You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel
(Gumamit ng MALAKING TITIK)

1. Ano ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?


A. 1°32’ at 15°21’ hilagang latitud at 131°00 at 151°10 silangang longhitud
B. 2°43’ at 25°31’ hilagang latitud at 161°00 at 172°12 silangang longhitud
C. 3°23’ at 20°29’ hilagang latitud at 121°14 at 148°25 silangang longhitud
D. 4°23’ at 21°25’ hilagang latitud at 116°00 at 127°00 silangang longhitud
2. Bakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?
A. Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
B. Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.
C. Ito ay napapaligiran ng mga mayayamang bansa.
D. Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng anyong tubig.
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng kasaysayan ng bansa?
A. nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa
B. napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutubo
C. naging tanyag ang Pilipinas sa lahat ng mga karatig bansa nito
D. nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong lugar sa Pilipinas
4. Bakit ang Pilipinas ang naging sentro ng pamamahagi ng iba’t ibang produkto mula sa Timog-Silangang Asya?
A. dahil mayaman ito sa hilaw na materyal
B. dahil dito matatagpuan ang maraming likas na yaman
C. dahil nasa gitna ito ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya
D. dahil daanan ito ng mga sasakyang pandagat buhat sa maraming panig ng mundo
5. Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana na iniwan nila sa Pilipinas?
A. edukasyon C. relihiyon
B. ekonomiya D. sandatahang lakas
6. Bilang isang Pilipino, bakit mahalagang pag-aralan ang lokasyon ng isang bansa?
A. upang malaman kung paano makapupunta rito
B. upang malaman ang hangganan at lawak ng teritoryo nito
C. upang malaman ang magagandang lugar na matatagpuan dito
D. upang malaman ang kaugnayan kung paano nahubog ang ating kasaysayan
7. Sa iyong palagay, alin sa sumusunod ang pinakamagandang epekto ng lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng ating kasaysayan?
A. pagkatatag ng emperyo ng Hapones sa buong Asya
B. nagbigay-daan sa pagdating ng mga Espanyol sa bansa
C. pagpapatayo ng Amerikano ng mga pangkaligtasang base militar
D. naging sentro ng pamamahagi ng iba’t ibang produkto mula sa Timog-Silangang Asya
8. Anong teorya ang nagsasabi na nagmula ang Pilipinas sa malalaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay ilang
daang milyong taon na ang nakalipas?
A. Tectonic Plane Theory C. Land Bridges o Tulay na Lupa Theory
B. Continental Drift Theory D. Pacific Theory o Teorya ng Bulkanism
9. Saang aklat sa bibliya nakasaad ang kasaysayan ng paglalang ng Diyos sa sandaigdigan at sa mga tao sa buong kalupaan?
A. Deuteronomio C. Genesis
B. Exodus D. Leviticus
10. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay magpaliwanag ng sagisag ng
mahahalagang balangkas ng buhay?
A. mitolohiya C. sitwasyon
B. relihiyon D. teorya

PANTUBIG ELEMENTARY SCHOOL


School Address: Pantubig, San Rafael, Bulacan EDDIS III
Email Address: 105123@deped.gov.ph SAN RAFAEL EAST DISTRICT
(044) 913 2824 DepEd Tayo - Pantubig Elementary School 105123
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

