You are on page 1of 3

CENTER FOR POSITIVE FUTURE, INC.

#27 J.P. Rizal St. Balite, Rodriguez, Rizal


Government Recognition No. 081 s. 2006
FILIPINO 7
IKATLONG BUWANANG PAGSUSULIT
Pangalan: _________________________________________________ Puntos: ________
Baitang at Pangkat: _______________________________________ Petsa: ____________

I.Panuto:Hanapin sa loob ng PUZZLE ang mga salita na sasagot sa mga bugtong sa ibaba.Isulat sa patlang ang
sagot .
_________________________1. Heto na si kaka, Bubuka-bukaka
_________________________2. Kung kailan madilim, Saka nagniningning.
_________________________ 3. Isang bilyon sa tabing-bakod, Di mapulot kundi paluhod.
_________________________ 4. Dumaan ang hari, Ang mga tao’y nagtali.
_________________________5. Nang maglihi’y namatay, Nang manganak nabuhay.

II.Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat bilang .Bilugan ang titik ng tamang sagot.
____6.Alin sa mga sumusunod ang mahalagang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat
taludtod?
A. tugma B. Sukat C. tugmang di-ganap D. tugmang ganap
____7. Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang nawawalang buhay ng kanyang ina.
Anong uri
ito ng tayutay?
A. personipikasyon B.pagtutulad C.metapora D.pagmamalabis
____ 8. Ang _______ay ang kaluluwa ng bansa.Ito ang mabisang paraan upang maiparating ang nararamdaman
at
naiisip ng tao ay naipadarama o naipahahayag.
A. wika B. tula C. Sayaw D. awit
____9. Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon sa himpapawid.Ang salitang
pagaspas ay nangangahulugang ?
A. tunog na nalilikha sa paglipad ng ibon B. sagisag
C. sigla D. lambing
____10.Karaniwang ginagamit na paraan para sa pagbibigay talinghaga at higit na kariktan sa tula.
A. sukat B. tugma C. mga tayutay D. mga salita
____11 .Ipinakilala mo ang iyong ina sa isang pari na kaibigan mo.
A.Padre Damaso/ang aking ina. B.Padre/Damaso ang aking ina.
C.Padre Damaso ang aking ina.
____12. Walang may ibang kasalanan kundi si Gweneth.
A.Hindi/si Gweneth ang may sala. B.Hindi si Gweneth ang may sala
C.Hindi si Gweneth/ ang may sala.
____13. Ang _____ ay masarap gawing inumin.
A.bu.ko B.bukó
____14. ______ na ang mga kaibigan mong nagsisinungaling.
A.bu.ko B.bukó
____15. Isang paboritong pagkaing inihanda lalo na kung pasko.
A.hamón B.ha.mon
____16. Ito ay pagpapahayag ng maririkit na kaisipan sa maririkit na pananalita na ipinahahayag sa
pamamagitan ng mga taludtod. Ito ay may apat na Sangkap: (1) sukat, (2) tugma, (3) sining, at (4) talinghaga.
A. Tula B. Sanaysay C. Maikling Kuwento D. Alamat
_____17. Ito ay tumutukoy sa pagtaas/pagbaba sa pagbikas ng pantig ng iisang salita. Ang bawat pantig sa
salita ay maaring bigkasin sa mataas, karaniwan o mababang tono.
A. Intonasyon B. Diin C. Hinto D. Haba
_____18. Ito ang lakas o tindi sa pagbigkas sa pantig ng salita. Isang ponemang makapagbabago ng kahulugan
ng salitang may isang baybay.
A. Haba B. Intonasyon C. Diin D. Hinto
_____19. Naku, talaga totoo? Totoo bang nagyari ito? Sa laro si Pedro ay natalo, Humaruro’t umuwi, ngunit
sumigaw ng “panalo!” Ito ay halimba ng anong anyo ng akda?
A. Tulang/Awiting Panunudyo B. Tugmaang de-gulong
C. Bugtong D. Palaisipan
_____20. Dahil sa napakinggang balita sa pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa, si Mang Tasyo ay kinapos ng
hininga. Anong anyo ng akda ang halimbawang ito?
. Bugtong B. Tulang/Awiting Panunudyo
C. Palaisipan D. Tugmaang de-gulong
_____21. Mula sa kalayuan ay may narinig silang tinig na nagsasabing huhukayin na nila mula ngayon ang
ginto. Doon, naisip nila ang matandang kuba na papilay-pilay na dumating sa kanilang cañao sa hindi
inaasahang pagkakataon na nakaupo sa isang lusong.
a. Panimulang Panyayari b. Kasukdulan c. Resolusyon d. Pababang pangyayari
____22. Walang nakakakilala sa isang matandang kubang papilay-pilay na naupo sa isang lusong sa kanilang
pook. Napansin lamang siya ni Lifu-o nang madagil ng mga katutubong nagkatuwaan sa paghahabol
ng isang baboy na iaalay nila sa idaraos na cañao, isang piging para mag-alay sa kanilang
pinakadakilang bathala.
a. Papataas na pangyayari b. Kasukdulan
c. Pababang pangyayari d. Panimulang Panyayari
_____23. Nakaikot lamang kay Matandang Kuba, Lifu-o, at ibang mga katutubong Igorot ang kuwento.
a. Tagpuan b. Tauhan c. May-akda d. Banghay
____24. Tiningala at hinangaan ng maraming manunulat na Pilipino si Simplicio P. Bisa dahil sa kanyang
obrang Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao.”
a. Tagpuan b. Tauhan c. May-akda d. Katunggaliang tauhan
____25. Sa bahaging ito nalulutas ang suliranin at nagtatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.
a. Resolusyon b. Pababang Pangyayari
c. Panimulang Pangyayari d. Kasukdulan
III. Panuto: Isulat ang salitang “Tama” kung tama ang pahayag at “Mali” naman kung ang pahayag ay hindi
tama.
________26. Ang kuwentong-bayan, mito, at alamat ay walang kaugnayan sa isa’t-isa.
________27. Mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang kuwentong-bayan, mito, at alamat.
________28. Ang mga matatandang panitikang ito ay bahagi ng panitikang salin-dila o lipatdila.
________29. Ang denotasyon ay hindi literal at tiyak na kahulugan ng salita na makikita sa isang diksyunaryo.
_______30. Pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat ang konotasyon.
1. gunting
2. alitaptap
3. ostiya
4. bagyo
5. sinigwelas
6. B
7. D
8. B
9. A
10. C
11. A
12. A
13. A
14. B
15. A
16. A
17. A
18. C
19. A
20. D
21. C
22. D
23. A
24. C
25. B
26. MALI
27. TAMA
28. TAMA
29. MALI
30. TAMA

You might also like