You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
Sangay ng Capiz

Paaralan Mataas na paaralan ng Jamindan Baitang 7


BANGHAY Guro Mary Lucille V. Garino Asignatura Filipino
ARALIN Petsa ng Pagtuturo Ika-19 hanggang 22 ng Pebrero Markahan Ikatlong markahan
2024
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nagagamit ang mga pangunahin at pantulong ng pangunahing kaisipan
Nilalaman
B. Pamantayang Natutukoy ang mga pangunahin at pantulong kaisipan sa pagbubuod mula sa sa
Pagganap binasa
C. Mga kasanayang F7PB-IIIf-g-17
pampagkatuto Nabubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahing kaisipan
II. NILALAMAN Sanaysay

III. Kagamitang Laptop, powerpoint presentation, TV


Panturo
A. Sanggunian Picuki.com
Sunstar.com.ph
1. Mga Pahina sa K TO 12- MELCs FILIPINO 7
Gabay ng Guro.
2. Mga Kagamitang Modyul sa Filipino 7 Kuwarter 3
pangmag-aaral
3. Mga pahina sa
Teskbuk
4. Karagdagang K to 12 Gabay
kagamitan mula sa Pangkurikulum sa Filipino 7
portal ng Learning
Resource
B.Iba pang kagamitang Powerpoint presentation, at TV
panturo

IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng mga ma


Bago magsimula ang klase magkakaroon muna ng;

*Panalangin
Ang mga mag-a
* Pagbati taimtim na nanalangin

*Pagtatala ng liban sa klase

* Mga alituntunin na dapat sundin sa loob ng silid-


aralan;

1. Makinig sa guro habang nagsasalita. Huwag


makipag-usap sa kaklase.
2. Itago ang cellphone at makilahok sa oras ng
talakayan.
3. Maghintay ng tawag sa pagsagot sa klase. Huwag
sumagot ng sabay-sabay at magsalita ng may
katamtamang boses.
4. Iwasan ang pag-iwas sa klase ng hindi pa tapos ang
takdang oras.
5.Iwasang maging malikot o magpalipat-lipat ng upuan
habang nasa oras ng talakayan.
A. Sa Balik-aral sa Kahapon ay pinagawa ko kayo ng inyong sariling
nakaraang aralin o kwento gamit ang mga hudyat/pananda .
pagsisimula sa bagong
aralin
B. Paghahabi sa Panuto:Hahatiin ang klase sa apat na pangkat at
layunin ng aralin kailangang mag-unahan sila sa pagbuo ng mga jumbled
letters. Ang unang pangkat na makakabuo at
makakabahagi ng kanilang ideya o opinyon sa klase ay
magkakaroon ng limang puntos.

*YAYSANAS
* DUOB *SANAYSAY
*NETTERNI *BUOD
*KSAPA *INTERNET
* ATALTA *PAKSA
*TALATA
C.Pag-uugnay ng mga “Ang Ningning At Ang Liwanag”
halimbawa sa bagong Ni Emilio Jacinto
aral
Ang ningning ay nakakasilaw ng panaginip. Ang
liwanag ay kailangan ng mga mata upang mapagwari
ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinamaan ng nag-aapoy na sikat ng


araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng
nagaganyak na dumampot.Ang ningning ay madaya.

Ang hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa


ningning. Sa katunayan ng masamang nakaugalian:

Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila


ng kabayong matulin.Tayo;y magpupugay at ang
isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan.

Datapwa’y marahil ay isang magnanakaw;marahil sa


kanyang ipinatatanghal na kamahalan ay nagtatago ang
isang pusong sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakahirap sa


pinapaan. Tayo’y mapapangiti? Datapwa’y maliwanag
nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng
kanayng katawan na siya’y nabubuhay sa sipag at
kapagalang tunay.

Ay! Sa ating pang-ugali ay lubhang nangapit ang


pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.

Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao ang
mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at dalita.

Ito na nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na


inaakay ng kapalaluan ang kasakiman ay nagpupumilit
na lamang lumitaw na nagningning,lalong-lalo na nga
ang mga hari at mga pinuno na pinagkatiwalaan ng sa
ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang ibang
nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang
ikainis at ikamatay ng bayan na nagbigay sa kanila ng
kapangyarihang ito.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating


pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga
ugat ay magbalatkayo ng maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahinainan ng


puspos na galang ay ang maliwanag at magandang-asal
at matapat na loob, ang kahit sino ay walang
mapagningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang
mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa
maliwanag na banal na landas ng katwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng


ningning upang huwag mapagmalas ng mga matang
tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang
kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad,
mahinhin, at maliwanag na napatatanaw sa paningin.

