You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Biñan City
District VII
SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL

Unang Sumatibong Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3


Ikalawang Markahan

Pangalan:_________________________________________ Gr. III- ____________Petsa:__________

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang Tama kung nagpapakita ng
pagtulong at pag-aalaga sa may sakit at Mali kung hindi.

_____ 1. Painumin ng gamot ang may karamdaman.

_____ 2. Ipanalangin sa Diyos ang mabilis na paggaling ng may sakit.

_____ 3. Pabayaan umihi sa higaan nya ang maysakit.

_____ 4. Pakainin ng tama at wastong pagkain ang may sakit.

_____ 5. Alalayan ang may sakit pagpunta sa palikuran.

Panuto: Basahin ang mga salita na nasa kahon. Isulat sa “thumbs up sign” ang mga salita ay nagbibigay-
aliw o nagpapasaya sa may karamdaman. Isulat naman sa ”thumbs down sign” ang mga hindi
nakakatulong sa pagpapasaya sa mga taong may karamadaman.

EsP
3–
pahina 1

Panuto: Iguhit ang kung ang mga bagay ay maari mong dalhin o ibigay sa maysakit at kung hindi.
___1. Magdadala ng mga prutas.
___2. Magdadala ng gamot na reseta ng doctor.
___3. Dalhan ng bulaklak at “get well soon card”.
___4. Dalhan ng mga matatamis na pagkain at sitserya o “junk foods”.
___5. Dalhan ng mga panlinis sa katawan tulad ng bulak, alcohol at iba pa.

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin at at isulat sa papel ang titik ng pinakatamang sagot.

___1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtulong at pag- aalaga sa mga taong may karamdaman?

A. Pagpapakain ng wasto at tamang pagkain


B. Pagkukwento ng malungkot na pangyayari
C. Baliwalain at hindi pansinin
D. Maglaro at mag-ingay sa tabi ng maysakit

___2. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamalasakit sa kamag-anak na may sakit?

A. Pagalitan
B. Mainis sa kanya
C. Dalawin at Aliwin
D. huwag pansinin

___ 3. Nagkasakit ang iyong nakakabatang kapatid , Ano ang iyong dapat na gawin?

A. Painomin ng gamot
B. Bigyan ng wasto at tamang pagkain
C. Alagaan at bantayan sa higaan
D. Lahat ng nabanggit

___4. Nalaman mo na may sakit ang iyong lola . Ano ang iyong gagawin?

A. Maiinis sa lola dahil may sakit siya.


B . Dalawin at ipanalangin na gumaling agad.
C. Baliwalain ang nararamdaman ng lola.
D. Pagalitan ang lola dahil may sakit.

___5. Ang iyong kapatid ay umiiyak dahil sa sobrang pananakit ng ngipin, Ano ang iyong gagawin?

A. Pahintuin sa pag-iyak ang kapatid at bigyan ng kaukulang gamot.


B. Pagalitan ang kapatid para huminto sa pag-iyak.
C. Huwag pansinin at isumbong sa magulang.
D. Sabihin sa kapatid na maingay siya at nakakaabala.

______________________
Lagda ng Magulang

EsP 3 – pahina 2

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Biñan City
District VII
SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang Sumatibong Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3


Ikalawang Markahan

Pangalan:_________________________________________ Gr. III- ____________Petsa:__________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan sa inyong paaralan. Nakita mo na ang kaklase mong pilay ay
nakatayo lamang sa may unahan ng bulwagan dahil wala ng bakanteng upuan. Ano ang gagawin mo?
a. Titingnan ko siya at pagtawanan dahil wala siyang upuan
b. Lalapitan ko siya upang ibigay ang aking upuan
c. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko siyang nakatayo
d. Magpapanggap akong di ko siya nakita.

2. Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagpapakita ka ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan?
a. Nahihiya c. Nalulungkot
b. Masaya d. Wala sa nabanggit

3. Anong ugali ang ipinakikita mo sa pagtulong sa mga matatanda na may kapansanan sa pagtawid sa daan?
a. Kagandahang-loob c. Pagkamagalang
b. Pagkamatulungin d. Katapatang-loob

4. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyong masyadong naunawaan ang
kanyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin?
a. Sasabihin ko na umupo na lamang siya
b. Pagtawanan namin dahil hindi maintindihan ng buong klase ang sinabi niya
c. Gagayahin siyang magsalita at aasarin
d. Tatayo ako at uulitin ang sagot niya upang maunawaan ng mga kaklase ko

5. Sa paglalaro ninyo ng iyong mga kaibigan, hindi sinasadyang natamaan mo ng bola ang batang may saklay, ano ang
gagawin mo?
a. Susuntukin ang batang may saklay
b. Aasarin lalo ang batang may saklay
c. Tutulungang makatayo at hihingi ng paumanhin
d. Hindi kikibo at hahayaan na lamang ang batang may saklay.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang sinasabi ng pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may
kapansanan at (X) naman kung hindi.

_____ 1. Pinupuri ko ang gawain ng mga may kapansanan na kapaki-pakinabang.


_____ 2. Tumutulong ako sa inilulunsad na mga proyekto ng mga taong may kapansanan.
_____ 3. Bumibili ako ng mga produktong ginawa ng mga may kapansanan.
_____ 4. Nakikipaglaro ako sa kapuwa ko bata kahit na siya ay may kapansanan.
_____ 5. Ipinagtatanggol ko sa simpleng paraan ang mga batang may kapansanan.

EsP 3 –
pahina 1

Panuto: Iguhit ang  kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit na may paggalang sa may
kapansanan at  kung hindi.
_____ 1. Ginagaya ko ang mga kapansanan sa kanilang paglalakad at pagsasalita.

_____ 2. Tinutulungan ko ang mga may kapansanan sa abot ng aking makakaya.

_____ 3. Tinatawan ko ang mag-asawang may kapansanan na umaawit habang


namamalimos.
_____ 4. Tinatawag ko ang aking kapwa na may kapansanan sa kanilang tunay na
pangalan o palayaw.
_____ 5. Sinusoportahan ko ang kababata kong pilay na gustong sumali sa paligsahan sa
pag awit sa aming barangay.

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may kapansanan?
A. Pagtulong sa pagtawid sa kalsada
B. Hindi pagpansin sa kapit-bahay na pilay.
C. Pagtawanan ang taong may bingot
D. Pag-bubully sa taong may kapansanan.
_____ 2. Ang iyong kaklaseng may kapansanan ay umiiyak sa tindi ng sakit ng kanyang ngipin. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Pabayaan lamang siyang umiyak
B. Samahan siyang magpunta sa dentista upang magamot ang sumasakit na ngipin
C. Pagtawanan ang kaklaseng masakit ang ngipin
D. Bigyan ng tsokolate ang kaklase upang lalo pang sumakit ang ngipin.
_____ 3. Pumunta ka sa tindahan at naabutan mong bumibili ang kapit-bahay mong pipi. Hindi maintindihan ng tindera
kung ano ang kaniyang binibili. Nagkataong marunong ka sa sign language. Ano ang dapat mong gawin?
A. Panoorin lang ang kapitbahay na pipi
B. Ipaliwanag sa tindera ang nais bilhin ng kapitbahay na pipi
C. Pagtawanan ang kapitbahay na pipi
D. Paalisin ang kapitbahay na pipi sa harap ng tindahan.
_____ 4. Kaarawan ng iyong kaklase at ikaw ay dumalo sa kaniyang handaan. Nakita mo doon si Tina ang batang bulag
na iyong kababata. Narinig mo na gusto niyang uminom ng juice ngunit hind siya pinapansin ng may hawak nito. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Tatayo at kukuha ng juice upang ibigay sa kababata kong bulag.
B. Bibigyan ng juice at papatirin ang kababatang bulag upang madapa
C. Pagtawanan ang kababatang bulag
D. Hindi na lang papansinin ang kababatang bulag

_____ 5. Magkasama kayo ng nanay mo sa pagtawid sa kalsada. Hinihintay ninyo na maging berde ang ilaw trapiko para
kayo ay makatawid. Nakita mong papatawid din ang isang batang pilay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hahayaan lang ang batang pilay na tumawid mag-isa
B. Itutulak ang batang pilay pag naging berde ang ilaw trapiko
C. Hindi papansinin ang batang pilay
D. Aakayin at isasabay ang batang pilay sa pagtawid.

