You are on page 1of 2

Pangalan: ______________________________________Taon/Pangkat: _______________Iskor: _________

Guro:___________Asignatura: Filipino sa Piling Larang (Akademik)11/12

Paksa: Mga Bahagi ng Talumpati Quarter 3 Wk. 8, LAS 16


Mga Layunin: a. Natutukoy ang mga bahagi ng talumpati
b. Natatalakay ang mga bahagi ng talumpati batay sa halimbawa
c. Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa (CS_FA11/12PN–0g-i-91)
Sanggunian: Garcia, F. C., Phd, 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Quezon City, SIBS Publishing
House, Inc.pp. 37-39
Mga Bahagi ng Talumpati, N.d hinango noong Marso 7, 2021 sa
https://ynellebalotcopo.wordpress.com/2016/11/24/layunin-at-bahagi-ng-talumpati-
paghahandasa-talumpati-day-3/
Pacana, M. Nd. Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Kabataan hinango noong Marso 7,
2021 sa https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-kabataan/

Jhonna S. Malvas,Filipino sa Piling Larang (Akademik)11/12, Mga Bahagi ng Talumpati , Quarter 3


Wk. 8, LAS 2

Nilalaman

Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon,


magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala.
Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan ang layunin ng anumang uri
ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng pagdiriwang o okasyon.

Nahahati sa (3) tatlong bahagi ang talumpati:

1. Simula
Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang makuha sa simula pa
lang ang atensyon ng tagapakinig.
2. Katawan o Gitna
Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati.
3. Katapusan o Wakas
Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati. Nakalahad dito ang pinakamalakas na
katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat ng pagkilos mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa
ng talumpati.

Gawain
Basahin at unawain ang isang maikling talumpati at tukuyin ang mga bahagi nito. Sundin ang pormat sa ibaba.

Kabataan, Isipin ang Kinabukasan


Talumpati ni Marily N. Pacana

“Kabataan pag-asa ng bayan”, Kasabihan na sadyang nakatatak na sa ating mga isipan. Ano nga ba ang
ating kinabukasan?
Ako’y narito sa inyong harapan upang ipahayag ang nasa aking isipan. Bilang isang kabataan, isang
kabataan na minsan nang naligaw ng landas at nagkamali. Ngunit sa aking pagkaluklok sa kawalan, napagtanto
ko na mali pala ang aking ginagawa. Kaya heto ako ngayon, Nagbago! at patuloy pang nag-sisikap upang
mapaganda ang aking bukas.
Marami sa mga kabataan ngayon ang sinisira ang buhay. Pinapag-aral ng mga magulang ngunit ano ang
ginagawa? Ayon! Gimik don! Gimik dito! Natuto ng mga bisyong hindi dapat: nag-iinom ng alak, naninigarilyo, at
ang ibang mga babae na nasa murang edad ay nabubuntis na. Nasaan na ang tinatawag na moralidad? Di nyo
ba alam na dugo at pawis ang puhunan ng ating mga magulang para lang tayo ay makapag-aral at mabigyan
ng magandang kinabukasan.
Alam ba niyo na kung gugustuhin lamang natin ay mapapaganda natin ang ating mga hinaharap? Maging
responsable at isipin ang naghihintay na bukas. Dahil kung magiging tulog ka lamang sa katotohanan, ano pa
ang naghihintay sa’yong bukas? Tiyak wala kang mararating.
Kaya mga kabataan, makinig! May bukas pa, subalit bakit pa hihintayin ang bukas kung puwede namang
ngayon na. KKK! Katatagan, Katalinuhan, at Kaayusan. Iyan ang sagot sa magandang kinabukasan.
Kaya ngayon pa lamang… “Kabataan, Isipin ang kinabukasan”.

_________________________________
Pamagat

SIMULA:

KATAWAN:

WAKAS:

Rubriks para sa Gawain:

Puntos
Pamantayan
5 4 3 2 1
Mahusay na nailahad ang mga ideya
Kakikitaan ng tatlong bahagi ng talumpati
Nakagagamit ng wastong bantas, kapitalisasyon
at wastong baybay

Kabuuang Puntos

You might also like