You are on page 1of 77

ANG JUAN TAMBAN

Ni Malou Jacob

Isang paghalaw ni Guelan Varela – Luarca nang batay sa estilo ng

Epic Theater

[FIRST DRAFT]

―Thepovertyofaproductionneednotimplyapovertyoftheimagination.‖

Salvador Bernal
MGA TAUHAN

Juan Tamban

Marina

Ina ni Juan, isang pigura mula sa nakaraan

Koro:

Barker, na siya ring magiging Huwes

Dr. de Leon

Patrolman Gomez

Mr. Torres

Mrs. Torres Mike

Gina

Mr. Velasquez

Mga Taong-lungsod

Mga Batang-kalye

Mga Pulis

Isang Ale

Isang PangAle

Kagawad ng Barangay

Doktor

Mga Intern sa Isang Ospital

Mga Kaibigan ni Marina

Mga Taga-slums

Isang Alalay ni Mr. Velasquez]

Mga Mamimili at Maglalako sa Palengke

Kuya ni Juan

Bata1

Bata2

Dalawang Magnanakaw na Bata

Abogado ng Depense

Abogado ng Prosekusyon

Klerk
TAGPUAN

Ang entablado ay isang nyutral na lugar na maaaring maging kalye, ospital, slums, korte,
atbp.

Sa palibot ng entablado ay mga upuan o bangko kung saan maaaring pumuwesto ang
Koro sa kadiliman o bahagyangliwanag.Haloswalatalagang―lalabas‖ngtanghalan.

N.B. Kapag ang linya‘y naka-bold, ibig sabihin, ito‘ypakanta.


UNANG BAHAGI

Ang batang kumakain ng ipis, daga, at butiki Hangad ng isang dalubhasang babaeng
masuri

– ANG ISPEKTAKEL NGKARALITAAN

Sa gitna ng Quiapo.

Papasok ang Korong mgaTaong-lungsod.

Iba‟y kagagaling lang sa misa,

ang iba‟y mga pulis,

ang iba‟y mga manlalako, etc.etc.

May dalawang batang nasa gitna ng daan.

Isa ay ang Barker, at isa ay si Juan Tamban.

Biglang aakyat ang Barker sa itaas ng isang kahon,

saka sisigaw upang akitin ang madla.

BARKER

Panoorin! Panoorin!

Ang pinakasikat na salamangkero sa buong Sta. Ana! Halina kayo! Panoorin n‘yo na!

Kumagat na kayo, parang awa n‘yo na! Siya‘y galing sa kahirapan, nais magpasikat
Upang makahita

Ng kakaunting barya! Salamangkero siya! Salamangkero!

Ngunit higit pa ro‘n, siya‘y maralita! Batang-kalyeng nagnenegosyo!

Panoorin! Panoorin!

PANOORIN!

Magkukumpulan upang makiusyoso ang Koro.

Bababa ang Barker mula sa kahon, at papalit sa kanyang puesto si Juan Tamban. Siya‟y
gusgusin, siyempre. Parang mahirap na tao. Lahat ng taong mahirap, gusgusin,
pakatandaan.

Habang nangungupit at naniningil ang Barker sa mga manonood, sila‟y magpapako ng


tingin sa salamangkerong si Juan.
Magba-bow si Juan sa mga manonood. Pagkuwan, maglalabas siya ng isang lata. Mula
ro‟y may ilalabas siyang butiki. Mamamangha ang lahat.

Bigla – kakainin niya ang butiki. Mapapahugot ng hininga ang madla sa gulat. May
ibang magtatakbuhan dahil sa pandidiri, samantalang ang iba, magpapalakpakan at
magtatawanan satuwa.

Ang susunod na routine ni Juan: dadampot uli siya mula sa lata, ngunit ngayon – isa
nang daga. At ito‟y kanya ring kakagatin.

May isang Aleng sisigaw, at saka lalabas ng entablado. Reaksiyon ng madla:

KORO

Hesusmaryosep!

Nakakadiri!

Sira ang ulo ng batang‗yan!

May ilang mga batang-kalyeng dudumog kay Juan, at pagpapasa-pasahan siya kahit na
nandidiri sa kanya.

MGA BATANG-KALYE

Bwahahahaha!

Juan Tamban! Juan Tamban! Bulok angtiyan!

Bulok angtiyan!

Muling papasok ang Ale, may kasamang Kagawad ng Barangay.

KAGAWAD

Hoy! Punyetang bata ka! Kain ka na naman nang kain Ng mga butiki at daga!

Pagkakita ni Juan sa Kagawad ng Barangay, dali itong pipiglas mula sa mga batang-
kalye.

JUAN TAMBAN

Lagot, pulis! – Bitawan n‘yo ‗ko!

Agad siyang tatakbo papalayo.


ALE

Mamà! Habulin n‘yo! Dalhin n‘yo sa ospital!

Habulan sa buong kalye – si Juan Tamban ang daga, buong Kamaynilaan ang pusa.

Ang Barker, na sasali sa Koro, ay biglang lilitaw at kakausap sa mga manonood.


Pagkasalita niya, titigil ang habulan – tableau.

BARKER

Mga kabagang!

Bago tuluyang mapikot si Juan Tamban Pakasuriin muna ang inyong nasasaksihan Ang
batang nagpapakitang-gilas sa katuwaan

Yamang ang kumain ng butiki‘t daga‘y hindi kasalanan Gusto nang ipatapon sa
kulungan!

Sasabad bigla ang Ale.

ALE

Hindi sa kulungan!

‗Wag mong pinalalabo ang usapan! Sa ospital siya ipadadala!

BARKER

Ke ospital, ke kulungan – walang pinagkaiba!

Tuloy ang habulan.

Mahuhuli si Juan ng isang pulis at ng Kagawad. Magpapalakpakan ang mga tao.

KORO

Nahuli rin ang buang sawakas!

Ipadala saospital!

Ipasok sa institusiyon!

Kaawaan ang bata!

Biglang ang dating masigla at maharot na habulan, nang mahuli si Juan, ay magiging
singlagim ng isang mabagal na prosesiyong pamponebre.

KORO

[Juan Tamban, Bakit Ka Nagkaganyan?]

Juan Tamban
Bakit ka nagkaganyan

Nanay, tatay mo, nasaan

Ano itong iyong napasukan

Ikaw ba’y may patutunguhan

Ipis, butiki, daga ang ‘yong inuulam

Wala na kasing ibang mapasok sa tiyan

Juan Tamban

Bakit ka nagkaganyan

Pa’no ka nagkaganyan

Makikita nating mamimilipit ang tiyan ni Juan Tamban. Siya‟y dadalhin sa isang sulok
at ipahihiga sa isang kamang pang-ospital na de-gulong.

BARKER

Pero teka!

Bago kayo maawa sa bata! Kilalanin n‘yo muna kung sinosiya!

– PROPAYL NG ISANG MARALITA

Ang ilan sa mga Koro‟y magpapalit ng damit upang maging mga Intern sa isang
Ospital. Ang Kaninang Kagawad ay maaaring lumabas bilang Doktor.

May isang intern na itutulak ang kamang pang-ospital ni Juan upang ito‟y mapadpad sa
gitna ng entablado. Paiikutan siya ng mga Intern at ng Doktor, lahat sila‟y may hawak
na mga klipbord.

DOKTOR

Unang tanong: Sino ang pasyente?

Mag-uunahan sa pagtaas ng kamay ang mga Intern, wari‟y mga sabik na estudyante sa
isang klasrum. Tatawag ng isang Intern ang Doktor upang sumagot.

INTERN 1

Juan Tamban.

Lalaki.

Dose anyos.
Anak ni Justino Tamban at Lucia Bernabe Ng Kalye Kapalaran, Sta. Ana.

Sa likuran ng entablado, sa isang screen, lilitaw ang projection ng isang retrato ng Sta.
Ana. Marusing, matao, pook ng karalitaan.Maaaring ang Barker ang magmamaniobra
sa projector

DOKTOR

Ayon sa pagsusuri, ano ang mga lumabas na sakit ng pasyente?

Taasan ng mga kamay. Kung sumagot ang mga Intern, akala mo‟y sa isang game show.
Sa bawat karamdamang mababanggit, magpapalit ang larawan sa projector upang
ipakita ang mga imahe ng mga

naturang sakit, hal. Retrato ng mga virus o mikrobyo sa ilalim ng mikroskopyo; o mga
sikat na sintomas ng mga sakit na iyon.

INTERN 2

Malaria!

INTERN 3

Amoebiasis!

INTERN 4

Pinaghihinalaang may epilepsy!

DOKTOR AT INTERN

[Ako Ang Gagamot]

Juan Tamban

Dose anyos

Taga-Kalye Kapalaran Sta. Ana

May Amoebiasis

May Epilepsy At Malaria

Ako ang gagamot sa kanyang ameobiasis

Ako ang gagamot sa kanyang epilepsy

Ako ang gagamot sa kanyang malaria

Ako ang gagamot

Ako ang gagamot

Kulang kasi sa pagkain Walang nag-aalaga

Kulang kasi sa nutrisyon Wala kasing pamilya


Kulang kasi sa pagmamahal

DOKTOR

Aba teka, teka

Kung pagmamahal ang usapan.

Atras ang studyante medesina

Sampung taon sa kolehiyo

Utak lang ang pinagagana

Kung puso’y isasali

Baka di na mabubuhay

Yamang araw-araw sa pagamutan

May pasyenteng mamamatay

Kung malaria at amoebiasis

Anemia man o epilepsy

Lahat ng virus at mikrobyo

Aming mawawaksi

KORO

Ako ang gagamot sa kanyang ameobiasis

Ako ang gagamot sa kanyang epilepsy

Ako ang gagamot sa kanyang malaria

Ako ang gagamot

Ako ang gagamot Pero

Kung pagmamahal ang usapan Atras ang studyante ng medesina Sampung taon sa
kolehiyo

Utak lang ang pinagagana Dahil

Kung puso’y isasali Baka di na mabubuhay

Yamang araw-araw sa pagamutan May pasyenteng mamamatay

Kung anu-ano ang gagawin ng mga Intern kay Juan – iniksiyon, check-up, etc.hanggang
sa manghina at mapagod si Juan.
Maiiwan mag-isa si Juan sa entablado habang ang Koro ay pupuwesto sa labas ng
pangunahing pook ng tanghalan. Papasok sa isang sulok si Marina at haharap sa mga
manonood, may bitbit na folder.

Mula sa Koro, tatayo ang isa – siya si Dr. De Leon. Maiilawan siya. May maliit silang
eksenang magaganap nang lingid.

MARINA

Basing it on his profile, Dr. de Leon, mahirap ang kasong ina-assign n‘yo sa ‗kin.

DR. DE LEON

Marina, kung madali ‗yan, ibinigay ko na sa iba.

MARINA

Marami siyang sakit.

DR. DE LEON

Oo, halo-halo ang sakit niya. May physical, psychological, emotional, at spiritual.

MARINA

And so, what‘s left of him?

DR. DE LEON

Halos wala na nga.

MARINA

Mahirap paniwalaan na ang batang walang-wala, siya ring batang may hawak ng
pinakamahalagang bagay sa akin.

DR. DE LEON

Your master‘s degree.

Nakakabigla nga kung minsan. Pero kung tutuusin, lahat ay may kani-kanyang halaga.
Ang unggoy at daga, importante para sa mga siyentipikong nag-eeksperimento. All for
human progress. Pa‘no pa kaya ang taong kumakain ng daga, butiki, at ipis? At kung
humihirap ang imbestigasyon, lalong sumasarap ang labanan, diba?

MARINA

Malaria. Epilepsy. Amoebiasis. Magagamot nga ‗yon ng doktor.

DR. DE LEON

Pero ang psychological trauma?

MARINA

That‘s where I come in.


– KILALANIN ANGMARALITA

Papasok si Marina sa gawi ng entablado kung saan mag-isang nakaupo si Juan,


nagpapahinga.

MARINA

Juan, Juan?

Kamusta ka?

Walang tugon si Juan.

Ano‘ng nararamdaman mo?

Gano‟n pa rin.

Isa akong kaibigan.

Gusto lang kitang makausap.

JUAN

Ayoko mag-usap. Pagod ako.

MARINA

Gusto ko lang makipagkaibigan sa ‗yo.

JUAN

Ayokong makipagkaibigan!

MARINA

Ba‘t, marami ka na bang kaibigan?

JUAN

Wala! Basta, ayoko sabing mag-usap! Tanong ka naman nang tanong! Wala na kayong
ginawa kundi magtanong! Naiinis na ako!
Tatakbo si Juan at lalabas, makaalpas siya mula kay Marina. Papasok muli si Dr. de
Leon.

DR. DE LEON

That was the first meeting, Marina. The FIRST one!

MARINA

Hindi pa ‗ko naggi-give up.

DR. DE LEON

Tama ‗yan. Kailan ma‘y huwag kang susuko sa iyong kaso. It‘s such an interesting case,
masasabing pambihira‘t di pangkaraniwan. Naaalala mo ba yung diskusyon natin once sa
class?

Biglang tatayo ang mga Koro at papasok ng entablado.

