You are on page 1of 14

Paglalagom

Guro: G. Armaggedon Riggo Absuelo


Grade 12 – HUMSS, STEM1A & STEM1B
Loyola High School
Mahilig ba kayo manood ng
Pelikula?
• 1. Nakikilala ang iba’t ibang
Inaasahang akademikong sulatin ayon sa:
pagkatapos • (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian
(d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90 2.
ng aralin na Nakasusulat nang maayos na
ito ang mga akademikong
sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
mag-aaral ay: • 3. Nakasusunod sa istilo at teknikal
na pangangailangan ng
akademikong sulatin.
Ano ang Paglalagom?

• Ang paglalagom ay tumutukoy sa pagsulat ng mga pinaikli o pinasimpleng


bersiyon ng isang akda upang makuha kaagad ng mambabasa ang nais
sabihin ng isang akda o sulatin.
• Kadalasan, ito ay ginagamitan ng sariling pananalita para malaman kung
naunawaan ng manunulat ang isang akda.
• Maikli ang sulating paglalagom ngunit ito ay naglalaman ng pinakadiwa
ng isang akda.
• Ang salitang 'lagom' ay tumutukoy sa pinaikli o pinasimpleng bersiyon ng
isang akda o sulatin.  
Ilang uri mayroon ang
paglalagom?
May tatlong (3) uri ito.
Abstrak
Sinopsis/Buod
Bionote
ABSTRAK

• Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat


ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at
teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis
o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng
title page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng
boung akdang akademiko o ulat.
• Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli
lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating
akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon.
Rasyunal-
Nakapaloob dito Metodolohiyang
ang Layunin at Ginamit
Suliranin ng (Mapusyaw na
Pag-aaral Asul)

Nilalaman (Berde)

