You are on page 1of 1

Aking mga Huwarang Guro

Ni Karl Andrei L. Ordinario


(Calein – Umaasa)

Paggising sa umaga,
Diwa’y inaantok pa
Ngunit tayo’y papasok na
Papasok na sa eskwela

Simula pagkabata hanggang sa pagtanda


Kayo ay tumayong pangalawang ama o ina
Nariyan para gumabay at mag-aruga,
Pasasalamat lamang ay nararapat itakda.

Kayo'y laging kaalalay,


Nagbibigay kulay sa aking buhay,
Sya ring karamay sa kabiguan at lumbay
Ikaw na nga guro,susi sa aming tagumpay.

Kaya’t ako ay nagpapasalamat sa inyo


Mga minamahal at ginigiliw na guro ko
Walang pag-aalinlangang ipapakita ko
Ikaw aking guro bayani ng buhay ko

You might also like