DR. DE LEON

[Awit ng Estatistika / Malulutas Kita]

Ilan, ilan ang mga batang mahihirap Na pakalat-kalat dito sa may siyudad

KORO

Siyam na milyon at dalawang daang libong Bata sa ilalim ng edad na labinlima

DR. DE LEON

Cite your sources

KORO

Philippine Institute for Development Studies at UNICEF

DR. DE LEON

Pasalamat kang iisa lamang sa

KORO

Siyam na milyon at dalawang daang libong bata


DR. DE LEON

Ang sinusuri mo ngayon, Marina. Isa lamang sa

KORO

Siyam na milyon at dalawang daang libong bata

DR. DE LEON

Ang may kasong tututukan ng isang propesyunal

Isipin ang progresong maidudulot Ng pag-aaral mong nakayayamot

Kung tayong nakapag-aral ay walang gagawin Upang maibsan ang

KORO

Siyam na milyon at dalawang daang libong

DR. DE LEON

Suliranin

Ang iisang batang butiki, daga at ipis ang kinakain Baka maging

KORO

Siyam na milyon at dalawang daang

DR. DE LEON

Kasong dapat problemahin

‘Wag kang susuko, Marina Lahat na ‘wag lang ‘yon

At baka madagdagan pa ang estatistika Nang daan-daang milyon

Ganito kaimportante ang kasong hawak mo Ikamamatay, o ikabubuhay ng

KORO

Siyam na milyon at dalawang daang libong katao

DR. DELEON

Siyam

Na milyon Dalawang daang Libo

Ang nakasalalay rito

MARINA

At ang master’s degree ko


DR. DE LEON at KORO

At ang master’s degree mo

KORO

Nakatapat ka, Marina

Ngayo’y hindi mo na puwedeng talikuran Kailangan, kailangang sugurin mo si


Juan Tamban Sino kaya sa inyo ang uuwing sugatan

O, ano ba itong misteryo ni Juan

MARINA

Malulutas kita, Juan Tamban Malulutas kita, di mo lang alam

Pilit kong bubuksan ang iyong mundo Bibiyakin ko ang iyong puso Hihimaymayin
ko ang iyong diwa Ang iyong katauhan, sa akin susuko Malulutas kita

– KILALANIN ANG HINDIMARALITA

Mula sa Koro, lilitaw ang ilang tauhan: sina Mr. at Mrs. Torres, Mike, Gina, at iba pang
Mga Kaibigan ni Marina.

MIKE

Gina, anong oras daw ba uuwi si Marina?

GINA

Ewan. Napa-overtime na naman siguro kay Sir de Leon.

MR. TORRES

Sa‘n ba punta natin after the surprise, Mike?

MIKE

I don‘t know pa, Tito.

MRS. TORRES

Ikaw na lang mag-isip, Dad.

MR. TORRES

Yeah. I want somewhere high end. I‘m in the mood e.

ISA PANG KAIBIGAN (mula sa labas, papasok)

Parating na yata siya!

MIKE
Oh gosh! Let‘s all hide na.

Magtatago silang lahat sa likod ng iba-ibang muwebles sa entablado.

Gina, turn off the light!

GINA (sa tech booth)

Guys, yung ilaw daw, pa-dim muna!

Lalamlam ang ilaw.

Shhh! Quiet, everyone!

Papasok si Marina sa entabladong madilim. Pagkatuntong niya roon, biglang


maglilitawan ang lahat nang nagtatago, at biglang bubukas ang ilaw. Mga party popper,
mga lobo, mga torotot.

LAHAT LIBAN KAY MARINA

Happy birthday!!!

Tableau. Lilitaw bigla ang Barker, tutuntong sa isang kahon, harap sa mga manonood.

BARKER

Ito ang daigdig ni Marina.

Mahilig sasorpresa.

Pawang nakangiti,

Pawang nakatawa.

Dito, lagingumaga.

Pero, abangan ang tensiyon maya-maya.

Lalabas ang Barker – balik sa normal ang eksena.

MIKE

Kanina ka pa namin hinihintay!

MARINA

Thanks, love! Si Sir de Leon kasi e. Daming pina-research.


ISA PANG KAIBIGAN

Ay, hindi ka ba nagseselos, Mike?

GINA

Naku, pakasal na kayo, bago ka pa masingitan!

MIKE

Talagang kasal na – pakita mo nga, Marina, yung daliri mo.

GINA

Wow! Engagement ring! Ilang K ‗yan, ha? Totohanan na pala ito. Pero,
kailan?

MIKE

Pagkatapos ng M.A. ni Marina.

GINA

Nako lagot…

Tawanan.

Wait, Marina, halika – tingnan mo gift ko.

Hahatakin ni Gina si Marina sa gawi niya.

O. (Iaabot ang regalo kay Marina.) Bale, kamusta na pala‘ng thesis mo?

MARINA

Ito. Hindi siya madali a.

GINA

Ako nga rin pinahihirapan ni Sir de Leon. Pinapupunta pa naman ako sa Benguet! May
kaso kasi ro‘n, interesting. May batang sumasaksak ng kalabaw, kasi gusto niyang
malaman kung makapal talaga‘ng kutis ng kalabaw.

MIKE

Marina, check out your dad‘s gift!

Hahatakin si Marina sa kanya.

By the way, where do you want to have dinner tonight?

MARINA

Sa malapit lang – coz –


Hahatakin ulit si Marina ni Gina.

GINA

I heard about your case, complicated daw. But I hope you do well, because
diyan nakasalalay master‘s mo.

Hahatakin ulit si Marina ni Mike.

MIKE

Marina, I was thinking somewhere near nga. But your dad insists on
somewhere grand.

MR. TORRES

I‘m in the mood, e.

Hahatakin ulit si Marina ni Gina.

GINA

Besides, focusing on your M.A. will buy you and Mike the time na makapag-
ipon for the wedding.

Hahatakin ulit si Marina ni Mike.

MIKE

Don‘t worry muna about the money, Marina. Your dad was telling me
something.

MR. TORRES

I was telling Mike, if you want fast buck – go to construction. Sand and
gravel, trucks, steel, cement. May kumpadre ako, ilang taon lang sa trucks, may bahay na
ngayong walong milyon. The economy‘s good!

Bigla – magiging wari‟y ballet ang porma ng lahat (liban kay Marina) – sasayaw ang
mga tao ng ballet sa saliw ng isang report ng Bloomberg hinggil sa economic boom ng
Pilipinas tingnan ang report sa URL na ito:
http://www.youtube.com/watch?v=nCbfRjnIMC0.(pamagat ng bidyo: “Breaking News:
Philippines Beats Global Stocks”)

Mapo-project sa likod ng entablado ang naturang bidyo. Ang biglang pagsayaw ng mga
tao‟y dapat nakabibigla, at ang kapinuhan ng kanilang koryograpiya, taliwas na taliwas
sa hindi-naman-musikang ingay ng naturang report sa bidyo.

Pagkuwan, balik sa dati.

GINA

Napunta na naman sa business ang usapan.


Dudumugin nila si Marina. May kani-kaniyang paksa, pagpapasa-pasahan si Marina.

Don‘t get distracted, Marina – focus tayong dalawa sa M.A. natin!

MIKE

Madali lang pala kumita – anyway, Marina, kain na tayo! Saan mo gusto?

GINA

Damayan tayo kay Sir de Leon!

MIKE

My treat!

MRS. TORRES

Tara, kain na tayo, Dad!

MR. TORRES

Manila Hotel na!

MIKE

‗Wag, tito! Too far!

MR. TORRES

Okay lang – sabi ko sa ‗yo, my treat na e.

GINA

You think I should take the Benguet case?

MR. TORRES

I‘m in the mood for fine dining!

Patong-patong ang mga daing – hanggang mapuno si Marina.

MARINA

Wait!!!

Katahimikan.

I‘m formally starting on my case tomorrow – so I can‘t stay too long tonight.
Puwede bang diyan lang? I really have to continue working after dinner.

MIKE

I agree! Sa malapit lang! ‗Wag sa hotel. My treat!


MR. TORRES

My treat na nga! Sa Manila Hotel tayo!

Kakaladkarin nila si Marina palabas ng entablado, pasayaw, parang ballet ulit, habang
tumutugtog ang audio ng clip kanina.

– ANG IKINABUBUHAY NG MARALITA

Habang patuloy na tumutugtog ang naturang audio, magpapalit ang eksena sa slums.
Sta. Ana. Kung saan lumaki si Juan Tamban.

Papasok ang Koro – mga Taga-slums. Papasok si Mang Tino, may tulak na kariton,
nagkakalkal ng basura.

Aawit ang Koro. Mabilis sana ang tiyempo ng awiting ito, operatiko, at hihingi ng
mabilis at masiyahing pagkanta – ngunit ang Koro, sana‟y hindi sakyan ang sigla ng
musika. „Wag sana nilang malimutan, na

ang papel nila sa bahaging ito ng dula ay mga nakakaawang mahihirap. Mahirap
maawa sa kumakanta nang masaya.

[Maharap Ko Kaya Ang Bukas… / Ka-shing! Ka-shing!]

KORO

Sa bawat hakbang na papalapit sa iyo Nag-uunahan ang tibok ng puso


ko Ang sagot sa tanong ko’y hawak mo Kami ba’y kakain sa araw na ito

MANG TINO (hindi umaawit, tumutula lamang; wari‟y natutuwa tuwing nakagagawa
ng tugmaan)

Ako‘y pabayang ama, ama ni Juan Tamban

Justino ang pangalan

Hanapbuhay ay sa basurahan

Papasok ang isang naka-cellphone, si Mr. Velasquez.

KORO

Mr. Velasquez, ano’ng kita natin ngayon

MR. VELASQUEZ (may kausap sa cellphone)

Tig-sampung trak na itong mga lata ko’t lumang dyaryo Sinabi ko na sa inyo
ang presyo ko
Baka maunahan kayo ng ibang nagnenegosyo

Gusto kong pakyawin n’yo na’ng lata’t dyaryo

Marami pa kasing paparating sa bodega ko

KORO

Mang Tino, ano ba’ng atin ngayon

MANG TINO

Ito pa rin! Tulad ng dati!

Mag-aabot si Mang Tino ng kalkal sa Barker, na magsisilbing puno ng koro.

BARKER

Pitong pera pa rin per kilo

MANG TINO

Oo! Tulad pa rin ng dati.

BARKER (iaabot ang kalakal kay Mr. Velasquez)

Mr. Velasquez, katulad daw ng dati. Dyis.

Kukunin ng isang Alalay ni Mr. Velasquez ang kalakal.

MR. VELASQUEZ

Binili ko ng dyis. Ipagbili ng beinte.

KORO (ginagaya ang ingay ng lumang kaha ng pera)

Ka-shing!

May iaabot uli si Mang Tino.

MANG TINO

Treinta.

BARKER

Kuwarenta’y otso

Kukunin uli ng Alalay.


MR. VELASQUEZ

Ipagbili ng singkuwenta’y singko

KORO

Ka-shing!

Mag-aabot uli si Mang Tino.

MANG TINO

Ito kinse per kilo.

BARKER

Desiseis

Kukunin uli ng Alalay.

MR. VELASQUEZ

Gawing beinte-singko

Mag-aabot ng pera ang Barker kay Mang Tino.

BARKER

Kuwarenta pesos

MANG TINO

Katulad ng dati.

MR. VELASQUEZ

Tatlong libong gross sa araw na ito

Hindi rin masamang pagkakitaan ang basyo

(Sa Alalay)

Bigyan ng tig-dyi-dyis ang mga bata Sabihing bukas, magsimula nang maaga
Marami pang gawaing natitira

Bukas itutuloy ang ating kita

KORO

Ka-shing!

Kashing!

Kashing!

Lalabas si Mr. Velasquez.


MANG TINO

Ser, ser!

BARKER

Mang Tino, bakit ho?

MANG TINO

Ser, baka puwede hong bumale?

BARKER

O, babale na naman kayo.

MANG TINO

E nagsara na ho ang sabungan, di na ako makakapagristro, paekstra-ekstra na


lang ako sa mga konstruksiyon.

BARKER

Naku, e Talagang ganyan ang buhay

MANG TINO

Ser, alam n‘yo namang sa basura ko lang binubuhay pamilya ko.

BARKER

Maghintay ka kasi sa magandang presyo

MANG TINO

Ser, alam n‘yo namang hindi nagbabago ang presyo ng bote-diyaryo.

BARKER

O sige, ito, dalawang piso.

MANG TINIO

Baka puwede n‘yong dagdagan.

BARKER

Wala na ‘kong mabibigay sa ‘yo

Kahit ‘wag mo nang bayaran ‘yan

Ito’y aking balato

Paalam na, Mang Tino


Lalabas na rin si Mang Tino, tulak-tulak ang kanyang kariton.

KORO

[Reprise: Maharap Ko Kaya Ang Bukas…]

Maharap ko kaya ang bukas Maharap ko kaya ang bukas Ang gawaing pampalipas oras
Ang gawaing pampalipas buhay

– KILALANIN MULI ANGMARALITA

Nakaupo si Juan sa isang bangko, nakatalikod sa mga manonood. Papasok si Marina.

MARINA

Hi!

Hindi siya lilingunin ni Juan, kaya haharapin niya ito.