11. Ayon sa teoryang Continental Drift, paano nabuo ang kalupaan sa daigdig, kasama na ang Pilipinas?
A. nabuo bunga ng pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan at natabunan ang mga tulay na lupa
B. nabuo bunsod ng mga pagtambak ng volcanic materials mula sa pagsabog ng bulkan sa ilalim ng karagatan
C. nabuo mula sa malaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay ilang daang milyong taon na ang nakalilipas
D. nabuo mula sa pagkakatunaw ng yelo sa malalaking bahagi ng mga kontinente, dahilan upang mapahiwalay ang Pilipinas
sa iba pang bahagi ng Asya.
12. Kung iyong susuriin, alin ang higit mong paniniwalaan sa pinagmulan ng Pilipinas?
A. batay sa teorya C. batay sa sabi-sabi
B. batay sa relihiyon D. batay sa mitolohiya
13. Makatwiran ba na buhayin pa rin ang mga kuwentong alamat o kung tawagin ay mito na pinagmulan ng Pilipinas kahit
na ito ay hindi totoo?
A. opo, dahil ito ay parte na ating kasaysayan
B opo, upang pagyamanin ang ating kultura at panitikan
C. opo, upang may paglibangan ang ating mga kabataan
D. opo, upang lumawak ang ating kaalaman sa pinagmulan ng Pilipinas
14. Masasabi mo ba na ang isang teorya ay “tanggap” na katotohanan?
A. hindi po, sapagkat hindi pa ito napapatunayan
B. hindi po, sapagkat nananatiling teorya lamang ang isang paliwanag o konsepto hangga’t hindi pa ito natatangap bilang totoo
C. opo, hangga’t wala pang bagong pag-aaral na papalit o sasalungat dito
D. opo, dahil ang teorya ay pinag-aralan ng mga siyentipiko at mga eksperto
15. Bilang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang bansang Pilipinas?
A. Lilinangin ko ang mga likas na yaman nito.
B. Ipagmamalaki ko ito sa ibang bansa o ibang lahi.
C. Ipagtatanggol ko ito sa gustong sumakop dito.
D. Akin itong mamahalin, iingatan at pagyayamanin.
16. Anong teorya ang ipinakilala ni Wilheim Solheim II na nagsasabing nagmula sa katimugang bahagi ng Pilipinas ang ating
mga ninuno?
A. Teoryang Bigbang C. Teoryang Galactic
B. Teoryang Ebolusyon D. Teoryang Nusantao
17. Bakit sinabi ng Pilipinong antropologong si Felipe Landa Jocano na nagmula sa iisang pangkat lamang ang lahing
pinagmulan ng mga tao sa Timog-Silangang Asya?
A. May tulay na lupang dinaanan ang mga taong ito at kumalat sa iba’t ibang bahagi ng Asya.
B. Magkapareho ng tanim at ng alagang hayop ang mga taga Timog- silangang Asya.
C. Magkatulad ang labi ng Tabon Man at ng iba pang natagpuang labi sa iba’t ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya.
D. Mahilig ang mga Pilipinong tumangkilik ng mga produktong Koreano gaya ng iba pang nakatira sa Timog-Silangang Asya.
18. Ano ang dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesyano?
A. upang manakop C. upang makipagkalakalan
B. upang makipagkaibigan D. upang magpakilala ng relihiyon
19. Ano sa palagay mo ang teoryang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas ang mas pinaniniwalaan sa
kasalukuyan?
A. Teoryang Austronesyano C. Teorya ng Sinaunang Tao
B. Teorya ng Core Population D. Teorya ng Wave Migration
20. Bakit sinasabi na ang mga Austronesyano ang ninuno ng mga Pilipino?
A. dahil magkahawig ang kanilang pananamit at ugali
B. dahil sa pagkakahawig ng mga kultura at wika ng mga ito sa Pilipino
C. dahil katulad ng kanilang gamit ang nahukay na kasangkapang bato sa Pilipinas
D. dahil sa pagkakatulad ng mga pisikal na katangian ng tao sa Timog -Silangang Asya
21. Para sa iyo, alin ang mas kapani-paniwala, ang alamat ni Malakas at maganda o ang paglikha kay Adan at Eva?
A. ang paglikha kay Eva at Adan dahil matagal ko na itong naririnig
B. ang paglikha kay Eva at Adan dahil hango ito sa bibliya sa aklat ng Genesis
C. ang Alamat ni Malakas at Maganda dahil ito ang pinaniniwalang pinagmulan ng lahing Pilipino
D. ang Alamat ni Malakas at Maganda dahil ito ang pinaka kilalang alamat tungkol sa pag-usbong ng lahing Pilipino.

PANTUBIG ELEMENTARY SCHOOL


School Address: Pantubig, San Rafael, Bulacan EDDIS III
Email Address: 105123@deped.gov.ph SAN RAFAEL EAST DISTRICT
(044) 913 2824 DepEd Tayo - Pantubig Elementary School 105123
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

