You are on page 1of 4

CLARICE ANGELS SCHOOL INC.

ESP 4
ST
1 MID-QUARTER EXAM

I. Basahing mabuti at piliin ang pinakawastong gawain sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Mali ang kuwenta ng tindera sa kantina sa iyong mga binili kaya kulang ang naibayad mo.

a. Ibibigay mo ang tamang bayad nang hindi sinasabi sa kanya.

b. Ipauulit mo ang kuwenta sa tinder at ibibigay ang tamang bayad.

c. babayaran mo ang halagang kaniyang nakuwenta.

d. Bibili ka ulit ng halagang kulang sa iyong ibinayad.

2. Naatasan kang magbigay ng marka sa proyekto ng iyong kamag-aral.

a. Gagamitin mo ang batayang ibinigay ng inyong guro sa pagmamarka.

b. Tataasan mo ang ibibigay na marka para mataas din ang ibigay na marka sa iyo ng iyong kamag-aral.

c. Ibabatay mo ang kaniyang marka kung gaano siya kalapit na kaibigan sa iyo.

d. Gagayahin mo ang marking ibibigay niya sa iyo o sa iba.

3. Nagastos mo ang perang pambili ng mga gamit para sa iyong proyekto.

a. Ipaliliwanag mo sa iyong magulang ang tunay na nangyari.

b. Hihingi kang muli ng perang pambili at magdadahilan na nawala moa ng perang ibinigay sa iyo.

c. Padaragdagan moa ng pera sa iyong magulang at sasabihing kulang ang perang ibinigay niya.

d. Hihiram ka sa iba ng pera para punan ang nagastos mo.

4. Nais makita ng iyong mga magulang ang iyong marka sa pagsusulit. Mababa ang iyong nakuhang
marka.

a. Ipakikita mo pa rin ang marka sa iyong mga magulang.

b. Sasabihin mong pasado ka ngunit hindi mo ipakikita ang nakuha.

c. Papalitan moa ng iyong marka.

d. Sasabihin mong hindi natuloy ang inyong pagsusulit.

5. Hindi ka tinuungan ng iyong kapareha sa paggawa ng proyekto ngunit sinabi niya sa guro na dalawa
kayong gumawa nito.

a. Isusumbong mo siya sa guro.

b. Susulatan moa ng guro at sasabihin ang totoo ngunit hindi ka magpapakilala.


c. Kakausapin mo siya para sabihin niya ang totoo sa guro.

d. Tatahimik ka na lang at walang gagawin.

6. Bumaba ang iyong marka sa ESP kaya kinausap ka ng iyong guro ukol dito. Batid mong ikaw ay hindi
nakakapag-aral nang maayos. Pinatawag ang iyong magulang sa paaralan.

a. Itatago sa magulang ang problema mo.

b. Sasabihin sa magulang na nag-aaral kang mabuti at matatas ang iyong mga marka.

c. Aaminin sa magulang na hindi ka nakakapag-aral nang maayos at pinapatawag siya sa inyong


paaralan.

d. Aaminin sa magulang na hindi ka nakakapag-aral nang maayos ngunit sasabihin pa ring matataas ang
iyong marka.

7. Nagkaroon ng baha sa inyong pamayanan. Lahat ng mga naipundar na gamit ng iyong mga magulang
ay tuluyang naglaho. Ano ang gagawin mo?

a. Magmumukmok ako sa gilid at sisisihin ko ang aking sarili sa mga pangyayari.

b. Sisisihin ko ang aking mga magulang dahil hindi sila naging handa sa pagdating ng baha.

c. Hindi na lamang ako magsasalita at hahayaan ko na lamang ang mga pangyayari.

d. Kinakailangang magkaroon ng positibong pag-iisip upang sa ganun ay malampasan ang problema.

8. Hindi ka kinakausap ng iyong kaibigan dahil sa hindi pagkakaintindihan. Ano ang gagawin mo?

a. Maging padalos-dalos sa pagdedesisyon at huwag kausapin ang kaibigan.

b. Kausapin ang iyong kaibigan nang masinsinan upang maayoos ang problema ninyong dalawa.

c. Lumipat ng paaralan upang hindi kayo magkita ng iyong kaibigan

d. Humanap ng mga bagong kaibigan upang kahit na hindi ka niya kausapin ay okay lang.