Aba, may bubble gum ka. Sino‘ng nagbigay sa iyo?

Hindi sasagot si Juan.

Naaalala mo ‗ko? Ako si Marina.

Sabi ng mga nars at atendants, napakabait mo raw na bata.

Papuputukin ni Juan ang kanyang bubble gum.

Taga-saan kayo? Hoy, ipasyal mo naman ako sa inyo.

A, mahilig ka ba sa adobo? Kase maghaling mag-adobo ang nanay ko. Pasyal ka sa


amin, gusto mo?

Ikaw, may nanay at tatay ka pa na?

Mabilis at maingay ngunguya si Juan.

May iaalok na tsokolate si Marina kay Juan.

Sige na, Nestle ‗yan. Bigay sa ‗kin ni Mike, boypren ko.

Uuga-uga si Juan.

Bubuksan ko, ha? Hati tayo.

(Bubuksan ang tsokolate. Hahatiin at kakainin ang kabiyak.)

O, ayaw mo? Imported ‗yan, mamahalin. Ayaw mo? Hindi ka kumakain nito?
Uubusin ko na? Sige.

(Isusubo ang parte ni Juan.)


Bakit ka ganyan? Talaga bang ayaw mo sa ‗kin? Ayaw mong makipagkaibigan?
Ayaw mong tumanggap ng bigay ko sa iyo. E ano gusto mo?

Wow, pare, bigat mo. Bakit, nakakatakot ba ako?

(Ilalapit ang kanyang mukha kay Juan.)

Nakakatakot ba ako?

(Ididilat ang mga mata at ngingiwi.)

Haha! Siguro mukha akong asawang ano? Ahahahaha!

Lilipat si Juan ng bangko.

Juan, pagod na ‗ko, ha. (Titindig at tatabi kay Juan.) Maglalabas ng isang
lastiko at holen si Juan.

Holen. Lastiko. Tara, laro tayo.

Hahawakan ni Marina ang lastiko – galit na hahablutin ito ni Juan. Mabibigla si


Marina.

Ang damot mo naman.

Hindi ko naman nanakawin sa ‗yo ‗yan. Relaks ka lang.

Titirahin ni Juan ng lastiko sa paa si Marina. Tatawa si Juan.

Aray! Akala mo kung sino ka!

Masasaktan si Juan. Tatayo at akmang aalis.

Sige, gusto mong umalis? Sige, alis, alis. Ayaw mong makipagkaibigan?
Huwag. Marami naman akong kaibigan, a. Wala namang mawawala sa ‗kin kung hindi
tayo magkaibigan.

Ayaw mong magsalita?

Pinakamalaki at pinakamalakas na putok ng bubble gum ang isasagot ni Juan, sabay


lalabas. Papasok mula sa gawi ng koro si Mr. de Leon. Habang nagbu-boo ang koro.

MARINA

But Mr. de Leon! Ang sutil-sutil ng batang ‗yon kasi!

MR. DE LEON

Marina, kauumpisa mo pa lang. Kayong mga babae, oo. Kailangang pursigido


ka. Maton ang kaharap mo. Ano‘ng gusto mo? Ma‘m, yes, Ma‘am?

Kailangang maipakita mo munang mapagkakatiwalaan ka. Konting tiyaga.


MARINA

Para akong nag-aaksaya ng panahon. Kung ayaw niya ng tulong, huwag.

MR. DE LEON

Pa‘no mo nalamang ayaw niya ng tulong!? Ang kaengkuwentro mo ay bata.


Walang pinag- aralan, taga-slum – wala pang alam ‗yan kung ano ang gusto niya o hindi.
Ikaw, M.A. student, malamang magpi-Ph.D. pa. Hindi mo masakyan ang bata? Hindi mo
malaman ang gagawin mo?

MARINA

Alam ko, pero kung ayaw, ‗wag pilitin.

MR. DE LEON

Bakit, talaga bang ayaw niya? Inaplay mo na ba lahat ng natutuhan mo sa ‗kin?


Ang lahat ng nabasa mo? Sayang lang ang sangkatutak na librong binasa mong hindi
naman maiaplay. Nasaan ang mga teyorya mo? Narito na ang isang praktikal na
situwasiyon. Nabisita mo na ba ang pamilya ni Juan?

MARINA

Pupuntahan ko nga.

MR. DE LEON

Dapat lang!

Marina, you haven‘t even scratched the surface of your investigation!

MARINA

I know that! Pero ang tanong ko: Is it worth knowing it!?

MR. DE LEON

Batang kumakain ng butiki, ipis, at daga – is it worth it!? Master‘s degree mo –


is it worth it!?

You know what‘s your problem? You‘re attacking the subject head-on. You
might be seeing symptoms, you might know the disorders. Pero hindi mo pa kilala ang
bata. You don‘t know his whole story, his context. Isn‘t that the first step?

Tatayo si Marina, wari‟y pinagsaulan ng gana.

O saan ka pupunta?

MARINA

Tama kayo, sir. I have to know his story.

Pupunta ako kina Juan, sa Sta. Ana. I have to make a character study.

(Biglang hihinto sa paglakad.)


Squatters‘ area ‗yon…

MR. DE LEON

Alangan namang village!

Tuluyang lalabas si Marina – magpapalit ang tagpuan.

Habang nagpapalit ang tagpo papunta ulit sa slums ng Sta. Ana, umaawit ang Koro at si
Marina.

[REPRISE: Juan Tamban, Bakit Ka Nagkaganyan? / Malulutas Kita]

KORO MARINA

Juan Tamban Malulutas kita, JuanTamban

Bakit ka nagkaganyan. Malulutas kita, di mo lang alam

Nanay, tataymo, nasaan Pilit kong bubuksan ang iyong mundo

Ano itong iyong napasukan. Bibiyakin ko ang iyongpuso

Ikaw ba’y may patutunguhan. Hihimaymayin ko ang iyongdiwa

Ipis, butiki, daga ang‘yonginuulam Ang iyong katauhan, sa akin susuko

Wala na kasing ibang mapasok satiyan. Juan Tamban

JuanTamban. Bakit ka nagkaganyan

Bakit ka nagkaganyan. Pa’no ka nagkaganyan

Malulutas kita

IKALAWANG BAHAGI

Dahil ang bata‟y nanlalaban at ayaw bumigay


AalaminniMarinaangnakaraannangtuluyans‟yangmahimay

– THE JUAN TAMBAN STORY, PART1

Isang pihit lamang ni Marina, at nasa may Sta. Ana na siya.

Si Mang Tino, nakalukmo sa ibabaw ng isang kahon, kumakain ng tuyo. Lalapit si


Marina, hindi niya mamamalayang naroon.

MANG TINO

Putsa!

Tuyo, tuyo, tuyo! Wala na bang ibang pagkaing mura?

Ang lakas maka-skwater nitong tuyo! Awang-awa ako sa sarili ko!


(Tatawag sa kapitbahay, sa isang korong kumakain din.)

Nando! Ano‘ng ulam n‘yo diyan?

YUNG KORONG KAUSAP

Tuyo!

MANG TINO

Sabi ko na e.

(Sa kabilangkapitbahay.)

Ateng, ano‘ng ulamn‘yo?

YUNG KAPITBAHAY

Tuyo!

MANGTINO

Putsa!

(Sa isa pang kapitbahay.)

Nelson, sa ‗yo!? Ano‘ng tanghalian mo?!

YUNG ISA PANG KAPITBAHAY

Sandwich!

MANG TINO (mabibigla)

Ayos a! Ano‘ng palaman?

YUNG ISA PANG KAPITBAHAY

Tuyo!

MANGTINO

Putang inang ‗yan! Pauso ka, a – mabulunan ka sana! Buwiset!

MARINA

Aaah…magandang tanghali po. Mang Justino?

Mapapahinto sa pagkain si Mang Tino.

MANG TINO

Inaaaraw-araw n‘yo kami, a.

Inyo na ang Sapang Palay, pati yung Carmona! Pero hindi n‘yo kami
mapapaalis dito!
(Sa mga kapitbahay.)

Mga kapitbahay, paglaban n‘yo ang inyongtirahan!

Lahat ng Koro‟y biglang tatayo at maglalabas ng mga panangga at mga karatula.

MANG TINO at KORO

Kapitalista! Ganid sa lupa! Kapitalista! Ganid sa lupa!

MARINA

Wala po akong kinalaman sa mga sinasabi ninyo!

MANG TINO

Hindi ka ba taga-demolisyon!?

MARINA

Hindi ho. Bumibisita lang ho…

Babaling si Mang Tino sa mga kapitbahay.

MANG TINO

(Sa mga kapitbahay)

E hindi naman pala taga-demolisyon! Sige, tuloy kayo sa kain! May bisita

ako, o! May bisita ako!

(Kay Marina.)

Tuloy, tuloy. Bihirang mapadpad dito ang bisita. May isa pang ulo rito ng
tuyong natitira, kain ho, kain. Pasensya ka na sa ulam namin, ito may kanin pa, o.

MARINA

Naku, hindi na ho, Mang Justino. Tapos na ho ako.

MANG TINO

A, gano‘n ba? Mang Tino na lang itawag mo sa ‗kin.

MARINA

A – pinapaalis na ho kayo rito?

MANG TINO

Oo. Pagkatapos ng walong taon, basta na lamang kami paaalisin. Masakit daw
kami sa mata. Baka magka-sore eyes daw yung mga turista. Putang inang mga turista
‗yan, magtatayo raw dito ng supermarket. Mas mahalaga ba supermarket kesa sa
‗min?Haha!–Anoho ba‘ng sadyan‘yo?
MARINA

Social Work Student ho ako sa PGH. May balita ho ako tungkol kay Juan…

MANG TINO

Kamusta si Juan? May sakit ba?!

MARINA

Mabuti-buti na ho.

MANG TINO

Ano ba‘ng sakit!?

MARINA

Nilagnat ho, nilamig, nagkombulsiyon. Naospital ho kasi, dahil…tapos na po


ba kayo kumain?

MANG TINO

Tapos na. Gusto n‘yo ba?

MARINA

Ay hindi ho. Ano ho kasi…si Juan, naospital, kasi…kumain ho ng ipis, daga,


tsaka butiki.

Mahabang katahimikan habang litung-lito si Mang Tino sa balita.

MANG TINO

Di ko maintindihan…ba‘t kakain ng ipis, daga, tsaka butiki…may tuyo


naman, murang-mura lang – sinasandwits nga ‗yan ng – ay, ewan ko…

MARINA

Naging trabaho ho kasi ni Juan ‗yun – kumain ng kung anu-ano sa may


Quiapo habang nanlilimos. Parang sa perya ba.

Parang napatulala ulit si Mang Tino.

Mang Tino, puwede ko ho po ba malaman kung pa‘no napadpad si Juan sa


gano‘ng trabaho?

MANG TINO

Ewan ko ba kung sino dapat sisihin. Yung nanay ba niya, o ako, o si Juan.
Sabi ko naman sa nanay niyan,―Hoy,Lucia,mali ang palakad mo kay Juan.‖
Tuluyang lumayas ‗yang si Juan dahil sa sama ng loob sa akin. Isang araw
kasi, nalugi ako sa kita. Wala kaming pangkain n‘un. Kaya sinama ko si Juan sa may
palengke.

Tatayo si Mang Tino, at mumuwestra ng pagkuwento. Tuluyan nang papasok si Juan, at


magpapalit ang tagpuan upang kumatawan sa isang pagbabalik-tanaw. Mananatili si
Marina sa entablado, inirerekord sa isang tablet ang pagbabalik-tanaw ni MangTino.

Ngunit, papasok muna ang Barker upang tumuntong muli sa kanyang kahon, at
magtanghal sa mga manonood ng ilang karatula, kung saan nakasulat ang mga
sumusunod:

THE JUAN TAMBAN STORY

PART 1 – Juan, bakit hindi mo madyikin ang mga isda at bigas sa palengke?

Papasok ang ilang Koro bilang mga Mamimili at Maglalako sa Palengke.

MANG TINO

Juan, minalas tayo ngayong araw na ito. Babale sana ako kay Mang Johnny,
pero nauna hiya ko. Kababale lang kase natin ng pamburol sa nanay mo. ‗Kaw kase,
wala sa loob mo ang pagtatrabaho. Pati tuloy ako nawalan ng gana. Konti namang sigla!
Ang laki-laki mo na, wala pa ring pakinabang sa ‗yo. Sige…magdilehensya ka.

JUAN TAMBAN

Pero ‗tay…

MANG TINO

Sige…Maraming taong namimili, hindi ka mapapansin ng mga tindera.

Hindi lalakad si Juan.

Ano ba? Akala ko ba mabilis ang mga kamay mo? Pamadyik-madyik ka sa mga
kapitbahay, bakit hindi mo madyikin ang mga isda‘t bigas sa palengke. Sige, hintayin kita
rito.

Sisikapin ni Juan magnakaw nang ilang beses sa isang Maglalako, pero hindi niya
maituloy ito. Babalik si Juan kay Mang Tino na walang dala.

MANG TINO

O ano?

JUAN TAMBAN

‗Tay, bayaran na lang natin.

