You are on page 1of 2

IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY

P. Cabalit St., Brgy. Taloto, Tagbilaran City, Bohol


HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Pangalan:__________________________________ Marka:_______________
Taon at Seksyon:________________________ Petsa:______________

Gawain Blg. 2.1

Paksa: Pangungusap na Walang Paksa


Sangunian: Pinagyamang Pluma 7, pah. 121-122

Batayang Konsepto:

Ang pangungusap ay isang pahayag na nagsasaad ng isang buong diwa. Sa Filipino, may
mga pangungusap na walang paksa, ito ay ang mga sumusunod:

1. Eksistensyal – Ang mga pangungusap na ito ay nagpapahayag ng pagkamayron o kawalan.


Halimbawa:
Wala pang nanonood.
2.Modal – Nangangahulugan ito na gusto, nais, ibig, puwede, maari, dapat o kailangan.
Halimbawa:
Puwede bang sumali?
3. Padamdam - Nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
a. Bilis! b. Kay ganda ng buhay!
4. Maikling Sambitla – Mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Halimbawa:
a. Naku! b. Aray!
5. Panawag – Matatawag ring vocative ang mga ito. maaring iisahing salita o panawag na
pangkamag-anak.
Halimbawa:
a. Gwen! b. Binibini!
6. Pamanahon – Nagsasaad ito ng oras o uri ng panahon.May dalawang uri ito:
a. Penomenal –Tumutukoy sa kalagayan o pangyayaring pangkalikasan o
pangkapaligiran.
Hal.:
Maalinsangan ngayon.
b. Temporal –Nagsasaad ng kalagayan o panahong panandalian.
Hal:
Miyerkules ngayon.
7. Pormulasyong Panlipunan –Mga pagbati, pagbibigay-galang at iba pang nakagawian ng mga
Pilipino.
Halimbawa:
a. Magandang Araw! b. Mabuhay!
Pagsasanay:
Sumulat ng tigdadalawang pangungusap na walang paksa batay sa uring nakatala sa
ibaba.
1. Eksistensyal
2. Padamdam
3. Maikling Sambitla
4. Modal
5. Panawag
6. Pormulasyong Panlipunan
7. Pamanahon

You might also like