9. Hindi ka nakagawa ng iyong takdang aralin dahil nakalimutan mo ito sa dami ng trabaho na ginawa
mo sa inyong bahay. Nagalit ang inyong guro, ano ang gagawin mo?

a. Itago na lamang ito sa iyong guro upang hindi ka din pagalitan.

b. Kumopya ng takdang aralin sa iyong kaklase upang hindi mapagalitan.

c. Harapin ang kasalanan at ipaliwanag sa guro kung bakit hindi ka nakagawa ng iyong takdang aralin.

d. Harapin ang guro, pakinggan ang kanyang sasabihin at ipagsawalang-bahala lamang ang kanyang galit.

10. Napag-alaman mong nagsinungaling ang iyong kapatid sa iyo at itinago pala niya ang matagal mo
nang hinahanap na laruan.

a. Magkunwari na hindi mo alam. Kunin mo ito at itago mo din upang makabawi ka.

b. Tawagin mo ang iyong kapatid. Kausapin mo siya at ipaliwanag mo na mali ang kanyang ginawa.
c. Hindi mo iimikin ang iyong kapatid at huwag siyang kausapin

d. Isumbong sa mga magulang upang mapagalitan ang iyong kapatid.

II. Isulat ang KNL sa patlang kung ang mga gawain ay nagpapahayag ng katatagan ng loob at ekis (X)
naman kung hindi.

11. Ipagsawalang-bahala lamang ang problema.

12. Talikuran ang problema at palaging magsaya.

13. Nananalangin sa palagi sa Panginoon.

14. Nagagalit agad sa tao kung may nagawang mali.

15. Mahinahong nakikipag-usap sa taong nakasamaan ng loob.

III. Isulat ang sa patlang ang S kung sang-ayon ka sa pahayag at HS naman kung hindi.

16. Nagmamadali niyang tinapos ang kanyang takdang-aralin kahit na mali ang sagot dito.

17. Nakikinig nang mabuti sa iyong guro habang tinatalakay ang paksa sa inyong aralin.

18. Isinasaalang-alang ang kabutihan ng nakararami sa paggawa ng desisiyon sa pamilya o sa


pangkat.

19. Kinakailangang pag-isipang mabuti ang pagdedesisyon upang hindi magkamali.

20. Sinusuring mabuti ang mga detalye ng pangyayari bago humusga.

IV. Piliin sa Hanay B ang salitang binibigyang larawan sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

21. Hindi iniinda ang init ng araw upang matapos ang gawain a. Katatagan ng Loob

22. Tinatapos ang takdang-aralin kahit pagod na b. Pagkamatiyaga

23. Nagsasabi ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon c. Pagkamatiisin

24. Idinadaan sa magandang usapan ang mga problema d. Pagkamahinahon

25. Hindi agad naniniwala sa mga sabi-sabi e. Pagiging totoo

f. Mapanuri

V. Sanaysay. Sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap, sagutin ang tanong.(5pts)

26-30. Si Rey ay nagpakita ng katatagan ng loob sa kuwentong “Dahil sa Tiyaga…Natapos Din!”, sa


totoong buhay, paano mo maipapakita ang iyong katatagan ng loob sa kabila ng mga pagsubok na
kinahaharap mo sa kasalukuyan?
Rubrics:

5- Malinaw na naipapaliwanag ang ideya, may tamang organisasyon ang mga ito, nakapagsulat ng isang
maayos na saloobin, walang mali sa gramatika at naipaliwanag sa loob ng tatlo hanggang limang
pangungusap ang sagot.

4- Malinaw na naipapaliwanag ang ideya, may tamang organisasyon ang mga ito, walang mali sa
gramatika at naipaliwanag sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap ngunit hindi naisulat ng
maayos na saloobin.

3- Malinaw na naipapaliwanag ang ideya, may tamang organisasyon ang mga ito, naipaliwanag sa loob
ng tatlo hanggang limang pangungusap, may kaunting pagkakamali sa gramatika at hindi naisulat ng
maayos na saloobin.

2- Malinaw na naipapaliwanag ang ideya, may tamang organisasyon ang mga ito, hindi naipaliwanag sa
loob ng tatlo hanggang limang pangungusap, may kaunting pagkakamali sa gramatika at hindi naisulat
ng maayos na saloobin.

1- Hindi malinaw na naipaliwanag ang ideya, walang organisasyon ang mga ito, hindi naipaliwanag sa
loob ng tatlo hanggang limang pangungusap, may kaunting pagkakamali sa gramatika at hindi naisulat
ng maayos ang saloobin.

You might also like