MANG TINO

Lintik na bata ito! Akala mo kung sino kang mayaman.


JUAN TAMBAN

Ang bilin ni nanay, ‗wag daw magnakaw.

Papaluin ni Mang Tino si Juan.

MANG TINO

‗Yang magaling mong nanay, puro mali ang ipinamana sa ‗yo! Dapat ba may
pera tayo, oo o hindi?

JUAN TAMBAN

Oo.

MANG TINO

E bakit wala?

JUAN TAMBAN

Wala kayo kinita.

MANG TINO

Bakit wala?

JUAN TAMBAN

Mahirap maghanapbuhay.

MANG TINO

Ang mayaman ba nahihirapan?

JUAN TAMBAN

Hindi.

MANGTINO

Bakit sila mayaman, tayo hindi?

JUAN TAMBAN

Kasi…kasi gano‘n.

MANG TINO

Hindi patas?

JUAN TAMBAN

Hindi.

MANGTINO

Nagkakalkal ba ng basura ang mayaman?


JUAN TAMBAN

Hindi.

MANGTINO

Magkaiba ba ang mayaman sa mahirap?

JUAN TAMBAN

Magkaiba.

MANG TINO

Bawal ba sa mayaman ang magnakaw?

JUAN TAMBAN

Bawal.

MANG TINO

Bakit?

JUAN TAMBAN

Dahil sa batas.

MANG TINO

Bawal ba sa mahirap ang magnakaw?

JUAN TAMBAN

Bawal din.

MANG TINO

Bakit?

JUAN TAMBAN

Dahil sa batas.

MANG TINO

Kung magkaiba ang mayaman sa mahirap, dapat magkaiba rin ang batas sa
mayaman at mahirap. Kaya sa totoo lang, bawal ang magnakaw sa mayaman. Pero sa
mahirap, dapat puwede. Ang mayaman may pera. Ang mahirap wala. Kaya gano‘n. Pues
– nakaw na!

JUAN TAMBAN

Pero dapat patas ang batas sa lahat.\

MANG TINO

Mayamang tao lang nagsabi n‘un. Sige na! Madyikin mo na ‗yan!


Susubukan ulit ni Juang magnakaw. Makakakupit siya. Akma siyang maglalakad papunta
sa kanyang ama, pero bigla siyang titigil. Mumuwestra si Mang Tino kay Juan ng
“halika na! tara na!” pero nakatayo lang si Juan. Iiling si Juan. Tsaka maluluha. Dali-
dali siyang tatakbo pabalik sa tindera at isasauli sa mesa ang ninakaw niya. Tatakbo
siya paalis. Hahabulin siya ni Mang Tino.

Hoy Juan! Sa‘n ka pupunta! Balik ka rito!

JUAN TAMBAN

Ayoko na sa ‗yo! Pinapanakaw mo ‗ko! Lagi mo ‗kong pinapalo! Lalayas na


‗ko!

Tuluyang tatakbo paalis si Juan Tamban. Babalik ang tagpo sa kasalukuyan.

Tulala si Mang Tino, habang patuloy sa pagrekord si Marina.

MANGTINO

Ayun. Lumayas anak ko.

Katahimikan. Papatayin ni Marina ang pangrekord niya. Kausap na halos ni Mang Tino
ang kanyang sarili.

Kumain ng butiki, ipis at daga…kesa magnakaw. Tama ba ‗yun?

Katahimikan.

MARINA

Mang Tino…e…mauuna na ho ako. Maraming salamat.

Tatango si Mang Tino. Akmang aalis si Marina – ngunit:

MANG TINO

Ma‘am. Sana…sana hindi ho ako demonyong-demonyo sa pagtingin niya.

Aalis si Marina. Magpapalit ang eksena.

– THE JUAN TAMBAN STORY, PART2

[REPRISE: Malulutas Kita]

KORO

Nakatapat ka, Marina

Ngayo’y hindi mo na puwedeng talikuran


Kailangan, kailangang sugurin mo si Juan Tamban

Sino kaya sa inyo ang uuwing sugatan

O, ano ba itong misteryo ni Juan

MARINA

Malulutas kita Juan Tamban

Nalaman ko na ang kuwento ng iyong ama

Ngayon nama’y huhukayin ang kuwento ng iyong ina

Sino siya, at sino ka

Juan Tamban

Kausapin mo ‘ko, Juan Tamban

KORO

Nakatapat ka, Marina

MARINA

Kausapin mo ‘ko, Juan Tamban

Papasok si Juan, nakaupo sa silya. Nasa Ospital ang tagpo.

MARINA

Hi, Juan. Nagdala ako ng tsokolate. Paborito mo ‗tong tsokolate di ba?

Tatango si Juan.

Gusto mo?

Tatango si Juan.

‗Pag binigay ko ‗to sa ‗yo, kakaibiginan mo na ba ‗ko?

Mag-iisip si Juan. Pagkuwan, tatango rin siya. Iaabot ni Marina ang tsokolate

JUAN TAMBAN

Tenk yu, welkam. Magkano ‗to?

MARINA

Bakit mo tinatanong?

JUAN TAMBAN

Sana binili mo ‗yung tagsingko, diyes o kinse lang.


MARINA

E bakit mo naman gusto yung mumurahin?

JUAN TAMBAN

Kasi baka maubusan ka ng pera.

MARINA

Basta binili ko ‗yan para sa ‗yo.

JUAN TAMBAN

Ikaw na unang kumagat.

MARINA

Bakit?

JUAN TAMBAN

Kasi baka sabihin mo, suwapang ako e.

MARINA (matatawa)

Hindi, sige, tikman mo na.

Kakagat si Juan ng tsokolate.

JUANTAMBAN

Masarap.

Itatago ni Juan yung natirang tsokolate.

MARINA

O bakit mo itatago? Ubusin mo.

JUAN TAMBAN

Para meron akong makain mamaya.

MARINA

Bakit, hindi ka ba pinapakain dito sa ospital?

JUAN TAMBAN

Naku, oo, hindi nila ako pinapakain dito, tatlong araw na. At saka alam mo kung ano ang
pinapakain inla sa akin dito? ‗Yung tira-tira ng ibang tao diyan. Yung mga kanin-baboy.

MARINA

Niloloko mo naman ako, e.


JUAN TAMBAN

Hindi. Tsaka ‗pag umaga, meron d‘yan mamang palaging may tinutusok sa
‗kin. Diyan o

(ipapakita ang braso niya)

ang sakit, yung ano bang tawag d‘on?

MARINA

Yung iniksiyon.

JUAN TAMBAN

Oo, ‗yun nga.

Huy, may kotse ka ba?

MARINA

Meron. Bakit?

JUAN TAMBAN

Huwag mo lang basta iaprada d‘yan kasi meron d‘yan mga tarantado na
kinukuha ‗yong nasa gulong, ano ba ‗yon?

MARINA

Alin?

JUAN TAMBAN

Yung nasa gulong.

MARINA

A, yung hubcub.

JUAN TAMBAN

Oo, yung hapkab. Paano mo nalaman? Kasi ‗pag nakuha nila ‗yon, ipagbibili
nila at magkakaroon sila ng pera. Kawawa ka naman, kaya huwag mo lang basta iparada
diyan, ha.

MARINA

O sige, babantayan ko maigi kotse ko.

JUAN TAMBAN

Alam mo pumunta sa Kiyapo?

MARINA
Oo, paglabas mo ng gate dito, tuloy-tuloy ka hanggang makarating ka ng tulay.
Pagbaba mo sa tulay, Kiyapo na ‗yon.

JUAN TAMBAN

Isama mo na ‗ko. Sige na. Maski ibaba mo na lang ako sa Kiyapo, ako na‘ng
bahala sa sarili ko.

MARINA

At bakit kita ibababa sa Kiyapo? E kung hanapin ka ng mga doktor dito,


ano‘ng sasabihin nila sa‗kin: ―Ikaw Marina Torres, kasabwat ka ni Juan.‖

JUAN TAMBAN

Hindi. Kase, gusto ko nang umalis dito.

MARINA

E sa‘n ka naman pupunta?

JUAN TAMBAN

Sa Cagayan.

MARINA

Hoy, alam mo ba kung ga‘no kalayo ang Cagayan?

JUAN TAMBAN

Oo, malayung-malayo. Doon kami nanggaling ng tatay at nanay ko –

MARINA

Talaga? Kaya nga ako napadaan, gusto sana kita kausapin tungkol sa nanay
at tatay mo.

Sandaling katahimikan. Pakuya-kuyakoy ng paa si Juan sa kanyang silya.

Hindi ba taga-Kapalaran kayo, sa Sta. Ana?

Walang tugon.

Nagkakilala kami ng tatay mo.

Walang tugon. Bibilis ang pagkuyakoy ni Juan ng paa.

Sabi ko sa tatay mo, narito ka. Kinukumusta ka niya -

JUAN TAMBAN

BAKIT MO SINABI!?

Mabibigla si Marina sa lakas ng boses ni Juan. Katahimikan. Titigil sa pagkuyakoy si


Juan.

MARINA
Alalang-alala tatay mo sa ‗yo –

JUAN TAMBAN (mag-aalboroto, magtatatadyak)

Bakit mo sinabi – bakit mo sinabi – bakit mo sinabi!!!

MARINA

Juan –! Ano ka ba –!?

JUAN TAMBAY

Lumayas ako sa ‗min! Lumayas ako sa ‗min! Nagtago ako sa tatay – tapos –
tapos sasabihin mo sa kanya nandito ako!

Tutulakin ni Juan si Marina.

MARINA

Aray, Juan, a! Masakit!

JUAN TAMBAN

Bakit mo sinabi! Sabi mo, sabi mo, magkaibigan tayo – Bakit mo sinabi!?

MARINA

Nag-aalala sa ‗yo ang tatay mo –

JUAN TAMBAN

Hindi siya nag-aalala!

MARINA

Hinahanap ka niya –

JUAN TAMBAN

Hindi niya ‗ko hinahanap!

MARINA

Mahal ka niya –

JUAN TAMBAN

Hindi niya‗ko mahal! Lagi niya‗kong pinapalo. Lagi niya‗kong pinagnanakaw!


Lagi niya kaming pinagagalitan ni nanay, tapos sasabihin mo–!

Mapapagod si Juan sa pag-aalboroto. Sa isang sulok ng silid, siya‟y mapapalukmo.


Pabulong-bulong sa kanyang sarili, pasinghot-singhot, nagpipigil ng pag-iyak, ngunit
susuko rin. Bubuhos ang mga luha.

Hindi niya ‗komahal…


Si Nanay lang...

Si Nanay langmaymahalsa‗kin…

Unti-unti ring lalaho ang pag-iiyak ni Juan. Katahimikan.

Pagkuwan, nananantiya, lalapit sa kanya si Marina.

MARINA

Juan…? Juan…

Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa nanay mo.

Puwang.

JUAN TAMBAN

…si mama?

Mabait ‗yon, si Mama…

Maglalabas ng rekorder si Marina.

Parang ikaw, laging may dalang pasalubong.

Mula sa dilim ay papasok ang Ina ni Juan – malapanaginip; parang Nuestra Senyora ng
Walang Mag- ampon – ganito siya karingal at kamala-diwata sa alaala ni Juan.

Lilitaw ulit ang barker at may dalang karatula; tatayo sa kanyang kahon, saka ibibida
ang karatula sa mga manonood, kung saan ay nakasulat:

THE JUAN TAMBAN STORY

PART 2 – Magiging doktor ang anak ko.

Aalis si Juan sa sulok at tutungo sa gitna ng entablado, kung saan siya‟y matatanglawan
at magaganap angkontinuwasiyonngkanyangkuwento–
magtatagposilaro‟nngkanyangIna.Sila‟ynasabahaynina Juan.

JUAN TAMBAN

Nay! Pasalubong ko?

Hahalik ang Ina kay Juan.

INA

Eto anak, hindi ko nalimutan ang bilin mong palitaw.

Tutungo ang Ina sa hugasan.

Aba, tingnan mo‘t hindi pa umiigib ang kuya mo. Jaime! Bangon na riyan at
wala nang tubig! Nakahilata ka pa rin diyan!

Mula sa koro‟y papasok ang Kuya ni Juan.


KUYA

Ano ‗yan?

JUAN TAMBAN

Palitaw.

KUYA

‗Enge.

JUAN TAMBAN

Ayoko.

KUYA

Ang damot nito. Utol ba kita?

JUAN TAMBAN

Sabi mo yayariin mo si Kardo.

KUYA

Bakit, pinaiyak na naman ba? (Makakakuha ng pirasong palitaw. Kakainin.)

JUAN TAMBAN

Kaya ako inaaway ng mga bata rito, palider-lider kasi siya.

KUYA (kukunin ang balisong sa bulsa)

O, hete, pahihiram ko sa iyo‗yan. Pag-ingatan mo.‗Pag inaway ka ulit, ipakita


mo lang‗yan. Ganito.(Bubuksanangbalisong.)

O! Hindi ba‘t karipa sng takbo ang mga lokong‗yan.

Aalis ang Kuya, dala ang balde.

INA

Hoy,hoy. Amin na‗yan! Amin na!

Isusurender ni Juan ang balisong sananay.