22. Ano ang magpapatunay na ang mga Austronesyano ay kilalang mga bihasa sa paglalayag at pandaragat?
A. dahil sa bilis ng kanilang paglalakbay gamit ang mga bangkang malalaki
B. dahil sa imbensyong balsa na unang ginamit upang makapagdala ng mga produkto o kalakal
C. dahil sa imbensiyon ng bangkang may katig na nagpakilala sa mga kakayahan sa sopistikadong paglalayag
D. dahil sa galing ng mga ito sa paglalayag at pandaragat kaya’t nakararating sila sa iba’t ibang panig ng mundo
23. Sa iyong palagay, ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kaniyang teorya?
A. ang pagkakatulad ng klima sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
B. ang pagkakatulad ng pamahiin sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
C. ang pagkakatulad ng kulay ng balat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
D. ang pagkakatulad ng wika, kultura, at pisikal na katangian sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
24. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong magaspang?
A. Panahong Neolitiko C. Maagang Panahon ng Metal
B. Panahong Paleolitiko D. Maunlad na Panahon ng Metal
25. Ano ang naging epekto sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino ang pagkakaroon ng batas sa kanilang barangay na
kinabibilangan?
A. nagkaroon ng hidwaan ang bawat kasapi ng barangay
B. nagkaroon ng kampihan ang bawat kasapi ng barangay
C. nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang bawat pamilya
D. nagkaroon ng katahimikan at kaayusan sa loob at labas ng barangay
26. Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng pre-kolonyal, ano ang tawag sa iyong hanapbuhay kung ikaw ay gumagawa
ng mga bagay mula sa tinunaw na bakal?
A. karpentero C. mason
B. latero D. panday
27. Paano mo mailalarawan ang pamumuhay ng ating mga ninuno bago dumating ang mga dayuhan o tinatawag na pre-kolonyal?
A. Sila ay nanirahan sa mga yungib, at gumamit ng mga tinapyas na bato.
B. Sila ay nakatira sa mga siyudad at gumagamit ng de -makinang kasangkapan.
C. Sila ay nakatira sa mga bahay na bato at gumamit ng makabagong kasangkapan.
D. Sila ay nanirahan sa mga kahoy na bahay at may maunlad na paraan ng paghahanapbuhay.
28. Sa iyong palagay, bakit nilisan ng mga sinaunang tao ang mga yungib?
A. dahil sa kakulangan sa pagkain
B. dahil nais nilang magtayo ng ibang tahanan
C. dahil hindi na sila ligtas sa yungib dahil sa mga babangis na hayop
D. dahil kailangan na nila ng bagong kapaligiran upang mamuhay ng malaya
29. Makatwiran ba na ipambayad sa mga nagawang kasalanan o krimen at manilbihan sa datu ang isang alipin noong
panahon ng pre-kolonyal?
A. hindi po, sapagkat kailangan din nilang maghanapbuhay
B. hindi po, sapagkat bawat tao ay may karapatang maging malaya
C. hindi po, sapagkat bakit sila ang dapat magbayad sa hindi nila kasalanan
D. hindi po, sapagkat hindi naman sila binabayaran kahit sila ay nagsisilbi sa datu
30. Paano mo mapapatunayan na may umiiral nang sistema o kaayusan sa lipunan ng sinaunang Pilipino?
A. mayroon silang maunlad na teknolohiya sa pagsasaka
B. mayroon silang iba’t ibang uri kasangkapan sa paggawa
C. mayroon silang mga naimbentong mga modernong kagamitan sa kusina
D. Mayroon na silang kakayahan sa pakiki-angkop sa kanilang kapaligiran upang matugunan ang kanilang pangangailangan
31. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
A. pagmimina C. pagsasaka
B. pagpapanday D. pangangaso
32. Bakit may kaugnayan ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ng mga tao sa isang lugar?
A. dahil umaasa sa likas na yaman ang mga tao upang mabuhay
B. dahil walang sapat na transportasyon upang ang mga tao ay pumunta pa sa malayong lugar
C. dahil hindi sapat ang kanilang mga kagamitan at kaalaman upanghumanap ng ibang pagkakakitaan
D. dahil hindi sapat ang kanilang kaalaman upang matutuhan ang ibang hanapbuhay na malayo sa kanila

PANTUBIG ELEMENTARY SCHOOL


School Address: Pantubig, San Rafael, Bulacan EDDIS III
Email Address: 105123@deped.gov.ph SAN RAFAEL EAST DISTRICT
(044) 913 2824 DepEd Tayo - Pantubig Elementary School 105123
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
33. Sinasabing ang Pilipinas ay isang bansang insular, ano kaya sa tingin mo ang isa sa mga naging pangunahing
hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino noon?

