You are on page 1of 1

ANG TULAY NG KINABUKASAN

May isang matandang patungong kanluran


mata’y nakatitig sa lubugang araw,
habang nalalapit sa patutunguhan
ang galak sa puso ay nag-uumapaw.

Sa kanyang paglakad ay kanyang narating


ang dulo ng landas na may isang sagwil,
ito’y isang ilog na dapat tawirin
upang sa paglakad ay huwag dilimin.

Ang agos ng ilog ay humahagibis


subalit sa kanya yao’y di panganib,
sa kabilang pampang nang siya’y sumapit,
gumawa ng tulay ang kanyang naiisip.

Ang tulay na kahoynang mayayari na,


may isang lalaking nagtanong sa kanya,
“Ang tulay na ito’y bakit ginawa pa,
sa gulang mo ngayo’y babalik ka pa ba?”

Matanda’y s sumulyap sa pinanggalingan


at kanyang namalas ang pinagdaanan
na pakikibaka sa dawag ng buhay
at saka tumugong walang alinlangan.

“Ang tulay na ito’y di para sa akin


Pagka’t pakanluran ang aking landasin,
ang sinalunga kong bundok ng tiisin
ay hindi ko nasang kanilang danasin.

Ang magsisisunod nating kabataan


Magdaraan dito sa kinabukasan,
Ang tulay na ito’y pakikinabangan
sa pagtawid nila sa ilog ng buhay.”

You might also like