You are on page 1of 5

Sabjek: Filipino Baitang: III

Petsa: Sesyon: 1
Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang
mapalawak ang talasalitaan
Kompetensi F3PB-Ih-14,F3PB-Iii-14,F3PB-IIIi-14,
F3PB-IVf-14
Nakapagbibigay ng wakas sa binasang kuwento

I LAYUNIN Naiuugnay ang sariling kaalaman o karanasan


Kaalaman batay sa binasang kuwento o teksto.
Saykomotor Nakabubuo ng sulat pasasalamat para sa mga
katulong sa pamayanan.

Apektiv Napahahalagahan ang mga pangyayaring


nararanasan.
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pagbibigay ng Wakas ng Binasang Kuwento

B. SANGGUNIAN Patnubay ng Guro pah. 52, Kagamitan ng Mag-


aaral Batang Pinoy Ako pahina 31-32
CG pahina 48
Kuwento: Ang Batang Mahilig sa Gadget
C. KAGAMITANG Tsart o Xerox ng kuwento, larawan
PAMPAGTURO
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Pasagutan ang SUBUKIN


Pangmotebisyunal na Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat
tanong: ang maaaring sumunod na nangyari.
Aktiviti/ Gawaing Pagsusuri
Maagang pumasok sa eskwelahan
ang magkapatid na Rowena at Rolly. Nakalimutan
nilang dalhin ang kanilang payong at kapote.
Habang naglalakad ang magkapatid ay biglang
bumuhos ang malakas na ulan.

Itanong:

Nakakita ka na ba ng kabayo? Nakakita ka na ba


ng kalabaw? Sa iyong palagay, sino sa kanilang
dalawa ang mas mabilis mapagod?

B. PAGLALAHAD Magpatulong sa mga nakatatanda na kasama mo


Abstraksyon sa bahay upang basahin sa iyo ang kuwentong
( Pamamaraan ng Pagtalakay) pinamagatang " Ang Batang Mahilig sa Gadget”
hango sa LRMDS at may Portal ID: 16420
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/i6420

SURIIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa
kuwento?

2. Ano ang laging ginagawa ng bata sa


kuwento?

3. Ano ang nangyari sa kaniyang kamay?

4. Bakit sumakit ang kamay niya?

5. Kung ikaw ang kaibigan ni Bridget, ano


ang ipapayo mo sa kaniya?

Mayroon tayong mga kuwento na nababasa


o napakikinggan na kung saan ay may mga
pangyayaring naranasan na rin natin.

Ang ating mga karanasan o naranasang mga


pangyayari ay lubos na makatutulong sa atin
upang higit nating maunawaan ang mga
kuwentong ating binabasa o narinig.

C. PAGSASANAY GAWAIN 1
Mga Paglilinang na Gawain
Panuto: Isulat sa isang buong papel kung ano
ang iyong naramdaman o kung ano ang
una mong ginawa noong unang beses mong
nakagamit o nakakita ng cellphone.

GAWAIN 2
Si Doktor Rey ay isa sa mga
katulong sa pamayanan na nabanggit sa
kuwento. Gumawa ka ng isang kard ng
pasasalamat para sa mga katulad ni Doktor Rey
na naglilingkod sa ating pamayanan.

D. PAGLALAPAT GAWAIN 3
Aplikasyon Panuto: Iguhit sa isang bondpaper kung
ano ang gadget na mayroon kayo sa
inyong bahay . Sa paligid ng iyong iginuhit
o drowing ay isulat mo ang ng mga dapat
gawin upang hindi matulad sa batang
mahilig sa gadget.
E. PAGLALAHAT Ang ating mga karanasan o naranasang mga
pangyayari ay lubos na makatutulong sa atin
upang higit nating maunawaan ang mga
kuwentong ating binabasa o narinig.

IV PAGTATAYA Panuto: Sumulat ng maikling pangungusap

Ano ang iyong maipapayo sa mga batang


katulad mo na gumagamit rin ng gadget?
Isulat ang iyong sagot sa isang buong
papel .

V. TAKDANG ARALIN Iguhit ang iyong sarili sampung taon mula


ngayon bilang isa na rin sa mga katulong sa
pamayanan.

TUGON:

PAGNINILAY-NILAY:

Inihanda ni

RAQUEL R. ALAORIA
TANDAAN : Magsanay ng mga Personal na Protocol sa Kalinisan sa Lahat ng Oras.

You might also like