______________________
Lagda ng Magulang

EsP 3 – pahina 2

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Biñan City
District VII
SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL

Ikatlong Sumatibong Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3


Ikalawang Markahan

Pangalan:_________________________________________ Gr. III- ____________Petsa:__________

I. Iguhit ang kung ang pahayag ay tama at kung mali.


_____1. Tinawanan ni Jessa ang lalaking pilay na parang sumasayaw kung maglakad.
_____2. Makipagkaibigan sa mga taong may kapansanan.
_____3. Nakikisali si Nilo sa pangungutya sa kaklase na bulag.
_____4. Pinauna ni Chad sa pila ang batang duling.
_____5. Lihim na pinagtawanan ni Miko ang batang pilay.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa
mga may kapansanan at ekis (X) naman kung hindi.
_____ 6. Makipagkaibigan sa taong may kapansanan.
_____ 7. Pinahinto ng ama sa pag-aaral ang anak dahil siya’y lumpo.
_____ 8. Pinupuri ko ang gawain ng mga may kapansanan na kapaki-pakinabang.
_____ 9. Niyaya ni Jansen ang piping kamag-aral na sumali sa paligsahan ng pagsasayaw.
______10. Ginagaya ko at pinagtatawanan ko ang may kapansanan sa kanilang paglalakad at
pagsasalita.

Panuto: Lagyan ng tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa


mga may kapansanan at mali naman kung hindi.
_______11. Bibigyan ko ng meryenda ang kaibigan ang Aeta.
_______12. Hindi ko papansinin ang mga kaklase kung Muslim.
_______13. Ibibigay ko ang lumang aklat sa katutubong bata.
_______14. Aasarin ko ang kaklase kung Badjao.
_______15. Tinulungan mo ang batang Aeta sa pagbabasa dahil nahihirapan siya.

II. Basahin nang mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
16. Aling programa sa paaralan ang nagpapatibay ng positibong pananaw ukol sa mga kapwa manlalaro?
A. isport B. pangkabuhayan C. pang- akademiko D. pang- agrikultura
17. Si Ana ay nagiging tanyag sa pagsulat ng tula. Ano ang ipinahihiwatig sa kakayahan ni Ana?
A. isport B. pangkabuhayan C. pang-akademiko D. pang-agrikultura
18. Aling parirala ang tumutukoy ng pang-akademikong gawain sa paaralan?
A. bulag na lumahok sa quiz bee C. batang lumpo na nagtatanim
B. batang walang kamay na naglalaro D. batang naglalaro
19. Ang paggawa ng basahang yari sa tela at sako ay isang uri ng gawaing ____________.
A. isport C. pang-akademiyo
B. pangkabuhayan D. pang-agrikultura
20. Si Roel ay nakabuo ng ibon gawa sa origaming papel. Ito ay nagpapahiwatig ng _____ gawain.
A. isport C. pang-akademiko
B. pangkabuhayan D. pang-agrikultura

______________________
Lagda ng Magulang
EsP 3 – pahina 1

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Biñan City
District VII
SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL

Ikaapat na Sumatibong Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3


Ikalawang Markahan

Pangalan:_________________________________________ Gr. III- ____________Petsa:__________

Panuto: Isulat ang WASTO sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng may kasiyahan ang gawain at
DI-WASTO kung hindi.
_____________1. Ayaw sumali sa laro dahil madungis ang kalaro.
_____________2. Nakikipaglaro sa mga bata kahit ito ay may kapansanan.
_____________3. Nakikiisa sa gawaing pampaaralan tulad ng pagsali sa “nutrition month”.
_____________4. Sumasali sa programa sa paaralan kahit luma ang damit.
_____________5. Tatanggapin ng buong kasiyahan ang pagkatalo sa paligsahan.
Panuto: Isulat ang  kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapwa bata at  kung hindi.
_______6. Pagsali ng bukal sa kalooban sa mga paligsahan sa paaralan.
_______7. Ipinagyayabang ang natatanging kakayahan sa kaibigan.
_______8. Pamimintas sa mga palabas sa palatuntunan sa paaralan.
_______9. Pagkukulong sa bahay kapag natalo sa paligsahan sa paaralan.
_______10. Pakikipag-away sa kalaro kapag natalo sa laro.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat sa papel ang letra ng tamang sagot.
_____11. Niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro pagkatapos ng klase. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi siya papansinin C. Makikipaglaro ako sa kanya pagkatapos ng klase
B. Iiwanan ko siya D. Aawayin ko siya