Mapalad ang araw ng liwanag!Ay! Ang anak ng bayan,


ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng
halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at
binatang mga kaapihan?

Mga gabay na tanong


1. Ano ang pagpapakahulugan ng “ningning” at ng 1. Ang ningning ay m
“liwanag” ayon sa sanaysay? sinag o kinang, sama
liwanag ay bag
pumapawi o umutu
mata para makakita.
2. Bakit sinasabi ng may-akda na ang ningning ay 2. Dahil ang ningn
madaya? Isa-isahin ang mga ito. umaagaw sa
Pinapahiwatig dit
kaugalian ng mga
gumagawa ng m
dahil sa kina
temtasyon.Isa sa
pandarayang dala nit
paggawa
masama.Halimbawa
sitwasyon ay ang pag
.Dahil karamihan sa
ngayon ang pagkaka
walang pag-asa
kumakapit nalang sa
3. Sa aking palagay, d
3. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang labis na halos lahat ng
nagpapahalaga sa ningning o kinang ng kapangyarihan pangangailangan sa m
at kasikatan? ito ay puro materyal a
sa kanila ay walang ib
magpapaangat sayo k
kayang kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang pera o kapangyarihan
mga hirap at binatang Nagsisimula ito sa
paghahangad ng pera
kayang kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang pambayad sa mga uta
mga hirap at binatang mga kaapihan? habang tumatagal ay
magiging sakim na ito
kayang kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang kapangyarihan.
mga hirap at binatang mga kaapihan?
C. Pagtatalakay sa Sanaysay
bagong konsepto at Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa
paglalahad ng bagong anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa mga
kasanayan kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan
ng aral at aliw ng mga mambabasa.

Dalawang uri ng Sanaysay:


1. Pormal o Maanyong Sanaysay- nagtataglay ng
makatotohang impormasyon, piling mga salita, at
pahayag na maingat na tinatalakay kaya’t masasabing
mabisa. Ito ay may maayos na balangkas na
nakakatulong sa lohikal na paglalahad ng kaisipan.
Ang ganitong uri ng sanaysay ay karaniwang umaakay
sa mga mambabasang mag-isip nang malalim at
paglakbayin ang guni-guni. Ang pormal na sanaysay ay
nagnanasang magpaliwanag, manghikayat at magturo
tungo sa pangkaunlarang-isip at moral ng mga
mambabasa.

2. Pamilyar o Di-Pormal-tinatawag ding palagayang


sanaysay.Ito ay mapang-aliw, magpabiro, at nagbibigay-
lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
karaniwan,pang araw-araw at personal na paksa.
Binibigyang-diin nito ang ang karanasan at mga isyung
bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay
maaaring naramasan di ng mambabasa.

E.Pagtalakay sa Pangkatang Gawain


bagong konsepto at Panuto: Magkakaroon ng dalawang pangkat.Babasahin
Paglalahad ng bagong ng bawat pangkat ang sanaysay na may pamagat na
kasanayan “Dinagsa Festival”

Dinagsa Festival

Ang Dinagsa Festival ay isang linggong pagdiriwang na


ginagawa tuwing buwan ng Enero upang bigyan ng
karangalan kay Senor Sto. Nino o ang batang si Jesus.

Ang pagdiriwang na ito ay dinadaraos para sa hangarin


na hilahin ang mga tao mula sa kanilang mga maling
gawain at magmumulat sa kanila na ituon ang sarili sa
makabuluhang bagay at kung ano ang tunay na
kakanyahan ng pagsasama-sama at upang magpasalamat
at magpuri sa kay Santo Nino.

Ito rin ang pinakahinihintay ng mga cadiznon at maging


ng ibang kalapit na lungsod ng Cadiz upang dumalo at
makisaya sa pagdiriwang na ito tuwing buwan ng Enero.

Nagsisimula pa lamang ang buwan ng Nobyembre ay


maririnig mo na ang tunog ng mga tabol at musikang
ginagamit ng mga mananayaw na kalahok sa Merry
Making at Street Dance.

