You are on page 1of 35

MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin ang mga mag – aaral


ay inaasahang:

1. nabibigyang – linaw at kahulugan ang


mga di pamilyar na salita mula sa akda,

2. nailalahad ang sariling interpretasyon sa


mga pangyayari sa loob ng akda; at

3. napapahalagahan at naiuugnay sa
kasalukuyan ang mga pangyayari sa akda.
Pangganyak
IBONG
ADARNA:
Si Haring Fernando at ang
Tatlong Prinsipe
Mga Saknong 007 - 029
Paghawan ng
Sagabal
KASINGKAHULUGAN
NG MGA SALITA
IBONG
ADARNA:
Si Haring Fernando
at ang Tatlong
Prinsipe
Mga Saknong 007 - 029
007
Noong mga unang araw
sang-ayon sa kasaysayan
sa Berbanyang Kaharian
ay may haring hinahangaan
008
Sa kanyang pamamahala
kaharia’y nanagana,
maginoo man at dukha
tanggap na wastong pala
009
Bawat utos ay balakin
kaya lamang pairalin,
nasangguni’t napaglining
na sa bayan ay magaling
010
Kaya sa bawat kamalian
na sa kanya’y ipagsakdal
bago bigyang kahatula’y
nililimi sa katwiran.
011
Pangalan ng haring ito
ay mabunying Don Fernando
sa iba mang mga reyno
tinitingnang maginoo.
012
Kabiyak ng puso niya
ay si Donya Valeriana
ganda’y walang pangalawa
sa bait ay uliran pa.
013
Sila ay may tatlong anak
tatlong bunga ng pagliyag
binata na’t magigilas
sa reyno ay siyang lakas
014
Si Don Pedro ang panganay
may tindig na pagkainam
gulang nito ay sinundan
ni Don Diegong malumanay
015
Ang pangatlo’y siyang bunso
si Don Juan na ang puso
sutlang kahit na mapugto
ay puso ring may pagsuyo
016
Anak na kung palayawa’y
sumikat na isang araw
kaya higit kaninuman
sa ama ay siyang mahal.
017
Salang mawalay sa mata
ng butihing ama’t ina
sa sandaling di makita
ang akala’y nawala na.
018
Sa pag-ibig ng magulang
mga anak ay dumangal
maagang pinaturuan
ng dunong na kailangan
019
May paniwala ang ama
na di ngayo’t hari siya
maging magmang man
ang bunga
sa kutya ay ligtas siya.
020
Alam niyang itong tao
kahit puno’t maginoo
kapag hungkag din ang ulo
batong agnas sa palasyo.
021
Kaya’t anong kagalakan
ng sa hari ay kinamtan
nang ang tatlong minamahal
marurunong na tinanghal.
022
Tinawag na’t ang pahayag
“Kayong na’t ang mapapalad,
angkin ninyo ang mataas
na pangalang mga pantas.”
023
Yamang ngayo’y panahon nang
kayong tatlo’y tumalaga
mili kayo sa dalawa
magpari o magkorona
024
Tugon nilang malumanay
sa magandang katanungan
“humawak ng kaharian
bayan nati’y paglingkuran
025
Sa gayon ay minagaling
nitong amang may paggiliw
tatlong anak ay sanayin
sa paghawak ng patalim
026
Taglay ng malaking hilig
sa sanaya’y nakasulit
ang sandata’y parang lintik
espadang nakasasakit
027
Natupad nang lahat-lahat
ang sa haring mga hangad
ito namang tatlong anak
sa ama’y nagpasalamat.
028
Ang kanilang kaharian
ay lalo pang nagtumibay
walang gulong dumadalaw
umunlad ang kabuhayan.
029
Kasayaha’y walang oras
sa palasyo’y may halakhak
pati ibon nagagalak
ang lahat na ay pangarap.
Pangkatang
Gawain
Pagpapahalaga
Paglalapat
Pagtataya
Takdang Aralin
Panuto: Isulat sa buong papel ang
tanong sa sagot na ito.
“Kung ikaw ay magiging magulang,
ano ang gagawin mo upang
lumaking mabuti at maayos ang
iyong nga anak?”
Maraming Salamat!

You might also like