You are on page 1of 1

Knock Out Tigdas! Para Lahat ay Ligtas!

Alam niyo ba na ang tigdas ay isang lubhang nakakahawang virus? Ito ay nabubuhay sa mucus n gating
ilong at lalamunan na kung saan maaring kumalat sa ibang tao sa pamamagitan ng ubo at pag bahing.
Taglay nito ang malalaking respiratory droplets na pwedeng malipat sa ibang tao.

Gayun pa man kung malalanghap ng ibang tao ang kontaminadong hangin o mahawakan ang mga bagay
na may virus at humawak sa kamay, mata at bibig na maari silang mahawaan. Ang mga sintomas ng
tigdas ay tuyong ubo, sipon, lagnat, pagtatae, namumulang mata at pulang pantal sa buong katawan.

Ang Local Government Unit (LGU) ay nakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) para
magsagawa ng libreng bakuna laban sa tigdas na ipinamimigay sa mga mag-aaral sa Manticao Central
School.

Paano nga ba mapipigilan ang tigdas? May mga hakbang ang DOH na sumusuporta sa kalusugan tulad ng
pagpapabakuna at pagbibigay ng vitamin A supplement para sa mga bata at patibayin an gating katawan
sa wastong nutrisyon. Malaking tulong ang paghuhugas ng kamay sa pagpigil ng pagpapasa ng virus ng
tigdas o measles.

Kaya ugaliing mag hand washing gamit ang sabon na may germ shield. Kumain ng mga masusustansyang
pagkain at ugaliing mag ehesisyo kahit isang beses sa isang linggo.

You might also like