You are on page 1of 2

MGA PAHAYAG SA

PAGBIBIGAY NG
PATUNAY

-pagpapahayag ng patunay, katotohanan


-nangangailangan ng datos o ebidensiya

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA


PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY:
1. May Dokumentaryong Ebidensiya
(maaaring nakasulat, nakalarawan/larawan at video)

Paliwanag: Malakas na ebidensiya


ang mga lawaran, video at mga
nakasulat/nakalimbag na
dokumento upang mapatunayan
ang isang bagay.

2. Kapani-paniwala
(lahat ng ebidensiya, patunay at kalakip na datos ay makatotohanan)
Paliwanag: Nararapat lang na ang
ilalatag o ipakikitang ebidensiya ay
paniniwalaan at kapani-paniwala
para sa lahat. Walang halong
panloloko o kasinungalingan.

3. Taglay ang matibay na kongklusyon


(pinalakas ng ebidensiya, pruweba at mga totoong impormasyon)

Paliwanag: Tuwing may nais


patunayan, dapat mula sa simula
hanggang dulo iisang tugtugin lang,
ibig sabihin, dapat panindigan mo
ang lahat ng sinasabi o panig mo.
4. Nagpapahiwatig
(sa pamamagitan ng mga pahiwatig masasalamin o makikita ang katotohanan)

Paliwanag: Hindi mo kailangang


sabihin ang lahat ng alam mo, sa
mga simpleng pahiwatig na
katotohanan maaari ka ng
maunawaan ng lahat.

5. Nagpapakita
(isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay)

Paliwanag: Ang isang bagay na


pinatotohanan o pinatutunayan ay
dapat na nakikita.

6. Nagpapatunay/Katunayan/Patunay
(mga salitang nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinapahayag)

Paliwanag: Sa pagpapahayag ng
katotohanan maaaring gamitin ang
mga salitang TOTOO, TUNAY,
KATOTOHANAN, KATUNAYAN.

7. Pinatutunayan ng mga detalye


(Pagsusuri sa mga detalye upang mapatunayan ang isang bagay)

Paliwanag: Mahalagang bago


pumili na papanigan o sasabihin
dapat sinusuri muna ang mga
bagay-bagay upang makaiwas sa
pagkakamali.

You might also like