You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Subic, Zambales
Kolehiyo ng Subic
Wawandue, Subic, Zambales
www.facebook.com/knsadmission/

Masusing Banghay sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 9

I.LAYUNIN

Pagkatapos ng 40 minutong aralin sa Araling Panlipunan, ang mga mag aaral sa baiting 9 ay
inaasahang maisasagawa ang mga sumusunod ng may 75% kahusayan.

1. Natatalakay ang kahulugan ng ugnayan ng kita, pagkonsumo, at pag iimpok.


2. Nakapagsasagawa ng tamang pamamaraan sa paggamit ng kita, pagkonsumo at pag
iimpok.
3. Napahahalagahan ang kahalagahan ng kita, pagkonsumo at pag iimpok.

II.NILALAMAN

A. Paksa: Ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpok.


B. Sanggunian: Ekonomiks - Araling Panlipunan Modyul 3 pahina 10-14
C. Kagamitan: Chalk and Board, Mga larawan, Viswal

III.PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag aaral


Republic of the Philippines
Subic, Zambales
Kolehiyo ng Subic
Wawandue, Subic, Zambales
www.facebook.com/knsadmission/

A. Panimulang Gawain

Pagbati
Magandang hapon sa inyong Magandang hapon din po!
lahat!

Pananalangin
Bago ang laha, inaanyayahan (Ang lahat ay mananalangin )
ko kayong tumayo at tayo ay
manalangin sa pangunguna ni
____________.

Pagsasa-ayos ng silid (Lahat ay mag aayos ng sarili at


Paki-ayos muna ang inyong kikilos)
mga upuan at pulutin ang mga kalat.

Pagtatala ng lumiban
Bago tayo magsimula, nais
ko munang malaman Kung may
lumiban ba ngayong araw sa klase Kumpleto po ang lahat guro.
natin. Sino ang secretary ng klase,
may lumiban ba ngayong araw?

Balik Aral
Bago tayo dumako sa ating
bagong aralin, magkaroon muna tayo
ng balik aral, Ano nga ba ang leksyon
natin kahapon? Guro ang tinalakay natin po kahapon ay
Republic of the Philippines
Subic, Zambales
Kolehiyo ng Subic
Wawandue, Subic, Zambales
www.facebook.com/knsadmission/

patungkol sa Supply at Demand


Magaling! Ano ang
Supply? Ang supply ay tumutukoy sa
halaga ng isang produkto o serbisyo na
maiaalok ng isang prodyuser para sa
pagbebenta sa isang partikular na presyo.
Mahusay! Ano naman ang Demand?
Kapag sinabi naman pong
demand ito ay ang halaga ng isang produkto o
serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga
mamimili sa isang partikular na presyo.
Republic of the Philippines
Subic, Zambales
Kolehiyo ng Subic
Wawandue, Subic, Zambales
www.facebook.com/knsadmission/

Magaling at talaga naunawaan niyo


ang ating pinag aralan kahapon.

B. Pagganyak
(Ang Guro ay magpapakita sa klase ng mga
larawan kaugnay ang kita, pagkonsumo at pag
iimpok at ibibigay ng mga mag aaral ang
kanilang opinyon patungkol sa larawan.)

Guro, iyan po ay nagpapakita ng kita o


halagang natatangap ng tao kapalit ang
produkto o serbisyo na ginagawa ng tao.

Iyan naman po ay pagkonsumo na


nangangahulugang pagbili at paggamit ng
produkto at serbisyo ng tao.

Sa aking palagay iyan po ay patungkol


sa pag iimpok na kung saan kailangan mag
ipon at hindi binili ang pangangailangan. At
naniniwala po ako sa sinasabi nga po ng iba
kapag may isinuksok ay may madudukot.

C. Pagtatalakay
Republic of the Philippines
Subic, Zambales
Kolehiyo ng Subic
Wawandue, Subic, Zambales
www.facebook.com/knsadmission/

Ngayon tayo ay dadako na sa kung ano nga ba


ung kaugnayan ng kita, pagkonsumo at pag
iimpok.

ginagamit sa pagbili ng mga kailangan


Nais ko kayong tanungin kung para sa inyo po
ano ang pera?

Ang pera ay katulad ng ating mga


pinagkukunang likas na yaman ito rin ay
maaring maubos.

