You are on page 1of 4

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
DUMALINAO 1 DISTRICT
Dumalinao, Zamboanga del Sur

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8


Kwarter 2, Modyul 1

Pangalan
Seksyon
Pamagat ng Aralin
Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa
Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Napipili ang mga pangunahin at mga pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa (F8PB-IIa-b-24)
Konseptong Pangkaalaman
Ano ang paksa? Ito ay nagsasaad kung ano ang ideyang pinagtutuunan ng pansin. Ang isang paraan
na makatutulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagsusuri sa pamagat. Ito ang dapat unang bigyang-
pansin ng mga mambabasa. Kapag nakuha mo ang paksa, madali nang kunin ang pangunahing ideya.
Pagkatapos mong matiyak ang paksa ng isang teksto, ang susunod na dapat mong itanong sa sarili
ay ganito: “Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?” Ang sagot sa
tanong na ito ay ang pangunahing ideya o kaisipan ng teksto.
Ang pangunahing ideya/kaisipan ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang
teksto. Magiging madali ang pagtukoy sa pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto kung itatanong
mo sa iyong sarili ang sumusunod na mga tanong:
-Ano ang paksa o ang pinag-uusapan?
-Ano ang nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa teksto?
Ang isang teksto ay binubuo rin ng mga pangungusap na nagtataglay ng mga pansuportang detalye.
Ang mga pansuportang detalye ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito
nang lubos.
Ang pagtatamo ng mga kasanayan sa pagtukoy ng paksa, pangunahing ideya/kaisipan at mga
pansuportang detalye ng isang teksto ay isang magandang simula upang ikaw ay maging epektibong
mambabasa.
Halimbawa:

Likas na sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng mabuting asal at ito ay kanilang naipamamalas
sa iba’t ibang pagkakataon (Pangunahing Kaisipan). Una, sila ay may mataas na paggalang sa mga
matatanda. Pangalawa, marunong silang makinig at sumunod sa mga utos at payo ng mga
nakatatanda. Pangatlo, tumatalima sila sa mga patakaran o tuntunin sa kanilang paligid. (Pantulong
na Kaisipan).

Pamprosesong Tanong
1. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagtukoy ng paksa, pangunahing ideya/kaisipan at mga
pansuportang detalye sa isang teksto?
2. Paano tinutukoy ng isang mambabasa ang paksa, pangunahing ideya/kaisipan
at mga pansuportang detalye sa isang teksto?
3. Ano ang katangiang kailangang taglayin ng isang mahusay na mambabasa?
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawain ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang
titik ng may tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Batas ng Lansangan
Manilyn A. Sison
Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres
Disyembre, 2002
Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng barangay curfew mula ika-10 ng gabi
hanggang ikaapat ng umaga sa may 897 barangay sa anim na distrito ng Maynila sa mga kabataang 17 taong
gulang pababa batay sa City Ordinance No.8046 na itinakda ni Manila 6th District Councilor Julio Logarta.
Layunin ng ipinatutupad na curfew na mapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang elemento
tulad ng pagtutulak at pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot at mga marahas na pangkat na gumagala
sa lansangan tuwing gabi.
Makabuluhan ang layunin ng ordinansang ito- ang pangalagaan ang mga kabataan at makaiwas sa
pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot, pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsusugal, mailayo sa
maimpluwensiyang barkada at lalo’t higit sa lumalalang karahasan sa bansa na karaniwang
nagaganap tuwing gabi.
Kaugnay nang pagpapatupad na ito, may mga kaparusahan sa mga mahuhuling kabataang nasa
labas ng bahay sa ganitong oras ng gabi.
Tunay na malaking tulong ang barangay curfew sa paghubog ng mga pag-asa ng bayan.
Magkakaroon ang mga kabataan ng disiplinang pansarili, katangiang makapagpapaunlad sa kanilang
katauhan at paghahanda sa pagiging responsableng mamamayan ng bansa.

1. Ano ang paksa ng tekstong binasa?


a. Pagpapatupad ng curfew c.Mapangalagaan ang mga kabataan
b. Makaiwas sa pagkalulong sa bisyo d. Paghubog ng mga pag-asa ng bayan
2. Ano naman ang pangunahing ideya nito?
a. May mga kaparusahan sa mga kabataang lalabag sa ordinansa
b. Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng curfew sa Lungsod ng Maynila.
c. Ang mga kabataang 17 taong gulang pababa ay sakop ng curfew.
d. Mapalaki ang kita ng mga panggabing negosyo.
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pansuportang detalye?
a. Mapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang elemento tulad ng pagtutulak at
pagkalulong sa bawal na gamot.
b. Mabawasan ang mga kabataang nagkakalat sa kalye.
c. Maiwas sa pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsusugal ang mga kabataan.
d. Mailayo ang mga kabataan sa impluwensiya ng barkada.
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang tula at sagutin ang hinihinging impormasyon sa ibaba.
Sipi mula sa tulang Isang Punongkahoy
ni Jose Corazon de Jesus

“Sa aking paanan ay may isang batis


Maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit,
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.”