ng Abstrak
Saklaw at Resulta at
Delimitasyon Konklusyon
(Lila) (Dilaw)
Halimbawa ng Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon
ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na
matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan
tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng
pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita
ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento
at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na
pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang
Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan
o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom
ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-
aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa
kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa
kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
SINOPSIS
Ito ay tinatawag ring isang buod ito
ay isang uri ng lagom na kadalasang
ginagamit sa iba’t ibang akda katulad
ng;
• kwento
• salaysay
• nobela  
• dula
• parabola
• pabula
• talumapati  
Sinopsis
• Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng isang akda,mahalagang malaman ang
sagot sa mgasumusunod na tanong:
• Ano?
• Kailan?
• Saan?
• Bakit?
• Paano?
• Mahalagang maipakilala sa mga mambabasa kung ang akdang binabasa na
ginawan ng synopsis o buod sa pamamagitan ng paglalahad ng pamagat, may-
akda, at pinanggalingan ng akda. Dapat ding maiwasan ang pagbibigay ng iyong
sariling pananaw o paliwanang tungkol sa akdang binasa.
Sinopsis/Buod ng MIRACLE IN CELL NO.7
Ang pelikula ay naganap sa isang kulungan kung saan karamihan ng mga karakter ay mga bilanggo sa ika-pitong selda na siyang
pinagkuhanan ng titulo ng pelikula. Si Yong-gu ang pangunahing tauhan na ginampanan ni Ryu Seung-ryeong. Meron siyang
sakit sa pag-iisip at walang kakayahang makapag-salita ng tuwid, ngunit isa siyang mapagmahal na ama kay Ye-sung. Si Yong-gu
ay nagtratrabaho sa isang paradahan ng mga sasakyan bilang isang enforcer.Siya at si Ye-sung ay mahirap lamang, ni hindi nga
nila magawang makabili ng Sailor Moon na bag na inaasam asam ni Yesung, pero kahit ganun, masaya sila. Isang malamig na
araw, nagyelo ang mga daan sa bayan. At nadulas ang anak na babae ng hepe ng mga pulis sa nagyeyelong kalsada at nabagok
ang ulo. Nakita ni Yong-gu ang aksidente at sinubukang tulungan ang bata. Sa kasamaang palad, namatay ang batang babae at
inakusahan siya ng kasong pagpatay, at dahil sa pagkakaroon ng kapansanan hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili. Hindi
naglaon nakulong si Yong-gu at sinentensyahan ng parusang kamatayan, at sa ika-pitong selda siya nailagay kung saan
minamaltrato siya ng kanyang mga kasamahan dahil nalaman nila na ang kaso niya ay may kinalaman sa pagpatay sa isang
bata. Ngunit sa paglipas ng panahon nalaman ng kanyang mga kasamahan na hindi nya magagawa ang ganung krimen dahil
nga siya ay may kapansanan. Noong bumisita si Yesung sa bilangguan upang magtanghal bilang mang-aawit, itinakas siya ng
mga kasamahan ng kanyang ama upang makapiling niyang muli ang ama. Ang mga naging kaibigan ni Yong-gu ang tumulong sa
kanya sa nalalapit na huling paglilitis sa korte. At nang sumapit ang araw ng paglilitis pinuntahan ng hepe si Yong-gu at tinakot
na papatayin din niya si Ye-sung kung hindi aakuin ni Yong-gu ang kasalanan. Walang nagawa si Yong-gu kundi akuin ang mga
ibinibintang sa kanya. Kahit na may pagkukulang sa isip, alam nyang kayang saktan ng Hepe ang kanyang mahal na anak.
Nasayang ang lahat ng paghahansa nila dahil na sentinsyahan parin si Yong gu ng parusang kamatayan. Sa kabila nito, naging
masaya parin ang pagsasama ng mag-ama. Nuong nahatulan na siya ng kamatayan naging kahabag-habag ang mga pangyayari.
Ang pelikulang ito ay may pinaghalong malungkot at masayang katapusan, lumaki si Yesung at naging isang abogado na siyang
nakapaglinis ng pangalan ng kanyang ama.
Bionote
• Ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ang
pananaw ng ikatlong tao na kadalasang inilalakip sa kaniyang mga
naisulat. Ito rin ay isang nakapagtuturong talata na nagpapahayag ng
mga katangian ng manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang
propesyonal.
• Sinusulat ito para malaman ng mga mambabasa ng karakter at
kredibilidad sa larangang kinabibilangan, ito rin ay isang daan para
maipakilala ng manunulat ang kanyang sarili sa mga nagbabasa.
Mga Bahagi Nito

• Personal na impormasyon – mga pinagmulan, ang edad, ang buhay


kabataan hanggang sa kasalukuyan
• Kaligirang pang-edukasyon – ang paaralan, ang digri at karangalan
• Ambag sa larangang kinabibilangan – ang kanyang kontribusyon at
adbokasiya
Bionote
BRIGITTE GERMAINE T. GORON Siya ay pinanganak noong Abril 10, 2002,
pangalawa sa anim na anak nina Ginoong Julius L. Goron at Ginang Brigieda T.
Goron. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng General Academic Strand (GAS) sa
akademik track ng senyor hayskul sa Liloan National Highschool ext. Don Bosco
Campus. Siya ay nasa ikalabing-dalawang baitang at kasalukuyang presidente sa
kaniyang klase sa pinapasukang paaralan. Hilig niya ang magsulat ng mga tula. Hilig
din niyang sumayaw at makilahok sa iba't ibang sports activities. Katunayan, siya
ay kabilang sa Lilies of the Altar (LOA) isang Sym group ng paaralan at kabilang din
Futsal Team ng paaralan. Madalas siyang sumasali sa mga aktibidad na
extracurricular sa paaralan at sports tournament sa dibisyon at provincial. Balang
araw, gusto niyang maging isang matagumpay na abogada. Ninanais niya ding
libutin ang mundo kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Ang makapag-aral sa
Unibersidad at makapagtapos ng may natutunan ang isa sa kanyang mga mithiin.

You might also like