_____12. Inimbitahan ka ng iyong kaklase na dumalo sa kanyang kaarawan, dadalo ka ba? A. Hindi, abala ako sa
gawain C. Hindi, dahil wala akong regalo
B. Oo, dahil niyaya niya akong dumalo D. Oo, dahil maraming pagkain doon

_____13. Dumalo ka sa kaarawan ng kaibigan mo. May paligsahan sa pagawit. Magaling kang kumanta, ano ang
gagawin?
A. Sasali ako sa paligsahan C. Hindi ako sasali nahihiya ako
B. Magtatago ako para di ako makita D. Uuwi na lang ako para di ako makasali

_____14. Magaling kang gumuhit. Nakita ito ng iyong guro at isinali ka sa contest. Ano ang gagawin mo para manalo?
A. Di ako papayag C. Hindi ako magsasanay
B. Magsasanay ako para manalo D. Hayaan ko na lang na matatalo ako sa contest

_____15. Naglaro kayo ng volleyball. Natalo kayo sa laro. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ang mga kalaban C. Sasabihin ko na nandaya ang mga nakalaban
B. Di ko papansinin ang mga nanalo D. Tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib ang pagkatalo

Panuto: Basahin at unawain ang bawat kalagayan. Isulat ang letra ng tamang sagot.
_______16. Dumating ang iyong guro sa inyong bahay upang malaman ang kasagutan ng iyong ina kung ikaw ay sasali
sa patimpalak ng Quiz Bee, ngunit wala ang iyong nanay, Ano ang maaari mong sabihin sa iyong guro?
A. Hintayin ang ina upang malaman ang kasagutan.
B. Paalisin na lang guro kung hindi makausap ang ina.
C. Magdesisyon ako sa sarili.
D. Hindi na lamang kikibo.
_______17. Natalo ang iyong pangkat sa paglalaro ng volleyball. Ano ang dapat mong ipakita sa kabilang grupo?
A. Tatakbo ng papalayo sa kagrupo.
B. Pagpapakita ng kasiyahan sa pakikilahok sa paglalaro
C. Sasabihin sa kanila na sila ay nandaya sa iskor kaya nanalo
D. Magtatanim ng sama ng loob
________18. Alin sa mga sumusunod ang programa ng paaralan na dapat salihan?
A. Maglaro ng Mobile Legend B. Huwag lumapit sa mga kalaro.
B. Sumali sa paligsahan ng pag-awit D. Umiwas sa pagsali sa mga gawain
_________19. May programa sa inyong paaralan tungkol sa paligsahan ng basketball. Biglang umalis ang isa sa iyong
kasamahan habang kayo’y naglalaro dahil kinabahan ito na baka matalo sila. Gagayahin mo ba siya?
A. Oo, susundan ko siya papalayo sa palaruan.
B. Oo, para hindi ako pagtatawan ng kabilang grupo.
C. Hindi, hahayaan ko siyang lumayo.
D. Hindi, ipapakita ko sa grupo ang aking pakikibagay at pakikisa nang may kasiyahan upang manalo.
_________20. Ano ang tamang saloobin kapag sumasali ka sa gawaing pampaaralan?
A. Ipagmamalaki ko na ako ay may pera kaya nakakasali ako sa lahat ng patimpalak sa paaralan. B. Ayokong sumali dahil
ayaw kong makaramdam ng pagkatalo.
C. Nakakaramdam ako ng kasiyahan kapag ipinapakita ko ang aking talento upang mabigyang karangalan ang aking
paaralan.
D. Naiinis ako kung ako ay nagkakamali.

