You are on page 1of 2

PANGALAN: Jessly Myrrh C.

Cambarihan STEM 11C - OBSIDIAN

Subject Code: CORE 02 Subject Title: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino
Module No: 13 Topic: Sitwasyong pangwika sa social media at

internet

Teacher: JIMENEZ, KENNETH NINO

IV. AKTIBITIS (WE’RE ON OUR WAY)

Exercise No.

Panuto: Buksan ang link na nasa ibaba makinig nang mabuti sa isang panibagong balita na inilahad ng
Isang reporter. Pagkatapos, isulat ang iyong sariling pananaw o opinyon ukol. Sa balitang Philippine Sea
https://www.youtube.com/watch?v=94QybMKzsqE

•Base sa ulat ng taga-ulat na si Jeffrey Hernaez mula sa ABS-CBN News patungkol sa nakitang mga barko
na pinaghihinalaang mula sa China(impormasyon mula sa satellite images ng Simularity),sang-ayon ako
sa sinabi ng Senadorang si Risa Hontiveros at ng PH FISHERFOLK GROUP “PAMALAKAYA” na dapat ay
mas paigtingin ng gobyerno ang paggawa ng aksyon tungkol sa pagpapaalis ng mga barko ng China sa
teritoryo ng Pilipinas. Ayon pa sa isang Security Analyst na si Prof. Renato de Castro mula sa De la Salle
University, ang pagkakaroon ng karagdagang mga barko ng China sa West Philippine Sea ay nagpapakita
ng kahinaan ng Pilipinas dahil sa kakulangan ng seguridad sa maritime forces, navy, at Coast Guard ng
Pilipinas dahilan na nakapasok ang mga barkong ito at nagbigay oportunidad at kompiyansa sa China sa
pag-agaw ng teritoryo ng Pilipinas. Para sa akin, pinakamabisang paraan at solusyon sa isyung ito ay ang
diplomatikong negosasyon at hindi paggamit ng puwersa ,at pagdaragdag ng pondo para sa mga Coast
Guard at Navy para sa pagpapaigting ng seguridad. Ang pagsusulong sa karapatan ng Pilipinas sa West
Philippine Sea ay hindi lamang ito ay mapagkukunan ng pagkain at ibang likas na yaman, ito din ay parte
ng pamanang kultural at pagkakakilanlan ng Pilipinas. Tayong mga Pilipino ay dapat magtulungan sa
pagsulong sa ating mga karapatan at sa ating seguridad sa mga bagay na ayon sa batas ay sa atin. Ang
ating pagtutulungan at determinasyon na ipaglaban ang sa atin at hindi pagsuko ang magdadala sa atin
sa tagumpay na malampasan ang hamong ito na kinakaharap ng Pilipinas at maprptektahan ang dapat
na sa atin.
IV. PAGSUSULIT (HOW FAR HAVE WE GONE?)

Panuto: Batay sa napanood at nabasang pahayag sa balita,ipaliwanag ang bawat sumsunod na pahayag
(5pts)

1. Bakit magkaiba ang South China Sea at West Philippine Sea?

•Magkaiba ang South China Sea at West Philippine Sea dahil ang South China Sea ay
tumutukoy sa karagatang pinagtatalunan ng China at iba pang bansa sa Timog-Silangang
Silangang Asya (Vietnam, Malaysia, Brunei, Indonesia at Taiwan), samantalang ang West
Philippines Sea naman ay tumutukoy sa karagatang pinagtatalunan ng China at Pilipinas.
Kabilang dito ang territorial sea, exclusive economic zone at extended continental shelf ng
Pilipinas.

2.Totoo ba na South China Sea naman ang dapat gamitin kapag patungkol sa karagatang pinagtatalunan
ng Tsina at iba pang bansa sa Timog-Silangang Asya? Patunayan.

• Oo, totoo na South China Sea ang magiging tawag sa karagatang pinagtatalunan ng China at
iba pang bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil hindi na ito sakop ng hurisdiksiyon ng Pilipinas.
Hindi naman inaangkin ng ibang bansa sa Timog-Silangang Asya ang karagatang nasa hurisdiksiyon ng
Pilipinas maliban nalang sa bansang China.

You might also like