You are on page 1of 2

Ang mga Lipon ng mga Salita:

Parirala o Pangungusap
     Araw-araw, gumagamit tayo ng mga lipon ng mga salita sa pakikipag-usap or
pakikipagtalastasan.

     Ang mga lipon ng mga salita ay nahahati sa dalawa: parirala at pangungusap.

     Ano ang parirala?

     Ang parirala ay binubuo ng mga salita ngunit ito ay walang kumpletong mensahe.

Halimbawa: ang mga bibe

     Ang tanong, ano ang sinasabi nito tungkol sa bibe?

    Hindi natin mawari kung ano ang tinutukoy ng pariralang ito tungkol sa bibe.

    Kung ang grupo ng mga salita ay walang buong diwa, ito ay isang parirala.

     Ano ang pangungusap?

     Ang pangungusap ay grupo ng mga salita na buo ang mensahe.

    Halimbawa: Ang mga bibe ay nasa batis. 

     Ang tanong, ano ang sinasabi ng pangungusap tungkol sa bibe? Sila ay nasa batis. 

    Anu-ano ang nasa batis? Ang mga bibe.

    Kung mapapansin ninyo may mga sagot sa dalawang katanungan. Ipinapakita nito na ang
pangungusap ay lipon ng mga salita na may buong diwa. 

Mga Pagsasanay: Basahin ang mga halimbawa ng parirala at pangungusap. Suriin at alamin
ang kanilang mga pagkakaiba.

PARIRALA PANGUNGUSAP
1. ang mga bata 1. Ang mga bata ay naglalaro.
2. ang bola 2. Ang bola ay bilog.
3. si lola 3. Si lola ay nagluluto sa kusina.
4. ay mabait 4. Ako ay mabait.
5. isang mansanas 5. Magkano ang isang mansanas?
6. takbo 6. Takbo!
7. sina Luis at Martin 7. Sina Luis at Martin ay matalik na
magkaibigan.
8. ng bahay 8. Naglilinis sila ng bahay.
9. kulay pula 9. Anong prutas ang kulay pula?
10. sa parke 10. Namamasyal ako sa parke.
Tandaan: Ang mga lipon ng mga salita sa mga bilang 1, 2, 5, 7, 8 ay mga parirala. Ang mga
pangungusap ay may buong diwa, nagsisimula sa malaking titik, at nagtatapos sa mga
bantas na . , ! ?. 

You might also like