You are on page 1of 2

SAN QUINTIN NATIONAL HIGH SCHOOL

SAN QUINTIN, PANGASINAN


S.Y. 2022-2023

Pagtataya Blg. 2
FILIPINO 8

Pangalan:______________________________________Taon at Pangkat:__________ Iskor:____

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat panuto upang maisagawa nang
wasto at walang alinlangan ang bawat gawain.

A. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang matatalinghaga at eupemistikong


pahayag na makikita sa bawat pangungusap. (10 puntos)
1. Kumukulo na ang tiyan ng marami ngayon dahil sa pandemya.
2. Nag-aagaw buhay ngayon sa ospital ang tiyahin ni Openg sanhi ng diyabetes.
3. Mainam isama sa anumang kainan ang binatang iyon at hindi mapili sa pagkain.
4. May mga tao pa rin sa mundo ang bukas ang palad para sa kapwang nangangailangan.
5. Mabuti na lamang at may mga organisasyong bukal ang loob sa pagtulong sa mga
nasalanta ng bagyo.
6. Hindi mahulugang karayom ang ginanap na konsyerto ng sikat na grupo mula sa bansang
Korea na BTS.
7. Nais ni Berto na makadaupang-palad ang dilag na anak nina Mang Berting at Aling Selya.
8. Masyado nang magulang ang mga kawani ng gobyerno na hindi tapat sa kanilang
sinumpaang tungkulin.
9. Pamilya na ang turing namin sa aming kasambahay na sampung taon nang naninilbihan sa
amin.
10. Ang buhay ay puno ng pagsubok kaya’t magsikap dahil matamis ang bunga kapag
pinaghihirapan.
B. Tukuyin ang kahulugan ng mga matatalinghaga at eupemistikong pahayag na nasalungguhitan sa
pangungusap. Piliin sa kahon ang wastong sagot. (5 puntos)
11. Hindi pinagpapala ng Diyos ang taong may balahibo ang dila. __________________
12. Tila yata nasagasaan ng bote ang dumating na ama ni Nathaniel. ________________
13. Talagang mataba ang utak ng anak ni Juliana dahil sa nakuha nito ang kampeonato sa
nasyonal na patimpalak sa ispeling. _____________________
14. Nagbago na si Louie simula nang maging sikat siyang artista, naging mahangin na ito.
_________________
15. Itinabi sandali ng drayber ang sasakyan sa daan sapagkat tinatawag siya ng kalikasan.
_____________________

nasugatan mayabang lasing


nadudumi sinungaling matalino

C. Sagutin at suriing mabuti ang nais ipahiwatig ng tanong. (5 puntos)


Tanong:
Ano ang kabuluhan at maaaring implikasyon ng paggamit ng matatalinghaga at
eupemistikong pahayag sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa tao?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

You might also like