______________________
Lagda ng Magulang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Biñan City
District VII
SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL

Ikalimang Sumatibong Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3


Ikalawang Markahan

Pangalan:_________________________________________ Gr. III- ____________Petsa:__________

_____ 1. Makipagkaibigan sa taong may kapansanan.


_____ 2. Pinahinto ng ama sa pag-aaral ang anak dahil siya’y lumpo.
_____ 3. Pinupuri ko ang gawain ng mga may kapansanan na kapakipakinabang.
_____ 4. Niyaya ni Jansen ang piping kamag-aral na sumali sa paligsahan ng pagsasayaw.
_____ 5. Ginagaya ko at pinagtatawanan ko ang may kapansanan sa kanilang paglalakad at pagsasalita

_____ 6. Ginagaya ko ang mga kapansanan sa kanilang paglalakad at pagsasalita.


_____ 7. Tinutulungan ko ang mga may kapansanan sa abot ng aking makakaya.
_____ 8. Tinatawan ko ang mag-asawang may kapansanan na umaawit habang namamalimos.
_____ 9. Tinatawag ko ang aking kapwa na may kapansanan sa kanilang tunay na pangalan o palayaw.
_____ 10. Sinusoportahan ko ang kababata kong pilay na gustong sumali sa paligsahan sa pag awit sa aming
barangay.
_____11. Pinupuri ko ang gawain ng mga may kapansanan na kapaki-pakinabang.
_____12. Tumutulong ako sa inilulunsad na mga proyekto ng mga taong may kapansanan.
_____13. Bumibili ako ng mga produktong ginawa ng mga may kapansanan.
_____14. Nakikipaglaro ako sa kapuwa ko bata kahit na siya ay may kapansanan.
_____15. Ipinagtatanggol ko sa simpleng paraan ang mga batang may kapansanan.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
16. Puno at siksikan ang bus. May sumakay na matandang putol ang isang kamay.
A. Bibigyan ko ng upuan ang matanda at ako na lamang ang tatayo.
B. Hindi ko na lamang siya papansinin.
C. Pagsasabihan ko na hindi na siya dapat sumakay dahil puno na.
D. Sasabihin ko sa drayber na huwag pasakayin ang matanda.

17. Nag-iisa ka lamang sa bahay nang may kumatok sa inyong pintuan at nanghihingi ng limos. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Aabutan ko siya ng pagkain o pera mula sa bintana ngunit titiyakin kong sarado ang pintuan.
B. Hindi ako sasagot.
C. Sasabihin kong wala ang mga magulang ko at nag-iisa lamang ako.
D. Sisigawan ko at paalisin sa tapat ng aming bahay.

18. Alam mong may sakit na “epilepsy” ang isa mong kamag-aral at gusto niyang makipag kaibigan at makipag
laro, ano ang gagawin mo?
A. Yayayain ko siyang maglaro sa mga larong hindi gaanong nakakapagod.
B. Tutuksuhin ko siya.
C. Sasabihan ko ang mga kaklase ko na huwag namin siyang isama sa aming kwentuhan.
D. Hindi ko na lang papansinin.

19. Nagmamadali ka dahil mahuhuli ka sa klase. Nagkataong nakita mong nadapa ang isang mag-aaral na pilay
at nagkalat ang kanyang gamit.
A. Hindi ko papansinin ang aking nakita dahil ayokong mahuli sa klase.
B. Tutulungan ko muna siya at kung mahuli man ako sa pagpasok ay sasabihin ko sa aking guro ang dahilan.
C. Tutulungan ko ang nadapa kung siya’y kilala ko.
D. Sasabihan ko na mag-ingat siya lagi sa paglakad at pagkatapos ay iiwanan ko na siya.

20. Namamasyal kayong mag-anak sa isang parke. Nakakita kayo ng mga grupo ng bulag na umaawit at
nanghihingi ng limos.
A. Pagtatawanan sila.
B. Pandidirihan sila
C. Lilimusan sila
D. Hindi na lang papansinin.

______________________
Lagda ng Magulang

You might also like