You are on page 1of 2

SAN QUINTIN NATIONAL HIGH SCHOOL

SAN QUINTIN, PANGASINAN


S.Y. 2022-2023

Pagtataya Blg. 4
FILIPINO 8

Pangalan:________________________________________ Taon at Pangkat:__________ Iskor:____


PANUTO : Basahin at unawaing mabuti ang teksto, liham at tula. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong kaugnay nito.
“ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.”
Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan. “ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming
magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan.“

Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. . Mula ngayon kayo ay aking paparusahan.” Hindi
pinapansin ng mga kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-
unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mga bulaklak habang
nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz. - Halaw sa Alamat ng Bubuyog
____ 1. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing “ Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa”?
a. pakikisama b. pagtitiis c. pagkakaisa d. pakikipagkapwa
____ 2. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat ang susunod na guro sa
inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral.
Ano ang iyong gagawin?
a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa klase.
b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag-aaral.
c. Tutulungan ang mag-aaral at ihahatid siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas.
d. Magpapatala muna ng attendance sa guro at ipaaalam ang kanyang nasaksihan.
____ 3. Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “bsa bagong henerasyon na iyong kinabibilangan ngunit gusto
mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi Ano ang dapat mong gawin?
a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga karunungang-bayan ng ating panitikan.
b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper .
c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito .
d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video .
_____4. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para sa kaniyang mga
minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa pangungusap?
a. siya b. malayo c. namatay d. pag-asam
_____5. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing
ng salitang tanghali?
a. palatuntunan b. nagsipagdalo c. pawisan d. nag-umpisa

1809 Herrera st. Poblacion


Lungsod ng Makati
Ika- 7 ng Disyembre, 2012
Mahal kong Kaibigan,
Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa
Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Iniisip kong umuwi tuwing Pasko. Ibang-iba talaga
ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba ang pagdiriwang, mayroon pang iba’t ibang activities saan ka man pumunta. Ganoon pa man, tulad
mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang akong mga mahal sa buhay. Inaasahan ko na hihintayin mo ang
tawag ko sa araw na iyon.
Hanggang sa muli.
Ang iyong kaibigan,
Noreen
_____6. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil
kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan?” Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng
pangungusap?
a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing
b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon
_____7. Paano nasabi ni Noreen na kakaiba ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas?
a. Masasalamin sa ngiti ng mga Pilipino ang diwa ng Pasko.
b. Nasasabik na siyang umuwi ng Pilipinas at mangaroling.
c. Kakaunti lamang ang mga Pilipino na nagdiriwang ng Pasko sa Middle East.
d. Mahaba ang pagdiriwang ng Pasko at mayroong iba’t ibang kaganapan saan man sulok ng Pilipinas.
_____8. Ano ang tinutukoy ng salitang nasalungguhitan sa loob ng liham?
a. lugar c. paraan
b. panahon d. pagsang-ayon
‘Di na kailangan sa iyo ang awa Paalam na Ina, itong Pilipinas,
ng mga Tagalog, O Inang kuhila, paalam na Ina, itong nasa hirap,
paraiso naming ang kami’y mapuksa, paalam,paalam, Inang walang habag,
langit mo naman ang kami’y madusta. paalam na ngayon, katapusang tawag.
Mula sa: “Katapusang Hibik ng Pilipinas” ni Andres Bonifacio
_____9.Ano ang ibig sabihin ng salitang kuhila?
a. api b. taksil c. ganid d. hirap
_____10.Sino ang tinutukoy na Ina sa tula?
a. Espanya b. Pilipinas c. Hapon d. Amerika
_____11. Alin sa mga taludtod ang angkop na kasunod ng saknong na:
Bakit? Alin ito na sakdal laki, Na sa lalong mahal nakapangyayari,
Na hinahandugan ng buong pagkasi, At ginugugulan ng buhay na iwi?
a.Ay! Ito ang Inang Bayang tinubuan c. Siya’y Ina’t tangi kinamulatan
b.Ng kawili-wiling liwanag ng araw d. Na nagbigay-init sa buong katawan
“Ilang dantaong tayo ay napasakamay ng mga dayuhan. Naghirap at nagtiis. Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at
tinagurian na tayong malaya; subalit Malaya na nga ba tayo…?”
Unang hampas ang naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng mga mananakop. Masidhing kirot ang dumapo sa iyo noon, at
naganap ang unang latay sa iyong katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala, pinagdusa sa sarili mong bayan, pinaranas ng
kalupitan, at paulit-ulit na pinapatay.
Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit nagkamali ka dahil sila pala ang papalit,
angpangalawang hampas. Muling bumahid sa iyong katawan ang latay, ikalawang latay na sa buong akala mo’y di na masusundan. Pinilit ka
pa nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog sa‘yo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya lalong
hinigpitan nila ang iyong tanikala.
Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong
iyon ka dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga
tampalasang yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap sa kanila hanggang malagot mo ang tanikalang gumapos sa ‘yo sa loob
ng apat na raang taon.
Ngayon, ikaw nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala.
Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. malaya ka na nga sa salitang
malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahh…hanggang ngayon ay
mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.
Hango mula sa “Latay ng Kahapon” ni Buenaventura S. Medina Jr.
_____12. Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda?
a. pagiging isang politico b. pagpapakita ng damdamin c. kahirapan d. pagpapahayag ng saloobin
_____13. Sino ang mga puti na tinutukoy sa akda?
a. Amerikano b. Hapon c. Espanyol d. Tsino
_____14. Sino ang kausap ng manunulat sa akda?
a. dayuhan b. Pilipino c. namumuno sa pamahalaan d. kabataan
_____15. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon?
a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip.
b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas.
c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan.
d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.
_____16. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala ng mga Pilipino?
a. dahil sa pagipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-bayan na malaon nang ginagamit
b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa
c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na ipinapalit sa sariling wika
d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari
_____17. Bakit natutong lumaban ang Pilipino sa mananakop na mga Amerikano?
a. dahil mas matindi ang pagpapahirap ng mananakop na mga Amerikano
b. upang ipakita na may taglay ring katapangan ang mga Pilipino
c. sapagkat manhid na ang mga Pilipino sa latay na dumadapo sa kanilang katawan
d. dahil maging ang lupang sinilangan – ang Pilipinas ay hinahamak na rin ng mananakop
(1) Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo. (2) Malinaw siyang magpaliwanag, laging handa
at paminsan-minsan ay nagpapatawa kaya nawiwili kami sa kaniyang klase. (3) Marami kaming natututuhan sa kanya at sa lahat ng ito
siya’y aming pinasasalamatan. (4) Sana’y marami pang tulad niya upang maraming mag-aaral ang mahasikan niya ng karunungan.

_____18. Ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa pangungusap bilang __________.


a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
_____19. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay __________.
a. paghanga b. pananabik c. pag-asam d. kasiyahan
_____20. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay _____________.
a. manghikayat b. magpaliwanag c. magbigay-parangal d. magbigay-kaalaman

You might also like