Sahod o suweldo ng isang tao mula sa


Pag sinabi nating kita ano ung naiisip nyo? kanyang pinagtrabahuhan.

Ang kita ay halagang natatatanggap ng tao


kapalit ng produkto o serbisyong kanilang
ibinibigay (nagtatrabaho-suweldo).

Paggastos po ng salapi
Sa pagkonsumo, ano naman kaya ito?
Republic of the Philippines
Subic, Zambales
Kolehiyo ng Subic
Wawandue, Subic, Zambales
www.facebook.com/knsadmission/

Ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng


produkto o serbisyo na magbibigay ng
kapakinabangan sa tao.

Yes po, ito ung pag iipon ng pera


Panghuli, pag iimpok, pamilyar ba kayo rito?

Ang pag iimpok ay paraan ng pagpapaliban


ng paggastos. Perang hindi na nagastos na
itinatabi bilang ipon ay tinatawag na savings.

Nakita nyo ba class yung ugnayan ng tatlo?

Kaya kung naubos ang ating kita sa


pagkonsumo wala tayong maiipon.

Ano ba ung mga dahilan kung bakit may mga


taong hindi magawang makapag-impok?
Republic of the Philippines
Subic, Zambales
Kolehiyo ng Subic
Wawandue, Subic, Zambales
www.facebook.com/knsadmission/

Okay, meron ritong pitong dahilan pakibasa


ang una.

Kapag may sapat na kaalaman, makakapag


budget ng tama at mapapahalagahan ang
perang pinaghihirapan.
Republic of the Philippines
Subic, Zambales
Kolehiyo ng Subic
Wawandue, Subic, Zambales
www.facebook.com/knsadmission/

D. Paglalapat
Bago tayo matapos, magkakaroon
muna tayo ng maikling acitvity. Ibubuo ko
kayo ng apat na grupo na kung saan
bbibigyan ko kayo ng tag 1000 pesos, ang
bawat grupo ay magkakaron ng 1
representative.

Ipapakita ninyo kung sa paanong


paraan ninyo gagastusin ang 1000 pesos
sainyong pangangailangan at kagusuhan. May
mga litrato dito sa harapan na kung saan
pwede nyo gastusin ang inyong pera.

Bibigyan ko kayo limang minuto bago mag


presenta sa harapan.

E. Pagpapahalaga

Ano ang kahalagahan ng


pagkonsumo, kita at pag-iimpok ? Anyone in
this class na pwede mag bigay ?
Republic of the Philippines
Subic, Zambales
Kolehiyo ng Subic
Wawandue, Subic, Zambales
www.facebook.com/knsadmission/

Bilang mag-aaral ano ang tamang


pamamaraan sa paggamit ng kita ,
pagkonsumo at pag iimpok ?

Naiintindihan na ba ang ating


tinatalakay ?

F. Paglalahat

Ano ang kahulugan ng ugnayan ng kita,


pagkonsumo at pag iimpok?

Magaling , napakahusay !
Republic of the Philippines
Subic, Zambales
Kolehiyo ng Subic
Wawandue, Subic, Zambales
www.facebook.com/knsadmission/

May mga katanungan pa ba kayo


tungkol sa tinatalakay natin ngayon ?

G. Pagtataya

Kumuha ng ika- apat na bahagi ng papel at


sagutin ang mga tanong at bawat tanong ay
may dalawang puntos.

1. Ito ay halagang natatanggap ng tao kapalit


ng produkto o serbisyo at kadalasan tinatawag
ito na nagtatrabaho - sweldo.
2. Isa itong paraan ng pagpapaliban ng
paggastos.
3. Ito ay serbisyo na magbibigay ng
kapakinabangan sa tao.
4-5. Magbigay ng dalaawang dahilan kung
bakit may mga taong hindi nagagawang mag
impok.
H. Takdang Aralin
Sa kalahating bahagi ng papel, ibigay ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng
implasyon.

Inihanda nina:
ROSENDA NILLAMA
ERIELENE SHANE LACERNA
AUBREY SISON
JACKYLYN PAMBID
ANGELINE PEREA
Republic of the Philippines
Subic, Zambales
Kolehiyo ng Subic
Wawandue, Subic, Zambales
www.facebook.com/knsadmission/

CARLA CEREZO
EVA MARIE CATINDIG
MICAH JANE GARCIA
JEFFRY CONTEGA

You might also like