‗Wag kang nagpapaniwala d‘yan sa kuya mo, ha. Panay mga loko‘ng kasama
niyang kuya mo.

JUAN TAMBAN

Mabait naman ho si kuya,a.

Lalapitan ng Ina si Juan. Aaluinito.

INA
Naku, asim-asim mo naman. Buong umaga ka na naman naglaro, ano?
(Kukunin ang tuwalya at pupunas-punasan si Juan.) Ang ibig kong sabihin e, hindi ka
magiging istambay katulad ng kuya mo.

Kikili-kilitiin ng Ina si Juan, at hahalik-halikan ito sa leeg, kili-kili, pusod at singit.


Hagikgik na mapapagulong si Juan.

JUAN TAMBAN (tawa nang tawa)

Tama na – tama na – tama na – tama na…ayoko na, ‗nay, ‗nay, ‗nay – ayoko
na! Ha ha ha!

INA

(hindi pa rin tumitigil sa pagkiliti)

Sino‘ng mahal ni nanay?

JUAN TAMBAN (tawa pa rin nang tawa)

Si Juan – si Juan – si Juan – si Juan…!

INA

Sino‘ng mahal ni Juan?

JUAN TAMBAN

Ang nanay – ang nanay – ang nanay!

INA

Sino‘ng pag-aaralin ng nanay?

JUAN TAMBAN

Si Juaaaaaaaaaan!

INA

Sino‘ng ibibili ng mga magagandang damit at pagkain ni Juan?

JUAN TAMBAN

Si nanaaaaaaaaaay!

Papasok si Mang Tino. Parang bakulaw, humpak ang mga pisngi, garalgal ang boses –
ganito siya sa alaala ni Juan.

INA

Sino ang magiging doktor ni nanay?

JUAN TAMBAN

Si Juaaaaaaaaan!

MANG TINO
Hoy!

Titigil ang mag-ina sa kanilang lambingan.

Umarya na naman kayong mag-ina! Kailan mo titigilan ‗yan, Lucia! Lalaking


malambot ‗yan!

INA

Sinasabi ko lang namang mag-aaral na si Juan.

MANG TINO

Anong mag-aaral – maghanap-buhay muna!

INA

Mag-aaral muna, pagkatapos, magtatrabaho. Magiging doktor ang anak ko.

MANG TINO

Ha ha ha!

Makikitawa ang koro.

Hoy Lucia, mangilabot ka sa mga sinasabi mo!

INA

Mag-uumpisa akong mag-ipon. At kung maging bodegero ka na –

MANG TINO

Anong bodegero!? Ha ha ha!

Makikitawa ang koro – tawa ng mga tauhan sa isang nagiging masamang panaginip –
parang canned laughter ng isang comedy show.

Ayan at ang kaisa-isa kong kariton, kinuha pa!

Tawanan ulit.

INA

Di bale – makakaraos din tayo. May-awa ang Diyos.

Tatawa ang koro.

MANG TINO (dumaragundong ang tinig)

WALANG AWA ANG DIYOS!

Matitigilan sa pagtawa ang koro.

Dasal kayo nang dasal, may nangyari na ba?

(Kay Juan) Ikaw, ano pa bang hinaharana mo diyan? Magdelihensiya ka sa palengke.


Nagugutom na ‗ko.

INA (aparte kay Mang Tino)


Gusto mo bang matulad si Juan kay Jaime?

MANG TINO

Aba si Jaime, tinitingala rito –

INA

Nanggaling kasi sa preso.

Tawanan ng koro.

(Hihilutin ang likod ni Mang Tino.)

Bakit mo ba pinagdidiskitahan si Juan?

MANG TINO (masasarapan)

Diyan…d‘yan…Kamutin mo nga likod ko. Sa gilid. ‗Yan… Nagugutom ako.

Tawanan ng koro.

INA

May kanin pa r‘yan. Tsaka tuyo.

Tawanan ng koro.

MANG TINO

Na naman! Lintik na buhay ito!

INA

Ikaw naman, hindi ka na nasanay.

MANG TINO

Hindi na ba maaaring dumaing?

INA

Inaaraw-araw mo naman, e.

MANG TINO

S‘ya, s‘ya…ikaw na lang ang papapakin ko –

Tawanan ng koro.

INA

Ano ba, Tino! ‗Wag sa harap ng bata. (Lalayo.)

MANG TINO

Hay, buwisit na bahay ito! Diyeta sa lahat ng bagay!

Tawanan ng koro.
Lalabas si Mang Tino.

Katahimikan, habang ipapatuloy ng Ina ang kanyang gawain sa bahay.

JUAN TAMBAN

‗Nay.

Babaling ang Ina kay Juan.

Bakit hindi ako mahal ni Tatay?

Tawanan ng koro. Galit na idadabog ng Ina ang kanyang mga dalahin, kakalampag ito –
halatang nagagalit siya sa koro.

Mapapatahimik ang koro. Babalik ang hinahon ng Ina pagkaharap kay Juan.

INA

Ano? Mahal na mahal ka n‘un.

Uupo ang Ina at kakandungin si Juan.

Wag na ‗wag mong isiping hindi ka mahal ni Tatay. Di ba ‗yan nga‘ng kanta
ko sa ‗yo bago matulog?

[Uyayi ni Nanay]

Meme na mahay

Mahay ng tatay

Meme na mahay

Mahay ng nanay

Meme na bulilit

Magaling at mabait

Kailanma’y di ka ipagpapalit

Meme na mahay

Mahay ng tatay

Meme na mahay

Mahay ng nanay

Meme na bulilit
Magaling at mabait

Kailanma’y di ka ipagpapalit

KORO

Meme na mahay

Mahay ng tatay

Meme na mahay

Mahay ng nanay

Meme na bulilit

Magaling at mabait

Kailanma’y di ka ipagpapalit

Meme na mahay

Mahay ng tatay

Meme na mahay

Mahay ng nanay

Meme na bulilit

Magaling at mabait

Kailanma’y di ka ipagpapalit

„Pag koro na ang kumanta, tila didilim ang himig, habang unti-unting maglalaho sa
dilim ang Ina. Hangga‟t tuluyang si Marina at si Juan na lamang muli ang matira sa
eksena.

JUAN TAMBAN

Mali si nanay. Hindi talaga ako mahal ni tatay. Si nanay lang may mahal sa ‗kin.
Si nanay lang.

Papasok mula sa koro si Mr. de Leon.

Papatayin ni Marina ang rekorder. Mamamatay ang ilaw sa gawi ni Juan.

Babaling si Marina kay Mr. de Leon. Maglalabas ng isang bungkos ng mga


dokumentong nakalagay sa isang folder.

MARINA (kay Mr. de Leon; tuwang-tuwa)


AND THAT‘S HIS STORY!

Prelimenary parts of my researche – DONE!

Waring katatapos lang basahin ni Mr. de Leon ang dokumentong iniabot sa kanya ni
Marina.

MR. DE LEON

Wow, Marina…I must say…this is good…this is a good start.

Palakpakan ang mga koro.

In fact, this case is so interesting, I think I‘d want to submit your thesis to the
coming national social services convention three months from now!

MARINA

Oh…my…God…Sir…

MR. DELEON

Iknow.

This is gonna be big. So carry on with this case, dig deeper – this story might
just bring you to places, Marina.

MARINA

Thank you so much, Sir de Leon!

MR. DE LEON

Draft a report for all this info, write it well, we‘ll submit it to the convention
committee. I just feel there‘s still a missing piece, though.

MARINA

Ano po ‗yon?

MR. DE LEON

You still haven‘t investigated how he got to eating butiki, ipis, and daga in the
first place. Zero-in on that – ‗yan ang hook mo sa darating na convention! That‘s at the
heart of this boy‘s story!

MARINA

You‘re right, sir. ‗Yun na lang ang di ko pa na-co-cover sa investigation ko.

MR. DE LEON

Onti na lang, Marina. Onti na lang.

[REPRISE: Malulutas Kita]


KORO

Onti na lang Malulutas mo na

Juan Tamban Malulutas mo na

Di lang n’ya alam

Alam mo na’ng ama

Alam mo na’ng ina

Ngayon alamin na lang

Ba’t siya kumakain ng Ipis

Butiki Daga

Malulutas mo na

Malulutas mo na

– THE JUAN TAMBAN STORY, PART3

Kakaripas palabas ng entablado si Marina upang kumuha ng upuan. Ilalagay niya ito sa
gitna ng entablado. Tapos, lalabas ulit siya, nagmamadali pa rin, upang hatakin si Juan.
Pauupuin niya ito sa upuang iyon. Lalabas ulit siya upang kunin ang Barker na may
karatula, susulatan ang karatula, at lalabas ulit upang kumuha ng kahon, na kanyang
ilalapag malapit si Barker. Paaakyatin niya ang Barker sa kahon, at uutusan itong
ipakita sa mga manonood ang karatula. Nakatitik dito ay:

THE JUAN TAMBAN STORY

PART 3 – Sa lahat ng puwedeng kainin, bakit BUTIKI, IPIS, at DAGA pa!?!?! May tuyo
naman, a!

Itutulak palabas ng entablado ni Marina ang Barker. Lalabas ulit siya, humahangos pa
rin, at muling papasok nam ay dalang malaking bag na puno ng mga tsokolate.
Itatambak ito sa harap ni Juan, na mukhang nasisiyahan, at darampot ng tsokolate‟t
sisimulang kainin.

Maglalabas ng rekorder si Marina, hingal na hingal.

MARINA

Juan – usap uli tayo, a?

Pa‘no nagsimula? Pa‘no nagsimula ang pagkain mo ng butiki, ipis, at daga?


Tsaka, sa lahat ng puwedeng kainin, bakit butiki, ipis, at daga pa?
KORO

May tuyo naman a!

Ngumunguya si Juan.

Ilang saglit. Naiinip na si Marinang sabik na sabik makuha ang kuwento.

Lulunok si Juan, kakaubos lang ng isang bar ng tsokolate. Tila handa na siyang
magkuwento.

JUAN TAMBAN

Hindi ba, lumayas ako sa amin?

MARINA

O?

JUAN TAMBAN

Nagpalimos ako, pagkatapos, nagwats yor kar boy ako…

Tatayo si Juan, at mula sa koro ay lilitaw ang mga Batang-kalye. Aawit sila ng isang
napakamadramang awitin.

[Palimos Po]

KORO at JUAN TAMBAN

Palimos po, palimos po Kahitsingko

Palimos po–

Mauudlot ang madramang awitin.

MARINA (sa Koro)

Teka! Mamaya na kantahan! Kuwento muna!

Aalis ang mga Batang-kalye, nagbu-“boo” kay Marina.

JUAN TAMBAN

Siyempre nakakapagod at halos wala akong kita. Pagkatapos nang ilang


buwan, wala pa rin
akongnaiipon,kayaminsan,imbisnasabihinkong―palimospo‖o―bantay,ser!‖,angsinasabi
ko:―Ampunin ninyo naman ako.‖Pero hindi parin ako pinapansin. Pero isang araw, may
nakita akong ale…

Mula sa koro, papasok ang isang Ale, at sa kalayuan, isang Pulis na umaali-aligid,
nagmamanman.

Mukha siyang mabait at mayaman…

Lalapitan ni Juan ang Ale.


Ale, ale, ampunin mo na ako. Ikaw na lang nanay ko. Mahalin mo ako.

ALE

Ay, naku anak…Hindi puwede, e. Kawawa ka naman. Marami na ‗kong anak,


e. Ampunin sana kita pero hindi ko na kaya, e.

Lalapit ang Pulis at biglang sasabad.

PULIS

Misis – nanggugulo ba ang batang ‗to?

ALE

Ay, hindi naman po, mamang pulis.

PULIS

Hoy bata! ‗Wag kang manggulo rito!

Tatakbo palayo si Juan.

ALE

Naku, mamang pulis – walang ginagawa ang bata!

Maghahabulan ang Pulis at si Juan sa buong entablado, maging sa area ng mga koro. Sa
wakas mahuhuli si Juan. Ibabalik siya ng Pulis sa entablado, malapit kay Marina.

MARINA

Kaya ka ba napasok sa detention center?

JUAN TAMBAN

Oo. Matagal ako sa senter. Hintay ako nang hintay. Hindi ko alam kung
mapepreso ako. Ang tagal-tagal.

MARINA

Kaya ka tumakas?

JUAN TAMBAN

Oo…kase tinutukso nila ako. Lagi akong inaaway ng mga bata sa loob.

Papasok ang ilang mga Batang-kalye.

BATA 1

Hoy bagito! Halika. Ano‘ng ginagawa mo rito?

BATA 2

Ano‘ng kasalanan mo?

JUAN TAMBAN
Magnanakaw raw ako. Pero wala akong kasalanan.

BATA 1

Wala kang kasalanan?

Iiling si Juan.

BATA 2

Ba‘t ka narito?

JUAN TAMBAN

Pinagkamalan lang ako. Sabi ko, sabi ko, wala akong kasalanan. Sabi nila,
kasalanan ko.

BATA 1

Walang kasalanan si…ano‘ng pangalan mo?

JUAN TAMBAN

Juan Tamban.

BATA 1

Si Juan Tambaaaaaaaan! Walang kasalanan!