“Sa kinikislap-kislap ng batis na iyan,


Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.”

“Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging kurus ako ng pagsuyong laing,
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.”

Gawain: Tukuyin ang mga pantulong na kaisipang nakasaad sa binasang akda sa pamamagitan ng
pagbuo ng balangkas nito na makikita sa ibaba. Ang pangunahing kaisipang taglay ng tula ay ibinigay
na para sa iyo. Ngayon ay itala mo ang pantulong na kaisipang nagpapatunay na ang buhay ng tao ay
kagaya ng puno, may panahon nang pagyabong at panahon nang pagkatuyo.
Repleksyon
Natutunan kong
___________________________________________________________________________________
Napatunayan kong
___________________________________________________________________________________

Isagawa
Panuto: Mula sa akdang mababasa sa ibaba, sumulat ng sariling talata na naglalaman ng paksa,
pangunahing kaisipan, at pantulong na kaisipan. Sundin ang pormat na makikita sa ibaba ng akda.

Mangosteen: Mahika ng Kalikasan


ni Ligaya Tiamzon Rubin
Liwayway, Disyembre – 2003

May mga nagtataguri sa mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat kakaiba at natatangi ito.
Maaari ring ito ang prutas na sinasabing paborito ni Reyna Victoria ng Great Britain.
Hugis piramido ang tuktok ng puno ng mangosteen. May katagalan itong lumaki. Brown na
papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay dilaw na dagta. Pinaniniwalaang magiging mapakla
ito kapag natalsikan ng dagta nito ang bunga. May mga dahon itong manilaw-nilaw na berde, makapal,
madulas, makinis at hugis oblong. May kumpul-kumpol itong bulaklak na may tulduk-tuldok na pula.
Kaakit-akit tingnan ang mga petalyo nito na kulay berde sa labas at kulay dilaw sa loob. Tulad ito sa
mga ornamental na bulaklak.
Ayon sa mga tala, mula sa Thailand ang mangosteen. May mga nagsasabi naman na mula ito sa
peninsula ng Malay, Molucca at Sunda Island.
Karaniwang makikita ang mga taniman ng mangosteen sa Mindanao. Sa mga tropikal na bansa ito
madalas na tumutubo.
__________________
Pamagat
PAKSA
_____________________________________________________________________________
PANGUNAHING KAISIPAN
_____________________________________________________________________________
PANTULONG NA KAISIPAN
_____________________________________________________________________________

Pagtataya
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang
nais ipahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang gustong ipaalam o ipaunawa ng sumulat o may-akda tungkol sa teksto?
a. detalye c. mensahe
b. paksa d. pamagat
2. Ang ___________ ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung tungkol saan ang teksto.
a. detalye c. mensahe
b. kaisipan d. paksa
3. Isang teknik na makatutulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagkilala sa ______________ ng teksto.
a. detalye c. paksa
b. mensahe d. pamagat
4. Ito ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang teksto.
a. paksa c. pansuportang detalye
b. pangunahing ideya d. pamagat
5. Ang mga _______________ ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito
nang lubos.
a. paksa c. pansuportang detalye
b. pangunahing kaisipan d. pamagat
Susi ng Pagwawasto
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. a 1. Ang tao ay likas na mabuti kaya nararapat
2. b na magpakabuti habang siya ay nabubuhay
3. b 2. Gaano man kakisig ang isang tao ay darating
din ang kanyang katandaan
3. Ang masamang gawi ng tao ang magdadala
sa kanya sa kapahamakan
Pagtataya
b 2. d 3. d 4. b 5. c
Sanggunian
Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8 (K to 12), pahina 152 – 156.
Alma M. Dayag, et.al; 2017. Phoenix Publishing House, Inc.
Project Ease, Filipino 1 Modyul 8, Pasig City
Biol, Noelma T., et.al, Filipino 8. Ikalawang Markahan – Modyul 1: Sandigan ng Lahi…Ikarangal
Natin (Pangunahin at Pantulong na Kaisipan) Unang Edisyon, 2020. DepEd – Region IX – Dipolog
City Schools Division. Purok Farmers, Olingan, Dipolog City Zamboanga del Norte, 7100
Manunulat ROCHELLE B. INIEGO

Tagasuri JOHN MARK C. LLOREN LOVILA M. AMAYA

You might also like