You are on page 1of 4

WIKANG FILIPINO: TUGON BA SA IKA-21 SIGLO?

Lakadiwa:

Magandang hapon po, minumutyang bayan


Ako pong si ______ , nagbibigay galang
Maging Lakandiwa, ako ay naatasan
Upang maging payapa ang magaganap na laban

Ang paksa ng pagtatalunan –


Wikang Filipino, tugon sa pagangailangan ng dalawaput isang siglo?
Wala tayong problema kung siya ay tugon
Kung di tugon malulunasan ang suliranin, iyan ang ating layon

Sa panig ng tugon ang unang tatayo


Si ______ nag-iinit, kawangis ng sulo
Ang panig ng di-tugon si ______ magtatanggol
Bakal na nagbabaga, init ay sumasabol

Ang panig ng tugon ang unang tatayo


Pagbutihin ang salakay mahal kong katoto
Sandata mo’y dila wangis ng asero
Baluti mong matibay dunong mo’t talino

Mambabalagtas A

MAgandang hapon po baying minamahal


Ako pong si ____ sa inyo’y ,magtatanghal
Aking sasabihin, inyong matamang dinggin
Pagkat mahalaga ngayon at sa lahing isasalin

Sa siglo bente-uno, hihigpit ang kumpetisyon


Tanging magagaling makakahanap ng okupasyon
Walang iba kundi tayo Pinoy na may edukasyon
Tanging tugon tayo sa sa hinahanap na pundasyon

Ang Filipino’y tugon sa turo at pag-aaral


Simple ang salita, madaling maunwaan
Bata’y makasusunod pagkat nauunawaan
Pinakamabigat na ideya mapaukol saanman

Mambabalagtas B

Bayan kong iniirog. akoy yumuyukod


Ako po si _______ hindi basta tumatanghod
Di po tugon aking bayan at sa ating kamalayan
Wikang Filipino hindi kaya at mauunawaan
Bakit kaniyo? Halika’t ipaliliwanag ko.

Paanong tutugon sa siglo bente-uno ang Wikang Filipino?


Gayong napakaliwanag, hindi tayo handa dito
Sa edukasyon mga teksbuk halos lahat wikang banyaga
Badget ng pamahalaan sa pagtransleyt tila wala

Mga teknikal na termino sa kulturang agham


Iiwan din ng lahat dahil di maintindihan
Ngunit di mangyayari yan
Kung sa pagtuturo ng siyensya
Wikang Filipino’y iiwasan

Mambabalagtas A

Ano ika mo? Hindi mo ba nakikita ang mga pagbabago?

Tugon ang Filipino sa bagay na ito


Siya ang wikang ginagamit ng milyun-milyong Filipino
Nauunwaan ninuman saan ka man magtungo
Di tuilad ng Wika mo, siyang nagpapagulo

Filipino ang ginagamit sa telebisyon man o radio


Mga programng pinakikinggan ng mga Pilipino
Filipino din ang gamit sa mga pelikula
Na itinatanghal sa iba’t ibang probinsya

Mambabalagtas B

Pagdating sa Komunikasyon di tugon ang Filipino


Napakaraming kababayan hirap na hirap magsalita nito
Paano’y sa Tagalog nakabase siya
At wikang Tagalog, estranghero!
Sa dila ng taga-probinsya

Kaya ang mga taga-Cebu ay nagrereklamo


Sapagkat napakaliit na porsyento salita nilang nasa Wikang Filipino
Ito rin ang dahilan kaya mayroong Ilokano
At sa dako ng Muslim diyalekto?, sa kanilang tribo

Mamababalagtas A’

Tugon ang Filipino sa larangan at kultura


May panitikan siyang sa ati’y nagpapaalala
Sa ating tradisyon at mga kaugalian
Sa ating paniniwala at mga kapistahan
Kailangan sa sgilo bente-uno ng lalong pagkamakabayan
Mga akda sa panitikan ang magtuturo niyan
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Gat Andres Bonifacio
Lalo na ang mga tula ni Emilio Jacinto

Mambabakagtas B

Ako’y nasasaktan na ito’y sabihin


Ngunit di-tugon sa ngayon ang panitikan natin
Mataas ang panukat ng siglo 21
Tiyak na di papasa ang Wikang Filipino

Kakaunti ang akdang maituturing na klasiko


Florante at Laura, Pagkamulat ni Magdalena?
Iilang epiko na nagawa ng Pilipino
Kung lilimiin mo, anong ipagmamalaki mo?

Mambabalagtas A

Labis ka namang makapanghamak


Para kang hindi Pilipino kung makapintas

Mambabalagtas B

Kailangang ilantad ang sugat


Upang malanggas at malapatan ng lunas

Mambabalagtas A.

Basta tugos sa siglo bente uno ang Wikang Filipino


At di mo mababago ang pasiya ko

Mambabalagtas B

Talagang di ko mababago ang iyong paningin


Kung ikaw mismo ayaw alisin
Ang sa kanya’y nakapupuwing

Mambabalagtas A

Tugon sa ika- dalawamput isang siglo ang WIKANG FILIPINO!

Mambabalagtas B

Di Tugon!
Mamababalgtas A

Tugon!

Mambabalagtas B

Di Tugon!

Lakandiwa

Tama na Tama na
Tama na mga katoto
Itigil na ninyo ang mga pagtatalo
Sa aking palagay parehong tama kayo
May mga katwiran at mayroong talino

Ang Filipino ay tugon sa pangangailangan


ng siglo bente uno sa Komunikasyon
Tugon din siya sa panitikan at edukasyon
Ngunit kailangan pang umasenso, upang di maiwan
ng siglo bente uno

Dapat mang paunlarin ating panitikan


Hindi naman maitatangi hindi tayo huli sa laban
Darating ang panahon, ating mapapantayan
Panitikan dayuhan na hinahangaan

Sapagkat kapwa mahusay ang nagsipaglaban


Ipinahahayag kong tabla ang labanan
Kayong dalawa’y magkamayan, sa baya’y muling magbigay-galang
Sinisintang Bayan, muli silang bigyan
MASIGABONG PALAKPAKAN

You might also like