You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng araw na ito ay 95 % ng mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya (AP7HAS-Ie-1.5)

II. Nilalaman
a. Paksa: Likas na Yaman sa Asya
b. Sangguniang Aklat: Araling Asyano pp.
c. Kagamitan: Larawan, projector, Loptop
d. Pokus ng pagpapahalaga: Napapahalagahan ng mga mag-aaral ang mga Likas na Yaman dahil
ito ay nauubos at hindi na mapapalitan

III. PAMAMARAAN
A. Pambungad na Gawain

 PAGHAHANDA
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng lumiban

 PAGBABALIK ARAL
Ano ba ang tinalakay natin kahapon? Ano -ano ang limang paghahating rehiyon sa Asya?

B. PAGPAPAUNLAD NA GAWAIN
 Activity (Pagganyak)
Picture Analysis
- Ilarawan ang mga bagay na nakapaloob sa larawan na nasa ibaba.

ANALYSIS (PAGSUSURI)
- Batay sa larawan, Bakit kailangan nating pangalagaan ang mga bagay na nakikita
ninyo sa larawan. Ano ang kahalagahan ng mga ito sa ating pamumuhay?

 ABSTRACTION (PAGLALAHAD)
Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa mga Likas na Yaman sa Asya

Ano ba mga bagay na pumapasok sa inyong isipan kapag narinig niyo ang salitang Likas
na yaman?

Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng likasa na yaman base sa larawan at mga ideyang
inyong ibinigay?

Ang likas na yaman ay ito ay yamang natural na hindi ginawa o binago ng tao.
Apat na uri ng Likas na Yaman
1. Yamang Lupa- ito ay tumutukoy sa mga lupaing nasasaka at natatamnan, mga yamang galing
sa lupa, hayop man o halaman.
Halimbawa: prutas, palay, mais, manok, baboy, kambing, baka, halamang gamut, mga bulaklak

2. Yamang tubig- ito ay tumutukoy sa mga ilog, lawa, talon, dagat at iba pang mga anyong tubig
na nasasakupan ng mga bansa at ng iba nitong gamit sa ekonomiya at pamumuhay ng tao.

Halimbawa: mga yamang nanggaling sa tubig- perlas, koral, isda, halamang dagat, kabibe

3. Yamang Mineral - ito ay makikita sa mga kweba o kalaliman ng lupa, mga bagay na namimina o
nakukuha mula sa kabundukan
Halimbawa: Tanso, ginto pilak, steel, natural gas, fossil fuels, diamante, langis at petrolyo.
4. Yamang Gubat- mga bagay o hayop na matatagpuan natin sa kagubatan
Halimbawa: hal. Troso, halamang gamot, baboy-ramo,komodo dragon at Panda.

 APPLICATION

Papangkatin ko kayo sa dalawang grupo, magkakaroon tayo ng paligsahan. Meron akong


ipapakitang mga larawan at tutukuyin niyo lang kung saang uri ito ng likas na yaman
napabilang. At ilarawan ito sa isang salita, parilala o pangngusap .
Ang bawat tamang sagot ay katumbas ng 5 puntos. Ang nakakuha ng maraming puntos ang
siyang panalo.

IV. PAGTATAYA
Isulat sa ilalim ng larawan ang YL kung ito ay napabilang sa Yamang Lupa, YM kung Yamang Mineral,
YT kung Yamang Tubig at YG kung Yamang Gubat. At ipaliwanag ninyo kung bakit ito ang inyong
sagot. Isulat sa kahon na katabi ng larawan ang inyong sagot.

1.

2.

3.

4.
5.

V. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik tungkol sa implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano.

You might also like