You are on page 1of 2

Mga Dapat Malaman ng mga Turista

(Keiko de Mayo)
Maaring may mga dayuhang kaibigan kayong nais imbutahin sa bansa. O di kaya
naman, mismong ang inyong pamilya ang nagbabalak na pumasyal sa iba pang kalapit-bansa
ng Pilipinas sa Timog-Silangang Asya sa hinaharap. Puwede ring ibahagi ninyo sa mga
kakilalang mahilig magbiyahe ang sumusunod na mahahalagang impormasyon na magsisilbing
gabay sa maayos, maginhawa, igtas at kasiya-siyang paglalakbay at bakasyon sa mga
bansang Asyano bukod sa Pilipinas.
Narito ang ilang tip pangkalusugan para sa mga biyahero at biyaherang puntirya ang
Timog-Silangang ASya mula sa Department of Health and human Services Centers for Disease
Control and Prevention (CDC) ng Estadis Unidos.
Pagbalik-aralan lang natin ang Timog-Silangang Asya ay binubuo ng Brunei,
Darussalam, Mynamar, Cambodia, Silangang Timor, Indonesia, Lao People’s Democratic
Republic (Laos), Malaysia, Singapore, Thailand, Vietnam, at Pilipinas.
Samantala, karaniwang sakit na dapat pag-ingatan ng mga manlalakbay sa rehiyon ay
ang mga nakukuha sa kontaminadong pagkain at marooning tubig. Maaaring dulot ng virus,
baktirya o parasite ang mga sakit na ito na kinabibilangan ng diarrhea at pagsusuka, kolera,
lagnat at hepatitis.
Mainam ding mag-ingat sa kagat ng lamok na maaring maging sanhi ng malaria at
dengue fever.
Pinaalalahanan ang lahat na iwasan ang pagliligo sa mga freshwater maliban sa mga
swimming pool na protektado ng kemikal na chlorine sa ilang lugar ng Cambodia, Indonesia,
Laos, Pilipinas, at Thailand. Mas mainam kung sa mga tubig-alat maliligo.

Gayunpaman, ligtas sa malaria ang mga bansang Brunei at Singapore.


Pangkaraniwang sanhi ng aksidente sa lansangan ang banggaan ng sasakyan.
Kaya’t paalala rin sa mga biyahero at biyahera, mag-ingat sa pagmamaneho.

Inirekomenda ng CDC na magpabakuna muna ang mga turista laban sa mga


karaniwang sakit gaya ng polio, tigdas at iba pa.

Upang mapanatili ang kalusugan, paalala ng CDC:


 Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
 Uminom lamang ng pinagkuluan o de-botelyang tubig o mga inuming dekarbonado
(carbonated drinks) sa lata o bote. Iwasang uminommula sa gripo o fountain. Puwede
rong gumamit ng panala (filter) para masigurong ligtas ang iinuming tubig.
 Kumain lamang ng lutong pagkain o mga prutas at gulay na mismong kayo ang
magbalat
 Mas makabubuti kung maglalagi sa mga lugar nan aka-screen, upang maging ligtas sa
kagat ng lamok. Makatutulong ang pagsusuot ng mga damit na may mahabang
manggas at pantalon sa maghapon at paggamit ng insect repellant tuwing ikaapat na
oras.
 Maiiwasan naman ang mga sakit na dala ng parasite kung iiwasan ang pagyayapak at
pananatilihing malinis ang mga paa.
 Iwasang bumili ng mga pagkaing kalye uminom ng mga pampalamig. Siguruhin ding
malinis ang kakaining mga produktong mula sa gatas (dairy products)
 Huwag ipagamit sa iba ang sariling karayom.
 Iwasang humawak ng mga hayop gaya ng unggoy, aso, at pusa para makaiwas ng
kagat ng mga ito at iba pang seryosong sakit na maaaring maidulot ng mga nasabing
hayop.

Ano-ano naamn ang mga dapat bitbitin sa paglalakbay? Unang isilid sa maleta ang mga
kamisetang may mahabang manggas at pantalon bilang proteksiyon sa kagat ng lamok at iba
pang insekto.
Magbitbit din ng insect repellant na may “DEET” (diethylmethyltoluamide) at mga gamut (over-
the-counter medicines) laban sa diarrhea, iodine tablet, water filter.
Kung kinakailangan, dalhin ang mga gamut na reseta ng doctor para sa pasyenteng
may pangmatagalang karamdaman.
Dapat ding ipagpatuloy ang pag-iingat hanggang sa makabalik sa sariling bayan. Kung
bumisita sa isang lugar na laganap ang malaria, halimbawa, ipagpatuloy ang pag-inom ng
gamut kontra-malarya, batay sa reseta ng doctor.
Tandaan ang pinagmumulan ng sumusunodna mga karamdaman:
 Dengue fevar, malaria, Japanese Encephalitis – mga insekto
 Kolera, Diarrhea, Hepatitis A, tipus (typhoid fever) – kontaminadong pagkain at tubig
 Hepatitis B, HIV/AIDS – tao (person-to-person)

Pinakamainam pa ring kumonsulta sa doctor bago magbiyahe. Higit na nangangailangan ng


gabay ng mga eksperto sa kalusugan ang mga nagdadalamtao, bata, at mga may seryosong
karamdaman.

You might also like