You are on page 1of 1

Sawikaan 2004

Sa taong ito, itinanghal na salita ng taon ang salitang “canvass” , sinundan ng “ukay-ukay”, at tabla sa ikatlong pwesto
ang mga salitang “tsugi”, at “tsika”. Samantala nakaayos alpabetiko ang iba pang nominado gaya ng “dagdag-bawas”,
“dating”, “fashionista”, jologs, kinse-anyos, otso-otso, salbakuta, tapsilog, terorista at terorismo at text.

1. CANVASS

Salita ng taon dahil sa pinakamahalagang pangyayari noong taong 2004 – ang pambansang eleksiyon. Tuwing
eleksiyon, mahigpit na nakabantay ang mga mamamayan sa pagbibilang ng boto dahil ditto nakasalalay ang
pagkapanalo o pagkatalo ng manok na kandidato na malalaman sa resulta ng “canvassing”. Ayon kay Randy David,
“dahil sa canvassing, maaari kang manalo sa botohan at matalo sa canvassing”

Mula sa salitang Ingles, lima ang orihinal na kahulugan ng canvass:

una, sa sining (pangngalan) isang uri ng magaspang na papel na ginagamit bilang trapal na pantakip, o kambas para
sa ipinintang larawan;

ikalawa, sa komersiyo (pandiwa) magsuri ng produktong bibilhin na may mahusay na kalidad ngunit sa
pinakamababang presyo, hal. “Magcanvass ka muna upang matiyak na ang mabibili mo ang pinakamahusay sa
pinakamababang presyo

ikatlo (pandiwa) mag-alok ng isang produkto o serbisyo sa mga mamimili o kliyente

ikaapat, sa politika, sa anyong “canvassing” pangangampanya ng isang kandidato o ang pag-akit at paghingi ng mga
boto;

ikalima (pangngalan) masusing pagkilates ng mga dokumentong naglalaman ng resulta ng eleksiyon

ngunit ayon kay David, naglaho na ang kahulugan ng canvass bilang masusing pagsisiyasat at pagtatalo ukol sa
katotohanan ng mga dokumento ng botohan sa halip na tumutukoy na lamang ito sa simpleng pagsusuma, pagtatala
o paghahanap ng mga boto na isang klerikal o administatibong gawain na maaaring ipagkatiwala sa sinumang
marunong magbilang na klerk o basta may calculator. Ngunit binigyan ng diin ni David na may responsibilidad ang
klerk sa pagtitiyak sa nararapat isamang bilang at siya rin ang nagpapasya sa balido o di balidong boto. Kaya ayon sa
kanya ang mas dapat na kahulugan sa canvassing ay “masusing inspeksiyon at pagpapasiya ukol sa katotohanan ng
mga dokumento.”

Winakasan ni David ang kaniyang talakay sa isang pahayag: Mayroon tayong presidenteng nailusot sa mga butas ng
magaspang na canvas (s).

2. UKAY-UKAY

Repleksiyon ng umiiral na uri ng pamumuhay sa lipunang Filipino. Ang ukay-ukay (pangngalan) ay isang salitang
Sebwano at nangangahulugang paghahalungkat sa mga damit na itinumpok sa mesa, itinambak sa kahon, o ikinalat
sa nakalatag na sako. Iniugnay niya rin ito sa “hukay” ng tagalog at “wagwag” o “wagwagan” ng Norte. Samantala
ginamit din itong katumbas ng “archive” sa UP Film Institute na tumutukoy sa paghahanap ng lumang pelikula na
nabaon na sa limot.

Naging mahalaga ang salitang ito at itinuturing na senyales ng kahirapan ng buhay sa pagsisikap na makabili ng mga
damit sa murang halaga.

You might also like