You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
Regional Office I
La Union Schools Division Office
ROSARIO INTEGRATED SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL

Mala-masusing Banghay Aralin


sa Araling Panlipunan 9

Ratee: John Matthew R. Macalalay, T-I


Rater: Hector A. Batallang, HT-III
October 13, 2023
Grade 9 - Yakal (1:30-2:10)

I. Layunin
Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang araw-araw na pamumuhay.

Pamantayan sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo. AP9MKE-Ig-15

Tiyak na Layunin
a. Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo
b. Naiisa isa ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng tao.
II. Nilalaman
A. Paksa: Modyul 5: Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
B. Sanggunian: Ekonomiks: Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-Aaral: Pahina 61-63,
DepEd LUSDO – AP 9 - Module 5: Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
C. Kagamitan: Laptop at iba pang pantulong Biswal, produkto (Pagkain, School supplies)
Mentimeter: Spotify

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
Magandang hapon klas! Magandang hapon, Sir Matthew!

Tayong lahat ay manalangin bago magsimula sa ating (pagsasagawa)


klase.

Bago tayo magsimula ay ayusin muna natin ang inyong (pagsasagawa)


silid-aralan. Pulutin ang mga kalat at ayusin ang mga
upuan.

BASAYSAY: TULA NG KURIPOT

Ako ay isang kuripot


Ako ay hindi madamot sa paggastos
Ako ay natatakot dahil pera ko ay hindi pinupulot
Kuripot ako at ipinagmamalaki ko na hindi ako umaasa kahit
kanino

Okay lang kung kuripot man ako


Dahil pera ko naman ang sinisinop ko
Ang pagiging kuripot ay hindi masama
Hanggat ‘di ka nanloloko ng kapwa

Kaya wala akong dapat ikahiya


Kung naiingit sa akin ang madla
ACTIVITY

A. Pagganyak
Gawain 1: PABILI PO, SANDALI! (pagsasagawa)
1. Ipagpalagay na mayroon kang Php 100.00 at may
pagkakataong bumili ng iba’t-ibang pagkain at
produkto. Alin sa mga pagkaing nakalagay sa harap
ang bibilhin mo?

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga pagkaing iyong binili? Sir, ang mga napili kong pagkain ay tinapay, junk foods etc.

2. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng pagkain? Sir ito ay nagbibigay ng kabusugan sa akin.

3. Anong ideya ang maaari nating mabuo sa aktibidad na Sir, ang aktibidad ay tumutukoy sa paraan ng pagkonsumo ng
inyong ginawa? tao.

Tama klas! Ang inyong ginawa ay tumutukoy sa


pagkonsumo! Iyan ang ating tatalakayin sa oras na ito,

ANALYSIS

B. Panlinang na Gawain
(Pagsasagawa ng gawain bilang inisyal na ideya sa
paksa)

Gawain 2: Pag-isipan Mo!


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Pagkatapos ay ipresenta sa klase ang naging sagot sa
katanungan at ano ang iyong naging batayan sa pagsagot.

Group 1: Panahon ng tag-init, ano ang kakainin mo tsamporado (pagsasagawa)


o halo-halo?
Group 2: Araw ng mga puso, ano ang bibilhin mo para sa iyong (pagsasagawa)
nililigawan? Tsokoleyt o bulaklak?
Group 3: Sumahod ka na kaninang umaga. Ano ang bibilhin (pagsasagawa)
mong ulam mamayang gabi? Lechon Manok o Sardinas?
Group 4: Itinaas ang ECQ o enhanced community quarantine sa (pagsasagawa)
inyong lugar. Donut o de lata ang iyong ipaprayoridad?
Group 5: Panahon nanaman ng tag-ulan. Bibili ka ba ng payong (pagsasagawa)
o kapote?
ABSTRACTION

Malayang talakayan patungkol sa paksa.

Ano ang pagkonsumo? Sir, ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto o


serbisyo na nagbibigay ng kapakinabang sa tao.
1. Mga salik na nakakaapekto sa Pagkonsumo
a. Pagbabago ng Presyo Mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo,
samantalang mas mababa ang konsumo kung mataas ang
presyo.

b. Kita Sir, ito ang nagdidikta sa pagkonsumo ng tao. Habang lumalaki


ang kita ay mas lumalaki ang pagkonsumo nito. Kapag mas
maliit ang kita ay mas maliit ang konsumo nito.

c. Mga Inaasahan Ang mga inaasahang mangyari sa hinaharap ay maaaring


makaapekto sa pagkonsumo ng tao. Halimbawa, inaasahang
may paparating na kalamidad, tataas ang pagkonsumo.

d. Pagkakautang Sir, kapag maraming utang ang tao, ito ay nagdudulot ng


pagbaba ng kanyang pagkonsumo dahil nabawasan ang
kanyang kakayahan sa pagbili ng produkto o serbisyo.

e. Demonstration Effect. Madaling maimpluwensyahan ang tao sa mga anunsyo sa


telebisyon, pahayagan o maging sa internet. Nakadepende ito
kung maganda ba o hindi ang naianunsyo patungkol sa
produkto, Ito ang nakakaapekto sa pagkonsumo ng tao.

2. Ang Matalinong Mamimili


a. Ano-ano ang mga bagay na isaalang-alang? Bibili ka ba ng damit dahil sale?
Bibili ka ba ng bagong phone dahil mayroon ang iyong kaklase?
Bibili ka ba ng SB Jordan dahil kailangan mo?

APPLICATION

GAWAIN 3: Word-Cloud
Panuto: Gamit ang inyong mga phones, bumukas ng tab sa (pagsasagawa)
google at i-search ang mentimeter.com. Sundan ang hakbang
na ibibigay ng guro.
a. Open Google Tab
b. Search mentimeter.com
c. Enter code to join the presentation

PAGKONSUMO (pagsasagawa)

(Magbigay ng dalawang salita na may kaugnayan sa


Pagkonsumo)

Pangkalahatang Tanong:
Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng tamang pagdedesisyon sa Sir, upang hindi masayang ang pera na pinaghirapan sa
pagkonsumo ng tao? pagtatrabaho.
IV. Ebalwasyon
GAWAIN 4: KANTA-SURI
Panuto: Pakinggang maigi ang kanta at suriin ito pagkatapos pakinggan. Sagutin ang mga tanong sa inyong
kwaderno.

Title: Yano – Esem (Spotify)

Pamprosesong Tanong:
1. Anong mensahe ang makukuha mo mula sa kanta?
2. Paano mo ito maihahambing sa ating aralin na pagkonsumo?
3. Ibahagi sa klase ang iyong sagot.

V. Takdang Aralin
Magsaliksik patungkol sa Mga Karapatan ng Tao bilang mga Mamimili. Ilagay sa kwaderno ang mga detalyeng
masasaliksik.

Inihanda ni:

JOHN MATTHEW R, MACALALAY


Teacher I, Araling Panlipunan

Iniwasto nina:

HECTOR A. BATALLANG IMELDA H. VALDEZ


Head Teacher III, Araling Panlipunan Master Teacher I, Araling Panlipunan

Binigyang-pansin ni:

ALICIA F. APRECIO, ED.D


Principal IV

You might also like