You are on page 1of 4

https://www.scribd.

com/doc/14280857/JUICE-FROM-A-
FLOWER-An-Investigatory-Science-Project

Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay maiiksing salaysay sa isang mahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng ilang
mga tauhan. Nilalahad ng maikling kwento ang isang momento o kaganapan sa buhay ng pangunahing
tauhan nito. Isa itong anyo ng masining na panitikan katulad ng nobela at dula. Si Deogracias A. Rosario
ang siyang itinuring na "Ama ng Maikling Kwento".

Mga Elemento ng Maikling Kwento

Tauhan

Tagpuan at Panahon

Saglit na Kasiglahan

Suliranin o Tunggalian

Kasukdulan

Kakalasan

Wakas

TAUHAN

Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. Nakasentro sa pangunahing tauhan ang kwento at
may kasamang mga pantulong na tauhan.

TAGPUAN/PANAHON

Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang panahon at lugar para maging totoo sa kanya ang
kwentong binabasa.
SAGLIT NA KASIGLAHAN

Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng
mga tauhan

SULIRANIN O TUNGGALIAN

Ito ay paglalabanan ng pangunahing tauhan at ng mga kalaban niya o mga kontrabida sa kwento. Ang
tunggalian ay maaaring tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao laban sa tao.

KASUKDULAN

Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

KAKALASAN

Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.

WAKAS

Ang wakas ng isang kwento ay nakadepende sa tagumpay o kabiguan ng tauhan. Isang trahedya ang
wakas kapag ang tauhan ay nauwi sa pagkabigo at pagkamatay. Isang kasiya-siyang pagtatapos naman
para sa tagumpay ng panngunahing tauhan.
Ang maikling kwento ay tinawag ding daglit noong panahon ng mga Amerikano ngunit may pagkakaiba
ang daglit at maikling kwento.

Si Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915 – 21 Marso 2009) ay isang bantog na kuwentistang Pilipino.
Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at
mga asignaturang pang-edukasyon.

Genoveva Edroza-Matute

Kapanganakan

3 Enero 1915

Kamatayan

21 Marso 2009 (edad 94)

Trabaho

Manunulat
Nasyonalidad

Filipino

Henero

Maikling kuwento

(Mga) asawa

Epifanio G Matute

Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang
Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas)
noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining
(Panitikan) noong Pebrero 1992

Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng
kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong
nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong
1961.

Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig
ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa
Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991–1992, ng U.P.
Press.

Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.[1

You might also like