You are on page 1of 1

Mga Teorya ng Wika

1. Teoryang Yo-he-ho, sa teoryang ito naniniwala ang mga mananaliksik na ang


sama-samang paggawa o pagtutulungan nagsimula ang wika. Ang ingay na
kanilang nabubuo ang pinagmulan ng wika.
2. Teoryang Bow-Wow, sa mga huni ng mga hayop at mga bagay na nagmula sa
kapaligiran tulad ng mga huni na gawa ng mga ibon aso pusa at iba. Maging ang
mga tunog na likha ng kalikasan tulad ng mabilis na daloy ng tubig, langitngit ng
kawayan at iba pang punong kahoy. Ang mga tunog na likha ng kalikasan ay
ginagagad at pinaniniwalan pinagmulan ng wika. Ang ilan sa halimbawa nito ay
lagaslas ng agos ng tubig, ngiyaw ng pusa, aw-aw ng aso at marami pang-iba.
3. Teoryang Ding-dong, ang mga bagay na sa ating paligid na gawa ng tao ay may
sariling tunog. Ang tunog na ito ay mensaheng nais ipahatid sa tao. Tulad ng tunog
ng doorbell, telepono, serena ng bumbero, wang wang ng ambulansyaat iba pa.
4. Teoryang Yam-Yam ,ang ating katawan ay nangangailangan ng tubig, pagkain at
ang mga ito ang dahilan kung bakit may mga tunay na nagmumula sa loob ng ating
katawan hanggang ito ay sa loob ng ating katawan hanggang ito ay maging bahagi
ng ating wika. Isa sa mga halimbawa ay ang pagdigha at pagkalam ng sikmura
kapag siya ay nagugutom (Mag atos et al 2008)
5. Teoryang Pooh-pooh, ayon sa teoryang ito ang tao ay nakapagbibitiw ng mga
tunog kapag nakakadama ng matinding damdamin tulad ng pagkagulat, takot,
pagkatuwa, pagkabigla o pagkagalit.
6. Teoryang Tarara-boom-de-ay, Nakakabigkas ito ng mga tunog habang sila ay
nagsasagawa ngmga seremonya o ritwal sa pamamagitan ng pagsigaw sa mga
panalangin, pagsasayaw tulad ng mga pagsigaw nila habang isinasagawa ang “rain
dance” ng mga Igorot.

You might also like