A. pagmimina C. pagtotroso
B. pagsasaka D. pangingisda
34. Naging mahaba ang kasaysayan ng pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa mga dayuhang mangangalakal noong unang
panahon, ano ang maaaring ipahiwatig nito?
A. nagkaroon ang mga Pilipino ng magandang ugnayan sa kanila bunsod ng pagiging tapat at mapagkakatiwalaan
B. nagkaroon ang mga Pilipino ng kagustuhang magkaroon ng matagalang kita mula sa kalakalan
C. nagkaroon ang mga Pilipino at mga dayuhang mangangalakal ng kasunduan para sa matagalang pakikipagkalakalan
D. nagkaroon ang mga Pilipino ng maraming produksiyon ng pagkain na sasapat sa matagalang pakikipagkalakalan
35. Ang paraan ng pagpili sa isang datu noong unang panahon ay nakabatay sa angking galing sa pamumuno at kahusayan
nito sa pakikidigma, ano ang masasabi mo sa pamamaraang ito?
A. Tama ang pamamaraang ito dahil kailangan na kinatatakutan ang namumuno sa isang barangay.
B. Tama ang pamamaraang ito dahil likas na magulo ang bansa kaya’t nangangailangan ng tagapamagitan.
C. Tama ang pamamaraang ito dahil ang mapipiling datu ay may kakayahang paglingkuran at ipagtanggol ang kaniyang nasasakupan.
D. Tama ang pamamaraang ito dahil kailangan na matapang ang magiging pinuno sa isang barangay upang mapanatili ang
kahusayan nito.
36. Ang kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino ay nakabatay sa uri ng kapaligiran na kinabibilangan ng kanilang panahanan,
anong katangian ang maari mong ibigay sa kanila?

A. pagiging madiskarte at malikhain C. pagiging magalang at mapagmahal


B. pagiging masayahin at palakaibigan D. pagiging mahinahon at mapagbigay
37. Sa iyong palagay, umunlad ba ang ating pamumuhay nang nakipagkalakalan ang mga Pilipino sa mga dayuhang
mangangalakal noong unang panahon?
A. opo, dahil umunlad ang kamalayan ng mga Pilipino sa ibat’ ibang larangan at kasanayan
B. opo, dahil nabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataon na makarating sa iba’t ibang panig ng bansa
C. opo, dahil nakabili ang mga Pilipino ng mga makabagong kagamitan mula sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa
D. opo, dahil dumami ang mga kakilala ng mga Pilipino mula ibang bansa na makakatulong sa pagtatayo ng kanilang negosyo
38. Masasabi mo ba na mayroon ng matatag na pamayanan ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga
Espanyol sa bansa?
A. opo, dahil noong mga panahon na iyon ay may kakayahan na ang mga Pilipino na pamunuan ang kanilang bansa
B. opo, dahil marami ng mga Pilipinong nakapag-aaral sa mga paaralan bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa
C. opo, dahil nakakapaglakbay na sa iba’t ibang bansa ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa
D. opo, dahil nakapagtayo na ang mga sinaunang Pilipino ng mga gusali at mga bahay na bato bago pa man dumating ang mga Espanyol
39. Ano ang tawag sa paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman, bato, tubig, at kalikasan ay may kaluluwa?
A. Animismo C. Judismo
B. Islam D. Kristyanismo
40. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan ng Pilipinas noong pre-kolonyal o bago dumating ang mga mananakop?
A. may sariling teritoryo C. may pananampalatayang Kristiyano
B. may sariling pamahalaan D. may sistema ng pagbasa at pagsulat
41. Bakit sinikap pa rin ng mga datu na makipag-ugnayan sa ibang kalapit barangay nito sa kabila ng pagkakaraoon nito ng
sariling pamahalaan?
A. upang palaganapin ang katahimikan at kapayapaan sa loob at labas ng barangay
B. upang magkaroon ng lugar na mapagdadalan ng kanilang mga binebentang produkto
C. upang magkaroon ng malawak na lupaing masasaka ang kaniyang nasasakupan
D. upang mapadami ang mga taong tatangkilik at susunod sa kaniyang ipinatutupad na batas
42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan ng paniniwala ng mga sinaunang Pilipino?
A. paniniwala sa mga espiritu at diyos ng kalikasan
B. paniniwalang walang diyos na lumikha ng langit, lupa at tao
C. paniniwala sa kakayahan ng taglay ng ilang piling mga tao na makapag-alis ng sumpa o masamang espiritu
D. paniniwala na nagbibigay ang kalikasan ng mga babala, palatandaan, at pangitain sa mga maaaring mangyari sa hinaharap

PANTUBIG ELEMENTARY SCHOOL


School Address: Pantubig, San Rafael, Bulacan EDDIS III
Email Address: 105123@deped.gov.ph SAN RAFAEL EAST DISTRICT
(044) 913 2824 DepEd Tayo - Pantubig Elementary School 105123
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

