You are on page 1of 6

Ang Rehiyon V o Bikolandia ay isa sa mga rehiyong

matatagpuan sa peninsula o tangway ng Bikol. Tangway o


peninsula ang tawag sa isang anyong-lupang may
bahaging nakaungos at napapaligiran ng tubig. Ito ay
binubuo ng anim na lalawigang nasa pinakatimog ng
Luzon. Ang mga lupain sa Rehiyon V ay bako-bako,
makikitid, at napaliligiran ng tubig. Sa silangan ay
makikita ang Karagatang Pasipiko, Dagat Sibuyan sa
kanluran, Dagat Visayas sa timog, at lalawigan ng Quezon
sa hilaga.
Maraming look, magagandang pangisdaan, at angkop na
daungan ang rehiyon. Ilan sa mga ito ay ang Dagat
Sibuyan at ang Dagat Lagusan. May mga lawa, ilog,
bukal, at mga talon ding makikita rito gaya ng lawa ng
Buhi at Bato na nasa Camarines Sur at Donsol ng Sorsogon;
bukal ng Tiwi sa Albay; at mga talong makikita sa
Bugsukan, Malabsay, Busay at Manuat.
MAKIKITA ANG MALAWAK NA KAPATAGAN NG REHIYON
SA CAMARINES SUR,SORSOGON,AT ALBAY.MAKIKITA RIN
DITO ANG BUNDOK ISAROG AT CAMARINES AT ANG
BUNDOK BULUSAN SA SORSOGON.NGUNIT ANG
PINAKATANYAG NA TANAWIN SA LUGAR NA ITO AY ANG
BULKANG MAYON NA ITINUTURING NA ISA SA
PINAKAAKTIBONG BULKAN SA PILIPINAS.ANG BULKANG
ITO NA MAY PERPEKTONG KONO AY SINASABING
PUMUPUTOK TUWING SAMPUNG TAON.

You might also like