You are on page 1of 3

Awit at Korido

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang madaling
mapalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman ang
kanilang hilig na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na awit at Korido.
Naging kilala ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay sa mga manunulat at mambabasa.
Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhan na ang mga ito ay ligtas at nakakatuwang libangan.
Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay may
natatanging bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Ang Korido ay
salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng
kababalaghan. Ang awit namay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga
tauhan at walang sangkap na kababalaghan.
Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siya marahil
ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive
work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na
naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil nagbalatkayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may
maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa im espanya.
Isa sa mga halimbawa ng korido ay ang Ibong Adarna. Binubuo ito ng 1,172 na saknong. Ito ay
tumatalakay sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit napapalooban ng mga aral sa totoong
buhay. Isinasaad din sa akdang ito kung sa papaanong paraan malalagpasan ang mga pagsubok na
kalimita'y dumadaig sa tao. Bagamat kilala ang akda, hindi tiyak ang taong sumulat nito. Sinasabing
ito ay nagpasalin-salin na lamang mula sa maraming taong nagsalaysay. Dahil dito, ang Ibong Adarna
ay tinawag na sanaysaying-bayan.
Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido
Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:
1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit
2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa allegro, samantala ang awit
ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya allegro
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga
mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob ditto
Kategorya ng Awit at Korido
Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas.
Karaniwang nakasaad ang lagom [summary] ng akda, ang halaga niyon sa panitikan, at ang mga
kritikang lumabas hinggil sa naturan. Halina't makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito.
Katangian ng awit at korido
Ang korido ay isang tulang panrelihiyon. Ang awit ay isang tulang nagsasaad ng kabayanihan.
Mga Halimbawa ng Korido:
Ibong Adarna, Don Juan Tioso, Don Juan Teoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang
Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni
Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
Mga Halimbawa ng Awit:
Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares
na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at
Prinsesa Clariana

Awit at Korido Ano nga ba ito? Awit at Korido Awit Korido Ang mga tulang ito ay may paksang
tungkol sa pangromansa.
Tinatawag din itong metrical romances. pang-romansa pag-ibig Ang Korido ay binabaybay na 'Corrido'
noong panahon ng Espanyol.
Mahabang salaysay na nasa berso (patula) na itinatanghal ang katangiang (karangalan, katapangan,
pagkamaginoo, kabayanihan, atbp.) ng kabalyero noong Edad Medya; ang relihiyon, ang alamat at ang
kuwentong bayan.
Pinakapopular na porma ng panitikan noong panahon ng pananakop ng Espanya. Ito ay matinding
naimpluwensyahan ng banyagang panitikan. May iisang disenyo ito ng taludtod, monoriming at assonant
quatrain; at nag-iba-iba ang haba, simula sa ilang daan hanggang sa ilang libong linya.Ayon sa mas
detalyadong paglalarawan ni Trinidad H. Pardo de Tavera, isang natatanging eskolar na Filipino, ang korido
ay kuwento nasa berso ukol sa makasaysayang pangyayari, minali ("falsified") at maguni-guni ("fanciful");
trahedyang pag-ibig, puno ng kahanga-hangang insidente, sinamahan ng banal at kagilagilalas na
pangyayari at mala-demonyong madyik -- lahat mahaba, malabis, puerile, at hindi makatuwiran sa
sukdulan. Walang isa man sa tauhan ay katutubo. Lahat ay Turko, Arabo, kabalyero, ambassador, duke,
mandirigma, na may madyik na braso at balsamo katulad ng tanyag na si Fierablas, mabubuting Kastila at
masamang estranghero.
Ang korido ay maaaring nakapasok sa Pilipinas nuong dantaong 1600 sa pamamagitan nina Miguel Lopez
de Legaspi. Naging napakatanyag ito nuong ika-19 siglo hanggang ika-20 siglo.
-Dr. Damiana L. Eugenio sa kanyang aklat na Awit and Corrido: Philippine Metrical Romances (AC:PMR,
1987)
www.wikifilipinas.org Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang
bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong
tugma ay isahan (aaaa, bbbb, cccc, at iba pa).
Inilalahad ng awit ang pag-ibig ng magsintahan o magkabiyak, ang pag-ibig ng anak sa magulang, at ang
pag-ibig sa lupang sinilangan. Samantala, nabubudburan naman ng mga pangangaral ang ilang usapan sa
loob ng mga taludtod, ngunit ang ganitong gawi'y hindi lamang mauugat sa banyagang imluwensiya ng
relihiyosong pangangaral dahil nagtataglay na ang mga katutubong tula, gaya ng tanaga, dalit, at diona, ng
gayon at maihahalimbawa ang naitala sa Vocabulario de la lengua Tagala (1860) nina Fray Juan de Noceda
at Fray Pedro Sanlucar.
Ang kahima-himala at kagila-gilalas sa mga awit ay may kaugnayan sa puwersang sobrenatural, gaya ng
diyos o santo, na namamagitan sa mga tao at pangyayari sa pamamagitan ng himala. Nagkakaroon ng
lakas ang mga tao, at malulutas nila ang mga balakid sa landas ng kanilang pangarap.
-Eugenio, Damiana L., patnugot. Mga Piling Awit at Korido. Lungsod Quezon: University of the Philippine
Press, 1995.
-www.wikifilipinas.org Pareho po ba
ang awit at korido? Pagkakatulad at Pagkakaiba ng
Awit at Korido 1. Pantig - Lalabindalawahin
2. Bigkas - Mabagal; inaawit
na mabagal sa saliw ng
gitara o bandurya "allegro"
3. May pagkamakatotohanan 1. Genre - Tulang Pasalaysay
2. Paksa - Romansa o pag-ibig at
Relihiyon
3. Berso - May sukat at tugma; apat
na taludtod sa bawat
saknong
4. Pagbigkas - Pakanta
5. Impluwensiya - Kastila Sa pag-aaral ng batikang mananaliksik Damiana L. Eugenio, ang "awit" ay walang
ikinaiba sa "korido", maliban lamang sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang awit, gaya ng korido, ay
nagtataglay ng tatlong elemento. Una, ang pag-iibigan. Ikalawa, ang relihiyoso at pangangaral. At ikatlo,
ang kahima-himala at kagila-gilalas. Ngunit mukhang magkaiba nga ang awit at korido. Si Rizal, kahit na

hindi ibinigay ang pagkakaiba ito, ay malinaw na nagsabi sa kanyang madamdaming sulat kay Vicente
Barrantes na ang awit at korido ay magkaiba. Ang bahagi ng sulat na ito ay nagsasaad na: "Everything Your
Excellency says about the 'corridos' might be correct, but the fact is, Your Excellency does not know what
the Tagalogs call 'corridos.' The Tagalog differentiate them from the 'awits,' another thing that Your
Excellency does not have to know. The purpose is to insult the race and to insult it, knowledge is not
necessary.

You might also like