43. Sa iyong palagay, naging mainam ba sa pagtataguyod ng kapayapaan sa bawat barangay ang sanduguang isinasagawa
ng mga datu noong unang panahon?
A. opo, dahil mas tumibay ang ugnayan at pagkakaibigan ng mga datu
B. opo, dahil mas napadali ang pagpapataw ng buwis ng mga datu sa mga alipin nito
C. opo, dahil mas bumilis paghahatol ng parusa sa mga may sala sa bawat barangay
D. opo, dahil nagkaroon ng kasunduan ang bawat datu na palawigin ang pananakop nito sa mga karatig barangay
44. Kung paghahambingin mo ang kalagayang pampolitika noon at sa ngayon, ano ang malaking pagkakaiba?
A. Noon may dalawang uri ng pamahalaan na umiiral sa Pilipinas, ang barangay at sultanato, ngayon ay iisa lamang ang umiiral dito, ang
demokratikong pamahalaan.
B. Noon, ang mga pinuno ng barangay ay walang batas na ipinatutupad, ngayon ay may mga batas na ipinatutupad sa mga mamamayan.
C. Noon ang mga pinuno ng barangay o datu ang gumagawa at nagpapatupad ng batas, ngayon ang pinuno ng bansa o pangulo ang
gumagawa ng batas ngunit hindi siya ang nagpapatupad nito.
D. Noon ang mga pinuno ng barangay o datu ang nagsisilbing hukom sa paglilitis sa mga paglabag sa batas ngayon ang pinuno ng bansa
o pangulo ang nagsisilbing tagapagtanggol sa mga nililitis ng batas.
45. Kung ikaw ay magiging isang pinuno, paano mo mapapatunayan na ikaw ay karapat-dapat sa tungkuling iniatang sa iyo?
A. Iaasa ko sa aking kasamahan ang mga gawaing hindi ko kayang tapusin.
B. Ipagagawa ko sa iba ang aking mga gawain upang hindi ako mahirapan.
C. Sisikapin kong mapaglingkuran ang aking mga nasasakupan ngunit hihingan ko sila ng kabayaran.
D. Ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya upang mapaglingkuran at ipagtanggol ang aking mga nasasakupan.
46. Paano mo masasabing tama ang pagpapasiyang ginagawa ng isang datu sa pagbibigay ng hatol sa mga nagkakasalang
kasapi ng barangay?
A. idinadaan sa proseso ang pagdinig ng kaso at isinasailalim ang mga akusado sa mga pagsubok
B. kumukuha ng tagahatol mula sa kabilang barangay upang maging patas ang ibibigay na hatol
C. pinupulong ang mga tagahatol na mamadaliin ang pagpaparusa upang masaksihan ng lahat
D. ipinapaubaya ang pagbibigay ng hatol sa mga mamamayan na kaniyang nasasakupan
47. Sino ang nagdala ng pananamplatayang Islam sa Sulu na kung saan ang mga tao roon ay sumasamba pa sa bato at iba
pang bagay nang kaniyang madatnan?
A. Abu Bakr C. Raha Baginda
B. Karim ul-Makdum D. Tuan Mashaika
48. Paano lumaganap sa bansa ang relihiyong Islam?
A. Ang mga misyonerong Espanyol ay nagpalaganap relihiyong Islam sa Pilipinas.
B. Ang mga Pilipino ay nagtrabaho sa Saudi Arabia at doon nakilala ang pananampalatayang Islam.
C. Ang mga Amerikanong sumakop sa ating bansa ay nagturo ng relihiyon Islam sa bansa.
D. Ang mga misyonerong Arabe ay dumating sa Pilipinas noong taon 1200 at pinakilala relihiyong Islam.
49. Ano sa palagay mo ang bahaging ginampanan ng mga Muslim sa paghubog ng ating lahi?
A. Naging daan ang relihiyong Islam upang makilala ang bansa bilang isa sa pinakamatapang na lahi sa mundo.
B. Naging daan ang relihiyong Islam upang magkaroon ang mga Pilipino ng kinatawan sa bansang kanluranin
C. Naging daan ang relihiyong Islam upang matutuhan ng mga Pilipino ang mga makabagong pamamaraan sa pamumuhay.
D. Naging daan ang relihiyong Islam upang mahubog ang ilan sa mga katangi-tanging kultura sa bansa na patuloy na
nakakaimpluwensiya sa atin.
50. Suriin ang larawan sa ibaba. Sa iyong palagay saang bahagi ng bansa mas tinangkilik ang relihiyong Islam?
A. sa gawing Kabisayaan
B. sa gawing Gitnang Luzon
C. sa gawing kapatagan ng Luzon
D. sa gawing katimugan ng Mindanao

