagitan ng pag uugnay ng Kolumn A sa Kolumn B.

KOLUMN A KOLUMN B
____1. Iniwasto ang Rebolusyong  Na gravity ang dahilan ng pananatili ng mga
Siyentipiko planeta sa kani-kanilang pwesto sa kalawakan
____2. Ipinaliwanag ni Isaac  Ang scientific method sa pagtuklas ng
Newton kaalaman tungkol sa daigdig
____3. Binuo ng mga pilosopo  Ang mga maling paniniwala ng mga Europeo
____4. Napilitan si Galileo Galilei sa larangan ng agham

____5. Isa sa nagpalaganap ng  Ang kahalagahan ng checks and balances sa


kaisipang Enlightenment pamahalaan
 Na bawiin ang kaniyang pahayag na umiinog
ang daigdig sa araw

V. Takdang Aralin
Panuto: I-access ang QR Code upang mabuksan ang susunod na aralin at sagutin ang
sumusunod na katanungan.

1. Ano ang nilalaman ng aralin?


2. Isa – isahin ang mahahalagang pangyayari sa Age of Enlightenment.

You might also like