You are on page 1of 2

MEDILLO

Awit at Korido
Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan
ang nagsilbing paraan upang madalingmapalaganap at maipamulat ang
Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman angkanilang hilig na
mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na awit at
Korido. Naging kilala ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay
sa mga manunulat at mambabasa.Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhan
na ang mga ito ay ligtas at nakakatuwang libangan.
Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong ng mga
ito ay maynatatanging bilang o sukat at may magkakasintunog o
magkakatugmang mga pantig. Ang Korido aysalaysay sa pakikipag-ibigan
at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno
ng kababalaghan.
Ang awit namay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran
ngunit ang mgatauhan at walang sangkap na kababalaghan.Sa
kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco
"Balagtas" Baltazar. Siyamarahil ang mga unang makata na nagexpose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyangsubversive
work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang
mahabang pasalaysay na tula na naglalaman ng mga mensahe laban
sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgascensura dahil nagbalat-kayo na
ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong
mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa Kristiyanismo at
pangalawa ang laban sa im espanya.
Isa sa mga halimbawa ng korido ay ang Ibong Adarna. Binubuo ito ng 1,172 na
saknong. Ito aytumatalakay sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala
ngunit napapalooban ng mga aral satotoong buhay. Isinasaad din sa
akdang ito kung sa papaanong paraan malalagpasan ang
mga pagsubok na kalimita'y dumadaig sa tao. Bagamat kilala ang
akda, hindi tiyak ang taong sumulatnito. Sinasabing ito ay nagpasalinsalin na lamang mula sa maraming taong nagsalaysay. Dahil dito,ang
Ibong Adarna ay tinawag na sanaysaying-bayan.

Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido


Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:

1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit


2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa
allegro, samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na
mabagal sa saliw ng gitara o bandurya allegro
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido
ang ikinawiwili ngmga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob
ditto

Kategorya ng Awit at Korido


Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na
nalathala sa Pilipinas.Karaniwang nakasaad ang lagom [summary] ng akda,
ang halaga niyon sa panitikan, at ang mgakritikang lumabas hinggil sa
naturan. Halina't makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito.

Katangian ng awit at korido


Ang korido ay isang tulang panrelihiyon. Ang awit ay isang tulang
nagsasaad ng kabayanihan.
Mga Halimbawa ng Korido:
Ibong Adarna, Don Juan Tioso, Don Juan Teoso, Mariang Kalabasa,
Ang Haring Patay, MariangAlimango, Bernardo Carpio ni Jose de la
Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, PrinsipeFlorennio ni Ananias
Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
Mga Halimbawa ng Awit:
Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni
Eulogio Juan de Tandiona, DocePares na Kaharian ng Francia ni Jose de
la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, PrinsipeIgmidio at
Prinsesa Clariana

You might also like