Magtatawanan ang mga bata, pati ang koro.

BATA 2 (gagayahin si Juan)

Sabi ko, sabi ko, wala akong kasalanan. Sabi nila, sabi nila, ako me kasalanan.

Tawanan.

BATA 1

E ano siya ngayon? Walang kasalanan o meron? Tagalabas o tagaloob?

MGA BATA at KORO

Ano ka ngayon?

JUAN TAMBAN

Wala.

BATA 1

Hindi puwede. Hindi puwedeng hindi dito, hindi roon.

BATA 2

Kailangan dito, o doon.

JUAN TAMBAN
Wala, dito lang ako.

BATA 2

Hindi nga puwede! Kailangan mo ng proteksiyon.

JUAN TAMBAN

Sabi ng nanay ko, ‗wag daw pumasok sa gulo.

Tawanan ang mga bata.

MGA BATA

Hu hu hu! Sabi ng nanay ko!

‗Wag daw pumasok sa gulo!

Hu hu hu!

Sabi ng nanayko!

Magdasal daw ako!

Hu hu hu!

Tawanan.

BATA 1

Isabak na ‗yan si Juan sa pagsubok! Pagsubok!

MGA BATA

PAGSU BOK!

PAG SU BOK!

Kukuha ng lata si BATA 1. Paliligiran si Juan. Hindi makikita ng mga manonood si Juan.

MGA BATA

Butiki muna!

Butiki muna!

Pilit nilang pakakainin si Juan ng butiki.

Ipis naman!

Ipis naman!

Gayon ulit.

Yaaaaaaaaaak!!!
Lalayuan nilang lahat si Juan. Makikita natin si Juan, ngumunguya, diring-diri.

UTO-UTO! UTO-UTO SI JUAN!!!

Lalaho ang lahat – matitira sina Marina at Juan. Si Juan – naiiyak.

MARINA

Doon ka unang kumain…?

Tatango si Juan.

JUAN TAMBAN

Tumakas ako…nagpalimos, nagpalabuy-laboy…

Kung minsan, gutom na gutom ako. Wala na talagang makain – nanghuhuli


ako ng mga kung anu-ano. Pagkatapos, naisip ko, bakit hindi na lang magpalabas, katulad
noong mga mamang kumakain ng apoy. Hindi na ako magpapalimos at magkakaroon pa
ako ng maraming pera…Pero walang nangyari. Nagkasakit lang ako. Dito ako sa ospital
napunta.

Isasara ni Marina ang rekorder.

Lalapit siya kay Juan – isasandal nito sa kanyang dibdib ang kanyang ulo.

[MEDLEY/REPRISE: Awit ng Awa / Ako ang Gagamot /Malulutas Kita ]

KORO

Ang bata ay dapat akayin

Siya ay walang malay

Sa mapagsamantalang lipunan

Dapat siyang akayin

Wala siyang kalaban-laban

BARKER (biglang lilitaw mula sa koro)

Ngunit, Marina

Kung pagmamahal ang usapan

Atras ang studyante di ba

Sampung taon sa kolehiyo

Utak lang ang pinagagana

Dahil Kung puso’y paandarin


Baka di na mabubuhay

Yamang araw-araw sa mundo natin May batang nauulila

MR. DE LEON (lilitaw rin mula sa koro)

Ang master’s degree mo Pag-aaral lang ito

Ang master’s degree mo ‘Wag kang padadala Ang master’s degree mo


Marina, o Marina

MARINA (biglang kakalas mula sa pagkakanlong kay Juan)

Malulutas kita Juan Tamban

Nalaman ko na ang kuwentong iyong ama

Alam na rin ang kuwento ng iyong ina

Sino siya, at sino ka Juan Tamban

Salamat at kinausap mo ‘ko,

Juan Tamban Malulutas kita

Magbabago ang eksena – paulit-ulit na aawitin ng Koro ang linyang, “MALULUTAS


KITA!” habang mumuwestra si Marina na wari‟y tinatapos ang kanyang report – saka
ipapasa ito kay Mr. de Leon, na tuwang-tuwa.

Si Juan, sa itaas na bahagi ng entablado, naglalaro mag-isa. Kumakain ng tsokolate.


Bigla –

Aakyat ang Barker sa kanyang kahon, at sisigaw:

BARKER

Tekaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

MAgbubukas ang ilaw ng tanghalan. MAkikita ng mga manonood ang isa‟t isa. Lahat ng
aktor ay nasa entablado. Si Juan Tamban, nananatiling naglalaro sa itaas na bahagi ng
entablado, kumakain ng tsokolate.

Mga kaibigan, ngayo‘y nasaksihan


Kung pa‘nong ganap na naimbestigahan

Ni Marina ang batang si Juan Tamban!

Ang kanyang ama, ang kanyang ina,

Pati ang dahil ng pagkain niya ng mga butiki, ipis, at daga,

Alam na alam na ng bida nating si Marina!

Alam na alam n‘yo na rin ang pinagdaanang buhay

Ni Juang Tambang batang palaboy

na lumayas sa kanyang bahay!

Pues, ito ang aking tanong:

Awang-awa na ba kayo sa buhay ng pulubing si Juan Tamban?!

Awang-awa na ba kayo sa buhay ng pobreng si Juan Tamban!?

Hintayin, at hikayatin, ang mga manonood na sumagot. Hikayatin silang sumagot ng Oo


o Hindi. Ad lib upang makuha ang kasagutan ng madla.

Kung ang sagot ay Oo, ito ang sunod na mangyayari:

Oo!? OO!? Awang-awa na kayo?

Pues – maghanda kayong maawa pang lalo!

O kung ang sagot ay Hindi, ito naman ang mangyayari:

Hindi? Hindi pa rin!? Aba‘y mga masokista pala kayo! Pues – ‗yang si Juan Tamban –
pahirapan pa nating lalo!

Ngayong akala n‘yong ang lahat ay areglado na – Masdan, may papasok na Mamang
Pulis nakontrabida!

Papasok ang isang Pulis – tutungo kina Mr. de Leon atMarina.

PULIS

Magandang araw po. Kayo raw ho ang pagtanungan ko tungkol kay Juan
Tamban.

Titingin lahat sa Pulis.

Kahit si Juan Tamban, matitigilan sa paglaro, maiiwang buka ang bibig na puno ng
tsokolate.

Ako po si Patrolman Gomez ng Quezon City Police. Inasayn ho ako sa Juvenile


Detention Center.
Si Juan Tamban ho –

Isang buwan na naming hinahanap. Sangkot ho siya sa snatching. Paggaling ho


niya sa ospital, kailangan ho namin siyang ibalik sa aming custody.

KORO

dun Dun DUN!!!

Kadiliman.

Maaaring dito isingit ang sampu, o limampung minutong pagitan.

IKATLONG BAHAGI

Maraming suliranin ang magkakapatong-patong ngayon,

Pero gaya sa tunay na buhay, di iisa ang sagot, walang iisang solusyon.

– ANG TALAGANG NANGYARI SA BATANGMARALITA

Si Juan, mag-isa.Wala pa ang koro. Biglang papasok si Marina. Magtatago bigla si Juan
sa ilalim ng mesa.

MARINA

Juan, kailangang sabihin mo sa ‗kin ang totoo. Lumabas ka diyan….

Magtapat ka sa ‗kin. Alam kong hindi ka sinungaling. Kuwento mo sa ‗kin


napagkamalan ka lang na magnanakaw. Pero sabi ng Pulis at nung Aleng kinausap mo,
isnatser ka raw talaga. Totoo ba

‗yon?

Iiling siJuan.

Hindi pala e, di lumabas ka diyan. Bakit hindi ka makaharap sa ‗kin ngayon?


Siguro
nagsisinungalingkasa‗kin‗no?Kunwarimabaitka,‗yunpalasalbahekanaman.Inutomotalaga
ako ano? Ang daling pabilugin ng ulo ni Marina, ano? Nawaysan niJuan.

Walang imikan.
Diyan ka na nga!

Akmang aalis si Marina, ngunit lalabas si Juan – luhaan.

JUAN TAMBAN

Wala naman akong kasalanan, a.

MARINA

Ano ba talaga nangyari?

JUAN TAMBAN

Yung aleng tinanong ko kung p‘wede n‘ya ‗kong ampunin. Di talaga siya
mabait.

Papasok ulit ang Ale, ang Pulis na nagpapatrolya, at Dalawang Magnanakaw na Bata,
nag-abaang sa may dilim.

Lalapit si Juan sa Ale.

Ale, ale, ampunin mo na ako. Ikaw na lang nanay ko. Mahalin mo ako.

ALE

Ano ba?!

Aalis. Lalapit ulit si Juan.

JUAN TAMBAN (hahawakan ang Ale)

Ale, ale, ikaw na lang nanay ko. Ampunin mo na ‗ko –

Iiwas uli ang ale. Bigla, may Dalawang Batang lalapit sa Ale, at sabay hahablutin ang
kanyang bag, saka lalabas.

ALE

Ay! MAGNANAKAW! PULIS! PULIS!

Kakapit ang Ale kay Juan, hindi ito bibitawan. Lalapit ang Pulis.

Ninakaw bag ko! Wala na ‗yung mga batang kasama nito!

PULIS

Sa‘n na‘ng mga kasama mo, ha!? Nasaan!?

Iiling si Juan, litong-lito. Kakaladkarin siya pabalik kay Marina. Matatapos ang alaala.
JUAN TAMBAN

Wala naman talaga ako kasalanan, e! Sabi ni Nanay ‗wag daw magnanakaw!
Hindi ako! Sila! Wala akong ginawa! Kaya nga ako kumakain ng ipis, butiki, at daga!
Kasi wala akong pera! HINDI AKO MAGNANAKAW!

Tuluyang iiyak si Juan. Kakanlungin muli ni Marina. Medyo hihinahon si Juan. Huhuni-
huni si Marina. Biglang lalayo si Marina. Titingnan si Juan, nakatingala sa kanya.

Aalis si Marina.

Katahimikan.

– MAY MGA PROBLEMA RIN ANG HINDI MARALITA

Papasok ang mga koro, tutungo sa kanilang area, at maglalabas ng mga diyaryo.

KORO

This is sensational!

Parang believe it or not!

My, how disgusting!

Please don‘t go into details! Not during brunch!

Pare, aba, si Juan ito a, ‗yong anak ni Tino!

Lintik din naman si Juan, nadyaryo pa!

Nakakahiya ito!

May iba namang koro na tatayo, pinamumunuan ni Mang Tino, na nagwewelga.

KORO at MANG TINO

Kapitalista! Ganid sa lupa! Kapitalista! Ganid sa lupa!

‗Wag n‘yo kamingpalayasin!

Kapitalista! Ganid sa lupa! Kapitalista! Ganid sa lupa!

Skwater man, tao pa rinkami!

Kapitalista! Ganid sa lupa!

Kapitalista! Ganid sa lupa!

Matagal na kaming nakatirarito!


Biglang mag-so-slow motion ang mga nagwewelga, at lalamlam ang ilaw sa koro
hanggang maging mga silhouette na lamang sila ng mga kamaong nakataas sa ere, at
mga karatulang tumataas-baba.

May tatlong magkakalayong bahagi ng entablado ang maiilawan – una, si Mr. de Leon,
nakikipag-usap sa cellphone; ikalawa, si Marina, nakikipag-usap sa cellphone; ikatlo, si
Mike, naghihintay, napapanghal sa isang upuan, patingin-tingin sa kanyang relo.

Sina Marina at Mr. de Leon ay nag-uusap sa cellphone.

MARINA

First – ide-demolish na ang tirahan nina Mang Tino. And now, this!

MR. DE LEON

This? You mean the newspaper articles –? This is good publicity for him.
Somebody or some institution attending the convention might just be interested enough to
do something about him!

MARINA

But the articles turn him into something like a freak! Hindi isang batang
nangangailangan ng tulong at unawa. No observation, no investigation, no analysis! And
that case of snatching, hindi pa nga proven sa korte – ‗yun pa ang mas na-se-
sensationalize!

MR. DE LEON

Sandali! Ano ba‘ng nangyayari sa ‗yo, Marina? Noong isang buwan lang, halos
isauli mo na sa‗kin ‗tong kaso – ngayon, tagapagtanggol ka na ni Juan. Ano ba‘ng
pinapakain sa ‗yo ng batang‗yan!?

MARINA

Ano‘ng ibig n‘yong sabihin?!

MR. DE LEON

Nagtataka lang ako‘t nagiging tau-tauhan ka ni Juan, gayong dapat siya ang
maging tau-tauhan mo!

MARINA

With all due respect, Sir, can you actually hear yourself talking? Walang dapat
maging tau-tauhan sa aming dalawa. I‘m just doing my best to help Juan‘s case. I‘ve
gotten to know the child very well, Sir. He has no mother, no decent father, no friends, no
one to turn to. And now – lalong mapapalayo siya – at lalayuan! We ought to protest as
an institution. Juan‘s well-being must be prioritized.
MR. DE LEON

Marina, you‘re getting too involved. Ni ang pamilya n‘ya hindi umaangal di ba?

MARINA

Anong pamilya!?

