You are on page 1of 3

Mga layunin:

 Maipaliwanag ang kaibahan ng malikhain at mapanuring sulatin


 Maipaliwanag ang kaibahan ng akademiko at di-akademikong teksto
 Matukoy ang mga uri ng teksto ayon sa katangian nito

MAPANURI (AKADEMIKONG TEKSTO) AT MALIKHAING (DI-AKADEMIKONG TEKSTO)


SULATIN

Ito ay ginamitan ng mapanuring pag- Ito ay nagpapakita ng paggamit ng


iisip. Nagtataglay ito ng mga malikhaing pag-iisip. Ginamitan ito ng
mapagkakatiwalaang impormasyon at detalye malawak na imahinasyon.

Ang mapanuri at malikhaing pag-iisip ay maaaring pagsabayin. Ang dalawang larawang


ito ay produkto ng mapanuri at malikhaing pag-iisip. Nagkakaiba lamang dalawang ito sa
paraan ng paglahad at layunin. Ang isa ay naglalahad gamit ang mga salita at ang isa nama’y
naglalahad gamit ang mga larawan.

Bakit tinawag na panitikan ang panitikan?


Ang salitang ugat ng panitikan ay tiitk. Ayon kay W J Long, ang panitikan ay ang lahat
ng nakasulat, mapa-akademiko o panitikan pa ito. Ang nilalaman ng panitikan ay ukol sa mga
pangyayari at pamumuhay sa ating bansa. Ito ay nakabase sa damdamin at karanasan ng
sumulat. Taglay nito ang mga hangarin ng tao. Ibinibigay nila dito ang kanilang saloobin.

Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas


Kumpara sa panitikan ng iba pang mga bansa sa Asya o sa buong mundo, ang
panitikan ng Pilipinas ay bata pa. Ang ating bansa ay nasakop muna ng bansang Espanya. Ang
mga tumatak lamang sa ating manunulat ay ang mga naturo sa atin, gaya nina Balagtas at
Rizal. Noong nasakop tayo ng mga Hapon, nagsulputan ang mga manunulat. Nagkaroon ng
Golden Era ang panitikan ng ating bansa. Pumayag ang Hapon na sumulat gamit ang sarili
nating wika. Hindi gaya nina Balagtas at Rizal, na gumamit ng Espanyol sa pagsulat ng
kanilang mga akda. Nagpatayo ang mga Hapon ng mga paaralang layunin ang makapagturo at
magamit ang ating sariling wika at maging ikalawang wika ang Nihongo.
Sa lahat ng nanakop sa ating bansa, sa isang mananakop lamang ang kapabor-pabor.
Kahit na hindi naging maganda ang karanasan ng ilan sa maikling panahon, hindi
mapagkakailang sila lamang tumulong sa atin pagdating sa paggamit ng ating sariling wika.
Pagdating ng mga Amerikano, inalis nila ang mga paaralan mula sa Hapon at pinalitan ng mga
paaralang magtuturo ng Ingles. Kabilang dito ang UP at PNU. Hindi sang-ayon si Rogelio
Ordoñez na tawaging Unibersidad ng Pilipinas. Mas sang-ayon siya sa pagtawag sa
Polytechnic University of the Philippines bilang Unibersidad ng Pilipinas. Noong hindi
naipapatupad ang free tuition fee, 500 pesos per unit sa UP, samantalang 2 pesos per unit
lamang sa PUP. Ang PUP daw ang unibersidad ng Pilipinas dahil ito ay pangmasa kumpara sa
UP. Mabuti na lang ngayon ay naipatupad na ang libreng pag-aaral sa mga pampublikong
college at state universities.

KAHULUGAN
- tumutugon o tumutumbas sa isang bagay
- unibersal na paglalarawan sa isang bagay
- napag-aralan ng mga eksperto sa wika
- salitang ugat: hulog – parang trumpo na may tali sa ulo na ginagamit sa pagpapantay ng
pader at poste – inilalagay sa pader yung tali upang malaman kung pantay ang pader
- wala sa hulog – wala sa nilalaman o konteksto ng pinag-uusapan

KATUTURAN
- iba’t ibang pagtingin depende sa taong nagbibigay ng pahayag
- salitang ugat: turan – sinabi

Lapis
 Kahulugan – Ang lapis ay isang uri ng kagamitang panulat na gingagamit madalas ng
mag-aaral maging ng mga nagttrabaho
Napag-aralan ng mga eksperto sa wika kaya’t napagkasunduang na lapis ang
itawag dito.
 Katuturan –
Ang lapis, alam ko panulat, pero ang iba, ginagawa itong lollipop dahil ito ay
sinusubo at nginangatngat.
Wika
 Kahulugan - makikita sa diksyonaryo
 Katuturan – Ayon kay Henry Allan Gleason, ang wika ay isang arbitraryo –
napagkasunduan
Ito ay pananaw lamang niya .

Ang natutunan ay mali. Ang tama ay natutuhan. Ang salitang natutunan ay naririnig kahit
saan. Nagkaroon ng kasunduang tama ang salitang ito. Ang salitang ugat nito ay tuto. Walang
panlaping -nan. Paano nagkataong nagkaroon ng salitang natutunan? Mayroon tayong
panlaping -an. Kung ang salitang tuto ay isulat sa tunog, magiging tutoh. Kapag sinabi ang tuto,
mayroong hangin sa dulo.

AKADEMIKO VS, DI-AKADEMIKO


Ang mga akademikong sulatin ay obhetibo o naglalaman ng mga paktwal na mga salita
at mga ebidensyang nagpapatunay sa mga nais ilahad. Ang di-akademikong sulatin tulad ng
panitikan ay subhetibo o nakatuon sa damdamin at emosyon. Ginagamit sa dalawang ito ang
pagkakaroon ng mapanuri at malikhaing pag-iisip.
Di-akademiko – Subhetibo – gumagamit ng una at pangalawang panauhan
Akademiko – Obhetibo – gumagamit ng pangatlong panauhan
Nagkakaiba ang dalawang ito sa layunin, kung ito ba ay subhetibo o obhetibo at sa
nilalaman nito, at sa katangian nito. Halimbawa, sa impormatibong teksto, ang layunin nito ay
magbigay kaalaman at ang katangian naman nito ay naglalaman ng simula, gitna, at wakas,
naglalaman ng mga impormasyon at patunay. Sa tula, ang katangian nito ay maaaring
magkaroon ng sukat at tugma at maaaring malaya.
Sa pasusuri ng teksto, hindi lamang ang pisikal na kaayusan ang titignan, maging ang
nilalaman nito. Aalamin kung ang nilalaman ba nito ay sumasang-ayon o tumutugon sa
katangiang dapat taglay ng nasabing teksto. Hindi pwedeng sabihing tula ang isang sanysay
dahil malayo ito sa isa’t isa. Hindi lahat ay pinagpalang gumawa ng tula. Ang iba ay kapag
nagsulat ng tula, akala nila ay tula na ito, Ngunit kapag binasa, para lamang itong pangungusap
na hinati hati.

You might also like