You are on page 1of 1

Filipino 8- Pagtataya 2

Pangalan: Iskor:

Seksyon: Petsa:
A.Suriin at Tuklasin
Panuto: Suriin at tuklasin ang tinutukoy sa bawat bilang .Pagbatayan ang nilalaman ng bawat
saknong.Piliin ang nararapat na sagot
1. Sa saknong 1, inilalarawan ang gubat na mapanglaw, madilim, matinik at
______________(masukal, maputik, maapoy, mabuhangin).
Sa isang madilim gubat na mapanglaw halos naghihirap ang kay Pebong silang,
dawag na matinik ay walang pagitan dumalaw sa loob na lubhang masukal
2. Sa saknong 5, ang dahon ng cypress at higera ay ______( nakapagpapaliwanag, nakapagpapadilim,
nakapagpapalinis, nakapagpaparumi)
Karamiha’y sipress at higerang kutad Ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
Na ang lilim niyon ay nakasisindak, Na nakadidilim sa loob ng gubat
3. Sa saknong 10, naniniwala ang makata na kapag nakita raw ng mga oreadas, nimfas ang binata, ang
mga ito ay tiyak daw na _______( magagalit at maaawa, hahanga at maaawa, maaawa at magtatampo,
hahanga at iibig) Makinis ang balat at anaki’y burok Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok
Pili-mata’t kilay mistulang balantok Sangkap ng katawa’y pawing magkaayos
4. Sa saknong 13, mapapansing sa kasamaang naghahari sa Albanya, umaasa ang nakagapos na binata na
makatutulong ang isang mapagparusang _____(hari, diyos, sambayanan, bayan)
“Mahiganting langit, bangis mo’y nasaan Bago’y ang bandila ng lalong kasam-an
Ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay Sa Reynong Albanya’y iwinawagayway
5. Iniuulat ng nagsasalita sa saknong 15, na ang mabubuti at magagaling ay _____
( ginagantimpalaan, pinarurusahan, pinapatay, pinatatapon)
Ang magandang asal ay ipinupukol Balang magagaling ay ibinabaon
Sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong At inililibing na walang kabaong
B. Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng salita at isulat sa patlang ang titik sa bawat bilang kaya gumawa ng
guhit sa bawat bilang .
a. napahiga f. kalungkutan/pagdadalamhati
b. magtiis g.nasangga
c. pagkukunwari h. iniisip
d. biglang lumabas i. natutukso
e. paghihirap j. daing
_________1.hinagpis _________6. gunamgunam
_________2. hilahil _________7. Pighati
_________3. Magbata _________8. .nabulagta
_________4. nabubuyo _________9. .nasalag
_________5. paimbabaw ________10. Bumugso
Panuto: Suriin at ayusin ang mga pangyayari o kaganapan sa pag-aaral ni Florante. Sulatan ng bilang 1-10 ang
kahon kung alin ang naunang naganap hanggang nahuling naganap .
1. Nalipat kay Florante ang dati ay karangalan ni Adolfo. Unti –unting lumabas ang tunay na pagkatao ni
Adolfo.Nabuo ang galit at panibugho kay Florante.
2.Isang araw inilabas nila ang dulang trahedya kung saan gumanap si Florante bilang Etyokles, Adolfo bilang
Polines at Menandro bilang Yokasta.
3.Hindi nagtagal nalagpasan ni Florante ang kagalingan ni Adolfo. Natutuhan niya ang karunungan sa
Pilosopiya,Astrolohiya, Matematika at tinapos ang tatlong dunong na ito sa loob ng anim na taon.
4.Malaking hamon kay Florante ang mamuhay sa bagong kapaligiran,sa Atenas.
5.Nagbago ang mga pangyayari.Iba ang sinasambit ni Adolfo.Isang paninisi sa pagkawala ng kanyang
kapurihan kasabay ng tatlong taga na naiwasan ni Florante.
6.Nakilala sa usap-usapan sa buong paaralan si Adolfo dahil sa pagiging matalino at marangal nito.
7.Sinundan pa ito ng huling malakas na taga na nasalo ni Menandro. Ang lahat ay nabigla sa
nangyari.Pagkatapos , si Adolfo ay hindi na nagpakita.Siya’y umuwi na sa Albanya.
8.Naging kamag-aral ni Florante ang kababayang si Adolfo na mas matanda ng dalawang taon sa kanya.
9.Isang magandang halimbawa para sa lahat , walang kapares sa kabutihang asal, magaling makitungo sa lahat
ng mga tao. Ngunit iba ng nararamdaman ni Florante kaya’t si Menandro ang kanyang naging kaibigan.
10. Gayunpaman, sa tulong ng kanyang gurong si Antenor na itunuturing niyang pangalawang magulang, ay
madali siyang napayapa kahit nangungulila sa magulang.

You might also like