You are on page 1of 4

Facts about Rizal:

1. Hindi opisyal na Pambansang Bayani ng Pilipinas, ang totoo nyan wala pa talagang batas subalit may
isang pagkakataon na minsan na siyang gumawa ng isang dibujo ni Napoleon Bonaparte at nagsabi siya
na balang araw gagawan siya ng tao ng ganito, at nagkatotoo nga.

2. Hindi siya ang nagsulat ng tulang "Sa Aking mga Kababata" kaya't huwag na laging banggitin ito ito na
may pagkilala sa kanya.

3. Siya lang ang tanging "Rizal" sa kanilang pamilya hanggang sa i-adopt na rin ito ng kanyang mga
kapatid pagkatapos niyang mamatay.

4. Si Rizal ay isang Sobresaliente subalit hindi siya ang pinakamatalino habang siya ay nag-aaral sa
Ateneo Municipal na noon ay matatagpuan pa sa loob ng Intramuros.

5. Hindi niya tinutulan ang rebolusyon. Ang totoo nyan, naniniwala siya na ito ang huling paraan para
makamit ang kasarimlan [kalayaan]. Tinutulan niya ay ang kahandaan ng rebolusyon at hindi ang
msimobg rebolusyon.

6. Maghilig silang magpunta ng kanyang kapwa doktor na si Maximo Viola sa casas de palomas de bajo
vuelo.

7. Ang kanyang kasintahan na si Leonor Rivera ay kanyang pinsang buo.

8. Unang na-inlove si Jose Rizal sa isang taga-Batangas na si Segunda Katigbak. Si Rizal ay 16yrs old pa
lamang siya noon at si Segunda ay 14.

9. Hindi mahilig maligo si Rizal kapag siya ay nasa Europa lalo na sa panahon ng taglamig.

10. Hindi totoo ang kwento nang paghahagis niya ng tsinelas sa isang ilog.
11. Napanaginipan niya na siya ay mamamatay at hindi na aabot sa edad ng 30. Ang totoo nyan ang
petsa sa kanyang panaginip ay December 30, 1888.

12. Isa siyang indio na nagkaroon lamang ng pagkakataon na makapag-aral dahil sila/siya ay may lahing
espanyol.

13. Matipid si Rizal at hindi kuripot lalo na sa mga bagay na alam niyang hindi naman kailangang
gastusan.

14. Mayroon siyang pangatlong Nobela subalit hindi ito natapos dahil, Una, mahina siya sa wikang
tagalog at pangalawa, masyado na siyang busy sa ibang bagay.

15. Dalawang beses bumalik si Rizal sa Pilipinas at noong 1892, itinatag niya ang isang gobyernong
Pilipino na ang layunin ay makilala ito ng pamahalaang espanyol sa Pilipinas.

16. Hindi sila close ni Andres Bonifacio, isang beses lamang sila nagkita at ito ay noong nagtatag at
bumalik si Rizal ng Pilipinas noong 1892.

17. Ang "Kabataan ang Pag-asa ng Bayan" ay hindi literal na nanggaling mismo kay Rizal. Ito ay
pagbibigay paliwanag at interpretasyon lamang ng ibang manunulat na matatagpuan sa loob ng El
Filibusterismo.

18. Kulang ang mga napag-aralan natin sa eskwelahan tungkol sa Noli at El Fili sapagkat ito ay edited na
at revised na. Ang totoo nyan inalis ang 170 pages ng Noli at 80 pages sa El Fili dahil naglalaman ito ng
mga anti-clergy na mga ideya.

19. Kanya ang Noli at hindi totoo na kinopya lamang ni Riz ito. Ang totoo nyan, ito ay pinagsama-samang
ideya ng iba't ibang libro na mga nabasa niya na may pagkurot sa tunay na anyo sa ating lipunan noong
mga panahon na yun.

20. Nag-iinom ng alak si Rizal.


21. Noong 1986, nasa Hongkong na ang buong Pamilya Rizal, si Jose lamang ang nagpumilit na bumalik
ng Pilipinas alang-alang sa kanyang pinaglalaban.

22. Nagkakilala si Rizal at Josephine sa Hongkong at hindi sa Dapitan.

23. Ang Dapitan ay natatangpuan sa Zamboanga del Norte kung saan siya pinatapon at hindi na lang
patayin noong 1896.

24. Nagsama sila Rizal at Bracken sa Dapitan noong 1984. Si Rizal ay 33 gulang na noon at si Bracken ay
18 pa lamang.

25. Siya ang kaluluwa ng Rebolusyon at kinilalang Presidente ng Katipunan bilang pamahalaan subalit ito
ay hindi niya alam.

26. Hindi naka-coat si Rizal kapag siya ay nasa Pilipinas. Nainit dito.

27. Sponsored Hero si Rizal bilang bayani at ito ay politikal na motibo ng mga Amerikano noong 1901.

28. Unang nilibing si Rizal sa Paco Cemetery at nilibing siya doon ng walang kabaong pagkatapos siyang
barilin sa Bagumbayan noong 1896.

29. Dalawang taon ang lumipas bago siya nahukay sa Paco at inuwi ng pamikllya Rizal sa bahay ni Narcisa
sa Binondo at hindi ito nakalibing kundi naka-display.

30. Hindi "DR" si Jose Rizal. Hindi siya lisensyadong doktor sapagkat hindi niya natapos alinman sa
opthalmology at dentistry

31. Hindi gumingiti si Jose na labas ang NGIPIN sa lahat ng kanyang mga Retrato.

32. Walang anak si Rizal. Sa libro lamang ni Zaide mababasa ito.


33. Ang Act No. 346 at 243 ay mga batas na ginawa ng mga Amerikano sa pangunguna ni William H. Taft
kung saan pinangalan ang TAFT AVENUE sa MAYNILA.

34. Kinomisyon ni Marcelo H. Del Pilar si Jose Rizal na magsulat ng isang tula at ito ay ang tulang "El
Amor Patrio" na unang tula ni Rizal sa Espana kung saan sinalin naman ni Marcelo at Bonifacio sa wikang
tagalog.

35. Hindi ginusto ni Rizal na maging isang BAYANI.

Marami pa yan! Huli ko ang 35 dahil sa edad na yan siya namatay bilang Bayani ng bansa.

#Tabitabipo

(c)Billy De Guzman.

Additional info: Ayaw niyang magcelebrate ng Death Anniversary kaya ngayon lang naipost ito 😉

You might also like