You are on page 1of 8

Paturol o Pasalaysay

- kung ang pangungusap ay naglalahad ng


isang katotohanan, bagay o nagsasalaysay
ng pangyayari. Nagtatapos ito sa bantas
na tuldok (.).

Halimbawa mula sa teksto : Ang kalamidad


ay maaaring makasira ng mga bahay, mga
tulay, mga pananim at mga kabuhayan ng
tao.
Pautos
- kung ang pangungusap ay nag-uutos.
Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.).

Dalawang uri ng pangungusap na pautos:

A.Pangungusap na ginagamit sa pag- uutos.


B.Pautos na nakikiusap.
A.Pangungusap na ginagamit sa pag- uutos.

Halimbawa mula sa teksto: Tayong


lahat ay magtanim ng mga puno para
magkaroon tayo ng proteksyon
sa malalakas na hangin at para may
sumipsip ng tubig baha.
B.Pautos na nakikiusap.

Ginagamitan ng mga salita o katagang:


paki, maki, maari po, pwede
po, at iba pa.

Halimbawa mula sa teksto: Kung maari


ay i-recycle natin ang ating mga basura
na pwede pang mapakinabangan.
Patanong
– Kung ang pangungusap ay nagtatanong. Nagtatapos ito
sa bantas na tandang pananong (?).

Ito’y ginagamitan ng mga panghalip na


pananong o salitang nagtatanong, gaya ng mga
sumusunod: ano, sino, kailan, paano, saan, kanino, ilan,
at iba pa.

Halimbawa mula sa teksto : Ano ang mga dapat


gawing paghahanda?
Padamdam
- Kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng matinding damdamin.
Nagtatapos ito sa bantas na
tandang padamdam (!).

Halimbawa mula sa teksto:


Lagi dapat natin tandaan, na laging ligtas
ang may alam!
Panuto: Lagyan ng angkop na bantas ang
mga sumusunod:
1. Sino ang may kasalanan
2. Pulutin mo ang kalat
3. Maari tayong magtanim ng
halaman
4. Aray ko
5. Ang bagyo ay isang kalamidad

You might also like