Mas naging tanyag ang pagdiriwang nna ito dahil sa


tinatawag na “Lamhitanay Festival” kung saan ang mga
Cadiznon pati na rin ang mga turista ay nakikiisa sa
kaganapang ito.

Ang mga tao ay nagsusuot ng puti o itim na damit upang


makita ang isang likhang sining mula sa mga
pinagsamang kulay na sumisimbolo sa pagiging
masayahin at makulay na kultura ng lungsod.

Sinasalamin nito na kahit ano mang problema o


pagsubok ang dumating ay malalampasan parin to nang
may ngiti sa mga labi. Ipinapakita rin na palakaibigan
ang mga tao rito dahil magiliw at mainit ang kanilang
pagtanggap sa mga bisita.

Nagkaroon man ng pandemya ay hindi ito naging


hadlang upang ipagdiwang ang importanteng
kaganaapang ito sa pagpapasalamat sa mahal na Sano
Nino.
Saang lugar ka man nagmula, iba iba man ang ating
paniniwala ipinapakita lang na ang bawat Pilipino ay
nagpapahalaga sa kanilang kultura at tradisyon at may
matatag na pananampalataya.

Pangkat 1: Anong kaisipan ang iyong mabubuo mula


sa mga larawan batay sa binasang Sanaysay?Isulat ito sa
sagutang papel.

Pangkat 2: Sa tulong ng mga pangunahin at pantulong


na mga kaisipan, ibuod ang nilalaman ng binasang
sanaysay ayon sa nilalaman ng bawat talata nito.

UNANG TALATA
_____________________________________________
_________________________

IKALAWANG TALATA
_____________________________________________
_________________________

IKATLONG TALATA
_____________________________________________
_________________________

F.Paglinang ng Panuto:Suriin ang mga sumusunod na mga salita kung


kabihasaan (Tungo sa saan ito nabibilang sa “Ningning” ba o “Liwanag”.
Formative Assessment)
1.Pera 1. Ningning
2.Malaking Bahay 2. Ningning
3.Pamilya 3. Liwanag
4.Matalik na Kaibigan 4. Liwanag
5.Cellphone 5. Ningning
6.Magarang sasakyan 6. Ningning
7.Edukasyon 7. Liwanag
8.Pagmamahal sa bayan 8. Liwanag
9.Magarbong mga Damit 9. Ningning
10.Mamahaling Alahas 10. Ningning

G.Paglalapat ng aralin GAWIN NATIN !


sa Pang araw-araw na Panuto: Sa buong bahagi ng papel ay sa pamamagitan
buhay ng pagpuno ng Cylical Thinking Map” ay ibuod ang
akdang “Ang Ningning at Ang Liwanag”.

Pangunahing paksa

Kaibahan ng Ningning at ang


Liwanag

1.

2.

3.

Pag-ugnay sa Mga Pantulong


Karanasan na Kaisipan
Sariling Mga Nagawa ng
Karanasan Ningning
kaugnay ng
1.
Ningning:
2.

3.
Liwanag:

Mga Pantulong na Kaisipan


Kahalagahan ng Paghahanap sa
Liwanag
1.
2.
3.

H.Paglalahat ng aralin 1. Ano ang Sanaysay? 1. Ang sanaysay ay


ng pagsulat na nag
magpahayag ng per
saloobin,kuro-kuro.
2.Ibigay ang dalawang uri ng sanaysay. 2. Ang dalawang uri n
sanaysay ay ang porm
maanyong sanaysay a
pamilyar o di- porma
sanaysay.
I.Pagtataya ng Aralin Gumawa ng buod mula sa iyong binasa na sanaysay na
pinamagatang “Ang Ningning At Ang Liwanag” gamit
ang Pangunahin at pantulong na kaisipan.

J.Karagdagang Sumulat ng isang talata na naglalaman ng pangunahing


Gawain para sa kaisipan at pantulong na kaisipan.Salungguhitan ang
takdang Aralin at pangunahing kaisipan at bilugan naman ang pantulong
remediation na kaisipan nito.
Inihanda ni: Iwinasto ni:

MARY LUCILLE V. GARINO ROSEBELT D. ESTANESLAO


Gurong Mag-aaral Guro sa Filipino 7

You might also like