You are on page 1of 3

1

DR. DE LEON
[sa audience] Aha! Sino kayo at anong ginagawa niyo dito sa
klase ko? Aba, mga bagong estudyante? Teka lang, mag-quiz muna
tayo. First question; alam niyo ba ang kuwento ni Juan Tamban?

[oo]
Oo? Yung Ang Juan Tamban Ni Malou Jacob na itinanghal
ng Ateneo ENTAblado sa nakaraang school year? Ang talino mo
naman, at dahil diyan may prize kayo! Isang sipi mula sa dulang
iyon!

[hindi]
Hindi? Hay nako, pumasa kayong ACET, pero hindi niyo
man lang masagot tanong ko. Ang dulang Ang Juan Tamban Ni
Malou Jacob ay itinanghal ng Ateneo ENTAblado noong nakaraang
taon. Aba, eh maipakita nga ng isang sipi.

Ako nga pala si Dr. De Leon, ang pinakabonggang tauhan sa
dula at
[papasok si Marina]
At ito naman ang aking estudyanteng si Marina! Ang bida ng
dulang ito! At bakit ka narito, Marina?

MARINA
Basing it on his profile, Dr. de Leon, mahirap ang kasong
ina-assign nyo sa kin.

DR. DE LEON
Anong kaso?

MARINA
Ang kaso ni Juan Tamban, sir. Nakalimutan niyo na po ba?

DR. DE LEON
Si Juan Tamban? Akala ko tapos mo na yang kasong yan last year?
Ano to, pang-throwback lang?

MARINA
Not entirely, sir. I just want to introduce Juan to your future students.

DR. DE LEON
To my future students? Ah, hahaha. At nang makita nila kung gaano
ako kalupit. What about Juan?

MARINA
Juan Tamban sir, the child who eats cockroaches, lizards, and mice
along the streets of Quiapo. The one who had all theise diseases,
ameobiasis, malaria, epilepsy. You know how difficult that case was
for me!

DR. DE LEON
Marina, kung madali yan, ibinigay ko na sa iba.

MARINA
Marami siyang sakit.

DR. DE LEON
Oo, halo-halo ang sakit niya. May physical, psychological,
emotional, at spiritual.

MARINA
And so, whats left of him?

DR. DE LEON
Halos wala na nga.

MARINA
Mahirap paniwalaan na ang batang walang-wala, siya ring
batang may hawak ng pinakamahalagang bagay sa akin.

DR. DE LEON
Your masters degree.
2


Nakakabigla nga kung minsan. Pero kung tutuusin, lahat ay
may kani-kanyang halaga. Ang unggoy at daga, importante para sa
mga siyentipikong nag-eeksperimento. All for human progress.
Pano pa kaya ang taong kumakain ng daga, butiki, at ipis? At kung
humihirap ang imbestigasyon, lalong sumasarap ang labanan, di ba?

MARINA
Malaria. Epilepsy. Amoebiasis. Magagamot nga yon ng
doktor.

DR. DE LEON
Pero ang psychological trauma?

MARINA
Thats where I come in.

DR. DE LEON
But you failed the first time, Marina.

MARINA
Hindi pa ko naggi-give up.

DR. DE LEON
Tama yan. Kailan may huwag kang susuko sa iyong kaso.
Its such an interesting case, masasabing pambihirat di
pangkaraniwan. Naaalala mo ba yung diskusyon natin once sa class?

MARINA
I think so, sir.

DR. DE LEON
Then whats my favorite part?

MARINA
Eto na po, sir.

Biglang tatayo ang mga Koro at papasok ng entablado.

DR. DE LEON

[Awit ng Estatistika / Malulutas Kita]

Ilan, ilan ang mga batang mahihirap
Na pakalat-kalat dito sa may siyudad

KORO
Siyam na milyon at dalawang daang libong
Bata sa ilalim ng edad na labinlima

DR. DE LEON
Cite your sources

KORO
Philippine Institute for Development Studies at UNICEF

DR. DE LEON
Pasalamat kang iisa lamang sa

KORO
Siyam na milyon at dalawang daang libong bata

DR. DE LEON
Ang sinusuri mo ngayon, Marina.
Isa lamang sa

KORO
Siyam na milyon at dalawang daang libong bata

DR. DE LEON
Ang may kasong tututukan ng isang propesyunal

3

Isipin ang progresong maidudulot
Ng pag-aaral mong nakayayamot
Kung tayong nakapag-aral ay walang gagawin
Upang maibsan ang

KORO
Siyam na milyon at dalawang daang libong

DR. DE LEON
Suliranin
Ang iisang batang butiki, daga at ipis ang kinakain
Baka maging

KORO
Siyam na milyon at dalawang daang

DR. DE LEON
Kasong dapat problemahin

Wag kang susuko, Marina
Lahat na wag lang yon
At baka madagdagan pa ang estatistika
Nang daan-daang milyon

Ganito kaimportante ang kasong hawak mo
Ikamamatay, o ikabubuhay ng

KORO
Siyam na milyon at dalawang daang libong katao

DR. DE LEON
Siyam
Na milyon
Dalawang daang
Libo
Ang nakasalalay rito

MARINA
At ang masters degree ko

DR. DE LEON at KORO
At ang masters degree mo

KORO
Nakatapat ka, Marina
Ngayoy hindi mo na puwedeng talikuran
Kailangan, kailangang sugurin mo si Juan Tamban
Sino kaya sa inyo ang uuwing sugatan
O, ano ba itong misteryo ni Juan

MARINA
Malulutas kita, Juan Tamban
Malulutas kita, di mo lang alam
Pilit kong bubuksan ang iyong mundo
Bibiyakin ko ang iyong puso
Hihimaymayin ko ang iyong diwa
Ang iyong katauhan, sa akin susuko
Malulutas kita

Kadiliman.

You might also like