MR. DE LEON

You‘re reacting too subjectively. This media coverage will help him.
Everyone‘s just trying his best to help him, right?

MARINA

Help – at his expense!

MR. DE LEON

Marina, you don‘t have to be hysterical. Where‘s your sense of proportion?

MARINA

Ano kaya ang mararamdam mo, Sir de Leon, kung ang kaisa-isang anak ninyo,
sungi, duling o komang? Ipapaperyodiko n‘yo kaya ito –?

MR. DE LEON

Marina, Juan is a case!

MARINA

Juan is a child!

Ibababa ni Marina ang telepono.

MR. DE LEON

Hello..? Hel – Hello!?

Lalabas si Mr. de Leon.

Tutungo si Marina sa areang naiilawan ni Mike.

MIKE

Hi. Long time no see.

MARINA (yayakapin agad si Mike)

Oh this life, Mike! (Magbebeso sila.) I miss you so much.


MIKE

Really? Akala ko nalimutan mo na ‗ko. You look tired.

MARINA

Sorry, I was just talking to de Leon. Ugh! Nakaka-frustrate! And to add to


that, yung bahay ni Juan, sa Sta. Ana, idedemolish na.

MIKE

Ganyan talaga ang buhay squatter.

MARINA

You know, next time, sumama ka sa ‗kin dumalaw ro‘n. Ang liliit ng bahay
nila. Diyan lahat: lutuan, kainain, tulugan, sala. Hay nako, kahit ba naman ‗yun, kukunin
pa sa kanila.

MIKE

Relax ka lang. At saka, bakit ba naman napunta diyan ang usapan. Ang dami
nating dapat pagkuwentuhan.

MARINA

Paano kaya kung mahirap din tayo?

MIKE

E hindi nga e. So, your question is moot and academic. Ano ba? Gilting-gilti
ka na ba sa mga kahirapang nakikita mo? Hindi naman natin kasalanan ‗yan.

KORO (biglang magsisitayuan)

BOOM!

Mag-fi-freeze sina Marina at Mike.

BARKER (lilitaw sa ibabaw ng kanyang kahon, may dalang remote control)

Elitistang Hirit Instant Replay!

Gagayahin nina Marina at Mike ang tape na ni-ri-rewind. Sa pagpindot ng Barker sa


remote control, uulitin nila ang ilang bahagi ng naunang linya, saktong-sakto dapat ang
delivery.

MARINA

Paano kaya kung mahirap din tayo?


MIKE

E hindi nga e. So, your question is moot and academic. Ano ba? Gilting-gilti
ka na ba sa mga kahirapang nakikita mo? Hindi naman natin kasalanan ‗yan.

Palakpakan ang koro. Babalik ang Barker sa area ng koro. Balik sa eksena.

MARINA

Nakita mo ba ‗yung mga mahirap na mahirap?

MIKE

Marina, isang oras lang lunch break ko – can we not spend it talking about
squatters?

Palakpakan at tawanan ng mga koro.

MARINA

Okay.

Puwang.

MIKE

Sa Hong Kong na ba tayo maghahanimun?

Nagtitiis ng tawa ang mga koro.

MARINA

Well you said you wanted it there.

MIKE (aabutin ang kamay ni Marina)

Sana habang buhay ganito. (Pipikit.) Ayaw ko nang bumalik sa opisina.


Bakit ba kailangang mag- upisina? Sana may flying carpet sa ilalim natin ngayon at nang
ilipad tayo nang malayung- malayo, nang matagal na matagal…Gusto kong matulog
habang-buhay.

Hindi na makatiis ang koro – tuluyan na silang magtatawanan.

Magri-ring ang cellphone ni Marina. Magkakatingin sila ni Mike. Susuko si Mike.


Sasagutin ni Marina ang telepono.

Mula sa koro, lilitaw ang isang Intern – siya ang kausap ni Marina sa telepono.

MARINA

Hello?

INTERN

Miss Torres?
MARINA

Yes, speaking.

INTERN

Miss Torres – si Juan po! Nagkarelaps!

MARINA

Bakit?!

INTERN

Ewan po namin. Pero kanina nang dumaan ako sa ward niya, nakita ko
siyang nagmumura. Akala ko minumura niya sarili niya, ‗yun pala, nagpapatay siya ng
mga butiki at ipis. Kaya dumiretso ako sa aming station. Hindi ko naman akalain bna
may balak siyang kainin ang mga ito.

MARINA

Okay – sige. Thanks. Papunta na ‗ko diyan.

Ibababa ni Marina ang cellphone. Babalik ang Intern sa koro.

I‘m so sorry, Mike. Kailangan kong bumalik agad. Masama ang lagay ni
Juan, at saka kailangang magbigay ako ng report kay Mr. de Leon at sa committee ng
doctors at interns.

MIKE (masama ang loob)

Fine – let‘s just see each other tonight.

MARINA

I might have to do an all-nighter, Mike. I need to finalize my report – the


convention‘s coming – and Juan‘s relapse –

MIKE

Yeah – you mean after our party. Right?

MARINA

Party?

MIKE

Yeah – kay Gina. She‘s going to Benguet for her thesis – remember?

MARINA

I‘m sorry – I have to finish this in time for tomorrow morning. Is it okay
kung ikaw na lang pumunta mag-isa? Sorry. (Bebeso ng paalam kay Mike at akmang
aalis.)
MIKE (biglang tatayo)

No, it‘s not okay. Magpa-party tayo tonight.

Magtatawanan na dapat ang koro – pero ibabato ni Marina ang cellphone niya sa
kanila. Katahimikan. Awkward.

MARINA

Mike! What‘s wrong with you?

MIKE

What‘s wrong with me?

MARINA

Bakit ka ganyan?

MIKE

Anong ganyan?

MARINA

Tense ka, e.

MIKE

Hindi ako tense – relax na relax ako.

MARINA

I‘m sorry – I‘m just so tired. I have to go.

MIKE

Bullshit.

MARINA

Ako ba ang binu-bullshit mo?

MIKE

May iba bang tao rito?

Bibirahan ng alis ni Marina, pipigilan ni Mike.

Ano ba‘ng nangyayari sa ‗yo?

MARINA

Ano‘ng nangyayari sa ‗kin? Ano‘ng nangyayari sa ‗yo!?

MIKE

Tinalikuran mo ‗ko, a!
MARINA

At ako, binullshit mo!

MIKE

Kasi tinalikuran mo ‗ko!

Saglit.

MARINA

Mike, ano ba itong pinag-aawayan natin. Sa mga sandaling ito ng ating


pettiness, may mga tao d‘yang –

MIKE

I DON‘T GIVE A FUCK ABOUT THEM! Ang hilig mong


mangsermon. Akala mo kung sino ka na!

Saglit.

MARINA (tahimik; pilit na hinahon)

Sana, ‗wag mo na ‗ko inaaway, Mike. Ang bigat talaga ng loob ko


ngayon. Si Juan, nagrelapse, ikaw galit, may deadline ako, I just fought with that de Leon
– I need your moral support and encouragement. My whole life depends on this case – do
you realize that? I feel like everything I know – everything I‘ve read, everything I believe
in – nawawalan ng meaning. The other day I was unwinding in a coffee shop, then
suddenly I saw Juan and Mang Tino – I saw the slums – I looked around and I asked
myself: where the hell am I? What the hell am I doing here? Mike, si Juan na lang yung
kinakapitan ko. Siya na lang ang nagbibigay ng meaning sa lahat ng ginagawa ko.

MIKE

If you‘re so freakin‘ sensitive – bakit mo ‗ko binabalewala ngayon?

MARINA

Hindi kita binabalewala! Nakipagkita nga ako di ba?

MIKE

Wow! Salamat!

MARINA

I was expecting kasi na maiintindihan mo priorities ko. Pagkatapos kong


matulungan si Juan –

MIKE

Juan! Juan! JUAN! Wala na ‗kong ibang naririnig kundi ‗yang


pangalang ‗yan!
MARINA

Nagseselos ka!? Juan needs me right now –

MIKE

At ako!?

MARINA

Wala naman tayong problema, a.

MIKE

Hindi ba nagkakaro‘n tayo ngayon?

MARINA

Problema na ito!?

MIKE

Bakit? Petty ba? Does it bore you!?

MARINA

Yes! Ang petty-petty! Ang boring-boring!

MIKE

I DON‘T CARE! There‘s gonna be a party tonight – and we are going to


that fucking party – or else!

MARINA

OR ELSE WHAT?!

MIKE

Or else!

We‘ll call it quits!

Lalabas si Mike.

Magtutugtog ang isang cheesy love song – yung tipong pang-Star Cinema film, mabagal,
madrama, nakakalungkot in a kilig way (e.g. “The Gift”, version ni Piolo Pascual).

Samantalang patuloy ang koro sa slow-motion nilang pagwewelga.

– ANG PAGBABAGO NI MANG TINO, ULIRANGAMA

Balik sa Sta. Ana ang eksena.

Puno ng kalat ang buong lugar – pagkatapos kasi ng demolisyon.


Naro‟n ang mga Kapitbahay, at si Mang Tino, nagsasalansan ng mga sirang yero at
kahoy. Papasok si Marina.

MARINA

Magandang araw ho.

Titingnan siya ni Mang Tino. Magpapatuloy si Mang Tino sa ginagawa niya.

Tinuloy nila ang demolisyon.

MANG TINO

Oo. Hindi ko malaman kung ibebenta ko ‗tong mga yero, o itatayong muli.

Katahimikan.

MARINA

Mang Tino, hindi n‘yo pa ho dinadalaw si Juan.

MANG TINO

Galit pa ‗ko kayJuan. Lalong-lalo na sa‗yo.

MARINA

Nabasa n‘yo rin pala sa dyaryo.

MANG TINO

Nabasa ko? Nabasa ng BUONG STA. ANA!

Kilala na ‗ko ng lahat: Mang Tino, ama ni Juang magnanakaw na


kumakain ng butiki, ipis, at daga.

MARINA

Isang pagkakamali ang pagkakaperyodiko ni Juan.

MANG TINO

E ba‘t mo pinabayaan!? Tang ina! Kaya pala mausisa ka n‘ung pumunta


rito. Nagtataka nga ako kung ba‘t ang bait-bait mo, ‗yon pala may kailangan ka.

MARINA

Wala hong kinalaman sa peryodiko ‗yon. LAhat kami sa ospital, nagulat


noong araw na ‗yon. Magrereklamo nga ho sana ako –

MANG TINO

Ngayon pa.
MARINA

Puwede kayong maghabla –

MANG TINO

Ano pambayad kong abogado?

MARINA

Kapag nanalo kayo, ang peryodiko‘ng magbabayad sa –

MANG TINO

Manalo, matalo, pareho rin ‗yon. Napahiya na kami. Tao rin kami.

MARINA

Naiintindihan ko ho, MAng Tino. Alam ko ang nararamdaman mo.

MANG TINO

Alam. Hu!

Katahimikan.

MARINA

MAng Tino, kailangan ho kayo ng anak ninyo.

MANG TINO

Si Juan…? Ano‘ng nangyari!?

MARINA

Bumalik ho sa pagkain ng butiki at ipis.

MANG TINO

Lintik! Ginugutom n‘yo ba ro‘n!

MARINA

Hindi ho. Ang diagnosis ko, nagka-relapse – ibig sabihin, gusto n‘yang
magkasakit ulit – kasi ayaw niya hong maalis sa ospital. Takot siyang mabalik sa
detention center.

MANG TINO

Detention center!? Bakit?

MARINA

May kaso ho siya ngayon. Pinagbibintangang snatcher.


MANG TINO

Snatcher!? Anak ko!? Malaking milagro.

MARINA

Hindi rin ako naniniwala, pero kailangan tayo ni Juan para patunayan sa
korte na hindi ito totoo.

MANG TINO

Kukunin ko na sa inyo anak ko. Tinatapos ko lang itong problema ko rito.

MARINA

Hindi ho kailanga –

MANG TINO

Bakit, hindi pa kayo tapos sa kanya?

MARINA

Hindi pa ho siya gumagaling. Nagka-relapse nga –

MANG TINO

Hindi naman gagaling ang batang ‗yan sa inyo – kayo lang ang
gumagaling sa kanya.

Mapapatahimik si Marina.

MARINA

Mang Tino – maaaring tama kayo – pero saka na ‗yon. Ang importante,
kailangan kayo ng anak ninyo. Makakabuti kung pumunta kayo sa ospital.

Mag-iisip si Mang Tino.

MANG TINO (sa isang Kapitbahay)

Nando – paayos muna nitong mga yero – itatayo ko ulit mamaya.

Sasama siya kay Marina.

Isang baling lang nilang dalawa‟y nasa Ospital na sila.

Naroon si Juan sa kama, gising, ngunit nakakabit ang mga kamay sa dextrose.

Unang lalapit si Marina. Ngingiti si Juan. Ngingiti si Marina. Biglang lalapit si Mang
Tino. Mawawala ang ngiti ni Juan.

Lalapit si Mang Tino sa tabi ng kama. Walang masabi. Biglang maluluha. Yayakapin
niya si Juan. Sa una, si Juan ay pipiglas, pero paglaon, bibigay rin.
Katahimikan. Pagkuwan, huhuni si Mang Tino – tono ng “Uyayi ni Nanay”. Papasok
ang Barker.

