You are on page 1of 2

Augost S.

Ferrer

BSED 2F

Ang nanay kong may iisang mata

Iisa lang ang mata ng Nanay ko,naiinis ako sakanya, at sobrang nakakahiya siya. Nagluluto siya para sa
mga estudyante at guro para matugunan ang mga pangangailangan ng aming pamilya. isang araw noong
elementarya ako nang bumisita ang nanay ko para batiin, ako. Nahihiya ko. Paano niya nagawa ito sa
akin? Iniiwasan ko siya tiningnan ko siya nga masama at tumakbo palabas. Kinabukasan sa paaralan,
sinabi ng isang kaklase ko, "EEE, iisa lang ang mata ng nanay mo!" Gusto ko nang magtago. Gusto ko
ring mawala na lang siya. Hinarap ko siya noong araw na iyon at sinabi, "Kung gagawin mo lang akong
katawa-tawa, bakit hindi ka na lang mamatay?" Hindi sumagot ang aking ina. Hindi ko man lang naisip
sandali ang sinabi ko, dahil puno ako ng galit. Wala akong pakialam sa kanyang nararamdaman. Gusto ko
nang umalis sa bahay at wala nang pakialam sa kanya. Kaya nag-aral ako ng mabuti, nakakuha ng
pagkakataon na mag-aral sa ibang bansa. Pagkatapos, nag-asawa ako. Bumili ako ng sariling bahay at
nagkaroon ng sariling mga anak. Masaya ako sa buhay ko, sa mga anak ko, at sa mga kaginhawahan.
Isang araw, bumisita ang Nanay ko sa akin. Matagal na niyang hindi ako nakita at hindi pa rin niya
nakikita ang kanyang mga apo. Nang tumayo siya sa pinto, natawa ang mga anak ko sa kanya, at
sinigawan ko siya na parang tanga para pumunta ng hindi inaasahan. Sinigawan ko siya, "Paano ka naman
dumareho rito sa bahay ko at takutin ang mga anak ko! LUMABAS KA NA! NGAYON!!!" Isang araw,
may sulat tungkol sa pagtitipon ng eskwela na dumating sa bahay ko. Kaya ini-inuhan ko ang misis ko na
may business trip ako. Pagkatapos ng pagtitipon, pumunta ako sa lumang kubo, out of curiosity. Sinabi ng
mga kapitbahay na patay na siya. Wala akong luhang pumatak. Binigyan nila ako ng sulat na nais niyang
makuha ko.
"Anak kong minamahal,
Laging iniisip kita. Pasensya na kung pumunta ako sa bahay mo at natakot ang mga anak mo.
Sobrang saya ko nang malaman kong pupunta ka sa pagtitipon. Pero baka hindi na ako makabangon sa
kama para makita ka. Pasensya na kung laging nakakahiya ako noong lumalaki ka.
Alam mo... noong maliit ka pa, naaksidente ka at nawala ang iyong mata. Bilang isang ina, hindi ko
kayang makita kang lumalaki na may iisang mata lang. Kaya ibinigay ko ang akin sa'yo.
Proud na proud ako sa anak kong nakakakita ng isang bagong mundo para sa akin, sa aking pwesto, gamit
ang mata na iyon.
Buong pagmamahal sa'yo,
Ang iyong ina."

You might also like