You are on page 1of 2

Kaantasan ng Pang-uri

Mayroong tatlong kaantasan ang pang-uri: ang Lantay, Pahambing, at


Pasukdol.

1. Lantay

Naglalarawan ito ng isang pangngalan o panghalip na walang


pinaghahambingan. Nagtataglay ng isang katangian.

Halimbawa:

 Mabango ang bulaklak sa Baguio.


 Madilaw na ang mangga ng mabili ko.
 Si Lucy maganda.
 Bumili ako ng pulang payong sa mall.
 Maganda ang palabas sa sine ngayon.
 Si Buboy ay nakasuot ng asul na short.
 Saan kaya ako makakabili ng berdeng notebook?
 Ang bahay ni Tasyo ay malaki at maganda.
 Kakaunti na lamang ang natitirang puting rosas.
 Puti ang kulay ng asong si Bantay.
2. Pahambing

Naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

 Magkasinghusay umawit si Ester at Lanie.


 Magkasingdami lang ang kanin na nakalagay sa plato natin.
 Magkasingbango ng bulaklak na dala ni Osang at ni Opang.
 Higit na maganda ang laso ni Berta kaysa kay Mara.
 Mas matalino si Paula kaysa kay Paulo.
 Higit na magaling si Wanda sa pagbibilang kaysa kay Momoy.
 Mas gusto ko pang kasama si Gab kaysa kay Morie dahil mabait siya.
 Mas mabait ang panganay kaysa pangalawa.
 Di-gaanong maganda ang tulay na pinagawa ni Mayor Reyes kumpara sa
pinagawa ni Senador Hernandez.
 Higit na mahusay maglaro ng basketball si Manny kaysa kay Manuel.
3. Pasukdol

Ito ang katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng


pinaghahambingan.

Halimbawa:

 Pinakamabilis tumakbo si Jobert kaya naman siya ang pambato ng kanilang


paaralan.
 Ubod ng ganda ang dagat sa Boracay.
 Nais kong marating ang pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas.
 Nakita mo na ba ang pinakamagandang babae sa ating baryo?
 Napakamahal naman ng bili mo sa iyong pabango.
 Gusto kong matikman ang pinakamasarap na laing na pinagmamalaki ng
Bicol.
 Ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat kaya umayos ka.
 Huwag mong sabihin kahit kanino kung saan ko nabili ang pinakamurang
sapatos na suot ko.
 Ikaw pala ang pinakamatalino sa ating klase, bakit kaya hindi kita
kinaibigan?
 Ituturo ko sayo kung sino ang pinakagwapong estudyante ni Ginoong
Ramos.

You might also like