BARKER

Laging nakalalambot, maging ng pusong bato,

Ang muling-pagsasama ng mag-aamang nagkalayo.

Pero kung sa una pa‘y si Mang Tino‘y di nagpabaya,

Kakailanganin pa rin ba n‘yang magpabuhos-buhos ng luha?

Kung iisiping maigi, itong dramang nasasaksihan,

May kurot man sa puso ngayon, paglao‘y nakauuyam.

O s‘ya! Ibalik ang tuon sa napipintong kaso ni Juan!

– DA MANILENYO PULUBI IN A JUDGE‘S LAWCOURT

Mag-uusap-usap sina Marina, Mang Tino, Mr. de Leon, at si Juan.

MR. DE LEON (Kay Mang Tino; mabagal upang maintindihan siya)

Marami na akong kasong napapunta sa korte. Guilty man o hindi ang bata,
ang payo ng abogado ay laging guilty. ‗Pag guilty, namimitigate ang crime – ibig
sabihin, gagaan ang krimen at ibababa ang parusa. Madalas, ang nangyayari lamang ay
ilalagay sa custody ng mga magulang ang bata at pareport-report na lamang sa korte.
Pero, kung plea ay not guilty…

(Tuluyan nang kakausapin ang mga manonood – parang infomersyal. Sikapin sana ng
artistang gaganap na Mr. de Leon, na sabihan ang mga sumusunod na linya sa isang
breathing lamang.)

Kukuha pa ng abogado o mag-aasayn ang korte ng de officio – isang abogado


na babayaran ng korte. Pero ang mahalagang kwestyon ay sino ang paniniwalaan ng
korte?Si Juan,siMangTino,o‗yung pulis at‗yung ale? Natural lamang na magiging
kapani-paniwala ang may sinasabi. Wala tayong magagawa riyan. Ganyan talaga ang
panahon ngayon. Kapag umamin ang isang menor de edadsa isang hindi naman kabigatan
na kasalanan, karaniwan na sinususpinde ang hatol at ibinabalik na lamang ang bata sa
mga magulang nito para masubaybayan.

(Huhugot ng hininga. Normal na ulit. Haharap ulit kay Mang Tino)

Hindi ko sinisiraan ang loob ninyo, Mang Tino. Ako‘y nagsasalita lamang
buhat sa aking eksperiyensya. Siguradong taloito.

MANG TINO

Sandali lang ho. Ang anak ko‘y pinagbibintangang snatser. Wala siyang
kasalanan. Pero kailangang aminin niya ito para makalaya siya?
MARINA

Oho, para di na kukuha ng abogado.

MANG TINO

Ang dami pang pasikut-sikot. Ayoko! Kung sinabi ni Juan kay Miss Torres
na hindi totoo ang paratang – di hindi! Panindigan natin ‗yon!

Pupunta sa itaas na bahagi ng entablado si Mang Tino, kasama si Juan.


Magkakatinginan sina Marina at Mr. de Leon.

Sa likuran, makikita ang Barker na magdadamit bilang Huwes at aakyat sa kanyang


puwesto.

Sa isang gawi, ang Abogado ng Prosekusyon, kasama ang Ale at si Patrolman Gomez.Sa
isang gawi naman, sina Juan, Mang Tino, Mr. de Leon, at Marina, kasama ang Abogado
ng Depensa.

Magpupukpok ng gavel ang Barker/Huwes. May isang korong magsisilbing Klerk.

KLERK

Criminal Case No. JC 19354.

People of the Philippines vs. Juan Tamban.

BARKER/HUWES

Is da representeysiyon op depens and prosekyusiyon present?

ABOGADO NG PROSEKUSYON

Here, your honor.

Ang Abogado ng Depensa, may ipinaliliwanag kay Mang Tino, na litong-lito.

BARKER/HUWES

Depens?

ABOGADO NG DEPENSA

Ay! Teka, Mang Tino! – Present your honor! Present po!


BARKER/HUWES

Pli op da depens?

ABOGADO NG DEPENSA

Not guilty, your honor!

BARKER/HUWES

Olrayt. Wel den. PAYT!

PapasokangKorosaharapngentablado.Sila‟yaawit,habangangmgataosakorte‟yslowmoti
onna parang nagbabaka.

[Objeksiyon! Sustain‟d! Oberrul‟d!]

KORO

Ako ay nangangako Na magsasabi ng totoo

Buong katotohanan

At katotohanan lamang

Kaya Diyos ko Tulungan mo pa ako

Juan Tamban Juan Tamban

Bidang-bida ka na naman Depensa at prosekusyon Pinagtatalunan ang kaso mo

Sino’ng magwawagi, sino’ng matatalo

Juan Tamban Juan Tamban

Pa’no ka mahahatulan Objeksiyon yor onor Oberrul’d

Susteyn’d

Wala ka namang maintindihan


Adyorn Akwit

Kontemp op Kort Sabpina

Apil

Ambot saimo

Juan Tamban Juan

Tamban

Bidang-bida ka na naman

Tiyak na mahirap ang kaso mong ‘yan Kaya ayaw na naming ipakita sa tanghalan
Baka lang antukin ang madlang bayan

Ako ay nangangako Na magsasabi ng totoo

Buong katotohanan

At katotohanan lamang

Kaya Diyos ko Tulungan mo pa ako

Juan Tamban

Juan Tamban

Bidang-bida ka na naman

Depensa at prosekusyon

Pinagtatalunan ang kaso mo

Sino’ng magwawagi,

sino’ng matatalo

BARKER/HUWES

Order! ORDER!

Katahimikan.

Napakinggan na ng korte ang magkabilang panig ng kasong ito. Bagaman mabigat ang
katibayan laban kay Juan Tamban, ipinapasya ng korte na ‗wag munang magbigay ng
hatol hanggang hindi pa nahuhuli ang dalawang batang utak ng krimen. Habang
naghihintay, si Juan Tamban ay mananatili sa pangangalaga ng Detention Center.
PROSEKUSIYON

Your honor, ibig pong hilingin ng ama ng nasasakdal na sa kanya ipaubaya


ang bata.

BARKER/HUWES

Baka lalong makasama kay Juan ang manatili sa labas.

MARINA

Your honor, si Juan ay napakabait na bata. Kahit sa‘n siya ilagay, mananatili
siyang mabait.

BARKER/HUWEBES

Awt op order!

PROSEKUSYON

Your honor, ang mag-ama‘y ngayon lang nagkita pagkatapos ng ilang


buwan.

BARKER/HUWES

May trabaho ka ba, G. Justino Tamban?

MANG TINO

Mayro‘n po.

BARKER/HUWES

Ano?

MANG TINO

Basurero po.

BARKER/HUWES

Ibig kong sabihin, tunay mong trabaho.

MANG TINO

Basurero nga ho.

BARKER/HUWES

Anong oras ka nagtatrabaho?

MANG TINO

Alas singko ng umaga hanggang alas onse ng tanghali. Alas sais ng hapon
hanggang alas dose ng gabi.
BARKER/HUWES

Ay! Sino‘ng mag-aalaga kay Juan? Makasasama kay Juan ang sumama sa
inyong trabaho. Mapupuyat siya, gagalisin, lalangawin, papayat at magkakasakit. Walang
mag-aalaga sa kanya. D‘un siya sa Detention Center. Doon, may tulugan gabi-gabi,
kakain siya ng tatlong beses sa isang araw, magkakaroon ng pagkakataong matuto ng
iba‘t ibang gawain. Lalabas siyang isang kapaki-pakinabang na mamamayan.

MARINA

Para hong pinaparusahan si Juan. Alam n‘yo‘ng nangyayari sa mga


Detention Center!

BARKER/HUWES

Awt op order! Sa korte ko, nat ayni wan ken tok, ha! Ar yu relatib?

MARINA

Hindi po. Social worker po ako. Mabuti pong magsama ang mag-ama, para
magkaro‘n sila ng pagkakataong magsikap na magbagong-buhay.

BARKER/HUWES

Pa‘no magbabagong-buhay – wala ngang trabaho ang ama –

MANG TINO

May trabaho ho ako!

BARKER/HUWES

Basurero! Disente bang trabaho ‗yon! At awt op order ka rin! Magkano kita
mo sa isang araw?

MANG TINO

Mapapakain ko pamilya ko.

BARKER/HUWES

May inuuwian ba kayo? Hindi ba giniba ang slums sa Sta. Ana?

MANG TINO

Oo giniba ninyo. E di itatayo namin ulit –

BARKER/HUWES

Walang pakelam ang korte sa pagtayo at paggiba ng bahay. Pero may


pakelam ito sa paggiba ng buhay ng mga bata.

MANG TINO

ITatayo ko buhay ng anak ko!

BARKER/HUWES
Pa‘no?! Sa pagtalikod sa tungkulin mo bilang ama?

MANG TINO

Hindi ako tumalikod! Siya ang lumayas!

BARKER/HUWES

Pero hindi mo hinanap!

MANG TINO

Narito siya at narito ako ngayon. Magkasama na kami.

BARKER/HUWES

E nasangkot sa krimen ‗yan dahil sa kapabayaan mo! Inap op dis kolokwi!

MANG TINO

May karapatan ako sa kanya! Walang kukuha sa karapatan ko sa aking anak!

BARKER/HUWES

Kontemp of kort! Kontemp op kort! Dis keys is dismis‘d! Dalhin ang bata sa
Detention Center!

Aarestuhin si Mang Tino na nagwawala. Kukunin ni Patrolman Gomez si Juan.


Kadiliman.

– JUAN TAMBAN, CASESTUDY

Bubukas ang liwanag. Nasa ibabaw ng kahon si Marina. Maririnig ang kalingking ng
mga baso, mga plato, hushus-balungos ng isang assembly. Nakamikropono si Marina.

Ang koro‟y nakabalot sa dilim, nakikinig sa talumpati ni Marina.

MARINA

The consumption of cockroaches, lizards, and mice, pests which inhabit


places full of filth such as disposal areas of human refuse and garbage, exposes the
subject to harmful microbes detrimental to human health. Such animals are frequent
carriers of germs that cause abdominal pains, dehydration, and diarrhea, to name a few:
E. coli, Salmonella, and Leptospira. Such viruses and microbes cause symptoms of
meningitis, extreme fatigue, hearing loss, respiratory distress, azotemia, and renal
interstitial tubular necrosis, which result in renal failure and occasional liver failure...

This psychological impulse of consuming cockroaches, lizards, and mice indicates that
the subject may be suffering from the idiosyncratic developmental disability called
"Pica", a term which comes from the Latin word for magpie, a bird famous for its
undiscriminating appetite…

Magpapatuloy sa pagsalita si Marina, ngunit naka-mute – habang papasok si Juan


Tamban sa isang sulok, at haharap sa mga manonood sa ilalim ng isang puti at
nakasisilaw na ilaw. Huhuni siya ng tono ng “Uyayi ni Nanay”. Mapapapikit siya sa
tindi ng puting liwanag.

Tila tapos na si Marina. Siya‟y magba-bow, at lalapitan ng koro, kakamayan,


papalakpakan – ngunti tahimik, walang tunog, liban sa paghuni ni Juan Tamban.

Aalis ang koro. Kakamayan ni Mr. de Leon si Marina. Saka aalis. Sunod na lalapit kay
Marina si Mike. Hahalikan siya ni Mike sa pisngi.

MIKE

I‘m so proud of you, Marina! So proud! At last – tapos ka na! That Juan Tamban was one
hell of a case, ‗no? But that‘s done…

Kukunin ni Mike ang kamay ni Marina, at iaangat ang daliring may singsing.

Titingnan ni Marina si Mike, saka waring titingin kay Juan Tamban na nabubulag sa
ilaw, at patuloy sa paghuni. Titingin si Marina kay Mike, at dahan-dahang ihuhubad ang
singsing.

Lalabas si Mike, gulilat. Titingala si Marina sa itaas niya – may puting liwanag ding
bubulag sa kanya. Papasok ang Barker. Magbubukas ang ilaw ng tanghalan.

BARKER

Mga kabagang

Itong kuwento ni Juan Tamban At ni Marina

Sa wakas, sa wakas, Natapos na

Naimbestigahan na ni Marina ang kaso ni Juan

Tapos na nga ang lahat, wala nang dapat pagkaabalahan

Nasa detention center na si Juan Tamban


Aba, e, dapat lang

Alam naman nating lahat

na di siya kayang alagaan

Ng kanyang amang hamak na basurero lamang

Si Marina at si Mike

Aywan kung nagkatuluyan

Di na mahalaga ‗yon,

wala nang kuwentang pag-usapan

Yung paghubad niya ng singsing,

‗wag n‘yo ga‘nong isipin

Mas marami pang bagay na nararapat tuunan ng pansin

Mapapatay ulit ang ilaw ng tanghalan – natitira na lamang ang ilaw kay Juan at Marina.

Sa labas ng tanghalan naming padilim nang padilim.

Lalamlam maging ang dalawang liwanag na iyon – Hanggang tuluyang mabalot ng


dilim ang buong entablado.

WAKAS

Vista Valley, Marikina

Oktubre a-31, taong 2013

You might also like