PANTUBIG ELEMENTARY SCHOOL


School Address: Pantubig, San Rafael, Bulacan EDDIS III
Email Address: 105123@deped.gov.ph SAN RAFAEL EAST DISTRICT
(044) 913 2824 DepEd Tayo - Pantubig Elementary School 105123
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

TABLE OF SPECIFICATION
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Pag-aanalisa
Balik-tanaw

Pag-unawa

Paglalapat

Pagtataya
Blg. Ng

Paglikha
Bilang ng Lugar ng Aytem
Araw
Aytem

1. Naipaliliwanag ang
kaugnayan ng lokasyon
5 7 1 1 1 2 2 1-7
sa paghubog ng
kasaysayan
2. Naipaliliwanag ang
pinagmulan ng Pilipinas
batay sa a. Teorya 6 8 1 2 1 1 3 8-15
(Plate Tectonic) b. Mito
c. Relihiyon
3. Natatalakay ang
pinagmulan ng unang
pangkat ng tao sa
Pilipinas a. Teorya 6 8 2 1 2 3 16-23
(Austronesyano) b. Mito
(Luzon, Visayas,
Mindanao) c. Relihiyon
4. Nasusuri ang paraan
ng pamumuhay ng mga
5 7 1 1 1 1 3 24-30
sinaunang Pilipino sa
panahong Pre-kolonyal
5. Nasusuri ang pang-
ekonomikong
pamumuhay ng mga
Pilipino sa panahong
pre-kolonyal a. panloob
at panlabas na
kalakalan b. uri ng
kabuhayan (pagsasaka, 6 8 1 1 1 1 4 31-38
pangingisda,
panghihiram/pangungut
ang, pangangaso, slash
and burn,
pangangayaw,
pagpapanday,
paghahabi atbp)

PANTUBIG ELEMENTARY SCHOOL


School Address: Pantubig, San Rafael, Bulacan EDDIS III
Email Address: 105123@deped.gov.ph SAN RAFAEL EAST DISTRICT
(044) 913 2824 DepEd Tayo - Pantubig Elementary School 105123
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

6. Nasusuri ang sosyo-


kultural at politikal na
pamumuhay ng mga
Pilipino a. sosyo-kultural
(e.g. pagsamba
(animismo, anituismo,
at iba pang ritwal,
pagbabatok/pagbabatik,
paglilibing
(mummification
primary/secondary 6 8 1 1 1 1 4 39-46
burial practices),
paggawa ng bangka e.
pagpapalamuti
(kasuotan, alahas,
pusad/hayop) f.
pagdaraos ng
pagdiriwang b.
politikal(e.g.
pamumuno, pagbabatas
at paglilitis)
7. Natatalakay ang
paglaganap at katuruan 6 8 1 1 1 1 47-50
ng Islam sa Pilipinas
KABUUAN: 45 50 8 8 6 9 19 0

Inihanda ni:

JOSE C.VASALLO
Teacher I

PANTUBIG ELEMENTARY SCHOOL


School Address: Pantubig, San Rafael, Bulacan EDDIS III
Email Address: 105123@deped.gov.ph SAN RAFAEL EAST DISTRICT
(044) 913 2824 DepEd Tayo - Pantubig Elementary School 105123
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

GABAY SA PAGWAWASTO
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

1. D 26. D
2. D 27. A
3. C 28. A
4. D 29. B
5. C 30. D
6. D 31. C
7. D 32. A
8. B 33. D
9. C 34. A
10. A 35. C
11. C 36. A
12. A 37. A
13. B 38. A
14. C 39. A
15. D 40. C
16. D 41. A
17. C 42. B
18. C 43. A
19. A 44. A
20. B 45. D
21. B 46. A
22. C 47. D
23. D 48. D
24. A 49. D
25. D 50. D

PANTUBIG ELEMENTARY SCHOOL


School Address: Pantubig, San Rafael, Bulacan EDDIS III
Email Address: 105123@deped.gov.ph SAN RAFAEL EAST DISTRICT
(044) 913 2824 DepEd Tayo - Pantubig Elementary School 105123

You might also like